[Game 156]

Wala parin kaming nakikita para maging member nang aming grupo. Marami kaming tinanong na mga player kung gusto nila sumali kaso ayaw nang iba, o kaya masyadong mayabang kala mo kaya magbuhat nang mga mahihinang player. Pero sila pa ang unang napapatay. Habang nag-iisip ako kung pano makakahanap nang mga member. Isang malakas na boses ang narinig ko.

 

“Ilag!!! Cj!!!”

  Nasa kalagitnaan pala ako nang game at hihiwain na sana ako ng isang attacker. Umatras ako para makailag. Muntik na ako mahiwa dahil sa pag iisip kung pano mangangalap ng member. Matulin na nagtago ang attacker dahil kasunod kulang ang shooter na kakampi ko.

   “Ok ka lang ba cj? Dali mananalo na tayo.”

Nasa  isang malaking syudad kami ngayon at nasa mga bahay kami nag lalaban. Dalawa nalang ang kalaban namin. Isang attacker at isang sniper. Kami ay tatlo pa isang shooter ,isang attacker at isang sniper. Nasa likod ako ngayon ng isang bahay at nag tatago. Ang kasamahan namin na shooter ay nasa loob ng isang bahay.  Si glenn naman ay nasa bubungan nang isang bahay  malapit sakin. Nakita na ni glenn ang sniper sa isang luma at sirang bahay.

   “Cj! nakita ko na yung sniper. Sa lumang bahay nayun yung pula ang bubong .“

  Sinilip ko kung saang bubong ang may kulay pula at nakita ko rin naman ito. Dahan dahan ako pumunta doon. At sinabihan ni glenn ang kasama naming na shooter na sumama sakin

  “Shooter backup mo ung attacker natin.“

  “Ok po.”

                  Habang papunta na sa bahay nakita ko na kumikislap ang isang bagay sa bintana nang bahay. Yun pala ay nguso nang baril ng sniper. Binaril nya ako at buti na lang at nakailag ako nang mabilis. Dali dali ako nag-tago para di ako Makita tinanong ako nang shooter na kasama ko kung ok lang ako.

   “Ok kalang ba attacker nakita tayu. Dalian natin para di na sya makaalis.“

  Tama nga ang sinabi nya. Alam nan g sniper na nakita na namin sya. Kaya pumulot ako nang bato at binato ko sa bandang kaliwa ang bintana nang bahay. Tumakbo ako nang mabilis at tumalon sa kanan na bintana. Nakita ko sya papaba na nang hagdan nang bahay buhat buhat ang sniper nya.

  “Grahhh slashhhh”

  Di ko namalayan na nasa likod ko na ang kalabang attacker. Gumamit sya nang skill para patayin ako. Parang slow motion na tatami sakin ang kanyang espada pero may lumabas na shield sa harapan ko.

   “Ahhh muntik nanaman.”

  Buti nalang nasangga nang kasamahan kong shooter ang skill nang attacker. Binaril nya rin kaagad ang attacker napaatras ang attacker at nakapag shield din ito.

  “Nice cover. Salamat shooter.”

“Cj tanga mo naman ano ba!!!!!!”

  Galit na galit na sinabi sakin ni glenn habang nakikipag palirtan nang putok sa kalabang sniper. Habang ako naman ay nakikipag laban sa loob nang kwarto kasama ang kakampi kong shooter. Sinugod ko ang attacker at walang humpay na hinahampas nang aking espada. Nag katamaan ang espada namin at kumislap ito. Nagtutulakan  kami nang biglang sinuntok nya ako sa tiyan dahilan nang pag atras ko. Sinipa din nya ako at napantumba. Binaril nang kasamahan kong shooter ang kalabang attacker pero nakakailag ito. Tumayo ako para sugurin ang attacker. Gumamit ako nang skill habang papalapit na sa kanya.

    “Slaaassshhh!!!!”

