"Kuya alis na ko."

  "Ohh sige.""

  Araw ng huwuebes at nanood nang palabas si Cj, nang sigawan sya nang nanay niya na pumasok na sa school dahil malelate nanaman sya. Dali-daling kumain si Cj at nag ayos nang bag. Niligpit nyaang kanyang pinagkainan sabay alis sa bahay para pumasok na sya school. Maraming mga estudyante ang naglalakad sa gilid ng kalsada. Habang nag lalakad papalapit sa crossing sa kanto nakita nya si Glenn na naka bike, at inaantay mag pula ang ilaw nang stop light. Sabay sila pumasok sa school at nag uusap sila tungkol sa vr wars. Nabanggit ni Glenn ang tournament na mangyayari sa susunod na buwan. Napansin rin ni Glenn na di nagpapansinan si Kim at Cj kaya tinanong nya na ang tungkol dito.

  "Cj ano ba nangyari sainyo ni Kim magdadalawang linggo na kayong di nagpapansinan pati sa game."

  "Naalala mo yung laban natin sa pier?"

"Ohh bakit?"

  Tanong ni Glenn habang naglalakad sila papalapit sa eskwelahan.

  "Ganito kasi yun."

  [Flash Back]



 

Tumatakbo si Kim at Cj palabas nang casino nang Makita nila ang isang hagdanan. Umakyat sila at nakarating sila sa upper deck nang barko. Biglang natanong ni Cj ang tungkol sa green card sa pitaka nya.

"Kim matanong kulang."

  Tumingin si Kim kay Cj habang naglalakad papalapit sa dulo nang barko.

  "ano ba yun?"

 "Para saan yung green card na may vr wars na nakalagay? "

  Biglang nag iba ang expression ni Kim at lumapit  kay Cj at tinatanong kung saan nya na laman ang tungkol sa bagay na yun. Nilapit ni Kim ang kanyang mukha kay Cj pero di makatingin nang maayos si Cj.

  "saan mo nalaman ang bagay na yan?"

"Teka Kim yung mukha mo sobrang lapit ahhh."

"SAAAN!"

Galit na sinabi ni Kim kay Cj.

  "A-ahh n-naalala mo yung nalaglag yung pitaka mo, d-doon ko n-nakita."

  Dahil sa sobrang lapit ni Kim kay Cj biglang nadulas si Cj. Tumama ang paa niya sa paa ni Kim kaya natumba sila parehas.

  "Ahh masakit parin pala matumba ka kahit nasa vr ka. Teka ano to ang lambot."

  May nahawakan si Cj na isang malambot na bagay, pero pag dinidinan nya ang hawak may lumalabas na ally sa screen nya. Tatlong beses niya itong diniinan at tatlong beses lumabas ang ally. Hindi nya namalayan na ang hinahawakan nya ay ang dibdib ni Kim, Namula ang mukha ng dalawa at mabilis na silang tumayo.

  "S-Sorry, Sorry talaga hindi ko sinasadya."

  Nakayukong himihingi nang tawad si Cj at nang pag tingin nya kay Kim isang kamao ang tumama sa mukha nya.

  "SORRY MO MUKHA MO!!!!"

  Dahilan nang pagtalsik nya palabas nang barko at may lumabas na ally sa screen ni Kim. Pero hindi nya kinwento ang pagtama ng kamao ni Kim sa kanyang mukha at pagbagsak sa galling sa taas barko.

  [Present]



 

"Talaga ba?"

Nakangiting sinabi ni Glenn kay Cj papasok sa campus nila

"Ano pakiramdan?"

"Parang pudding sa sobrang lamb- arghhh!!!!!! Pinapamukha mo pa talaga saken na bastos ako!!"

  Pasigaw na sinasabi ni Cj tumawa nman si Glenn

  "Hahaha aksidente lang naman yun tsaka vr game nangyari yun."

"Pero yung sensation naramdaman ko di ko maipaliwanag."

"So sinasabi mo rin na manyakis ka."

  Tumawa si Glenn habang nagagalit si Cj nang biglang nakita nila si Kim na nagpapalit nang sapatos sa locker room. Binati nila Glenn at Cj si Kim pero si hindi nagsalita si Kim at dumiresto ma sa room.

