[Game 609]

10:00 na nag login na si Cj at pumasok na sa laro. Na punta sya sa battle rooms kung saan maraming player ang naglalakaran tinignan ni Cj ang kanyang window screen. Nakita niya na online na si Glenn. Pinindot niya ang [chat] para sabihin na nag online na siya. Agad-agad gumamit ng R.E.D. si Glenn at pinapunta si Cj sa ground floor. Naglakad  na si Cj papunta sa ground floor habang nag lalakad nakita ni Cj ang Tech Supplies. Isang shop nang mga trap at bomb balak nyang sumilip saglit nang nag [chat] ulit si Glenn at pinag mamadali siya.

  "Ahhhh ang tagal ni Cj."

  Habang nakaupo si Glenn at Kim sa isa sa mga bench sa ground floor nagbuntong hininga si Glenn dahil ang tagal ni Cj. Si Kim naman ay nag babasa nang isang libro sa pamamagitan nang window screen. Sisilipin sana ni Glenn ang window screen ni Kim kaso malabo ang brightness nang window Screen kaya tinanong nalang ni Glenn kung ano ang ginagawa ni Kim.

  "Kim ano ginagawa mo?"

  Patanong na sinabi ni Glenn habang si Kim ay napahinto at tumingin kay Glenn.

  "binabasa ko lang yung notes ko sa science."

  "Ahhh (grabe ang sipag naman neto!!)"

  Nabigla si Glenn dahil pati sa laro ay nagaaral padin si Kim. Biglang dumating si Cj at hingal na hingal. May humahabol sa kanyang mga player na parang galit na galit sakanya.

  "Guys tulong .....!!!!!!!!"

  "Bakit Cj anong meron?"

  Tanong ni Glenn at pinindot ni Kim ang close sa kanyang window screen, at dumating ang mga player na matatanda at galit na galit kay Cj.

  "IKAW BATA KA  IBALIK MO SAKIN YUNG RP BAG KO!!!!"

  Galit na galit na sinabi nang lalaking naka armor pati narin ang kanyang tatlong kasamahan, pero itinatangi ni Cj ang bintang dahil di nya naman alam kung ano ibig sabihin nang rp bag.

  "Rp bag ? wala naman ganun si Cj. "

  Sabi ni Glenn at pumagitan sa kanila habang si Kim ay pinag papatuloy ang pagbabasa. Gumagawa sila nang atensyon at maraming player ang nag titinginan at nag bubulongan.

  "Hindi ko nga alam yun rp bag na sinasabi mo."

  Sabi ni Cj at bigla syang hinawakan sa kanyang damit.

  "Wag kanang magkaila ikaw ung kasama namin sa elevator. "

  Pilit parin nilang pinag pipilitan na si Cj ang gumawa. Tahimik na si Glenn at parang nag mamasid nalang ,nang biglang hinawakan ng lalaki ang kwelyo ng damit ni Cj.

  "Hindi nga ako yun yung isang player yun na brow…"

  Sabi ni Cj at nagulat sya kay Glenn

  "Pare bitiwan mo yung member ko o magkakagulo dito."

  Mahinahong sinabi ni Glenn habang tinititigan ng masama ang lalaki. Pero hindi nag pasindak ang lalaki at lumapit na rin ang mga kasamahan nya. Si Kim naman na nag re-review ay sinuot ang kanyang headset dahil na iingayan siya sa mga player.

  "Ahh kaya pala. Ikaw ang leader nang kumag na to."

  Sabi nang lalaki at may sumabat sa kumpol na mga player

"laban ...laban..laban… "

  Napatingin ang dalawang leader at nag salita ang lalaking naka armor.

  "Mag laban tayo para malaman kung sino ang tama. Team mo sa team ko."

Sabi nang lalaki at lumapit kay Glenn.

  "Wag ka mag padala sa mga player na yan!"

  Sabi ng mga nabubuod na mga player habang si Cj ay parang mawawalan nang malay dahil nakahawak parin ang lalaki sa kanyang damit.

  "Na duduwag kaba baka mahina ang team mo."

  Nainis si Glenn kaya tinanggap nya ang laban at pumunta sila sa battle room. Habang papunta sila nag salita si Cj kay Glenn at si Kim ay nag babasa parin habang nag lalakad.