    Nasangga nya nang shield pero nagulat sya nang biglang nabasag ang shield. Dahil kanina pa binabaril nang kasamahan naming shooter ang attacker.  Sinangga nya ang mga bala gamit ang shield. Tumagos ang espada ko patungo sa kanyang balikat pababa dahilan nang pagagkatalo nya.

   [Game Over]

[Score 4-1]

  “Nice one attacker”

 

Bati sakin nang shooter pero nagulat kami nang shooter na bigla nalang na game over ang laro dahil may sniper pa na kalaban. Tinanong ko si Glenn kung ano ang nangyari yun naman pala napatay nya ang sniper. Natapos na ang game at tinanong ni glenn ang kasama naming  shooter kung gusto nya sumali sa aming team. Pero inayawan nya dahil may iba na pala syang team. Nateleport kami palabas sa battlefield at napunta kami loob nang isang malawak na building. Maraming player na iba iba ang itsura ang damit at ang gaganda.

  “Glenn anong lugar to.“

“Ha? Hindi mo alam to lugar na to. Kalian ka lang ba naglaro nito?”

“Isang linggo palang.“

  Nagulat si Glenn sakin at parang nadismaya. Habang ako naman ay tinitignan ang maraming mga player na dumadaan kaliwa’t kanan. Nag aastigan ang mga damit nila habang ang damit ko ay military hood lang, damit nang isang beginner sa laro.

  “Ganito kase yan, pwede naman mag dala nang dalawang weapon tinatawag yun na sub weapon o sub class. Bukod sa knife na binigigay sa mga beginner na player pwede kang bumili ng iba pang pang sub weapon tulad ng katana,ibat ibang uri ng pistol at pwede din naman na dalawang main weapon ang dalhin mo. Halimbawa sayo isa kang attacker at espada ang main weapon mo pwede kang bumili ng isa pang espada para maging sub weapon mo, pero depende ito sa iyong mental stability.”

“Ahh ganun ba, eh yung damit nila bakit yung iba naka leather jacket, yung isa naman naka Kimono di naman hapon.“

  “Ahh, sila gumawa nang design nayun. Pwede nga rin baguhin yung design nang weapon mo eh kailangan mo nga lang nang R.P. o Realty Points.”

  Kada mananalo ang isang team sa laban binigibyan sila ng RP. Pwede nila ito ipalit sa tunay na pera pero malaki ang kailangan na RP para matumbasan ng pera, depende sa currecncy ng isang bansa. Gunagamit din ang RP pang bili nang mga weapon, item, at pang design ng kung ano-ano. Nasa loob na kami nang elevator nang marirnig namin na nag-uusap ang dalawang lalakeng katabi naming. Parehas na shooter parang pinag uusapan nila papalapit na event sa V.R. Wars.

  “Pre narinig muna ba malapit na ang warfare tournament malaking RP nanaman to.”

  “Talaga ba!  Yare na marami nanaman mag lalabasan na magagaling. “

Pinapakinggan naming ang dalawang nag uusap nang umabot na kami sa floor na pupuntahan naming ni Glenn. Lumabas na kami at nakita namin ang maraming tao na nanood sa isang malaking monitor. Tinignan ko nag lalaban-laban ang mga player at ang mga nanood ay nag hihiyawan.

  “Ang lawak naman dito Glenn ano ba to.”

  “Ito ang main viewing  dito mo makikita ang mga sikat na player at team na nag lalaban laban sa rank game.“

  “May ranking rin pala dito?”

  “Oo naman. Sa V.R. Wars may tinatawag na ranking system. Binabase ang ranking sa kung gano katas ang KDA o kill ,death, assist ponts nang isang player. Kapag sa team naman kung ano ang total ng KDA sa team.”

  Habang nanood nang mga laban nakikita ko kung gaano kagaling ang mga player na nag lalaban-laban. Walang wala ako sa galing nila sa pakikipag laban. Meron din palang babae na nag lalaro nito. Habang nanood tinapik ako nang katabi ko. Lumingon ako pero hindi si Glenn dahil nakatutok sya sa laban. Isang lalaking hindi ko kilala na may brown na buhok ang lumapit saakin.