  "Awts patay tayo dyan humingi ka nang tawad baka lumala pa yan at maapektuhan ang pagiging team natin."

"Pipilitin ko pero ano na balita kay Nicoh?"

"Ewan mahirap kausap. Ge alis na ko."

  Tumunog na ang bell at naglakad na si Cj papunta sa room. Hindi nila namalayan may isang tao na nakarinig sa kanilang usapan at pumasok na rin sa room nya.

  Oras nang klase pero lutang ang pagiisip ni Cj. Naalala nya yung card at ang expression  ni Kim. Naghahap sya nang dahilan kung bakit magagalit ang isang tao na makita ang isang creadit card. Tumingin nalang sya sa bintana at tinitignan ang isang matandang dahon na pilit kumakapit sa isang sanga kasama ang isang batang dahong matibay ang pagkaka-kapit.

  "Cj!!  Nakikinig kaba sagutin mo tong problem sa board."

"(Sheeet diko alam yung problem na yan)"

  Masama ang tingin nang math teacher nila kay Cj sumigaw si Kenneth para icheer si Cj. Pero pinagalitan siya biglang kumatok sa pinto ang homeroom teacher nila at kinausap ang math teacher nila. Hinihingi nito ang oras para sa announcement at pumayag naman ang math teacher.

  "Ok class may announcement ako."

  Biglang may sumigaw sa dulo nang walang pasok pero mali ang sagot.

  "May darating na sport fest sa lunes kaya kailangan nyong sumali sa mga kinahihiligan nyong sport. (at nakataya ang pusta ko dito). Kapag wala kayong sinalihan kahit anong sport babagsak kayo sa P.E. nyo."

Nagulat ang lahat sa sinabi nang teacher at nag simula nang mag kagulo.

  "wehhhhh!!""

  Biglang humirit si Kenneth at nagreklamo sa teacher

  "Maam hindi naman po yata patas yun."

  Galit na ngumiti ang teacher at nagsalita.

  "Ok Kenneth tutal ikaw naman ang unang nagsalita ikaw ang mamumuno sa basketball team”

"Wahh p-pero ma’am."

  Walang magawa si Kenneth kundi sundin ang sinabi nang kanilang homeroom teacher. Tinawag ng teacher ang secretary para mag sulat sa board nang mga sport na sasalihan. Natapos na ang klase at nagliligpit na ang lahat para umuwi. Gusto sanang makausap ni Cj si Kim pero kausap niya si president tungkol sa sport fest. Lumabas na si Cj para umuwi, habang pababa sya nang hagdan nakita nyang nagkukumpulan ang isang grupo nang mga babae. Gumilid sya para makadaan at maka-uwi para makapaglaro.

  Nasa game na si Cj at nag kita-kita na ang team para lumaban pero tahimik parin ang dalawa dahil sa nangyari. Gumagawa nang paraan si Glenn para mag bati na ang dalawa.

  Pabulong na nagsalita si Glenn kay Cj.

  "Hoy nakipagbati kana ba sakanya."

  Tumingin sya kay Kim at yumuko

  "Hindi ako makakuha nang magandang timing sa school."

  Dumadami na ang mga player biglang nagsalita si Kim at gusto nang maglaro kaya sumunod na ang dalawa at pumasok na sila sa teleporting chamber.

Game starts in

3…

2…

1…

Hiwa-hiwalay kaming napunta sa urban area dahil 3v3 lang ang laban. Maliit lang ang map na paglalaban at madaling magkakitaan. Mabilis akong tumatakbo sa kanto nang makita ko si Glenn sa isa sa mga bintana nang bahay. Pumasok ako doon tinanong ko si Glenn kung ano-anong class ang kalaban naming. Dalawang attacker at isang shooter ang kalaban namin.

  "Nacontact mo si Kim?"

"Hind-"

Bago ako naka sagot may nakita kaming isang tao na naglalakad sa daan nang dahan-dahan.

  "Teka si Kim  ba yon?"

