[Game 390]

Nasa syudad kami, maraming bahay at may malaking ilog. Ang mga kalaban namin ay isang attacker, shooter, sniper at attacker-shooter. Kami naman ay may isang attacker, walang iba kundi ako. Isang sniper, si Glenn , Isang attacker-gunner ,si Kim. At isang shooter. Tumatakbo ako sa mga bubungan at hinahabol ang kalaban naming attacker. Tumalon ang attacker para lumipat sa isang bahay sinundan naman kagad ito ng bala na pinakawalan ng baril ni glenn, pero nakapag shield ang attacker. Tumalon rin ako sa bahay para habulin ulit nang biglang may nag paputok sakin.

   “Rapid Fire!!!”

  Binabaril na pala ako nang attacker-shooter sa baba ko. Gumamit ako nang shield para hindi ako tamaan nang bala. Tumatakbo parin kami sa bubungan hanggang sa sumulpot si Kim kung saan at tumakbo nang mabilis para salubungin ang attacker na hinahabol ko. Gumamit nang skill ang attacker para hiwain si Kim.

   “SLAAASSSSH!!!!!!”

  Pero nakailag si Kim at umikot sa kaliwa nang attacker at gumamit nang skill.

  “slash”

  Gumamit nang shield ang attacker  pero ang di nya alam wala dun si Kim. Nasa likod nya na kagad si Kim na naka yuko at mabilis na iwinasiwas ang espada pataas. Nakakuha din kami ng isang puntos. MAtapos noon sinugod ko na kagad ang attacker-shooter. Gumamit ako nang shield para di ako tamaan nang bala habang bumababa at pag baba ko ay sinugod ko sya at gumamit ako nang skill sa kanya.

   “SLAASSSH!!!”

  “Slaaaash!!!”

  Nagulat ako nang hinugot nya ang espada nya at gumamit rin nang skill. Nagsangaan ang mga espada namin at nag hahatawan kami na para bang walang bukas. Umurong ako dahil ang lalakas nang palo nya. Umatras ako sabay takbo sinabayan rin ako nag attacker-shooter. Habang tumatakbo nakangiti at tuwang-tuwa na nag sasalita ang attacker-shooter.

  “Yan lang ba kaya mo hahaha!!!”

  Pag katapos nyang sinabi yun sumugod sya sakin at hinataw ako. Nasangga ko naman at bumawi rin ako nag kiskisan ang mga espada naming dalawa. Nagka titigan pa nga kami tapos sinipa ko sya sa tiyan dahilan nag pag urong nya. Gumamit ako nang skill para matalo ko na sya pero nakagamit sya nang shield at sinugod nya ulit ako. Gumamit nang skill sobrang tulin nya hindi ko kaagad na activate yung shield, kaya sinangga ko nalang nang espada ang skill.

   “Slashhhhh!!!”

  Naputol ang kalahati nang espada ko at tumalsik sa malayo. Napatumba ako sa lakas nang pwersa at tinutok nya sakin ang dulo nang espada nya at sinabihan ako na bobo at mahina. Gumamit ako nang shield pero hindi ma activate dahil wala akong hawak na weapon. Bigla akong nang lamig at bumalik sakin ang una kong pakiramdam nung nag laro ako ng V.R. Wars na papatayin ako.

  “Katapusan mo na.“

  Umilaw na ang espada nya hudyat yun na ga-gamit sya nang skill na slash, at hihiwain nya na ako pumikit ako at bigla nalang nawala ang nakakasilaw na ilaw. Pag dilat ko ay butas na ang ulo nya. Na contact ako ni Glenn gamit nang R.E.D. at bigla nalang tumumba ang attacker-shooter.

  “Buti nalang nakita kita kung hindi patay kana naman.“

  Nag pasalamat ako kay Glenn at kinuha ko ang espada ko. Sinabihan ako ni Glenn kung saang lugar lumalaban si Kim at ang isang sniper.

  “Pumunta ka kay Kim sa isang malaking gusali.”

  Nakita ko sya, nag tatago naman ang sniper. Bigla nalang umatras si Kim at tumakbo.

  “Retreat may bomba sa building.“

Huli na nang nasabi ni Kim na may bomba sa loob nang building at bigla nalang sumabog ang gusali nang napakalakas. Mababagsakan kami nang mga debri nang gusali pero bigla hinugot ni Kim ang kanyang espada at gumamit nang dalawang skill.

  “Slash“

  “Douplex Splinter

  Umikot sya para ma activate ang skill na ngayon ko palang nakita para hiwain ang mga bato pero, ang hindi namin namamalayan nakatutuk na pala ang sniper samin at babarilin nya kami. Gumamit ako nang shield para di kami matamaan pero nasira ang shield ko hindi kinayanan sa dami na natamo kanina, tumagos ang bala at naputol ang braso ko nakita ni Kim ang sniper at sinugod nya ito. Bumaril ulit ang sniper pero nakailag si Kim tumakbo sya sa mga nagbagsakan bato at tumalon nang napakataas na para bang lumilipad. Tinutok nang sniper ang kanyang baril sa itaas pero nasilaw sya sa araw huli na nang nakabaril ang sniper dahil nahiwa na sa dalawa ang sniper.