  "pero kulang tayu nang member"

  Narinig nang isang player ang sinabi ni Cj pero hindi na makita nang player sila Cj. Habang nasa room tinanong ni Glenn kung ano talaga ang nangyari at nag salita si Cj.

  "Ganito kase ang mga pang yayari. Habang nasa elevator kami dinukotan nang lalaking brown na buhok ung lalaki tapos ako ang nakita dahil katabi ko sya sa elevator."

  Nag salita si Glenn at dahil sa lalaki na brown ang buhok.

"Yung brown na buhok na yun!!"

  Humirit si Kim kay Cj

  "bakit ka naman tumakbo?"

"Nakakatakot kasi yung mukha nang lalaki."

  Nag salita pa si Kim sa dalawa.

  "Pano na yan tatlo lang tayo kulang tayo nang isang member."

  Habang nag sasalita may biglang kumatok sa room nila Cj binuksan ni Glenn ang pinto. Isang lalaking naka pang japanese uniform nakita nila. Tinanong ni Glenn kung ano ang kaylangan nya at biglang nag salita.

  "Nag hahanap kayo nang member?"

  Nagulat ang tatlo sa sinabi nang lalaki pero wala na silang magagawa kaya pinapasok ni Glenn ang lalaki.

  "Anong pangalan mo?"

  Tanong ni Glenn sa lalaki at sumagot naman ito.

  "Ahh ako si Nicoh."

  Tinanong naman ni Cj kung ano ang class niya at sinabi niya na isa syang shooter na may granade luncher.

  "woohhhh ano yung sinabi nya  Kim."

  Tanong ni Cj kay Kim pero di sinagot ni Kim ang tanong ni Cj at lumabas na sila sa battle room para pumasok sa teleporting chamber. Nagkita ang dalawang panig sa labas ng chamber.

  "ano na natatakot kana?"

Tanong nang leader sa kabilang panig.

  "Hindi na sana umabot sa ganito kung naniwala kayo sa member ko."

  Sabi ni Glenn sa leader nang kabilang grupo.

  "Kapag na nanalo kami ibibigay nyo lahat nang rp nyo pati na ang rp bag ko kapag kayo ang nanalo ibibigay ko ang rp naming."

  Sabi nang lalaki nag salita rin si Glenn

  "Tatangapin nyo rin na hindi si Cj ang kumuha nang rp bag nyo."

  Pumasok na ang dalawang grupo sa teleporting chamber at na teleport na sa battle field. Habang ang mga player kanina na nag titinginan ay lumalapit sa lalaking brown ang buhok at pinag pupustahan ang dalawang grupo kung sino ang mananalo.

  Teleport

  Napunta sa isang malawak at lumang pagawaan nang barko ang dalawang grupo. Hiwa hiwalay na na teloport ang walong player. Na teleport si Kim sa engine room nang isa sa barko nag lakad siya at may narinig syang malakas na pag sabog. Yumanig ang kina tatayuan nya, agad-agad siyang  lumabas sa engine room at napunta siya sa casino. Nagulat siya dahil isang lumang cruise ang barko at nakita nya ang isang lalaki na naka tayo. Tinignan nya ang paligid at nakita niya ang tatlong sensor bomb sa kanan kaliwa at harapan nya. Kapag gumalaw pa siya nang kaunti ay sasabog ang bomba isa palang shooter ang lalaki at binaril si Kim gumamit nang shield si Kim. Tumalon sya paatras papunta sa dinaanan nya slowmotion na nasasanga ang bala habag dahan dahan sumabog ang mga bomba. Nabalot nang malaking usok at apoy ang kasino at hindi na makita nang lalaki si Kim. May isang anino ang tumatayo at  makita nang lalaki si Kim sunog ang kanyang hoody pati na ang kanyang pantalon pinunit nya ito para maging shorts. nakikita na ang bra ni Kim sa tindi nang pag kasunog nang kanyang damit.



     

Biglang sumugod si Kim sa shooter di nakita nang shooter ang galaw ni Kim biglang nasa harapan na si Kim nang shooter.

  "shieldd!!! "

  Mabilis at kinabahang salita na sinabi nang shooter pero sinipa ni Kim ang shield dahilan nang pag atras at pag tumba nang shooter. Pilit na bumangon ang lalaki pero huli na ang lahat dahil humiwalay na ang kanyang ulo sa katawang lupa niya.