  “Bago kalang dito.

  Tanong sakin nang lalaki napansin rin ni Glenn ang lalaki at humarang sakin at tinulak nya ang lalaki.

  “Lumayo ka nga dito.”

  Galit na sinabi ni Glenn sa lalaking brown ang buhok at umalis na nakayuko ang ulo.

    “Tsk tinatanong kulang naman.“

                    Tinatong ko si Glenn kung sino ang tao na yun.

“Sino ba yun Glenn? Kilala mo?”

  “Kilala sya dito sa brown nya na buhok scammer yun marami nang na scam yung lalaki nayun.  Kunyari tuturuan ka kung pano laruin to tapos hihngan ka kang RP at ibabalik daw nang malaki yun pala na uto kana.”

Habang sinabi sakin ni Glenn ang mga bagay-bagay natapos na ang laban sa rank game kaya nag log out na kami at natulog. 1:00  na ako naka tulog. Pumasok ako sa school nang maaga para doon ulit ako makatulog. Nang biglang nag umpisa na ang klase. Habang nag kaklase nag tatago ako sa teacher gamit ang libro para makatulog. Pero sa kasamaang plad nakita ako at pinagalitan. Habang pinapagalitan ako bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang kaklase naming na si Kim. Humingi sya nang paumanhin dahil na late sya sa klase sabay upo sa tabi ko. Grabe ang pormal naman nito. Naudlot ang sermon ng aming teacher sahil sa biglang pagpasok ni Kim. Nag klase na ulit at makalaipas ang ilang oras natapos na ang klase.  Nag aayos na ang lahat nang limapit ang isang grupo nang babae sa upuan ni Kim. Ang grupo na yun ay mga pa sikat na mga babae. Tawag ni Kenneth sa mga ganun pabebe. Lumapit ang isang babae sa desk ni Kim galing sa mga grupo nang babae. Para bang binabantaan si Kim nang babae pero walang imik si Kim at natutulog sa desk puyat siguro. Nang biglang nalang sinipa nang babae ung desk at tumumba ito, pero nagulat ako nang si Kim ay nakayuko parin pero wala nang desk. Tinitigan ni Kim yung babae narinig naman ng president namin ang ingay na nagawa nila at sinigawan sila.

  “Andrea ano bayan siga kaba wag nga kayo mag away.“

  Habang nag titigan ang dalawa lumalapit na si president at nag salita si andrea at lumabas na sila nang room.

  “Mag tutuos pa tayu Kim wag kang feeling maganda.

  Tinulungan ni president si Kim na itayo ang desk at kinausap si Kim. Hirap talaga nang bago sa school, mhirap makisama. Tinawag ako ni president para tulungan si Kim dahil may aasikasuhin pa sya sa faculty.

  “Cj ikaw na nga muna tumulong kay Kim may gagawin pa ako sa faculty.”

  Di na ako naka tangi dahil umalis na sya. Lumapit ako at tinulungan ko sya. Habang pinupulot ko ang papel nya nakita ko ang score nya sa test at mataas naman ito. Humingi rin ako nang pasensya dahil tiningnan ko lang sila, pero ang dahilan talaga nag susulat ako nang letter dahil natulog ako sa klase. Inabot ko sa kanya ang papel at napatingin ako sa kanyang mata. Nakita ko sa kanyang mata nag alit sya sa nangyari dahil may kakaiba dito at lalo akong kinilabutan nang marinig ang binulong nya.

  “Ang sarap gilitan nang babae nayun.”