  [game over]

[score 4-1]

 

[Teleporting in 60 seconds]

  Ang angas ng ginawa ni Kim. Katanang kulay pula ang hawakan ng weapon nya. Ang sub-weapon nya naman ay isang hand-gun na kulay pula, at pinaikot-ikot nya muna ito na parang si F.P.J. bago ilagay sa kaha na kulay maroon. Lumapit sya saakin at ang angas nang damit nya, hoody ito na medyo may pag dark-red pero hindi naman maroon. May suot din sya na head phone na kulay pink. Tinanong ko sya kung di naman sya mahilig sa kulay pula at tinanong rin nya ako kung hanggang kalian ko susuotin ang pang beginner na damit. Nakarating narin samin si Glenn at kumakaway papalapit samin.

  “Nice fight ang galing mo Kim.“

“Simple lang yung ginawa ko Glenn.”

  Tinanong ko si Kim kung ano yung ginawa nya kanina na umikot sya. Sinabi nya sakin yun ay isa pang skill nang attacker. Douplex Spliner ma activate lang yun kapag umikot ka pero mahirap gamitin yun sa laban. Bigla nalang nabanggit ni Glenn ang paparating na midterm exam naalala ko na mababa ang quiz ko sa lahat nang subject.

  “Patay! yari ako sa midterm ahh.”

“Bakit naman Cj? “

  Tanong sakin ni Kim habang tumatawa si Glenn dahil puro nalang laro ang iniisip ko. Walang paki alam si Kim dahil kahit matutulog sya sa klase matalino naman sya. Habang nag uusap kami tinanong ako ni Kim kung gusto kong turuan nya ako at pumayag kaagad ako. Ang problema maliit lang ang bahay ko tinanong ko si Glenn pero ayaw nya. Magkaiba daw nang grade level ang mga grade namin. Nagsalata naman bigla si Kim.

  “Sa bahay ko nalang.“

“Talaga ba! salamat nang marami.”

  [teleport]

 

Habang natutulog ako nasa isang magandang tanawin ako. May nakikita akong bundok at puro damo ang nakikita ko. May katabi din akong isang babae di ko maaninag ang mukha nya. Hinawakan ko sya pero bigla nalang nawala at naging madilim ang paligid. Nagising nalang ako sa lapag at naka takip ang kumot sa mukha ko. Tinawanan ako nang kapatid kong si joy. Sabado na nang umaga at bumaba na ko para kumain para makaalis na. Ngayong araw ako pupunta sa bahay ni Kim para mag-aral. Tinawagan ako ni Glenn kung umalis na ba ako kinuha ko ang mga gamit  ko para umalis. Pumunta na ako sa lugar kung saan papunta ang bahay ni Kim at nakita ko si Glenn na nag lalakad at sumabay na ako sakanya. Ang akala ko talaga hindi sya sasama. Nang nakita na namin ang lugar hindi kami makapaniwala na ganun ang itsura nang bahay nila.

  “Tama ba yung napuntahan natin Cj?”

“Parang? kasi eto yung binigay nya sakin na address.”

  Isang bahay na kulay puti at itim na may maliit na hardin at may malaki at maliit na gate. Pinindot ko yung door bell at may lumabas na tao sa may pinto. Si Kim pala ang tao na yun naka pusod ang buhok nya at naka pambahay na damit. Lumapit sya para buksan ang gate at pinapasok kami.

  “Ganda nang bahay mo Kim. “

  Sabi ni Glenn habang papasok kami sa pinto.

“Ahh sa tita ko to.“

  Sa tita nya pala ito, pumasok na kami at umupo na kami sa sala. Inilabas ko ang mga pag aaralan ko na sa notebook. Si Glenn naman ay tinananong kung pwede bang mag laro nang ybox 2. Tinuturuan ako ni Kim habang si Glenn naman ay nag lalaro nang video game. Makalipas ang dalawang oras umalis saglit si Kim para kumuha nang pagkain.

  “ Cj !galing naman neto laruin haha.”

  Iniingit ako ni Glenn habang nag susulat ako. Tumayo ako para mag bawas nang tubig sa katawan. Pumunta ako sa kusina para tanugin si Kim kung saan ang cr nila.

  “Sa kanan makikita mo yung nag-iisang pinto dun.“

  Pumunta na ako sa cr para mag-bawas nang tubig pero pag-bukas ko nang pinto at ilaw ay hindi ito cr. Isang kwarto na maraming mga papel at mga monitor.

Tinignan ko ang isang papel pero hindi ko maintindihan ang nakalagay parang blue print nang mga kung ano-ano. May nakita akong isang picture frame na nakapatong sa lamesa, nang tinignan ko ang litrato isang batang babae at matanda na lalake na naka labcoat. Naka salamin ang matanda at parang si Kim ang batang babae na yun. Biglang may tumunog sa labas at dali-dali akong lumabas at hinanap ang cr. Pagbalik ko nakita ko si Kim na pinupulot ang kutsara.

“Anong nangyare Kim?”

