Ilang araw nalang at mag uumpisa na ang tournament at nag sisilabasan na ang mga malalakas na team at mga sikat na player nang pilipinas. Ang mga ibang player naman ay nag pupustahan kung sino mananalo. Nasa escalator kami nila Nicoh, Cj at Kim para mag register na at mag fill up, at makakita nang mgagandang V.A- este player.

  “Ahh matanong ko lang Nicoh bakit noong araw na nakita ka namin ni Kenneth e na bubully ka? Mukhang kaya mo naman yun, agent ka di ba ?”

  Narining ni Cj ang tanong ni Glenn. Si Kim naman ay paalis na nang escalator. Lumapit si Cj at tinanong kung ano ang nangyari doon. Sinagot naman ni NIcgoh ang tanong ni Glenn.

  “Yun na nga kaso dumating kayo tapos umepal pa, kaya yun.”

“Ahhh talaga si Kenneth, basagulero talaga yung tao na yun kahit saan.“

  Pagkatapos mag register umalis si Kim dahil may kukunin lang daw siyang bagay. Kami naman nila Cj at Nicoh ay pumunta sa clothing shop dahil may bibilhin si Cj.

  “Daming player!”

  Sabi ni Cj sa daan. Nag lilisawan ang mga player nag uusap nag papalitan at nag kukumustahan makikita rin ang iba ay nag hahanda at nag papasikatan nang mga damit kahit na walang dagdag at pang appearance lang ang damit. Pero kung maganda ang damit mo maraming hahanga sayo at pwede ka pang sumikat. Nakarating narin kami sa clothing shop at pumasok na karamihan nang tao nasa loob ay mga newbie at kasama na doon si Cj. Tumingin kami sa mura at nakakita kami nang sale ang kaso lang bikini ang sale, 40% off sana. Nanlumo ang paningin naming dalawa sa na nakita namin.

“WTF? Talaga ba bikini 40%“

  Sabi ni Cj at umalis na para maghanap nang iba. Habang si Nicoh ay mukhang susubukan pa ata.

  “Nicoh awat na tama na.“

  Pumunta sa hood section si Cj at nakita niya ang kagaya nang kay Kim. Tinignan niya ang presyo at 1000 rp lang kaya agad niyang kinuha para bilhin. Habang papunta sa counter nakita niya ang apat na babae na pinag-titinginan nang mga tao sa damit nila na maid outfit, na para bang nag cocosplay lang. Pumunta si Cj samin habang pinipigilan ko si Nicoh na suotin ang bikini.

  “Glenn sino yung mga tao na yun, teka! Yan pa rin ginagawa nyo?”

  Napahinto kaming dalawa at nag salita si Nicoh.

  “Ahh sila ba, VIg4 ang tawag sa kanila dahil sa ibat-ibang magagarbong suot nila kada game lalo na pag may event.“

“VIg4 ?”

  Tanong ni Cj habang pinagmamasdan sila na mag canvas nang damit.

  “virtual idol girls 4“

  Sagot ni Glenn kay Cj habang siya ay parang may namumukhaang isa sa kanila pero pinag walang bahala nalang niya. Nag bayad na sa counter si Cj. Pag labas sa shop nag kukumpulan ang mga player at may dalawang team na nag lalakad. Ang isa ay ang DEMIGOD at ang isa ay kilala sa tawag na PARKOUR team. Dumaan sa harap nila Glenn ang dalawang team, pero napansin ni Cj si Glenn na hindi makatingin sa isang team balak nya pa naman tanungin kung sino sila. Napansin ni Cj na magkatulad ang sniper na sukbit-sukbit nang isa sa player nang team DEMIGOD sa sniper ni Glenn. Malayo na sila kaya si Glenn ay nag umpisa na mag lakad, ganun din si Nicoh na seryoso ang tingin. Napansin ni Cj ang kilos nang dalawa ay nag iba pero napag isip-isip niya na baka makaka laban nila ang isa sa mga team na nakita nila at sumunod nalang siya sa dalawa. Nag sama-sama na ang apat at napansin nang tatlo na may dala dalang malaking case si Kim. Dahil alas dose na nang gabi ay nag logout na si Kim pati na rin si Nicoh at Glenn. Nang mag lolog out na si Cj ay naisip nya na pumunta saglit sa traning hall para mag practice muna saglit. Pag dating niya ay hindi niya alam kung ano ang gagawin kung pano pumasok sa room. May nakapansin sa kanya na isang player at lumapit sa kanya.

  “Pindutin mo muna ung create room!”

  Mahin-hin na boses ang narinig nang tenga ni Cj at nang paglingon niya isang babae ang nakita niya. Napaatras ang dalawa sa lapit nang mga mukha nila at agad na napansin ni Cj ang maid outfit nang babae.

  “Ahh sorry,…… ikaw yung nasa clothing shop kanina ung VIg4 bayun ..”

Nahihiya namang sumagot ang babae.

  “Haha parang ganun na nga baguhan kalang ba?”

  Napakamot nang ulo si Cj at na pa oo nalang.

  “Ahhh gusto mo turuan kita tutal wala naman akong ginagawa”

“talaga ba !!!??”