  Pilit na kinocontact ni Glenn si Kim pero hindi siya sumasagot. Nang pupunta na si Cj biglang nag salita si Kim.

  "Dyan lang kayo."

  Biglang may sumulpot sa magkabilang gilid ni Kim na dalawang attacker.

  "slash!"

"slash!"

  Mabilis na tatama ang dalawang skill nang biglang hinugot nya ang kanyang espada at nag activate nang shield.

  "Douplex splinter"

  Nasangga nang shield ang espada sa kanan at ginamit niya ang kanyang skill para sanggain ang isa pang skill. Mabilis syang umikot at sinipa nya ang player sa kanan dahilan nang pagtalsik nito sa bahay. Sa pag-ikot ni Kim sasalubungin siya nang attacker sa kaliwa at masasangga naman ito ng espada ni Kim. Pero biglang nasira ang espada nang kalaban at tumama sa leeg. Pababa nahiwa ang kalaban, nagulat ang lahat sa ginawa ni Kim.

  "Glenn ano yun paki explain glen---"

  Kinutusan ni Glenn si Cj dahil gumagawa sya nang ingay, pero nagulat rin si Glenn dahil ngayon palang sya nakakita nang ganon na pangyayari. Kahit na di nya masyadong nakita ang nangyari dahil sa sobrang bilis nang ginawa ni Kim. Naikutan sila nang kalabang shooter at hinagisan sila nang bomba mula sa likod ng bahay.

  "Glenn ano yung tiktok na tunog na yun."

"BOMBA YAN!!!"

  Sabay na sumigaw ang dalawa at nag mamadaling gumamit nang shield.

  "BOOMBAA!!"

"BOOMBAA!!"

"BUGOK mo ingay mo kasi."

BOOOOOOOOM!!!

  Sumabog nang napakalas at nasira ang buong bahay. Hinanap nang shooter ang dalawa pero natalo na sina Glenn at Cj. Hindi kinayanan ng dalawa ang mga tipak na bato na tumama sa shield nila, kaya nadaganan sila. 1-2 ang score. Mabilis na tumakbo si Kim para puntahan ang attacker at sinugod nya ito at gumamit sya nang skill pero nakapag shield ang kalaban at napaatras sa sobrang lakas nang paghataw. Nanginginig ang attacker at para bang gusto nang mag surrender. Sumogod ulit si Kim gumamit nang shield ang kalaban sa harap pero nawala bigla si Kim at nagulat nalang ang kalaban na nakatusok ang katana sa kanyang tagiliran at may lumabas sa kanyang bibig na likido. Namatay na ang kalaban 2-2 na ang score at nakita nya ang shooter na nagtatago. Sumugod na siya nang mabilis umakyat siya nang bahay para madali niyang makita ang kalaban na tumatakbo. Nagulat ang kalaban dahil mabilis na nakapunta si Kim sa kinaroroonan niya.

  "Woahhh ang bilis naman nya."

Pinagbabaril niya si Kim pero nakagamit siya nang shield at tumalon papunta sa harap nang shooter. Dali daling gumamit nang skill ang shooter para patamaan si Kim.

  "Rapid Fire!!!"

  Mabilis na umiilag si Kim pero na dadaplisan lang sya. Nang nakalapit siya kumuha sa tagiliran nang bomba ang shooter at hinagis niya patungo kay Kim. Sumabog ang bomba pero nakagamit nang shield si Kim. Nang sobrang magkalapit na sila gumamit nang skill si Kim at hiniwa niya ang shooter.

  "slash"

  3-2 ang score at ang nanalo ay ang red team. Ang team nila Glenn na teleport na si Kim sa battle room. Nakita niya ang dalawa na nag-uusap sa ginawa niya. Nang palabas na sila papunta sa hallway biglang nagsalita si Kim.

  "mag ququit na ko sa team."

  Nahinto ang dalawa sa paguusap magsasalita dapat si Glenn pero nakapag logout na si Kim. Lumapit si Glenn kay Cj at hinawakan nya ito sa kuwelyo.

  "Hoy Cj ano na naman tong ginawa mo!!!"

  "Gle-aray!!!"