“Nalaglag kulang tong mga kutsara.“

  Tinulungan ko si Kim para pulutin ang mga kutsara at pag katapos ay pumunta na kami sa sala. Nakita namin na natutulog si Glenn. Tinuruan ulit ako ni Kim ang ganda talaga nya ang mga mata nya ang mga labi nya ang buhok nya an ilong nya an…

  “Nakikinig kaba Cj!!!”

“Hah? ah oo kasing equation na to ee.”

  Pero english pala ang tinuturo ni Kim napahiya tuloy ako. Biglang nagising si Glenn at pinag usapan namin kung pano kami makakahanap nang isa pang teammate at nabanggit nya ang paparating na tournament. Ang Warfare Tournament sa Philippine server.

  “Warfare? Yung narinig natin sa ibang player? Yun bayun Glenn?”

“Oo malaking pa event kada national server.”

“Pano naman tayu makasali sa warfare?”

  Tanong ko kay Glenn habang umiinon nang tsaa si Kim at sinagot ni Kim ang tanong ko kay Glenn.

  “Kailangan natin manalo sa Luzon channel.”

“Channel ano yun Kim.”

  “sa Philippine server may tatlong channel ang luzon,visayas at Mindanao. Dalawang team ang representative sa isang channel kaya kailangan natin matalo lahat nang kalaban para maging representative sa luzon channel. Pagkatapos lahat nang representative ng tatlong channel ay mag lalaban laban para manging champion sa Philippines server.”

Pinagalitan ako ni Glenn dahil wala na nga akong alam sa school pati narin sa game wala din. Nag salita si Glenn sa mga team na magagaling ngayon sa Luzon channel.

  “Ang mga magagaling lang na team na alam ko sa Luzon channel ay ang PARAGON, DEMIGODS at MAHAROTH pero marami pang magagaling na di natin alam.“

  Sumangayon rin si Kim sa sinabi nya kasi nasa Mindanao talaga ang pinaka malakas na team sa Philippines server ang HATRED. Umabot na kami nang hapon sa pag uusap kaya umuwi na kami ni Glenn. Pag dating ko sa bahay ay nag aral ulit ako at naalala ko ulit ang picture frame at mga papel sa kwarto. Masyadong talagang misteryosa si Kim pero ang cute nya para paghinalaan ko nang ganon kaya nag review ulit ako para sa test.

  “Kailangan mag review! di muna ko mag lalaro.”

Dumating na ang araw ng test. Papunta na ako sa eskwelahan nang Makita ko si Glenn na papasok sa building. Tinanong ko sya kung may nahanap na sila na teammate pero wala parin daw. Pumasok na ako sa room para mag review saglit pagkapasok ko sa room nakita ko si Kim na natutulog sa klase. Tinitignan sya nang mga kaklase namin at nag bubulungan. Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ko sa bag ang notebook ko para mag review. Lumapit sakin si Kenneth at kinausap ako.

  “Lakas nang bago nating kaklase natutulog lang di man lang nag rereview.”

  “Oo wala yata syang pake.”

  Sabi sakin ni Kenneth habang tinitgnan si Kim na natutulog. Dumating na ang mag babantay samin sa test. Nag nagsi-ayos na ang lahat ta nagising narin si Kim. Nag salita ang teacher at pinamigay na ang testpaper at nag simula na ang test.

“Ok class test begin.”

  [END OF CLASS]

    Natapos na rin ang exam namin at ang mga kaklase ko ay tuwang tuwa at mag uuwian na. Nagayos na ako para umiwi nang mautusan ako nang teacher ko na dalhin ang test paper sa upuan nya sa faculty. Lumapit ako sa harap para kunin ang mga test paper. Nag-uuwian na ang mga kaklase ko at si Kim di ko man lang natanong kung anong oras sya mag-lalaro. Dinala ko na ang mga papel sa faculty. Habang nag lalakad nakita ko si Glenn sa baba nang hagdan at tinawag ko sya.

  “Glenn!!! anong oras ba mag lalaro?”

  “9:00 mag online kana.”

  Nang nalaman ko na kung anong oras pumunta na ako sa faculty. Pumasok na ako  sa faculty room at hinanap ko yung upuan nang adviser naming. Nilapag ko na ang mga test paper sa desk at pinatungan ko ng mabigat na bagay para di liparin. Habang papaalis narining kong nag-uusap ang mga teacher tungkol sa isang estudyante na lilipat dito sa school at lumabas na ako para umuwi.

    “Yehhh tapos na rin makapag laro narin ang V.R. Wars.”

    Habang nag sasalita si Cj papauwi narining nang isang estudyanteng babae ang salitang V.R. Wars. Habang nakikipag usap sya sa mga kaklase nyang babae. May pagka-asul ang buhok at mga mga mata ng babaeng nakarinig. Habang nag lalakad hinanap nya kung sino yung nagsalita pero di nya na nakita at nag buntong hininga nalang. Tinanong sya nang kasamahan nyang kaklase.

  “Ok  kalang ba Meyu?”

  “Ah oo san na nga tayu?”

  At nag lakad na ulit sila para umuwi.
cjp00 Creator