  "slash"

  0-1 na ang score tumatakbo si Cj sa hallway room nang barko at binuksan nya ang pinto. Nakita nya ang usok at apoy di nya namalayaan na nasa casino floor na pala siya. Pag tingin nya sa baba nakita nya si Kim na sira-sira ang damit at isang kalaban na nakahandusay. Lumapit siya kay Kim at nagulat siya dahil kitang-kita nya ang makinis na katawan ni Kim at ang panloob nitong bra na kulay puti.

  "Ahhh pasyensya na di ko sinasadya makita  kang ganyan, ahhh sorry talaga."

  Tinakpan ni Cj ang kanayang mata habang nag salita. Si Kim naman ay namula ang mukha. Kumuha si Kim nang sapin sa isa sa lamesa ng casino at itinali nya ito sa kanyang bewang at dibdib. Habang si Cj ay nakatakip parin ang kanyang kamay sa mukha nang biglang may malakas na pag sabog ulit na narinig ang dalawa sa labas nang barko.

  "(Wow ang astig talaga nang technology ngayon pati yung katawan detalyado.)"

  Habang lumulutang ang isip ni Cj sa katawan ni Kim tinapik ni Kim ang balikat ni Cj. Tumakbo na sila papalabas nang barko habang tumatakbo nakatakip parin ang mukha ni Cj.

 

"Cj oy, ok na pwede kanang tumingin."

 

Sabi ni Kim habang papalikong tumatakbo sa mga room nang barko. Tinanggal na ni Cj ang kanyang kamay sa mukha nya. Sa kabilang banda tumatakbo si Glenn papunta sa isa sa container truck sa pier. Pilit nyang kinokontak sila Kim at Cj pero di maabot nang signal, nang may narinig syang isang malakas na pagsabog sa loob nang malaking cruise. Biglang may nakita sya na isang tao na naglalakad sa mga container.

  "AHH!! nasan na sila? saan kaya yung pagsabog na yun?"

  Nakita nya si Nicoh na naglalakad at parang tamad na tamad nang biglang sumabog sa kanan bahagi ni Nicoh. Nagulat si Glenn sa nangyari nabalot nang usok ang paligid pero unti-unting nawala ang usok. Di manlang nagalusan si Nicoh dahil naka activate ang kanyang shield. Tumingin sa paligid si Glenn at nakita nya ang isang shooter sa isang warehouse.

  "Muntik na yun ahh!! "

  Dali daling nag tago si Nicoh at ikinasa ang kanyang rifle nang makita nya ang isang sniper sa isa sa mga Bangka.

  "Burst Shooooot!!"

“Glenn ilag"

  Sigaw ni Nicoh nang biglang nalaglag si Cj kay Glenn at tumumba ang dalawa. Dahil doon nakaiwas si Glenn sa sniper nabutas ang mga container at tumalon si Kim galing sa sobrang taas na cruise.

  "Awww, sakit, saan kayo galling. "

  Sabi ni Glenn habang tumatayo nakikipag barilan naman si Nicoh sa shooter sa warehouse. Si Kim naman ay nakita ang isang attacker galing sa likod ng shooter na tumatakbo at sinugod nya ito.

  "Cj anong nangyari kay Kim?"

  Tanong ni Glenn at tumayo na si Cj.

  "Ahh mahabang kwento."

  Tunutulungan ni Nicoh sa attacker si Kim. Sumugod narin si Cj at nag sabayan si Glenn at ang sniper. Nagsasanggaan nang espada si Kim at ang attacker nang dumating si Cj biglang si Cj ang inatake ni Kim. Nagulat si Nicoh sa dalawa pero pati na rin ang attacker. Habang ang shooter nakakita nang pagkakataon at binaril ang dalawa.

  "Sorry na Kim di ko sinasadyang mahawakan."

  "SINUNGALING!!!"

  Binabayo ni Kim si Cj nang kanyang espada at sina sangga naman ito ni Cj nang biglang...

  "Rapid Fire!!!"

  Binaril sila nang shooter pero nakapag shield ang dalawa kaya gumamit nangskill si Nicoh sa shooter.

  "Rocket Shot!!"

