[Game 873]

  Ilang araw narin ang lumipas nang nalaman namin na isang candidate si Kim bilang G.M. Maraming nagbago noon nangyari iyon mas nakakausap na namin siya nang mabuti, pero di parin nawawala ang pagiging solo niya sa laban.

Nasa isang syudad kami ngayon at nakikipaglaban. 0-1 na ang score pabor sa kalaban. Ang mga kalaban namin ay isang attacker-helberg user, isang sniper at dalawang shooter. Ang isa naman naming kasamahan na attacker ay na force logout dahil sa bagal nang connection.

Sobrang liwanag nang araw at ang init. Nasa isang bahay ako at nagpapahangin sa bentelador ng makita ko si Kim na kinakalaban ang dalawang attacker. Pupuntahan ko na sana ng biglang nasira ang pader at isang malaking helberg ang dumaan sa harap ko at tumama sa bentelador.

    "Ahh Cj ano ba umayos ka nga!"

 

  Galit na sinabi sakin ni Glenn sa RED habang tinutulungan si Kim sa kalaban.

    "Glenn!!!?...ano to bakit parang may desing ung helberg nya!"

    Nang biglang sumugod ang malaking lalaki at tutusukin ako na kanyang helberg pinatama ko ang aking espada at pinadaplis ko ito para di tumama. Gumamit ako nang skill para matalo ko sya nang biglang may lumabas na shield at sinuntok niya ako sa mukha sa sobrang lakas tumama ako sa pader at nabutas ito. Napunta ako sa sala dahil sa lakas pero nakatayo parin ako.

    "KATAPUSAN MUNA ATTACKER!!"

  "DI PA!!!"

    Bigla akong sumugod at gumamit nang skill at sinangga niya ito nang kanyang helberg sa sobrang lakas nang pag banggaan nakikislapan ang mga weapon naming. Napapaatras na ako nang biglang inikot niya ang kanyang helberg at ipinatama niya ang dulo na walang talim sa tiyan ko. Napaatras ulit ako iwinasiwas niya ang kanyang helberg para patamaan ako pilit kong sinasangga pero di ko kinakaya. Sa sobrang lakas nang nakarating ako sa sofa sa aking likuran. Tumalon ako at sabay kami gumamit na ng skill

    "DOUPLEX SPLINTER!! "

  "CROSS SPEAR!!"

  Mas mataas ang talon ko kesa sakanya. Umikot ako para hiwain siya pero di tumama. Tumama naman ang Skill niya sa aking balikad at naputol ang aking braso. Sa pagikot ko ulit tumama ang aking espada sa kanyang leeg at hiniwa ko ito pababa at parehas kaming natumba sa sahig.

  Tumayo ako at lumabas na ng nasirang bahay para ma-contact si Glenn at Kim nang biglang may isang bakal na pana ang tumama sa aking dibdin. Sa bilis nang pangyayari hindi na siya nakapag shield at natumba na lang. at nakikita ang player na may hawak na isang crossbow na may scope at  nawala na ako sa game at na teleport Nagulat si Glenn at Kim pilit na tinatapos ni Kim ang laban 1-2 na ang score at isang attacker nalang ang kalaban ni Kim nang biglang nakita ni Kim ang talim nang pana sa isang damuhan at mabilis na gumamit nang shield. Agad agad naman niyang sinabihan si Glenn.

    "Sa damuhan Glenn kita mo?"

    Nang makita ni Glenn ang damuhan gumamit siya nang skill at binaril ang kalaban nabutas ang katawan nang kalaban sa sobrang lakas. Napa lingon ang attacker sa kaniyang kasamahan at duon nakahanap nang tyempo si Kim at gumamit nang skill sa kalaban para manalo na sila.

    "Slash"

    4-2  ang score at ang nanalo ang team nila Glenn nateleport na sila sa chamber at lumabas at nakita nila si Cj na nagaabang.

  "Yeahh panalo tayo!"

  "Oo nga kaso namatay kana naman."

  Sabi ni Kim kay Cj. Pumunta sila sa isang kainan sa vr wars para mag break at mapagusapan ang susunod na hakbang sa paparating na warfere tournament pero iba ang nang nagyari…

  "Glenn ano yung kanina bakit crossbow ang dala niya."

  Tanong ni Cj kay Glenn habang si Kim naman ay nag babasa nang libro sa kanyang screen

    "Sabi ko nga sayo pwede baguhin ang mga weapon gamit ang rp."

