Kabanata 3.2: ANG PANGAKO
"Ngunit sa aming nayon, bukod sa iba pang mga bata, si Joy ang unang nakabasa ng Libreta. Ang ibig ko sabihin, ay siya ang unang nakapagbasa sa llibro ng kanyang ama," sabi ni Mina.
"Mina, pwede mo bang ipakita sa amin kung paano ka magsulat?" hiling ni Charles. Binigyan siya ni Yuriko ng panulat at papel saka nagsimulang magsulat ng mga simbolo si Mina at ipinakita ito sa kanila.
"Sa tingin ko nakita ko na ito dati," sabi ni Charles.
“Yan po ay ang Baybayin. The Filipino ancient script,” paliwanag ni Yuriko.
Pagkatapos noon, nagsimulang gamitin ni Yuriko ang Baybayin para turuan ang mga bata.
"Yey! Tapos na ako sa assignment ko! Tara, laro tayo," sabi ni Joy sa mga kapatid.
"Sorry, Ate Joy. Gusto kong tapusin itong science book," sabi ni Sarah.
"Focus ako sa drawing ko ngayon eh. Sorry Ate!" Paghingi din ng paumanhin ni Peach.
Nalungkot si Joy pero hinawakan ni Liel ang kamay niya at hinila siya pasunod sa kanya.
"Halika! May alam akong magandang lugar para maglaro!" Sabi ni Liel.
Pagkatapos ng 5 Taon.....
"Hoy, Li?! Bakit kailangan mong takpan ang mga mata ko?" tanong ni Joy.
Dinala siya ni Liel sa lawa malapit sa taniman. Naging hideout nila ang lugar na ito mula pa noong mga bata pa sila, at kahit na ngayong 12 years old na sila ay dito pa din sila madalas tumambay.
“Ganitong araw tayo unang nagkakilala, hindi ba!? Kaya may inihanda ako para sayo. Pwede mo na sya tanggalin!” Wika ni Liel.
Ginawa nga nya at nakita ni Joy ang isang palamuting hugis arko sa bukana ng lawa. Ginawa ito gamit ang mga kurtina at may mga bulaklak na kulay rosas at puti. Sa likod noon ay ang magandang lawa na may mga lily pods at lotus, tumatalon na isda at nagliliparang mga paru-paro.
Nanlaki ang mga mata ni Joy sa pagkamangha.
“NAPAKAGANDA NAMAN! Ginawa mo ba lahat ng ito?" Namula si Liel.
“Actually, tinulungan ako ni Manong Ben. Anyway, nagustuhan mo ba?"
"OO! Sobrang nagustuhan ko!” Bulalas ni Joy.
"Good! Tapos isuot mo 'to." Nilagay ni Liel ang isang belo ng bulaklak sa kanyang ulo saka lumuhod sa kanyang harapan habang nag-aalok ng isang maliit na kahon. May pink diamond ring sa loob nito na hugis cherry blossom flower.
"Ito ang mahalagang singsing na ibinigay sa akin ng aking ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin ay ibigay ko ito sa espesyal na babae na gusto kong makasama habang buhay.” Inilagay niya ito sa palasingsingang daliri ni Joy. "Iyon ang dahilan kung bakit ko ito ibibigay sa iyo."
Tumayo si Liel at mariing tumitig sa mga mata ni Joy. "Tanggapin mo ito bilang simbolo ng aking pangako: na kahit anong mangyari, at kahit na hindi payagan ng mundo, gagawin ko ang lahat para lang makasama ka.”
"Tinatanggap ko," bulong ni Joy.
Hinubad niya ang kanyang kwintas at inilagay sa leeg ni Liel.
"Ang kwintas na ito ay ang tanging alaala ko mula sa aking ama, at ngayon ay ibinibigay ko ito sa iyo bilang simbolo ng ating pangako. Na, kahit pa kalimutan natin ang araw na ito, ang kwintas na ito ay palaging gagabay sa atin pabalik sa isa't isa."
Lumapit sila hanggang sa magdikit ang kanilang mga ilong at sabay na binigkas ang mga katagang,
"At mamumuhay tayong maligaya nang magkasama habang buhay.”
Mayamaya sa bahay...
“Where is my Dearest Liel Cedric? Dalhin niyo siya sa akin!" sabi ng sopistikadang matandang babae na may mga gintong alahas.
Nakita siya ni Joy at nakangiting lumapit. "Naliligo po ngayon si Li. Kagagaling lang po kasi namin sa paglalaro," wika ni Joy.
"At bakit naman makikipaglaro ang aking Liel sa isang hampas lupang tulad mo?" Pagkatapos ay nakita niya ang singsing sa daliri ni Joy "Ibigay mo yan sa akin, magnanakaw ka!" Hinawakan ng ginang ang braso ni Joy at hinubad ang singsing nito.
"Nagkakamali po kayo! Ibinigay po sakin yan ni Li!" sigaw ni Joy. Narinig sila nina Charles at Mina kasama ang kanyang mga kapatid, at nakita nilang nasasaktan si Joy dahil sa sobrang higpit ng hawak ng ginang sa braso niya.
“Mom, please let her go!” Pakiusap ni Charles sa kanyang Ina.
Nanlisik ang mata nito ng makita nya si Mina sa tabi ng kanyang anak.
“Charles, we need to talk! NOW!”
Umalis sina Charles at ang Ginang.
Niyakap naman ni Mina si Joy upang patahanin.
Sa kwarto ni Charles...
"So orphanage na pala ang mansion na 'to? What were you thinking bringing those beggars in here? Sila ba ang dahilan kung bakit ayaw mong bumalik sa Paris?" Wika ng Ina ni Charles.
"Hindi sila pulubi! Pamilya na ang turing ko sa kanila at hindi ako pupunta kahit saan ng wala sila. Nang wala si Mina!" sagot ni Charles.
"Nababaliw ka na ba? Palayasin mo sila bago ko pa sabihin sa iyong Ama ang tungkol dito!" Utos ng mama ni Charles.
"No! I will never do that! Mahal ko si Mina!" sigaw ni Charles. Labia ang pagkabigla ng Ginang sa sinabi ni Charles.
Di sinasadyang marinig ni Mina ang lahat kaya siya ay nagtago kalapit na kwarto. Habang nakatakip ang kanyang bibig ay mabilis na bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ang panghihina ng kanyang katawan.
Hindi man lang niya napansin na nahuhulog na ang loob ni Charles sa kanya. At ngayong nagtapat na si Charles ng kanyang nararamdaman, magkahalong saya at lungkot naman ang nararamdaman ni Mina.
________________________________________________
Itutuloy sa susunod na parte ng kabanata!
---------------------------------------------------------------------------------
INIHAHANDOG ANG ILUSTRASYON NA ITINAMPOK SA KASALUKUYANG RAMBULAN POSTER FEBRUARY 2025
A/N: Hello po sa mga readers! Nagbabalik po si TENTENJOY03 bilang Chlaos Kurusagi ang author ng nobelang ito na may titulong "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" ngayon ay may tagalog/taglish version na! Libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito sa bersyon na ito. Abangan ang mga bagong kabanata tuwing Rambulan o unang linggo ng buwan! 😊