  Isang malaking bala ang tumama sa shooter. Tumama ito sa kanyang katawan at sumabog habang si Kim pilit na pinapaslang si Cj. kahit na may lumalabas sa screen nya na ally ang inaatake nya. Gumamit nang skill si Kim.

  "douplex splinter"

  Nakapag shield si Cj at tinamaan sya nang biglang sumabay ang attacker kay Kim. Ang di nya alam umikot si Kim para bumwelo para ang tamaan ay ang attacker. Nahiwa sa dalawa ang attacker habang si Cj ay napatumba. Lumapit si Kim kay Cj at pinatawad nya sa nangyari.

  "kapag naulit pa yung nangyari na yun tatamaan kana talaga."

"Oo na sorry na."

  Habang si Glenn naman ay puro galos at daplis laban sa leader nang kalaban na sniper. Nakaisip nang paraan si Glenn at binaril nya ang tanke nang Bangka. Sumabog ito pero nakatalon ang sniper. Gumamit kaagad nang skill si Glenn

  "Burst Shot!!!"

  Tinamaan ang sniper at nalaglag sa dagat 4-0 ang score at ang nanalo ang team nila Glenn. Natapos na ang laban at na-teleport na ang lahat sa battle room. Lumbas ang dalawang grupo malungkot ang kabilang grupo lalo na ang leader. Lumapit ang leader kay Glenn at nakipag kamay tinanong ni Glenn kung para saan gagamitin ang rp bag.

  "Para sa aking ama na may sakit yun nalang ang paraan dahil gipit na gipit kaming pamilya. apat kaming magkakapatid at ito nalang laro na to ang kaya namin gawin."

  Nalungkot si Glenn at lumapit si Cj sa leader at may sinabi.

  "Pre di ko talaga kinuha yun pero mukhang kilala ko ung kumuha."

  Biglang nagsalita si Nicoh at ngumiti.

  "Alam ko kung saan makikita ang tao na yun."

  Habang naglalakad ang lalaking brown ang buhok biglang lumabas si Nicoh at bumangga sa lalaki.

  "Aw ahh sorry."

  Nagulat ang lalaki at kinapa nya ang kanyang bulsa at likuran. Naramdaman nya na wala na ang kanayng rp bag at ang isang bag na puno nang rp galing sa pustahan. Tinawag nya si Nicoh at nagulat sya nang makita nya ang mga lalaki na kinuhanan nya nang rp bag.

  "Akin na ang rp bag ko!!!!"

  Nagalit ang brown na buhok  lumapit si cj at itinuro nya ang lalaki brown na buhok na sya ang kumuha nang rp bag. Habang lumalapit na ang lalaking may armor walang magawa ang lalaking brown ang buhok at dali-daling tumakbo sa hallway at nag sisigaw.

  "Mag babayad kayo sa ginawa nyo !!!!"

  Ibinalik ni Nicoh ang rp bag at pati na ang isa pang rp bag na galing sa pustahan. Nagulat ang lalaking naka armor at nagsalita.

  "Hindi ko matatanggap ang isang to."

  Pero pinagpilitan parin ni Glenn na ibigay ang rp bag at nag pasalamat ang grupo.

  "Maraming salamat pagpasyensyahan nyo na yung ginawa naming kanina."

  Ngumiti si Glenn at hinablot si Cj at pinapayuko.

  "Kasalanan rin neto natakot kasi sainyo."

  Dinakma ni Glenn ang ulo ni Cj at pinayuko

  "Aw-Aw Glenn ang ulo ko mababali, ARAY!!, pasyensya na sorry na!! "

Pagkatapos nang pangyayari na yon kinausap ni Glenn si Nicoh. Si Cj naman ay manghihingi sana ng sorry kay Kim pero inaantok na ito kaya  nag paalam narin sya kay Glenn para maglogout na.

  1:05 na at humiga na si Cj para matulog, pero naalala nya yung nangyari sa cruise. Nung tinanong nya si kin kung ano yung card na nakita nya sa wallet nito. Tahimik itong inaalala ni Cj at dahandahang nakatulog ang binate. Sa kabilang dako, nakaupo si Kim sa gilid nang bintana at  may hawakhawak na litrato habang nakatingin sa nagliliwanag na bilog na buwan.

cjp00 Creator