  Kinilabutan ako sa sinabi nya at bumalik ako sa upuan ko. Walang duda nag lalaro to nang V.R. Wars. Pano ko tatanungin to mainit ang ulo ni Kim. maya-maya nalang mag-papatulong nalang ako kay Glenn. Pag katapos noon pumunta ako sa 3rd floor ng Building B para puntahan si Glenn. Ang layo naman nang lugar nang 12-A at nakita ko na ang room niya.

  “Dito puba si Glenn Nazar?”

  Tanong ko sa isang estudyanteng lalaki.

  “Glenn may tumatawag sayo.”

  Nakita ko si Glenn nakikipag kwentuhan sa mga kaklase nya tsaka lumapit sakin.

  “O Cj bakit ano meron.“

   “May sasabihin ako sayo.”

  At sinabi ko ang hinala ko…

  “Ahh may nag lalaro nang V.R. Wars dito tara kausapin natin tapos isali natin.”

  “Hinala ko lang yun Glenn, nakakatakot sya pero cute.”

                  Pinuntahan namin si Kim sa room pero wala na sya. Hinanap namin sya kung saan-saan at napagod na kami sa kakahanap nang nakita namin sya sa library. Ang sipag naman mag aral nang babae nayan sabi ni Glenn. Biglang may dumating na mga grupo nang babae.

  “Cj mga kaklase mo?“

  Tanong sakin ni Glenn habang nag tatago sa isang book shelf.

  “Oo mga pabebe girls. Wag ka ngang magulo diyan Glenn.”

“Bakit kasi kailangan natin mag tago.”

“Basta.

  Habang ang gulo ni Glenn sa pagtatago lumapit ang mga pabebe girls kay Kim. Sakto na wala ang librarian para mang sita. Nag susulat sa notebook si Kim at di pinapansin ang mga pabebe, pero bigla nalang tinapon nang isa sa mga pabebe ang gamit nya. Tinitigan ni Kim ang mga babae at napatras, pinulot nya bigla ang kanyang ruler.

   “Cj pang hihiwa nya ba yun.”

  Tanong sakin ni Glenn at ang lakas nang boses.

“shhhhhh!!!!!!!!“

  At nag salita na si Kim sa mga babae habang hinahawakan nang mahigpit ang ruler.

  “Ano ba problema nyo sakin?“

Galit na galit na sinigaw ni Kim. Nag salita na si Andrea ang mayora ng mga pabebe girls.

“Wag kang mag-magaling, feeling mo ba maganda ka?“

Galit ring sinabi ni Andrea kay Kim pero walang alam si Kim kung ano ang sinasabi nya.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo.“

Meron dahil pag nakikita ka nang boyfriend ko natutulala na sya at di na nya ako pinapansin.”

                  Pagkatapos nyang sabihin yun bigla nalang sinuntok ni Andrea si Kim pero nawala sya sa paningin nya. Pati kami ni Glenn ay nagulat nasa likuran na pala ni Andrea si Kim.



  Hinawakan niya ang kamay ni andrea habang nakatutok ang ruler sa leeg ng babaeng haliparot. Gagawin nga talaga ni Kim yung sinabi nya. Sinipa ni Kim ang isa sa kasamahan ni andrea, dahil don di makalapit ang iba. Pero nakahanap nang timing ang kasamahan ni andrea at sinabunutan ang buhok ni Kim. Nakawala si Andrea at si Kim naman ay napahiga. Hinawakan nila ang katawan ni Kim para hindi maka galaw. Kumuha nang gunting si Andrea para gupitin ang buhok ni Kim, nang may biglang malakas na boses ang umalingawngaw sa library.

  “Maam!!!!!!!!!!!!!! May away dito!!!!“

  Sa sobrang lakas nang boses ni Glenn dalawang teacher ang nakarining at dali dali pumunta sa library.

   “Galing mo Glenn.”

