HIS POV

  OUR meeting went well…  


To be honest wala naman talaga sa meeting namin ang aking atensyon. Ginawa ko lang talagang dahilan ito para makasama at mas makilala ko pa si Emerald.  


Ngayon lamang kasi ako nakakita ng babaeng kagaya niya.  


Gangster…  


Sa totoo lang, isa siyang malaking insulto para sa akin. Sino ba namang hindi maiinsulto?  


Prinsipe ako…  


Nirerespeto ako…  


Siya lang… siya lang ang bukod tanging babae na nagawang gawin sa akin ang mga nagawa niya.  


Kaya masisisi niyo ba ko kung bakit ganito na lang ako kainteresado kay Emerald?  


"Hoy! Ikaw nga Alexander umamin ka nga sa akin!" narinig kong wika ni Emerald kaya naman napatigil ako sa aking malalim na pag-iisip.  


Narito pa rin naman kami ngayon sa canteen at inaayos na lamang ang mga gamit na ginamit namin kanina.  


"What are you saying?" tanong ko. Kita niyo na diba? Parang ewan lang at bigla bigla na lamang ako sinisigawan.  


"May gusto ka ba sa akin!?" pabulong ngunit may diin na wika niya at saka lumingon lingon sa paligid, tila tinitignan kung may nakikinig sa amin.  


"What!? Are you out of your mind? Ano naman pumasok sa kukote mo at naisip mong gusto kita?" Gulat na gulat talaga ako sa sinabi niya, hindi ko inaasahan. Saan ba napulot ng babaeng 'yan ang mga pinagsasabi niya?  


"Wag mo nga akong sinisigawan mahal na prinsipe! Sagutin mo na lang ang tanong ko. Uulitin ko, may gusto ka ba sa akin?" seryosong tanong niya.  


Saan ba nagmumula ang mga tanong niya?  


At saka, kakakilala pa lamang namin kahapon, gusto agad?  


"No, Emerald. I don't like you. Now, answer me. Where are these coming from?" I am looking intently in her eyes while I am saying those things.  


Well… to be honest, maganda naman si Emerald 'e. It's just that, she is not my type.  


My type…  


My ideal girl…  


It's Ruby and not Emerald…  


Ruby, my Ruby. She is a princess from the Kingdom Peridot.  


She is definitely the meaning of beauty and perfection...  


Ruby is always mindful with her words and actions, she always gives respect and gives courtesy with others. On the other hand, Emerald is so reckless and careless with her actions.  


Ruby has short shiny black hair while Emerald has long silky brown hair...  


Ruby has a pointed nose while Emerald has a small nose...  


Ruby has pouty red lips while Emerald has thin pinkish lips…  


Ruby has round red eyes while Emerald has chinky green eyes...  


And lastly, Ruby has porcelain skin while Emerald has ivory skin…  


No offense but I will definitely choose Ruby over Emerald.  


"Ah… ganoon ba? Nagtataka lang kasi ako sa mga kinikilos mo. Ikaw din kasi ang kauna-unahang lalaki na nagsabi na maganda ako," nahihiyang wika ni Emerald at agad itong umiwas ng tingin.  


"You are really beautiful Emmy. I mean it! It's just that, hindi ko sinabi iyon upang paasahin ka o magbigay man ng ibang kahulugan," tugon ko bago ako lumingon sa kanya at binigyan siya ng isang mumunting ngiti.  


"E-Emmy?" nagtatakang tanong niya. Nakakatuwa, para siyang batang litong lito sa nangyayari.  


May ganitong side pala ang isang Emerald…  


"Oo Emmy, from now on I'll be calling you Emmy, short for Emerald. At ikaw naman… you'll be calling me Xander," wika ko.  


"All of my friends are calling me Xander. Now, I am giving you the privilege to call me Xander and be my friend," dagdag ko pa at mas pinalawak pa ang mga ngiti sa labi ko.  


Nakita ang unti-unting pag pula ng kanyang mukha na sinabayan pa ng pagkunot ng kanyang noo.  


Parang bata talaga…  


"Psh! Para kang ewan! D'yan ka na nga!" mataray na tugon niya bago tumayo at tumalikod sa akin.  


"Psh! Kita mo to! Napakabilis magbago ng mood," pabulong na wika ko. Inayos ko na lamang ang iilang gamit ko na nakakalat sa mesa at saka tumayo na rin.  


