ARAW ng sabado ngayon, kaya ang ibig sabihin ay walang pasok. Kaya naman sinamantala ko ito para makapag "me" time. Kinuha ko na ang aking laptop para simulan na ang isang gawain na pinaplano sa aking isipan. Walang iba kundi ang pagsulat ng panibagong nobela.  


Kasabay nang payapa kong pagtitipa ng aking istorya sa aking laptop ay nagpapatugtog ako ng mga kanta ng aking paboritong mang-aawit, walang iba kundi si Taylor Swift. Ginagawa ko ito para marelax ako habang nagsusulat at syempre for my peace of mind na rin.  


Ngunit, natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sigaw ni mama.  


"Emerald! Ano na naman itong kalokohan na ginawa mo!?" Nasa second floor na nga ang kwarto ko pero rinig na rinig ko pa rin ang boses ni mama hanggang dito. Jusme! Naiintindihan ko naman na hindi kalakihan ang bahay namin para 'di kami magkarinigan dito. Pero yung boses ni mama makaka-abot na yata hanggang kabilang kanto sa sobrang lakas.  


Dali-dali na lamang akong bumaba sa hagdan para malaman kung ano ba ang dahilan ng galit nitong si mama. Ang aga aga naman kasi kung maka-sigaw ay dinaig pa ang ingay nila Mang Dencio, yung kapit-bahay namin na nagsasabong.  


Pagkababa ko ay naabutan ko itong si mama na nakatayo sa harap ng telebisyon, halata mong interesadong interesado siya sa pinapalabas dahil nakita ko pang hawak niya sa kanan niyang kamay ang isang sandok. Mukhang nagluluto pa yata siya at nakuha lamang nang balita ang atensyon niya. Iyon ang dahilan kaya nasa harapan siya ng telebisyon ngayon. Lalapitan ko na sana siya para tanungin kung ano ba ang kanyang problema. Ngunit ng mapalingon ako sa telebisyon ay hindi ko inaasahan ang nakita ko rito.  


BREAKING NEWS: Prince Alexander Clifford of Kingdom Opal was caught kissing in the dark with his classmate Emerald Beverly.  


Pagbasa ko rito.  


"At base rin sa isang video na natanggap ng aming team, namataan din na pawisan na lumabas ang prinsipe at nasabing babae sa isang van, na kung titingnan sa video ay tila umaalog pa ito habang sila ay nasa loob," pagsasalita noong lalaking newscaster sa t.v habang pini-play sa telebisyon ang isang cctv footage na kung saan ito ay nakatutok sa van ng prinsipe, na kung titignan mo nga naman ay tila may ginagawa kaming kababalaghan habang nasa loob kami ng sasakyan. Kuhang kuha rin sa video ang sabay naming paglabas ng prinsipe, na tila kami ay pagod na pagod at basang basa pa ng pawis.  


"K*ngina..." Tila unti unti akong nanlambot dahilan para mapaupo na lamang ako sa sofa na malapit sa akin. Napayuko na lamang ako at naramdaman ko din ang unti unting pagpatak ng mainit na likido na nagmumula sa aking mata.  


"Hoy Emerald! Ipaliwanag mo nga sa akin ito anak? Bakit may ganyang balita tungkol sa iyo? Di kita pinalaki para sa van lang makipag chukchakan!" Galit na angil ni mama "Bakit hindi nalang kasi kayo nag hotel dalawa!? Tutal prinsipe naman 'yang kasama mo, sana man lang sa disenteng lugar kayo nag ano 'di ba!?" Mahabang litanya pa ni mama, pero ni isa wala akong naintindihan doon.  


Sh*t! Bakit ako nasa t.v? Bakit nila binibigyan ng malisya yang picture at video na 'yan!? Ito lamang ang paulit ulit tumatakbo sa isipan ko. Sumasakit na ang ulo ko.  


Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin kay may mama at nagsalita.  


"Ma! Kumalma ka nga po muna, pwede ba? At saka please lang po ma, pakinggan mo po muna ako!" Tanging wika ko kay mama. Magsasalita pa sana s'ya ng biglang...  


*Knock knock*   


May kumatok sa pintuan na siyang nagpatigil sa bangayan namin ni mama.  


Isang malaking salamat para sa taong kumatok sa pintuan, dahil sayo ay natigil si mama sa pagbubunganga. Hindi ko na lamang pinansin ito dahil malamang ay mga kumare niya lang naman 'yan na laging nakatambay sa karinderya namin, makikichismis lang naman sila sa nakita nila sa balita. Ano pa nga bang bago!? Paniguradong ako na naman laman ng chismis nina aling Marites mamaya.  


Ano ba yan nakakastress, potek!  


"Good morning! I am Fred, and I am looking for Ms. Emerald Beverly."  


Bigla akong napaahon sa malalim na pag iisip ng marinig ko ang pagbanggit ng pangalan ko ng kung sino mang Fred yan. Napatayo na lamang ako at naglakad patungo sa pintuan.  


Ganoon na pala kalalim ang pag iisip ko para 'di ko man lang mamalayan na napagbuksan na pala siya ni mama ng pinto.  


"Yes? That's me. What do you need?" sagot ko sa lalaking mukhang nasa mid-forties na at nakasuot ng damit na sa tingin ko ay pang kawal.  


Good day Princess Emerald! I am a soldier from Kingdom Opal. And I just want to say that the King and Queen are expecting to meet the future princess of our kingdom today. So shall we go princess?" Wika nito. Wala man lang kahit anong bahid ng emosyon ang makikita mo sa kanyang mukha.  


P-pero teka, naguguluhan ako! Anong future princess ang sinasabi nito!? Tsaka bakit ganun ang tawag niya sa akin!?  


***  


Hi! I just want to dedicate this to my friend, Moonie! Thank you for pushing me to publish this novel.  


She is also the one who created my book cover.❤️