Kabanata 2: IKULONG AT PROTEKTAHAN
Umiyak si Mina at ang mga bata dahil naalala nila ang hirap na pinagdaanan nila bago sila matagpuan ni Charles. Niyakap ni Charles si Mina habang tinatapik ang likod nito at sinabing, "Nakikiramay ako sa inyo at nararamdaman ko rin ang nararamdaman nyo ngayon dahil kamailan lang ay namatayan din ako ng asawa." Tapos niyakap din niya ang mga bata.
Sinabi rin ni Mina ang nangyari kina Manang, Manong Ben at Mr. Chef. “Ang dahilan ng lahat ng ito ay ang kapangyarihan nila?” tanong ni Charles.
“Opo Sir Charles. Sana po ay patawarin niyo po kame!?” paghingi ng paumanhin ng mga bata.
"Okay lang. Malapit na silang magising. Ang problema alam na nila na may kapangyarihan kayong tatlo," wika ni Charles.
“Ano po ba ang mangyayari kapag malaman ng ibang tao na may kapangyarihan po kame?” tanong ng batang si Sarah.
"Matatakot o pagkakaguluhan kayo ng mga tao. Huhulihin o maaari nila kayong saktan," sabi ni Charles. "Grabe naman! Ayaw ko pong mangyari samin iyon " Umiyak si Peach at natakot ang mga bata.
"Gagawin ko ang lahat para hindi ito mangyari sa inyo aking mga anak" Saad ni Mina sa mga bata.
"Anong ginagawa mo dito sa veranda, Mina?" tanong ni Charles kay Mina, noong gabing iyon. Siya ay gumuhit ng isang malaking bilog at ilang linya sa sahig gamit ang isang piraso ng uling, at may maraming kandila sa paligid nito.
"Naghahanda ako para sa aking isasagawang ritwal. Ang ritwal na ito ay magkukulong sa kapangyarihan ng aking mga anak upang hindi nila ito magamit nang hindi sinasadya habang pinoprotektahan din sila nito mula sa masasamang nilalang," paliwanag ni Mina.
“At anong ginawa mo kina Manang at sa iba pa? Mukhang wala silang maalala tungkol sa nangyari sa kanila kanina?”
“Tinanggal ko ang parte na iyon ng kanilang ala-ala. May kakayahan akong kontrolin ang isip ng mga tao.” Sagot ni Mina.
“Kahanga-hanga ang iyong kapangyarihan, pero pakiusap ko lang huwag na huwag mong gagamitin yan sakin ha!?” wika ni Charles.
Napatawa si Mina. “Oo naman!”
"Ngayong kabilugan ng buwan ang pinaka naaayong panahon upang isagawa ang isang ritwal, ngunit nangangailangan pa ko ng ilang materyales bago ko ito masimulan." patuloy ni Mina habang tinatapos ang pagguhit. "Anong materyales ang kailangan mo?" Nagtatakang tanong ni Charles.
Naging seryoso ang ekspresyon ni Mina. "Kailangan ko ng parte ng katawan nila," wika niya na tila nananakot.
“Na-nagbibiro ka lang ta-tama??”
Natawa si Mina sa reaksyon ni Charles bago sila tumungo sa kwarto ng mga bata.
“Kailangan ko ng ilang hibla ng buhok ni Joy, pilikmata ni Sarah at ilang putol ng kuko sa paa ni Peach. Sa aking sanggol na anak na si Ian ay kakailanganin ko ng ilang patak ng kanyang dugo dahil hindi ko pa alam kung ano ang kanyang kapangyarihan.” Hinugot ni Mina ang isang maliit na kutsilyo.
“Teka, wag mong gamitin yan! Gumamit ka na lang ng gunting, nail cutter, at karayom,” mungkahi ni Charles.
Matapos makuha ang mga materyales mula sa tatlong batang babae, binalot ito ni Mina ng hiwalay gamit ang isang papel na may kakaibang simbolo. Pagkatapos ay tahimik silang pumunta sa crib ni baby Ian. "May paraan ba para hindi mo siya masaktan. Baka kasi magising ang baby." tanong ni Charles.
“Oo, paparalisahin ko lang sandali ang paa niya,” sabi ni Mina. Kumikinang ang kamay niya nang hawakan niya ang paa ni baby Ian, pagkatapos ay tinusok niya ng karayom ang sakong nito, at hinayaang tumulo ang dugo sa papel.
Sa labas, sisimulan na ni Mina ang ritwal nang tanungin siya ni Charles, "Bakit kailangan mo ang lahat ng ito?”
"Para maging epektibo ang ritwal, kailangan ko ng parte ng katawan nila na sumisimbolo sa kapangyarihan nila. Pero hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng ritwal na ito sa kanila. Baka magalit sila sa akin dahil dito," nag-aalalang sabi ni Mina.
“Huwag kang mag-alala. Sigurado akong maiintindihan nila,” sabi ni Charles.
Upang simulan ang ritwal, inilagay ni Mina ang bawat papel nang hiwahiwalay sa gitna ng bilog na kanyang iginuhit pagkatapos ay paulit-ulit na binibigkas ang kanyang orasyon habang sinusunog ang mga ito. "Sa ilalim ng buwan, pakinggan ang aking kahilingan. Sila'y inyong proteksyonan at itago ang kapangyarihan, gang sumapit ang pangangailangan." Pagkatapos ay inilagay niya ang bawat abo sa magkakahiwalay na bote.
"Ipapainom natin ito habang natutulog sila," sabi ni Mina, ngunit mukhang nag-aalala talaga siya.
"Tutulungan kitang magpaliwanag sa kanila kapag nagising na sila, kaya huwag kang mag-alala." Hinawakan ni Charles ang mga kamay niya.
“Maraming salamat sa pagtulong mo sa amin!” sabi ni Mina habang nakatingin sa kanyang mga mata.
__________________________________________________
Itutuloy sa susunod na parte ng kabanata!
---------------------------------------------------------------------------------
INIHAHANDOG ANG LIKHANG ILLUSTRASYON NG AUTOR PARA SA RAMBULAN #50 NOV. 2024
Itinatapok si Sarah na nakabihis bilang diwata o lambana ng tubig.
A/N: Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta at pagbasa sa nobelang "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" na likha ni TenTenJOY03 na ngayon ay kilala na bilang Chlaos Kurusagi. Bukod sa Tagalog na bersyon na ito ay libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito. Abangan ang mga bagong kabanata tuwing Rambulan o unang linggo ng buwan! 😊