  "So pwede rin yung sakin?"

  "oo naman kung may sapat ka na rp."

  Napaisip si Cj at tinignan niya ang kayang rp wallet.

  "Magkano ba?"

  "Ewan tanong mo kay Kim."

  Tinanong ni Cj si Kim at napaisip si Kim at nag suggest na pumunta nalang sa isang blacksmith shop sa 3rd floor. Dali-dali silang pumunta sa blacksmith  para makita ang presyo nang pag customize nang weapon. Nagulat sina Cj at Glenn nang makita nila ang shop at ang mga design  na naka display sa shop. Pumasok na si Kim kaya pumasok na rin ang dalawa. Lalo pa silang napahanga sa ibat ibang klase nang design pinakita ni Kim. Ang tindera na isang VAI o virtual artificial intelligence na isang babae ay parang isang tao na rin. Tinanong ni Cj ang presyo sa pag costomize. Nagulat siya dahil 100,000rp ang cutomize na weapon. Pero ang rp nya lang ay 2,568 kaya tinanong niya si Kim kung may mura at pinakita ni Kim ang mga murang cutomize sword at pati ang mga sales.

  "May mga sales pala eh di mo sinasabi."

  "akala ko ba sariling cutomize ang gagawin mo!"

  Tinignan ni Cj ang mga sword at nakita niya ang isang dark violet na katana.

  "Gaya-gaya ka naman nang weapon ehh."

  "Ang ganda kaya gusto ko to."

  Nang tinignan niya ang presyo nagulat siya dahil 2,799 ang presyo, kulang parin. Sinabihan naman sya ni Kim na siya nalang ang mag babayad nang 300 dahil tinulungan siya ni Cj noong nakaraan araw.

  "Yes may katana na ko salamat Kim!"

  "Buti nalang may sale."

  Napatingin si Cj sa katana at bigla nagsalita.

  "Alam mo Kim kakulay nang mga mata mo yung kulay nang katanang to ang ganda tignan."

    Nagulat si Kim sa sinabi ni Cj at hindi nila namalayang nawawala na pala si Glenn. Hinanap nila ito sa shop, nang nakita nilang kausap nito ang isang VAI sa tindahan at parang nakikipag ligawan. Iniwan nalang ni Cj at Kim si Glenn sa shop.

  "Oi saglit bakit nyo ko iiwan!"

  Pasigaw na tanong ni Glenn habang ang dalawa ay papalabas na nang shop. Sinagot naman ni Kim ang tanong ni glenn.

  "Syempre para maghanap nang member."

  "Oo nga at  matesting ko ung bago kong katana."

  Nang makalapit na si Glenn sa dalawa may sinabi si ito.

  "tungkol sa member…kase…"

    "ha.......!! ?"

  Nagulat ang dalawa sa sinabing balita ni Glenn.

  Martes nang umaga at breaktme non pumunta si Cj at Kim sa canteen para kumain at para na rin hintayin si Glenn. Habang nakaupo ang dalawa pinag titinginan sila nang ilang estudyante. Si Cj ay kumakain at si Kim naman ay umiinom nang juice. Nakita nila si Glenn pero nagulat sila na ng may kasama siya na isang estudyante na ka grade niya lumapit si Glenn at nag salita.

  "Guys na alala nyo si Nicoh ung nakasama natin dati?"

  Nagsalita si Cj habang si Kim naman ay nagbasa nang libro.

  "Wag mo sabihin sya si Nicoh?"

  Nagsalita namanang lalaking kasama ni Glenn.

  "Ako nga si Nicoh kumusta!"

  Nakangiti ito at may pagka brown ang buhok at mga mata nito. Magkasing tangkad rin sila ni Glenn. Inilapit niya ang kanyang kamay para makipagkamay. Umupo na ang lahat at nagpakilala si Nicoh sa tatlo.

  "Ako si Nicohlas Echigire, Nicoh nalang isa akong Phil-Am."

  Hangang-hanga si Cj kay Nicoh at nagpakilala rin siya, pati na rin si Kim. Si Glenn naman ay kumain na.

  "Bago palang ako kay medyo hindi pa ako marunong. Shooter nga pala ako at naka cutomize  ang baril ko. Isang rifle na may granade luncher. "

"Ahh! parang sa mga pelikula ni Rambo!!"

