ELEMENTALIA: TALE OF THE ELEMENTAL GUARDIANS (TAGALOG VERSION)

Kabanata 3.1: ANG PANGAKO


"Kumportable ka ba sa suot mong salamin, Sarah?" Tanong ni Charles pagkatapos isuot kay Sarah ang kanyang bagong salamin sa mata na binili nito para sa kanya.

"Tila kakaiba po sa pakiramdam sa umpisa... Ngunit mas malinaw na po ang aking paningin at nawala na rin po ang aking pagkahilo. Maraming salamat po!" sagot ni Sarah.

"Hindi. Ako ang dapat magpasalamat sa inyong lahat, lalo na kay Joy. Iniligtas mo ang buhay ng anak ko. Maraming salamat!" sabi ni Charles kay Joy bago niya ito niyakap.

Biglang may narinig silang kumakatok sa pinto. "Sir, may bisita po kayo," sabi ni Manang.

"Tama! Muntik ko nang makalimutan. Papasukin mo siya para maipakilala ko siya sa kanila." sabi ni Charles habang nakangiti.

Bumalik si Manang kasama ang isang medyo may edad na babae sa kanyang tabi.

"Ipinakikilala ko sa inyo, siya ay si Miss Yuriko Fujima ang inyong magiging tutor o guro mula ngayon. Miss Fujima, sila ang iyong mga estudyante at kasama na rin po siya." Tinuro ni Charles si Mina.

"Hah? A-ako din...?" Naisip ni Mina na masyado na siyang matanda para maging isang estudyante pa ng klase na para kindergarten. "Ah-Hello sa inyong lahat! Ikinagagalak ko kayong makilala!" bati ni Yuriko sa lahat.

Mula sa araw na iyon, itinuro sa kanila ni Yuriko ang lahat ng kailangan nilang matutunan tulad ng pagbabasa, pagsusulat, pagbilang, pagguhit at marami pang iba. Kasama sa lahat ng klase nila si Mina bilang isang espesyal na estudyante. Sa hapon naman, nagsagawa sina Yuriko at Mina ng isang espesyal na klase para sa pangkalahatang kaalaman.

Tinuruan niya si Mina kung paano gumamit ng mga appliances tulad ng vacuum cleaner. “Kinakain ng vacuum cleaner na ito ang aking damit ko!” bulalas niya, habang nakadikit palda niya sa hose nito.

Tinuruan din siya ni Yuriko kung paano gamitin ang TV. "Anong mahika ang ginagamit ng kahon na ito? Marami itong nakuhang tao sa loob! Iligtas natin sila!" Sabi ni Mina habang nanonood ng TV.

Natutunan din ni Mina kung paano gumamit ng telepono. “Huh? Nasaan si Charles? Naririnig ko siya pero hindi ko siya nakikita!” sabi ni Mina.

At paano gumamit ng cellphone. “Teka, ito ba ang laruang laging pinaglalaruan ni Liel? Nagpapakita ito sa kanyang ama! Ako ba ang kausap niya?" sabi ni Mina habang naka video call kay Charles.

Sa huli, tinuruan siya ni Yuriko na gumamit ng computer. “N-nahihilo ako. Alin ang dapat kong i-click muli? Wala akong nakikitang daga na tumatakbo!" sabi ni Mina habang sinusubukang mag-type sa computer.

Gayunpaman, ang teknolohiya ay tila napakahirap para sa kanya...





"Halina at kumain, handa na ang pagkain!"

Tinawag sila ni Charles upang magtanghalian.

Sa hapag kainan, tinanong ni Charles ang mga bata kung ano ang natutunan nila kay Yuriko.

"Ako po! Ako po! Natuto po akong gumuhit! At ito po ang family picture natin na ginawa ko po para lang sa inyo!" sabi ni Peach, habang ibinibigay nya ang drawing kay Charles.

“Napakaganda nito, Peach! Salamat!" sabi ni Charles.

"N-Natutunan ko po ang pagbasa, at katatapos ko lang po basahin itong story book," sabi ni Sarah habang ipinapakita ang libro.

"Makapal na libro 'yan! Matalino ka Sarah!" Namangha si Charles kung gaano kabilis natuto ang mga bata.

"Kamusta naman sila Liel at Joy?" Sunod sunod na tanong ni Charles.

Sumagot si Miss Yuriko, “Isang henyo si Liel! Lalo na sa matematika. Kaya niyang lutasin ang anumang kumplikadong mga katanungan sa matematika na ibinigay ko sa kanya. Habang si Joy naman ay nahihirapan na matutong magbasa at magsulat.”

Nakaramdam ng hiya si Joy, pero hinawakan ni Liel ang kamay niya at pinisil iyon.




________________________________________________
Itutuloy sa susunod na parte ng kabanata!
---------------------------------------------------------------------------------


INIHAHANDOG ANG ILUSTRASYON NA ITINAMPOK SA KASALUKUYANG RAMBULAN POSTER JANUARY 2025

undefined

Character Name: 

Julian "IAN" Malaya , sa kanyang ikalawang anyo.

TenTenJOY03 Creator

A/N: Hello po sa mga readers! Nagbabalik po si TENTENJOY03 bilang Chlaos Kurusagi ang author ng nobelang ito na may titulong "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" ngayon ay may tagalog/taglish version na! Libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito sa bersyon na ito. Abangan ang mga bagong kabanata tuwing Rambulan o unang linggo ng buwan! 😊