Aalis na sana ako ng canteen nang mapansin ko na nakatayo si Emerald sa may bandang pintuan habang nakatingin sa akin.  


"Ano na!? Napakabagal mo namang kumilos, Xander!" masungit n'yang sabi, ngunit kitang kita ko ang pagsilay ng mga ngiti sa kanyang mga labi.  


Napa-iling na lamang ako, bago ako lumapit sa kanya at binigyan ng isang nakakalokong ngiti. "Gusto mo rin pala, aarte ka pa," pang-aasar ko pa at natawa na lang din siya.  


ARAW ng biyernes ngayon at narito kami ngayon sa school gym para sa aming P.E Class.  


Ilang linggo na ang nakalipas mula ng naging mag-kaibigan kami ni Emmy at masasabi ko naman na malaki ang pinagbago ng pagsasama naming dalawa.  


Nandoon na lagi pa rin niya akong pinagtitripan, pero hindi na kagaya ng dati.  


At tungkol naman sa pagsusungit niya? Ayun! Walang araw o minuto ata na hindi ako na sungitan ng babaeng 'yon. Pinaglihi ata sa sama ng loob.  


"Xander! Halika at dito ka umupo sa tabi ko!" sigaw ni Emmy at nakita ko pang kumakaway-kaway siya mula sa kinauupuan niya para mapansin ko siya.  


Napa-iling at napangisi na lamang ako dahil sa kanyang kakulitan. Tumayo na ako at nag-lakad palapit sa kanya, mahirap na kapag nainis 'to.  


Sa totoo lang, noong unang mapansin ng mga estudyante dito na lagi kaming magkasama ni Emmy ay marami ang nagtaka at naguluhan.  


Hindi naman ako tanga o manhid. Nakikita ko rin ang masamang tingin ng ilang kababaihan sa kanya lalo na kapag nakatalikod siya. Pero siguro ay dahil na rin sa imahe ni Emmy na 'School Gangster' ay wala namang nangahas na awayin o guluhin siya.  


Nang makalapit ako sa kinakaupuan niyang bench ay agad ko siyang tinabihan. "Ikaw talaga 'ha! Masyado ka ng nagiging clingy sa akin," natatawang pang-aasar ko sa kanya.  


Agad naman nangasim ang kanyang mukha, halata na naiirita sa mga sinabi ko kaya mas lalo akong natawa sa kanya. "Naka-drugs ka ba!? Di ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo!?" pa-angil na sagot niya bago ako sinuntok sa aking kanan na braso.  


"Aray ko 'ha! Masakit 'yon!"  


Saan ba gawa ang kamay ng babaeng ito at ganoon nalang kabigat ang kanyang mga kamay?  


"Good morning 12-Diamond!" narinig kong bati ng P.E teacher namin na si Sir De Guzman, kaya naman hindi ko na natuloy ang balak kong pag ganti kay Emmy.  


"Since our course is all about dancing. I'll be randomly grouping you by the classifications of the dance. Group 1 will be doing folk dance, group 2 will be doing hip hop, group 3 will be doing k-pop and lastly group 4 will be doing ballroom," mahabang paliwanag ng teacher namin para sa gagawin namin ngayong araw..  


"Ms. Beverly will be on ballroom group and you Mr. Clifford will be in a hip hop group," sayang at mag-kahiwalay pa kami ng grupo ni Emerald, siya lang naman ang kaibigan at kasundo ko dito at ganoon din naman sa kanya. Tiyak parehas kaming mahihirapan sa pakikisama sa mga ka-grupo namin.  


"I'll be giving you three weeks to practice your performance. Next month will be the presentation of your performance. I'll be giving the rest of my time for you to have a meeting with your groupmates. That's all for today!" dagdag pang wika ni Sir bago kami iniwan sa mga kaklase ko.  


Napagdesisyunan ng mga lider ng bawat grupo na sama sama at sabay sabay nalang ang pagpapractice ng bawat grupo, kaya naman lagi parin naman kaming nagkakasama ni Emmy.  


At dahil nga sabay ang aming practice ay nagkaroon ako ng pagkakataon para panoorin siya.  


Sa totoo lang magaling siyang sumayaw, ang bawat pag indak ng kanyang katawan ay sabay na sabay sa ritmo ng musika. Tila ba siya ay ipinanganak para magsayaw.  