  Sabi ni Cj kay Nicoh at sumabat na rin si Glenn.

  "Salamat pala Nicoh noong laban sa pier kung wala ka doon talo na kami."

  Pangiting namang nag salita si Nicoh at binanggit ang pagsali nya sa team.

  "Wala yun nakita ko rin talaga ang tunay na nangyari. Soo sasali nyo ba ko sa team nyo?"

  Tumingin si Glenn kay Kim at Cj at parang nag kakaintindihan.

"Sige sasali ka namin magkakaroon kasi nang warfere tournament sa susunod na buwan at kailangan namin ng isa pang player para makasali. "

  Napaisip rin si Nicoh sa warfere tournament at nagsalita.

  "Oo nga!!

  Sakto rin na na sasali nyo ako gusto ko ding lumaban, pero maraming malalakas na team ang mga sasali lalong lalo na ung HATRED."

  "Ok lang yun maglalaro kami pag uwi namin sasama kaba?"

"Oo naman."

  At natapos na ang break at Nagsimula na ang panghapon na klase. Kinagabihan ng araw na yon nag simula na silang maglaro.

  Nasa isang syudad ulit kami na puno nang mga gusali. Ang kalaban namin ay isang attacker-knuckle, shooter ,at dalawang sniper. Madilim ang boung lugar kaya di madaling makita ang kalaban.

  Nacontact ni Nicoh si Glenn at nagkakitaan ang dalawa. Nasa  rooftop sila sa isang gusali at si Kim naman ay nasa isang parking lot na maraming kotse. Si Cj naman ay nasa isang condo unit malapit kila Glenn nang biglang nagkaroon sila nang point galing kay Kim, Natalo niya nang mabilis ang isang sniper. Habang si Cj naman ay naglalakad sa hallway nakita siya nang attacker-knuckle  at hiniwa siya. Mabilis na nakailag si Cj pero sinuntok siya gamit ang knuckel. Napa-ikot siya at napatumba. Sakto namang nacontack siya ni Glenn.

  "Cj ano yang ingay na narinig ko? May kalaban ka ba?"

Dahan-dahang tumayo si  Cj at bigla nalang sumugod ang kalaban at hihiwain ulit siya. Nag salita siya habang umiiilag sa mga atake nang kalaban.

  "O...okay lang... ako."

  Narinig ni Nicoh ang ang sinabi ni Cj pero, kinausap niya si Glenn dahil nagdududa parin si Nicoh sa laro nito. Kampante namang nagsalita si Glenn.

  "Wag kang mag alala may tinatagong galing yan si Cj."

  Biglang may nagpaputok sakanila na isang sniper. Dumapa ang dalawa at hinanap kung saan galing ang putok. Sinabihan ni Glenn si Nicoh na backupan si Cj dahil kaya na nya ang sniper. Dali-daling pumunta sa baba si Nicoh para hanapin si Cj. Sa kabilang banda nacontact na rin ni Kim si Glenn at sinabi ni Glenn ang tungkol sa sniper.

Puro galos at sugat ang inabot ni Cj dahil sa kalaban. Pinunasan niya ang kanyang bibig na may dugo at sumugod. Nag sanggaan ang kanilang espada pero sumuntok ang kalaban Nakagamit naman ng shield si Cj. Pinadulas niya ang espada nang kalaban para makalapit at sinipa niya ito. Natumba ang kalaban at medyo umatras si Cj. Sumugod ulit si Cj nang biglang may isa pang player ang lumitaw at gumamit nang skill.

  "Rapid Fire!"

  Pinaulanan si Cj nang maraming bala pero agad siyang naka-gamit nang shield at nakapag tago. Saktong  nakita siya ni Nicoh sa paliko nang hallway.

  "Ok kalang Cj? Dami mong galos !?"

Nakangiting sumagot si Cj kay Nicoh habang bumabaril ito.

  "Ang saya neto !!!"

  Nagulat si Nicoh sa sinabi ni Cj. Ngumiti ito at sinabi niya ang plano. Nakaabang ang shooter at attacker sa gitna ng hallway nang biglang lumusob si Glenn. Pinag-bababaril siya nang kalaban pero gumamit siya nang shield para di tamaan. Unti-unting nasisira ang shield pero nagpatuloy parin sya sa pag lusob, at nang makalapit na siya bigla nalang lumabas sa taas si Cj at gumamit nang skill. Nagulat ang shooter pati na ang attacker.