  "Pano na yan. Ano ba talaga yung nagyari sa laban natin sa cruise."

"Ahh sasabihin ko na."

Pumunta sa isang kainan ang dalawa. Ikinwento niya ang tunay na nagyari at sinabi niya ang tungkol sa green card.

  “(Pati pala dito sa game may kainan masarap din yung pagkain ah parang tunay.)”

"Ahh yung green card na sinasabi mo baka pang mall lang yun."

"Pero-"

"Kailangan mo talagang kausapin sa school si Kim kung ano pa man yung ginawa mo kailangan mong mag sorry?"

  Nag buntong hininga si Glenn at humigop nang juice.

  Nang sumunod na araw hindi parin makausap ni Cj si Kim at mas lalong naging mahirap dahil papalapit na ang sport fest. Kasama sa volleyball boys si Cj at volleyball girls naman si Kim. Di makahanap nang timing si Cj para makausap si Kim. Hapon na nang matapos ang practice nila Cj sa volleyball at pumunta siya sa room para kumuha nang tuwayla para makauwi na nang nakita niya si Kim na nag liligpit nang gamit. Pumasok si Cj sa room at tinawag niya si Kim.

   "Kim pwede ba kitang makausap?"

  Hindi kumikibo si Kim at patuloy parin sa kanyang ginagawa inulit ni Cj ang tanong pero sa pangalawang beses hindi parin ito kumibo. Lumapit si Cj at hinawakan ang kamay ni Kim tanging liwanag lang ng araw sa hapon ang nagbibigay tanglaw sa kanila . Sa mga oras na yon kulay dalandan ang paligid at huminto na sa gingawa si Kim at nagsalita na.

  "bitawan mo ko."

  Agad na binitawan ni Cj ang kamay ni Kim.

  "Kim sorry kung ano man ang nagawa o nasabi at natanong ko pero di kailangan humatong na mag ququit kana sa team."

  "kahit malaman mo, pa-pareparehas lang kayo naglalaro nang vr wars mga SAKIM!!"

  Narinig nang dalawa na paparating ang kanilang mga kaklase dahil natapos na ang kanilang practice. Agad na pumunta sa kaniyang desk si Cj para kumuha nang tuwalaya at para na rin magligpit. Nagsidatingan na ang kanilang kaklase at umalis na si Kim para umuwi.

  “(Lunes na nang umaga ito din ang umpisa nang sport fest. Ang homeroom teacher namin ay pinapalakas ang loob namin ako naman ay tamad na tamad parabang ayaw ko na mag laro. Tinawag si Kenneth para mag salita sa harap dahil sya ang team captain nang basketball nagkatinginan kami ni Kim pero lumingon kaagad sya. Lumabas na kami nang mga kaklase ko dahil kami ang unang laro. Pumunta na kami sa gym habang naglalakad papunta sa gym nakita ako ni Glenn at kinausap ako.)”

  "Ohh ano na balita?"

  Napakamot nang ulo si Cj at ngumiti.

  "Wala ehh."

  "Ahh ganun ba balitaan mo ko pag nakausap mo na?"

  Tinawag si Glenn nang kanyang kakampi dahil mag uumpisa na ang laban nila ng basketball sa kabilang gym. Si Cj naman ay pumasok na sa gym para maglaro.

  [BREAK TIME]



 

"Arhh!! Cj nice game sayang muntik na tayu nanalo."

  Pagod na pagod ang lahat nang matapos ang laban nang volleyball boys. Kahit na natalo sila sa kabilang section tuwang tuwa parin ang mga kaklase ni Cj, pero ang homeroom teacher nila ay kinakabahan sa dimalamang dahilan. Sa kabilang banda dikit ang laban sa pagitan ni Glenn at Kenneth sa basketball at nagkakahiyawan na ang kabilang gym. Pumunta si Cj para bumili nang maiinom sa isang vending machine sa gilid nang building A. Nalala niya na laban na pala nang volleyball girls, pero nakita niya si Kim na kasama ang isang grupo na ng mga babae papunta sa isang stock room sa school kaya agad niya itong sinundan.