Hindi ko alam ngunit bakit parang nakakaramdam ako ng inggit sa kapareha niya? Tila ba hindi magandang tanawin ang paglapat ng kamay ng lalaking ito sa mga beywang ni Emmy.  


Whaaa! Nababaliw na ata ako! Kung ano-ano na lamang ang naiisip ko!  


ILANG linggo na ang lumipas at ngayong araw na ang araw ng aming performance sa P.E.  


"Ok class! I'll give you 10 minutes to prepare," anunsyo ni Sir. "So ang unang magpeperform ay ang hip hop, followed by folk dance, then k-pop, and lastly will be the ballroom," dagdag na sabi pa nito bago siya dumiretso sa lamesa sa may bandang bench kung saan nandoon din ang ibang mga guro namin para manood.  


Makalipas ang isang minuto ay naghanda na kami ng kagrupo ko. Nang nakapwesto na kami sa gitna ay narinig ko ang pagtugtog ng moves like jagger ng Maroon 5. Doon ay nagsimula na kaming mag-perform.  


"Kyahhhhh! Go prince!"  


"OMG! Ang hot ni prince!"  


"Wow! Ang gwapo gwapo niya nga talaga!"  


Narinig kong sigawan ng babaeng estudyante na nanonood sa amin habang nagsasayaw kami.  


Aaminin ko, naiilang ako. Pero wala 'e, kailangan ko ng masanay sa ganitong klaseng buhay dahil prinsipe ako.  


Nang matapos kami sa aming performance ay agad akong lumapit sa bench kung saan nakapwesto ang grupo nina Emerald.  


Pagkalapit ko sa pwesto nila ay nakita kong mukhang problemado at hindi mapakali ang leader nila. Nang lingunin ko naman si Emmy ay nakita kong nakayuko lang ito at diretsong nakatingin sa sahig. Tila ba wala itong pakialam sa paligid niya.  


"Anong problema, Lindsay?" tanong ko sa leader nila.  


Nakita ko ang pagdaan ng gulat kay Lindsay, marahil siguro ay dahil pinansin ko siya o hindi kaya dahil kilala ko siya.  


Nagulat man ay pilit niyang inayos ang sarili niya. "S-si Klyde kasi, yung kapareha ni Emerald, absent siya ngayon dahil nagkaroon siya ng tigdas. Wala tuloy kapareha si Emerald," wika niya at saka lumingon sa mga mag peperform sa mga sumasayaw ngayon. Nang nakita niya na k-pop group na ang sumasayaw ay mas lalo pa itong kinabahan.  


Nang liningon ko si Emmy ay nakita kong ganoon pa rin ang ayos niya. "Sige, ako na lang ang papartner kay Emerald. Tutal alam ko naman ang sayaw niyo dahil madalas namin itong sayawin sa Royal Ball," sabi ko.  


Halata sa mukha ng bawat isa sa grupo nila ang gulat dahil sa sinabi. Pero ni isa ay walang nagsalita o umalma man lang.  


Nang wala akong narinig na pagtutol mula sa kanila ay naglakad na ako papalapit sa kinakaupuan ni Emmy at saka tumayo sa tapat niya.  


Siguro ay napansin niya ang aking sapatos ay dahan dahan itong tumingala sa akin. Nang nakita niyang ako ang nakatayo sa harap niya ay napansin ko ang pagkunot ng mga noo niya dahil siguro sa pagtataka.  


"Tayo na d'yan, tayo na ang susunod na sasayaw," pag-aaya ko sa kanya. Ginawaran ko muna siya ng isang munting ngiti bago ko inilahad ang aking mga kamay sa kanya, bilang senyales na siya ay niyaya kong sumayaw.  


Now playing: Can I have this dance by Vanessa Hudgens and Zac Efron  


Nang marinig ko ang pagtugtog ng musika ay dahan-dahan kong inihawak ang kaliwang kamay ko sa kanyang bewang habang ang aking kanan kamay naman ay nakahawak sa kaliwang palad niya.  


Buong pagsasayaw namin ay nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa. Para bang kami ay nasa isang fairytale at kami ang prinsipe at prinsesa na walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila.  


Nang marinig kong malapit ng matapos ay hindi ko na napigilan ang sarili kong hawiin ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha.  


"Ang ganda mo Emmy," kusang bigkas ng mga labi ko ng matapos kaming magsayaw.  


 

 
 


 


Special Thank to @Kurooo for this fanart for Emerald!  


You can read his story here: https://webkomph.com/profile/jam_denver