  Tuwang tuwa na tanong ni Cj tapos tinanong niya kung ano ang pangalan nang babae.

“Isa sa member nang VIg4 Mey, isang attacker.”

“Parehas tayo ako si Cj ahhh attacker”

  Pag katapos ay pumasok na sila sa traning room. Isang plain field ang pinili ni Cj. Nakita niya ang espada ni May na isang longsword na nakasukbit sa kanyang likod. Tinuruan naman siya nito nang mga tips tungkol sa attacker.





Lumipas na ang mga araw at mag uumpisa na ang warfare tournament. Isa-isang nag datingan ang mga player at dahan dahan dumadami buong dome. Ang iba na nanood lang ay pinag pupustahan kung sino sinong mga team ang makakasama sa bracket A B C D. Umabot nang 500 teams ang nag participate sa Luzon area at isa kami doon. biyernes nang gabi at huli na naman ako nang log in. Nasa isang pahingahan naman sila sa dome. Habang papalapit ako napansin ko na may isang naka balot at hindi makita na mukha na kasama nila Glenn at Nicoh. Nang makalapit na ako si Kim pala iyon na parabang stalker.

  “Glenn bakit nakaganyan yung babae na yan ?”

“Kasi nga diba famous yan siguro pagkakaguluhan sya kaya yan nag balot.“

  Sobrang dami nang player na nag lalakad parito at paroon at nag hihiyawan. Ang iba ay nag aaway at ang iba ay pinagtitinginan ang kanilang appearance. Mas lalong lumakas ang hiyawan nag dumating na ang mga sikat na team ang DEMIGODS na pinamumunuan ni Macross kasama sa team niya ang may katulad nang Baril ni Glenn. Dumating narin ang MAHAROTH na pinamumunuan nang kambal na Len at Lan.

  “Woahh parang may pa parade ung mga player ngayun ahh.”

  Humahangang sinabi ni Nicoh habang nanonood nang anime sa window screen niya.

  Dumating na rin ang team PARAGON na ang leader ay isang shooter na Dual rifle na si Macbeth. Pinag uusapan nang lahat ang pag dating nang PARAGON at sa dual rifle na si Macbeth dahil sa taas nang mental endurance nito. Biglang nag hiyawan ulit ang mga player at ang iba ay may glowstick na iwinawasiwas sa hangin. Habang naglalakad ang VIg4 na mga naka dress at ang leader nila na pinamumunuan nang idol sa tunay na buhay si Escarlet. Napadaan sa pwesto namin ang VIg4 at napansin ako ni Mey. Kinawayan niya ako nagsalita at sabay kindat. Hindi ko narinig ang sinabi niya pero ang pagkakabasa ko sa bibig niya ay Good luck sa laban. Napansin ni Nicoh at Glenn at lumapit ang dalawa sa akin.

  “Oy oy oy!! bakit parang may nililihim ka samin ahh!!”

  Sabi sakin ni Glenn habang pinapatunog ang mga daliri sa kamay niya na para bang gugulpihin ako, pati si Nicoh na ikinakasa ang kanyang baril. Habang si Kim naman kaninang walang imik ay ginagalaw ang kanyang paa sabay pitik nang kanyang dila.

  “tsk”

  Sumapit na ang 11 nang gabi at lumabas na ang sikat na commentator nang game si Louca na ang appearace niya ay isang kalahating pusa.

  //Kumusta!!!!!...... mga ka babayan!!!!//

“wahhhhhhhhhh”

  Pasigaw na sinabi ni louca at ang mga player ay simisigaw at nag aayos nang kanilang mga gamit.

  //Alam kong hindi na kayo makapag hintay na mag umpisa ang tournament pero bago ang lahat sasabihin ko muna kung pano ang mechanics nang laro.//

“Woahh may tennga sya nang pusa ohh.. Nicoh diba paborito mo yan?“

  Hindi namamalayan ni Glenn na wala na pala siyang kausap at nakita niya na si Cj at Nicoh ay nasa malapit para lang mapicturan si louca.

  //Ok kayong 500 team na nandidito ay matratransport sa isang mawalak na lugar na may mga flag. Ang kailangan lang ay makakuha nang isang flag at makakasali na ang team nyo sa quarter finals, pero tandaan 128 lang ang flag na nakakalat sa map kaya maraming team ang ma out na sa laban kaya paunahan ang laban. Kapag nakuha kailangan nyo na kailangan hindi maagaw ang flag sa binigay oras para hindi ma out.//

  “So ibig sabihin pwedeng mangagaw?“

  //Bago ang lahat magingat kayo sa paligid dahil maraming mga hadlang bago makuha ang mga flag yun lang.//

//Para matransport sabihin lang ang mga katanga.//    

“Anong Katanga yun???”

3

Tanong ko sakanila habang sila ay inayos na ang mga gamit at si Kim ay buhat buhat ang kayang malaking bag

2 “Sabayan mo kami pagakatapos nang survive sabihin mo REVENGE team natin yon.”

1 Sabi sakin ni Glenn. Sabay-sabay na nang salita ang mga player sabay sabi ng pangalan nang team nila.

SYSTEM>SURVIVE>REVENGE>IN>VRWARS





cjp00 Creator