  "Ang mga pabebe girls yun ahh."

  Namukhaan nya ang mga babae. Nakita nya na pumasok ang mga pabebe girls at si Kim sa stockroom at may nakita pa siyang tatlong lalaki na naguusap sa loob. Itinulak nang leader na si Andrea nang pabebe girls si Kim at na patumba.

  "ano to akala ko ba may kukuhanin lang na equipment?"

"Hha!?  Uto-uto akala mo ba di na ako gaganti sayo. May atraso kapa sakin!!"

  Tumayo si Kim para lumapit kay Andrea pero hinawakan siya nang mga lalaki.

  "Boss Andrea ano ba gagawin namin sa babae ito?"

"Kahit anong gusto niyong gawin?"

  Nangiti ang mga lalaki at nagtawanan ang mga pabebe girls. Hinawakan at inamoy-amoy ang buhok ni Kim nang isang lalaki. Pilit na kumakawala si Kim sa pagkakahawak ng mga ito.

  "GRHH BABASAGIN KO YUNG MGA PAGMUMUKHA NYO!!!"

Galit na galit na sinasabi ni Kim sa harap nang mga babae. Nang hinawakan nang lalaki ang mukha ni Kim isang mabilis na suntok ang tumama sa lalaki at napatumba. Nagulat ang lahat pati si Kim nang makita niya ang lalaking sumuntok ay si Cj. Nagngi-ngitngit sa galit si Cj dahil sa ginawa nila kay Kim.

  "Ang lakas nang loob hawakan si Kim!!!!"

  Nakawala na nga ng tuluyan si Kim at sinipa ang nasa kanang lalaki at napatumba sinuntok niya din ang lalaki sa likuran niya. Napaatras ang mga pabebe girls pero mabilis na lumapit si Kim kay Andrea.

  "kasalanan mo kung bakit iniwan ka nang BF mo wag mo isisi sa IBA!! "

  Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Andrea. Tumalsik ito sa mga kapwa niya pabebe girl. Ang mga lalaki naman ay tumayo at pinagtulungan si Cj na bugbugin nang biglang kumuha nang isang upuan ang isang lalaki.

  "Kim sa likod mo ilagg!!"

  Hinampas sa ulo ni Kim ang bangko pero biglang humarang si Cj at siya ang natamaan at natumba. Agad na lumapit si Kim kay Cj at pilit niya itong ginigising.

  "Cj!! Cj!! gising Cj!? "

"Aw aray ayos kala..!?"

  Nanlalabo ang paningin ni Cj habang nakatingin sa kisame ng may nakita siya na isang bola nang basketball na dumaan sa harap niya. Matapos noon nawalan ng malay si Cj.

"HOOY!!! yari kayo saken!!!""

  Tumama ang bola sa lalaking may hawak na upuan at napatumba. Tumingin ang mga lalaki, Pabebe girls at si Kim sa pinto. Nakita nila ang tatlong nakatayo

  “ta***na ganyan ba tinuturo sa inyo dito.”

       

"Ingay mo kenneth."

"Manahimik nga kayong dalawa diyan."

  Nagulat ang lahat na nang makita nila si Glenn na vice captain nang basketball team, ang sikat sa kalokohan sa school na si Kenneth, at ang kinakatakutan ni Kenneth, ang class president  nila na si Marlin. Sinugod nila Kenneth at Glenn ang tatlong mga lalaki habang ang mga pabebe girls naman ay balak tumakas.

  "Umalis ka nga sa tabi ko!!"

  Galit na sinabi ni Kenneth kay Glenn habang umiilag sa mga suntok nang kalaban. Si merlin naman ay walang pakealam na tumatakas na ang mga pabebe girls, pero nagulat si Andrea nang makita niya ang kasintahan niya.

  "Vince!? "

Huminto si Andrea at lumapit ang nag-ngangalan Vince at bigla nalang sinampal niya si Andrea.

  "Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang ginagawa mo."

"P-pe-pero…"

"Narinig ko ang ibat-ibat usapan tungkol sayo pero di ko aakalain na totoo pala iyon."