  "Douplex Splinter!"

Mabilis pero parang slowmotion ang nakikita ni Cj. Sinangga nang attacker ang unang phase nang skill pero pinag babaril ito ni Nicoh at natumba. Nalito ang shooter kung sino ang babarilin kaya pinagbabaril nya si Nicoh, pero dali daling pumasok nang pinto si Nicoh tinamaan ang kanyang braso at naputol. Kasabay naman non ay ang pagkayod ng espada ni Cj sa gilid nang pader na dumiretso sa ulo nang kalaban at dahilan nag pagkatumba nito. Natumba rin si Cj dahil may tama siya sa dibdib. Nagulat si Nicoh sa nangyari at dali daling pumunta sa rooftop. Nakita niya tapos na ang laban at may isang building na nasusunog. May isang taong nakatayo duon at naaninag niya si Kim at tapos na ang laban. Score 4-1 panalo ang team nila Glenn at nateleport na sila. Lumabas sila sa teleporting chamber . Nakita nila si Cj na nagaabang sa labas. Lumapit si Glenn para kutusan si Cj dahil namatay ulit siya sa game.

 

"Aray!! nakapatay naman ako ahh!!"

  Agad na lumapit si Nicoh kay Kim at para bang may nakinikilala niya at nang maalala niya.

"Ahhh ikaw.....  ikaw si Emphere ung sikat na solo player."

  Napahinto si Glenn at Cj sa kanilang ginagawa at tumingin kay Nicoh habang si Kim naman ay napa oo nalang. Pumunta sila lobby para mag pahinga saglit at pag usapan ang nalalapit na tournament. Ingat na ingat naman si Cj sa pag rerefine niya ng kanyang espada. Si Nicoh naman ay tinatanong kung bakit ang solo player ay gumawa nang team at sasali pa sa tournament.

  “Teka Kim bakit ka sumali sa isang team?”

  Tanong ni Nicoh kay Kim habang si Cj at sumabat pero tinuhog siya sa tyan ni Kim.

  “Kasi gantouggg----!!”

Sasagot na dapat si Kim pero tinanong nya muna si Nicoh isang matalim na titig ang naramdaman ni Nicoh habang sina Cj at Glenn naman ay napanhinto.

  “Sino kaba talaga?”

  Tanong ni Kim kay Nicoh at pangiti na sinabi niya.

  “Ahh si Nicoh?”

  Humawak sa dalawang kamay si Kim at nag salita habang ang dalawa ay hindi alam kung ano ang pinag-uusapan nang dalawa at nag salita na si Nicoh.

  “Oo na mag sasalita na ko. Isa akong cyber-agent apprentice nang VGGO”

Nagulat si Glenn at Cj habang si Kim naman ay uminom nang juice. Tinanong naman ni Cj kung ano ang VGGO. Sinapok naman ni Glenn si Cj dahil walang alam sa mga bagay-bagay.

  “VGGO o virtual game government organization sangay nang gobyreno na nag babantay nang mga laro sa vitual world. Nag papadala sila nang mga agent na mag lalaro kung may anomaly ang game at isa ako dun kaso apprentice palang ako.“  

  Pangiti na sinabi ni Nicoh at si Kim naman ay tumayo at umalis na habang sila Glenn ay nagtaka at sinundan si Kim.

  “Teka Kim !! bakit?”

  Biglang nag salita si Nicoh at na nakapag hinto kay Kim.

“Nakalimutan ko nga pala iniutos ni sir Zel na bantayan ka sa ginagawa m.”

“Teka nga!!!!!!!! Wala na naiwanan na ko umupo nga kayo at sabihin  nyo kung ano talaga ang pinag uusapan nyo “

  Pasigaw na sinabi ni Cj tumingin si Kim kay Cj at napabuntong hininga at umupo ulit. Nag tanong si Kim kung bakit pinababantayan siya si sir Zel.

  “Pinapasabi si sirZzel na mag ingat ka sa mga kinikilos mo sa game.“

“Sino si sir Zel?”

  Tanong si Cj kay Nicoh na sinagot naman ni Nicoh pagkatapos nitong uminom.

  “Ahh si sir Zel boss ko yun at sya rin ang matalik na kaibigan nang tatay ni Kim.”

