Malamig na pakiramdam at basa na katawan, tunog nang mga bala at pag sabog ang aking naririnig. Pag dilat ko mga patak nang ulan ang tumatama sa aking mukha. Kislap nang baril ang aking nakikita sa kanan ko. Dahan-dahan  akong tinatawag sa aking pangalan.

"Cj gising.... Cj  gumising kana.!!!.."

  Bigla kong naalala na nasa kalagitnaan kami nang isang gyera at pilit akong tumayo. Kinukuha ko ang aking espada na nakalagay aking tagiliran para gawing tungkod. Sabay nang paglaglag at kasa nang magazine ni nicoh at pinaputukan ang nasa kabilang panig nang kagubatan.

  "Nicoh sakit nang tenga ko ano ba kasing nangyare"

  Sabay tingin sa kaliwa’t kanan dahil hinahanap ko sila Glenn at Kim. Tinanong ko si Nicoh at muntik na ko mahagip nang bala ng kalaban. Mapuputol na ang puno na aking harang. Kinasa ulit ni nicoh ang kanyang baril at nag salita sabay nang pagkalabit nang gatilyo.

"Si Glenn nasa dulo ng gubat nato naghahanap ng pwesto. Si Kim bigla nalang nawala. 10 minuto ka nakahiga pinahirapan moko."

  Galit na galit na sinabi ni nicoh at walang humpay na pag baril. Tinuro nya sakin ang kalaban na nakatago sa mga malalaking puno. Dalawang attacker at isang shooter. Nacontact na ako ni Glenn at si Nicoh naman ay nagbigay na nang utos.

  "Cj... mag hahahigis ako nang smoke screen tapos lumusob ka na nang direkta."

  Napaisip ako sa sinabi nya at nilabas ko na ang aking bagong espada at patagong tumitingin sa kalaban Nagulat ako at sinabi ko sakanya.

  "Haah?.....suicide ata yun!"

  Huminto sa pag baril si Nicoh at galit na nag salita.

  "Anong ha?.... matapos kitang protektahan  basta sundin mo nalang..."

  Wala akong magawa kundi sumunod nalang at Mag-antay nang sensyas... Hinagis nya na ang smokescreen pabulusok akong sumugod sa malaking usok at biglang may talim na sumulpot sa aking harapan gulat ako na sinangga at kislap lang nakikita sa usok.

  "Cj ilan kalaban mo?"

  Mabilis na sinabi ni Nicoh bahang nakikipag barilan sa shooter

  "Isat....."   Biglang may sumulpot na isang espada na sobrang tulis at patusok sa aking dibdib dali dali ako nakapag shield pero sa sobrang bilis ay nasira ito. Mabilis nalang akong umilag at napa atras palayo sa kalaban. Sinabi ko ulit kay nicoh kung ilan ang kalaban ko habang umiilag sa matulis na espada nang kalaban. Unti-unti nang nawawala ang usok. Dahan dahan ko nang naaaninag ang mga kalaban at nagulat ako dahil mahahaba ang kanilang buhok ang ibig sabihin ay mga babae sila. Biglang sumigaw si Nicoh.

  Cj alis ka na dyan!!!

  Nabingi ako sa sinabi ni nicoh at mabilis akong umatras paalis sa numinipis na usok. Biglang isang maliwanag na ilaw ang humagip sa aking buhok sabay nang pagyuko ko at biglang may sumabog sa aking likudan. Tumalsik ako sa harapan ni nicoh bumutas nang malaki sa lupa ang malakas na pag-sabog. Dahan dahan naming nakita ang mga katawan nang kalaban na butas-butas ang katawan at ang isa may nahati sa dalawa. Tatanungin ko sana si nicoh kung siya ba ang gumawa noon pero bigla nya akong hinatak. Pinaulaaan kami nang bala nang kalaban

  “Si Glenn yon.

  Biglang may putok kaming narinig malapit sa kalaban at kasabay noon ang pag hinto nang pag baril sa amin. Dali dali nag kasa si Nicoh at sinabihan kami ni Glenn na tumakbo na paalis.

  "May ibang mga grupo baka hanapin tayo.Tara na Cj puntahan natin ni Glenn."

Pag-aya nyang sinabi at mabilis kaming tumakbo paakyat nang matarik at madulas  daan sa bundok dulot nang pag ulan. Habang tumakbo tinanong ko kung bakit ganon nalang ang nangyari kanina at naglalaban na kaagaad. Sinabi niya na pag kagising nilang dalawa ni Glenn ay wala na si Kim at nang gigising na dapat nila ako ay biglang silang nakita nang mga kalaban at pinagbabaril sila. Buti nalang ay hindi sumugod ang mga attacker na kalaban dahil alaka nila maraming kabalan. Habang tumatakbo at nang uusap ay unti-unti na namin nakikita ang lawak ng  mapa na pinagdadausan nang first round event. Nakikita ko ang mga ilaw nang mga bahay na kala mo may mga tao sa loob pero wala naman at mga nagtata asang gusali sa malayo. May dalawang malalaking tulay sa magkabilang panig. Sa Ilalim ay rumaragasang tubig papunta sa kabilang kabahayanan na baha na. Napapansin ko na mataas na ang aming naakyat at nakita namin si Glenn na nakahiga at naka tago sa mga pinagpatongpatong na dahon at mga halaman.

    -Cjp00
cjp00 Creator