  Pasigaw na nagsalita si ndrea kay Vince

  "Dahil dyan sa babae na yan kaya di moko pinapansin diba?!  diba!!? "

  Nagulat ang lahat pati na si Vince.

"Hindi iyon ang dahilan. Alam mo kung bakit? Kasi lahat nang babae malaman mo na may gusto saken inaaway mo. Ni hindi ko nga kilala ung babae na yan."

  Hindi nagtagal at lumuha na si Andrea.

  "So ganon nalang, iiwanan mo nalang ako?"

  Bumaling nang tingin sa baba si Vince at nagsalita.

  "Dapat noon pa."

  Mas lalong lumuha si Andrea sa mga sinabi ni Vince at tumingin ulit ang lalaki.

  "Pero....kailangan mo nang taong magpapatino sayo. Kailangan mo nang taong makakasama mo at taong magmamahal sayo."

  Niyakap ni Vince si Andrea at umiyak na nga nang tuluyan ang babae. Habang ang mga lalakina bumogbog kay Cj ay nakatakas. Ang mga kasama ni Andrea ay huming ng tawad kay Kim. Natapos na din ang gulo di na nakasama sa laro si Kim pero panalo parin sila sa volleyball girls. Natapos narin ang sport fest at second place lang ang naabot nang section nila Cj dahil natalo ang basketball team na pinamumunuan ni Kenneth. Nag sorry naman si Andrea sa mga nagawa niya kay Kim at nangako na di na magiging bully. Si Cj naman ay nagpapagaling sa clinic na binabantayan ni Kim. Hapon na at naguuwian na ang mga estudyante malakas ang hangin nang magising na si Cj na may benda sa ulo. Nakita niya si Kim na natutulog sa gilid niya at naalimpungatan sa kanya.

  "AHH!!! gising ka na pala!?"

  Pagulat na sinabi ni Kim kay Cj

  "Ahh sorry na gising kita?"

"hindi ako nga dapat ang mag sorry sayo."

 

Tumayo at yumuko si Kim para magpatawad

  "Pasesya dahil saken ganyan nangyari sayo."

  Yumuko rin si Cj at nag patawad.

  "Ako rin pasensya na dahil sa gusto ko na malaman kung para saan ang green card nayun."

  Sabay na humingi nang tawad ang dalawa pero masakit parin ang ulo ni Cj dahil sa natamo niya sa away. Sabay na nangiti ang dalawa pero biglang nalungkot si Cj at nagsalita.

  "Pero.... aalis kana sa team dahil sa nalaman ko na may green card ka ano ba kasi yun."

  Habang nag uusap biglang pumasok sa pinto si Glenn at sumali sa usapan.

  "Oo nga Kim ano ba kasi yun?"

  Wala nang magawa si Kim kung hindi sabihin na ang totoo sa dalawa. Sasabihin ko ang totoo nangangako ba kayo na hindi niyo sasabihin sa iba?

"Ako ang isa sa anim na candidate sa pagiging GM ng V.R. Wars."

"Wahhh!!! GM!? "

"wahhh!!! GM!? "

  Nagulat si Cj at Glenn sa sinabi ni Kim kaya nagsalita si Glenn.

  "Pero pano? Pano ka naging candidate?"

"dahil sa green card yun ang verification I.D. para maging candidate. Ibinigay yun sakin nang aking ama bago siya mawala."

"Ang ama mo!?"

"Oo ang original creator  nang V.R. Wars si Michel Emphere "

  Nagulat si Glenn dahil iba ang alam niya na gumawa nang V.R. Wars.

  "Michel Emphere  pero si Dave Linken ang creator na ng V.R. Wars."

Gulat na sinabi ni Glenn kay Kim at si Cj naman ay di na makasunod sa sinasabi nang dalawa.

  "Oo sya nga ang creator pero ninakaw niya iyon sa aking ama. Dahil sa rp system na ginawa nang ama ko kaya naenganyo siya at nakawin ang game, at ang pagiging GM kulang ang paraan para mabawi ko ito."

"Pero apat ang kilangan na GM sa game!?"

  Sabi ni Glenn kay Kim at si Cj naman ay nakikinig nalang.

