Kabanata 2.2: IKULONG AT PROTEKTAHAN

KINABUKASAN…

Nagising si Joy at pumunta sa bintana habang humihikab, saka siya nag-inat. Napansin niya ang isang batang lalaki na tumatakbo sa hardin palabras sa likod ng bahay.

Sinigurado ni Liel na walang makakakita sa kanyang paglalayas. "Ayoko nang tumira sa bahay na ito! I hate my dad! I hate them all!" sabi niya habang tumatakbo sa taniman.

"HOOOY! SAAN KA PUPUNTA? SABI NI SIR CHARLES HINDI MAAARING LUMABAS NG BAHAY NG WALANG KASAMANG NAKAKATANDA!!!" sigaw ni Joy sa kanya.

“UMALIS KA NA! IT'S NONE OF YOUR BUSINESS!" sigaw ni Liel pabalik.

“BUSINESS?? ANO IYON???” Tanong ni Joy.

"WHATEVER! WAG MO AKONG SUNDAN! GET LOST!!!" Mabilis na tumakbo si Liel nang hindi tumitingin sa unahan. Hindi niya namalayan na may bangin at muntik na siyang mahulog. Buti na lang at saktong nahawakan ni Joy ang kamay niya.

"Bakit ang bigat mo? Nawalan ba ako ng kapangyarihan?" pagtataka ni Joy.

"Sinumpa ka ng nanay mo! Tingnan mo yang buhok mo!" Sabi ni Liel.

Sinulyapan ni Joy ang buhok niya at napansin niyang umikli ito. Iba rin ang kulay.

"EEH-EEEHHH! Hoy! Wag mo nga akong gambalain habang nililigtas kita!" Sinubukan ni Joy na gamitin ang kanyang kapangyarihan para buhatin si Liel.

"Then let go of me! Tutal wala naman silang pakielam sakin" sigaw ni Liel.

“MALI KA! Lahat sila ay nagmamalasakit sa iyo, lalo na ang iyong Ama! Mahal ka nilang lahat!" sabi ni Joy.



Sa bahay naman...

"MAAAMAAAAAH!" sigaw ni Peach.

Nagmamadaling pumunta sina Mina at Charles sa kwarto ng mga bata at nakita nila si Peach at Ian na umiiyak. Binuhat ni Mina si Ian at tinanong si Peach, "Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari!?”

"Yung - yung mga kuko ko sa paa!. Wala na po lahat! Waaaaaah!" Sigaw ni Peach.

Tapos biglang nagising din si Sarah. "A-ano pong nangyayari?” Kinusot niya ang mga mata niya habang humihikab, pero pagbukas niya ay parang malabo ang lahat. "E-eeehhh!?" Kinusot niya muli ang kanyang mga mata. "Bakit hindi na ko makakita!?" Umiiyak na din siya ngayon.

"Mina, anong nangyayari?" tanong ni Charles.

"Ito marahil ay epekto ng ritwal!?" Tinignan ni Mina si Ian, pero mukhang okay naman siya.


"TINGNAN MO!" Itinuro ni Charles ang kanilang anino sa sahig.


"Hindi ito maaari! Ang anino niya, WALA NA ITO!" Tumulo ang luha ni Mina.

"SIR CHARLES! SIR CHARLES! ANG YOUNG MASTER! WALA SYA SA KANYANG KWARTO!" Nagpanic na si Manang. Lahat ng tao sa bahay ay naghanap.

"Wala rin si Joy. Nasaan kaya sila?" sabi ni Mina.

"Wala sila sa bahay o sa hardin," dagdag pa ni Manong Ben.

Biglang naramdaman ni Mina na sinusubukan ni Joy na gamitin ang kanyang kapangyarihan. "Charles, sumunod ka sa akin!" Wika niya.





"Waaaah! Nakakapagod yun!" Napahiga si Joy sa lupa, sinusubukang habulin ang kanyang hininga.

“Bakit? BAKIT MO AKO INILIGTAS??!!" Sigaw ni Liel habang umiiyak at nanginginig.

"Kasi..... KASI GUSTO KONG ILIGTAS KA!" Balik na sigaw ni Joy sa mukha ni Liel. "At alam kong malulungkot si Sir Charles kapag may mangyari sayo na masama. Kaya bumalik na tayo sa bahay, maaari ba?" dagdag niya sabay abot ng kamay kay Liel.

Halos hindi makatayo si Liel. Sumakit ang tuhod niya dahil sa nangyari, kaya inalok siya ni Joy na buhatin sa likod nito. "Huwag kang magalala, lagi kong ginagawa 'to sa mga kapatid ko! Hehe," wika nya.

Nag-alinlangan si Liel, pero wala siyang nagawa dahil binuhat na siya ni Joy. "Nga pala, Joy ang pangalan ko. Yan ang tawag sa akin ng tatay mo. At ang pangalan mo ay..... L-li-la-Ledric!?"

"Ahaha! Tawagin mo na lang akong Li!" Sabi ni Liel.





"JOY!" sigaw ni Mina.

“Liel, my son!” sigaw din ni Charles.

Tumakbo silang dalawa pagkatapos nilang makita sina Joy at Li sa likod ng halamanan.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Mina.

"Liel, you made me worried sick! Nasaktan ka ba? Dalhin kita sa ospital!" sabi ni Charles. Namangha si Liel sa pag-aalala ng kanyang ama sa kanya, at ngayon ay napagtanto niyang tama si Joy.




__________________________________________________
Itutuloy sa susunod na kabanata!
---------------------------------------------------------------------------------

INIHAHANDOG ANG ILUSTRASYON NA IPINASA PARA SA DECEMBER RAMBULAN 2024

undefined

Lineart Version of "Joy Marie Malaya in Santa Clause Costume eating a Special Bibingka"

TenTenJOY03 Creator

A/N: Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta at pagbasa sa nobelang "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" na likha ni TenTenJOY03 na ngayon ay kilala na bilang Chlaos Kurusagi. Bukod sa Tagalog na bersyon na ito ay libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito. Abangan ang mga bagong kabanata tuwing Rambulan o unang linggo ng buwan! 😊