undefined

Kabanata 4.1: HUWAG MO AKONG IWAN


Lumabas ng kwarto si Charles matapos ang mainit na pakikipagtalo sa kanyang ina. Nakita niya si Mina na umiiyak sa di kalayuan.

"Mina, narinig mo...?”

"Pa-pabayaan mo muna akong mapag-isa, pakiusap." sabi ni Mina, ibinaba niya ang tingin niya para iwasan ang mga mata ni Charles. Tapos tumakbo siya palayo.
Hindi alam ni Charles ang gagawin. Dapat ba siyang habulin o hindi?

Nang gabing iyon, nakita niya si Mina sa veranda.
"Kanina pa kita hinahanap!" sabi niya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nagdarasal ako kay Bathala upang ako ay kanyang gabayan," sabi ni Mina habang nakapikit pa rin.

"Alam kong narinig mo ang lahat, at iyon ang tunay na nararamdaman ko." Hinawakan ni Charles ang kamay niya habang nakatingin sa mga mata ni Mina.

Namula ang mukha ni Mina. "Charles."

"Mahal mo rin ba ako?" tanong niya.

"H-hindi ko alam!”

Tumalikod si Mina sa kanya.

"Ang pagpapakasal namin ng nanay ni Liel ay ipinilig lang ng aming mga magulang. Pero simula nang ipanganak si Liel ay naging masayang pamilya kami." Niyakap ni Charles si Mina. "Pero nahulog na ako sayo simula pa lang nung una kitang makita."

Hinarap ni Mina si Charles at tinitigan ang mga mata nito.

"Nahulog na rin ang loob ko sayo... Ngunit mas mahal ko pa rin ang asawa ko, kahit hanggang ngayon." Umiwas ng tingin si Mina.

"It—It's o-okay! Gagawin ko ang lahat para mahalin mo din ako!" Desperado na sabi ni Charles. Tapos hinalikan siya ni Mina, at bigla siyang nakatulog.

"Paumanhin Charles," bulong ni Mina.

Matapos dalhin ni Mina si Charles sa kanyang kwarto at pahigain, tahimik siyang pumunta sa kwarto ni Liel.

"Patawarin mo ako, Liel." Hinalikan niya si Liel sa noo nito habang natutulog. Pagkatapos ay bumagsak ang kanyang mga luha.




Kinabukasan…..

Tila abala ang lahat sa bahay nang umagang iyon, at nagtaka si Joy kung bakit wala si Liel sa kanyang silid. "Nasaan si Liel?" Wika ni Joy. "Kailangan kong sabihin sa kanya kung ano ang nangyari sa singsing na ibinigay niya sa akin.”

Hinanap niya ang bawat silid sa ikalawang palapag, ngunit hindi niya ito makita.

Sinubukan niyang tumingin sa labas ng bintana at nakita niya si Manong Ben na may bitbit na dalawang malalaking bagahe na inilagay niya sa likod ng sasakyan. Maya-maya nakita niya sina Charles at Liel na paakyat sa loob ng sasakyan.

"Hindi! Hindi ito maaari!”

Tumakbo si Joy sa abot ng kanyang makakaya, ngunit nakaalis na ang sasakyan.

"Huwag! HUWAG MO KONG IWAN, LIEL!" sigaw ni Joy. Napaluha siya at napaluhod.

"Ate?" Sabay na sabi nina Peach at Sarah matapos siyang makita.

"Tahan ka na Ate, pakiusap." sabi ni Sarah.

"Kailangan na nating umalis, at lahat ng ito ay dahil sa masamang mangkukulam!" galit na galit na sabi ni Peach.

"Peach, huwag mong sabihin iyan," sabi ni Mina. Ang mga kapatid na babae ni Joy ay may dalang mga bag, at ang kanilang ina ay may mas malaki pa sa kanang kamay habang hawak-hawak si Ian sa isa pa. May narinig silang pumapalakpak.

"I'm glad that I don't need to kick you all out of this mansion by myself. At dahil mabait pa rin ako sa mahihirap, heto!" Binato ng nanay ni Charles si Mina ng maraming pera "Kunin mo at huwag nang bumalik!" Tapos pumasok siya sa mansion, habang tumatawa.

“Halina kayo, aalis na tayo,” sabi ni Mina sa kanyang mga anak.

Gustong kunin ni Peach ang pera, ngunit hinawakan siya ni Sarah at si Joy ay sinundan ang kanilang ina.

"Mama, saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Sarah.

"Hindi ko alam." sagot naman ng kanyang ina.


________________________________________________
Itutuloy sa susunod na parte ng kabanata!
---------------------------------------------------------------------------------


INIHAHANDOG ANG ILLUSTRASYON NA GAWA NG AUTHOR NA ITINAMPOK SA KASALUKUYANG RAMBULAN….

undefined

WEBKOM RAMBULAN 54 ENTRY (March 2025)

Theme: SUMMER GALAXY 

Published Title: ELEMENTALIA: Tail of the Elemental Guardians (Tagalog Version)

Link: https://webkomph.com/novels/elementalia-teg-tagalog-version

Character Name: KIRA JAY PEREZ

undefined

WEWBKOM RAMBULAN POSTER #54 (MARCH 2025) by. Raykosem

TenTenJOY03 Creator

A/N: Hello po sa mga readers! Ako po si TENTENJOY03 na ngayon ay kilala na bilang Chlaos Kurusagi ang author ng nobelang ito na may titulong "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" na ngayon ay may tagalog/taglish version na! Libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito sa bersyon na ito. Abangan ang mga bagong kabanata tuwing Rambulan o unang linggo ng buwan! 😊