Dali-daling umalis ang mga pabebe girls. Pinuntahan namin agad si Kim at tinanong kung ayos lang sya. Umalis kaagad kami dahil baka kami pa ang mapagkamalan na nang away kay Kim. Tumakbo kami palabas ng library bago pa dumating ang mga teacher. Nang makarating na ang dalawang teacher wala na silang naabutan. Pumunta kami sa canteen kaunti nalang ang tao doon dahil nag uwian na ang mga estudyante. Buti nalang may nag titinda pa ng pag kain kaya humanap na kami nang pwesto. Bumili naman si Glenn nang makakain.

  “Salamat nga pala kanina kung hindi maiksi na ang buhok ko.”

  Sabi samin ni kim habang kumakain si Glenn nang noodles.

  “Cj tama? Sino naman yang kasama mo matakaw sya ah.”

“Glenn at your service.”

  Sinabi namin ni Glenn na napahanga kami sa ginawa nya kanina parang ninja kung ano man yung ginawa nya. Habang kumakain si Glenn pinaalala nya sakin kung ano talaga ang dahilan kung bakit namin siya hinanap. Akala ko si Glenn ang mag tatanong, mabilaukan ka sana.

  “Ahh Kim ganito kase umm player kaba nang V.R. Wars?”

  Tumahimik bigla at nguya nalang ni Glenn sa noodles ang naririnig namin parang nag iba ang hangin at bumalik ulit sa dati.

  “Oo nag lalaro ako nun kayo ba?”

 “Oo naman mga baguhan palang kami.”

“Ikaw lang Cj ang baguhan, ikaw lang.“

  Tinanong ni Glenn kung ano ang class nya at sinabi nya isa syang attacker –gunner.  Habang inuubos ang noodles ay sinasabi ko kay Glenn na tanungin na nya.

  “Cj wait kalang.“

  Nalunok na ni Glenn ang noodles at tinanong na nya si Kim.

  “Gumagawa kasi ako nang team pwede kabang sumali sa team ko.”

  Napaisip si Kim sa sinabi ni Glenn matagal kami nag hintay nang isasagot nya. Walang nag sasalita at mag sasara na ang canteen biglang nag salita si Kim.

  “Ok actually di  ako sumasali sa team may mga ibang team na magagaling pero di ako sumali pero dahil tinulungan nyo ako sasali ako sa team nyo.”

“Yahoo!!!!!!!!!!!!!!”

  Natuwa kami ni Glenn dahil may bago na naman kaming miyembro at cute na babae at kaklase ko pa. Habang nag uusap usap kami tinanong ni Glenn kung pwede ba syang mag pakilala samin.

  “Ako nga pala si Kim Emphere, ahh may gagawin pa pala ako sa bahay uwi na ako.”

  Habang iniisp ang pangalan nayun Bigla nalang nabilaukan si Glenn nag katotoo yung hiniling ko kanina. Uminom kaagad nang tubig si Glenn na para bang nagulat sa sinabi ni Kim, eh pangalan lang naman yun.

“ Wait!!! Emphere?”

“Bakit Glenn ano meron sakanya?”

  Tanong ko kay Glenn habang tumayo na si Kim para umalis.

  “Isa sya sa magagaling na attacker sa game, isa rin syang solo player kaya wala syang ka team. Kaya nyang umubos nang isang team balita ko inaalok sya ng mga malalakas na team pero tinaggihan nya lahat.”

  Dami talagang alam ni Glenn pero isang high rank attacker-gunner ang bago naming ka team mate.  Tinanong ko si Kim kung bkt tinangihan nya ng mga malalakas na team tumungin sya sakin nang nakangiti at sinabi na…

  “Masyado na silang malalakas di na nila ako kailangan.”

  At tumalikod na si Kim at umalis pero ang kaninang nakangiti ay nagging seryoso. Umalis na kami ni Glenn pagkatapos nang pangyayari na yon para umuwi. Habang nag lalakad  nagusap kami kung ano ang pagkatao nang babaeng yun masyado syang misteryosa. Habang tinitignan ko ang langit ay napaisip ako…

“Ano kaya ulam mamaya?”

 
cjp00 Creator