  "Oo kaya nag hahanap ako nang mga taong makakasama ko sa laban para maging GM ako at mabawi ko ang game na kinuha sa aking ama.” 

"Noong nalaman ko na naglalaro kayo at ng sumali ako sainyo, nagdalawang isip ako dahil kapag nalaman nyo ang card baka katulad kayo na mga sinalihan kong team na ang habol lang saakin ay ang card.”

  Pinahinto ni Glenn si Kim at nagsalita kung ano talaga ang tunay niyang dahilan nang paglalaro ng vr wars

  "Kaya ako naglalaro dahil sa kuya ko."

"kuya?"

  Tanong ni Kim at tumayo na si Cj tapos nagsalita sa harap ni Kim.

  "Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganitong laro, pero may isang tao na nagsabi na laroin to dahil exciting daw kaya wala ako alam sa mga ganyang bagay."

  Lumapit na rin si Glenn kay Cj.

  "Hindi kami katulad nang mga taong nakasama mo sa game. Ang pagiging gm ay mahirap pero dahil kasama ka sa team tutulangan ka naming."

"Oo nga Kim kami ang mga taong hinahanap mo, kulang ngalang tayo nga isa. Hindi ko kailangan nang rp o kung ano-ano pa ang gusto ko lang ma enjoy ang game. Para kasing totoo kang nakikipag laban."

  Ngumiti si Glenn at Cj at habang si Kim ay tinignan ang dalawa at nagsalita.

  "gusto nyo..  ba akong samahan para maging gm? "

  Unang nagsalita si Cj.

  "sige ba mukhang  exciting  yung GM"

"Ikaw Glenn? "

"Maasahan moko pero kulang pa tayo nang isa."

"ok lang edi mag hanap tayo sa game."

  Nang biglang humirit si Cj at tinananong ang dalawa.

  "Ahh kanina pa natin to pinaguusapan pero ano ba ibig sabihin ng gm?"

  Napatingin ang dalawa at akmang tatawa na si Glenn ng tanongin nya ito.

  "Seryoso!? Ok ok  di bago ka palang nga pala sa mga ganitong bagay Game Master ibig sabihin nun."

  Mag didilim na at nagkaayos na ang tatlo sa nagyari at umuwi na. Di muna pinaglaro nang dalawa si Cj at pinagpahinga. Habang naglalakad si Glenn pauwi may nakita siya na mga lalaki na may binubugbog sa gilid nang eskinita. Nang maaninag niya ang lalaking binubogbog nakita niya na katulad rin nang uniform niya kaya lumapit siya sa mga lalaki.

  "Hoy tigilan nyo na yan."

  Napahinto sa kakasipa at tadyak ang mga lalaki at lumapit papunta kay Glenn. Ang lalaking binugbog naman ay pilit na tumatayo. Pinalibutan si Glenn nang limang mga lalaki na tambay sa kanto.

  "hooo?  at kung hindi ano gusto mo ikaw nalang ang bugbugin naming."

  Biglang sumuntok ang lalaki pero mabilis na nakaiwas si Glenn at sinipa ang lalaki. Sinugod na rin si Glenn ang mga kasamahan nang lalaki at pilit na umiiwas sa suntok nila, nang biglang may isa pang tao ang dumating at tinulungan si Glenn.

  "Ha!! Glenn!?"

  "Kenneth? ikaw nanaman!? "

  Nagulat ang dalawa at sinugod nila ang mga lalaki pero umatras ang mga lalaki nang biglang may mga tanod na naglalakad sa kalsada. Tinulungan ni Glenn ang lalaki habang si Kenneth  naman ay umalis na dahil magga-gabi na. Tinanong ni Glenn ang pangalan nang lalaki at bigla nalang siyang nagulat nang marinig niya ang pangalan nito.

  "Glenn alis na ko."

  "Sige pre salamat."

  "Pre ayos kalang ba?"

"Oo ayos lang naman siguro ako, salamat nga pala sa tulong. Ayos ka lang din ba?"

"Ahh ok lang ako anong pangalan mo?"

"ahh...... Nicoh"

 

       

cjp00 Creator