Nabigla si Cj at Glenn sa sinabi ni Nicah. Si Kim naman tinanong kung bakit. May pinakita naman sa kanyang screen na anime ang theme si Nicoh.

  “weeb”

“weeb”

“weeb”

  Sabi nang tatlo habang tumitingin kay Nicoh at pasigaw na nahihiya nang salita.

  “Anong magagawa ko trabaho si life but anime is LIFER!!“

  Tinignan nila ang window at nakita nila ang mga blangkong tao na may green card. Tinanog ni Glenn kung bakit walang mga pangalan o litrato.

“Baka mag leak ang information at pagalitan pa ko.“

  Iniscroll down ni Nicoh ang info at pinakita niya ang magiging prize nang champion nang tournament at 1mil RP point, 3 free costomize weapon or armor, at isang special item.

  “So ibig sabihin nang special item yung card ?“

  Tanong ni Kim habang nag ayos nag pag upo habang ang dalawa napa wow nalang sa premyo.

  “Yun nga ang inisip ni sir Zel dahil kulang pa ang candidate para sa GM kaya pinadala ako para mag imbistiga at balaan ka.“

  Nagsalita naman si Glenn kay Nicoh.

  “Hindi baa lam ni sir Zel na ninakaw lang ang game sa tatay ni Kim?”

 “Alam niya ang pangyayari na yon dahil kasama sa team si sir zel sa paggawa nang game. Pero dahil sa isang aksidente 12 years ago sa facility kung saan dinedevelop ang game nawalan ng authority si Michel Emphere sa system,at si sir Zel. Di naglaon pinatalsik si sir Zel at nanatili si Michel Emphere sa groupo at nabalitaan ko nalang na nakulog siya dahil sa pag angkin nang game. Si David Linken ang may pakana nang lahat pero walang maipakitang ebedensya  kaya yun.“

  Napatahimik nalang ang dalawa at napayuko si Cj at naalala niya ang picture sa bahay ni Kim pero biglang humirit si Nicoh at nag salita.

  “Pero kung mapapatunayan ang anomaly ni David Linken sa pag maling pag gamit nang rp system sa pansarili niya pwede ma pawalang bisa ang kaso kay Michel Emphere.”

“Pero pano?”

  Tanong ni Cj kay Nicoh at tiniro ni Nicoh si Kim.

  “Kung… magiging GAME MASTER si Kim Emphere dahil ang pagiging GM na idinesign ni sir Zel at kanyang ama ay kayang ma access ang pagiging authority.”

  Napaisip si Kim at ang dalawa ay di alam kung ano ang gagawin. Si Nicoh naman ay humigop ulit ang juice at nag salita na si Kim.

  “So ang ibig na ipinahihiwatig si uncle Zel ay kaylangan makuha ko yung card para komunti nalang ang kalaban ko sa pagiging GM?“

  “Parang ganun nga ewan ko ba dapat nag kita kayo ihh lagi kasi busy sa babae yun kaya niyang pagsabaying ang trabaho at babae.“

Sa sobrang Reklamo ni Nicoh naubos niya ang juice kaya nginuya nalang niya ang straw. Huminga nang malalim si Glenn at hinampas niya ang kanyang kamay sa lamesa at nag salita.

  “Ok Kim nasasayo ang desisyon kung ano ang gagawin mo suportado ka namen ni Cj.“

  “Syempre naman laking premyo rin yun.”

  Sinapok na naman si Cj ni Glenn.

  “Sorry Sorry.”

  Tumayo naman si Kim at nag salita.

  “Kung yun lang ang paraan para makita ko ang aking ama kailangan kong gawin ang lahat.“

  Matapos ang mga pangyayari na yun ang apat ay nag logout na para mag pahinga at nag report na rin si Nicoh kay sir Zel. Humiga na si Glenn sa kanyang higaan at naalala ang kanilang pinag uusapan tungkol sa tournament. Biglang sumagi sa Isip niya ang nagyari sa isang laban niya sa game na kung saan may isang tao na nanlilisik ang mga mata na nakatingin sakanya, habang siya ay nakadapa at putol putol ang braso at binti. Nanginginig parin siya nang maalala niya ang pangyayari na iyon at pabulang siyang nagsalita.

  “Sa wakas malapit na magsimula maipaghihganti ko na rin ako sa ginawa mo Kuya.“

  Sabay pikit nang kanyang mga mata.



cjp00 Creator