February 13, umuwi nanaman akong masakit ang ulo dahil sa tukmol na Alexander na yun. "Ahh! Bahala na!" Sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko. Sobra ang inis ko dahil nagawa akong matalo ng payatot na yon sa arm wrestling kanina at ngayon kailangan ko siya bigyan ng chocolate cookies para sa Valentine's eh hindi ako marunong mag bake.  


Makalipas ang isang oras ng pag mumuni-muni tungkol sa mga pangyayari ay nag search ako ng chocolate cookies recipe sa laptop ko. Matapos ko makuha ang mga ingredients ay dali dali akong bumaba at sinilip kung tulog na si mama. " Yes! Ha! Bukas mo na ako bulyawan ma, may gagawin lang ako" bulong ko sabay goodnight kiss sa noo niya.  


Dumiretso na ako sa kusina at isa-isang sinundan ang instruction . Matapos ang ilang attempt ay sa wakas nakagawa na ako ng chocolate cookies, hindi tulad ng mga una kong attempt ay mas mukha ito maayos at presentable para ibigay. Tinignan ko ang aking kamay at hindi ko na namalayan ang mga lapnos at gasgas. Napangisi nalang ako dahil hindi ako makapaniwala na ginawa ko to para sa isang lalaki.  


Nilagay ko ang chocolate cookies sa isang cute na plastic transparent pouch at nilagay sa bag ko. Ilan pang sandali ay iminulat ko ang mga mata ko at naalimpungatan ako ng makita ang oras. "Alas siete na!... Patay! Yung kusina!!! Ahhh!!!" tumakbo agad ako sa kusina para linisin ang dumi na ginawa ko kagabi ngunit, ng makarating ako doon ay malinis na at halos walang bakas sa nangyari kagabi.  


"Hoy! Gagalita!" Sigaw ni mama, agad akong napahawak sa ulo at alam kona pagagalitan na ko. "Umalis ka sa daan at ang bigat nitong groceries" patuloy nya. Tumabi ako sa daan na litong lito sa pangyayari.  


Alas otso ay pumasok na ako sa school at kung di mo naman inaasahan pag bukas ko ng pinto ay si Alexander agad ang nakasalubong ko. "Uhm!" Pati ako ay nagulat ng lumabas yan sa bibig ko pero, tumingin lang siya sakin at umalis. Nakalimutan nya ba ang usapan namin? Napaka tanga ko talaga para isipin na seryoso siya doon.  


First half ng school hindi ako maka focus sa klase dahil sa chocolate cookies na nasa bag ko. Tuwing recess ay palagi akong ginugulo ni Alexander, siguro duon ko nalang ibigay. Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko na palabas na sya.  


" Aba! Hoy! Alexander!" Tumakbo ako papuntang pintuan at hinarang siya. "Hindi ko alam kung ano ang trip mo ngayon, pero... MAKIPAG KITA KA SAKIN SA LIKOD NG GYM MAMAYANG ALA UNA!" sigaw ko sakanya. Bakas ang gulat sa mukha nya pero patuloy parin syang lumabas.  


Pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin kaya naman ay tumakbo agad ako sa likod ng gym para mag tago. Ilang oras na ang lumipas ala una na at wala pa si Alexander. Napa-isip ako sa ginawa ko, nagpuyat ako sa pag gawa at nagka lapnos lapnos ang kamay ko dahil sa lalaki na yan. Di ko lubos maisip na ganun lang ako maloko. Pero diba tumupad lang ako sa usapan? Tanong ko sa sarili ko. Biglang nanikip ang dibdib ko at may parang humagod sa lalamunan ko. Gusto kong pumikit pero alam ko na may lalabas na luha sa aking mga mata kapag ginawa ko iyon.  


"Oyy! Nasaan na yun-" hindi pa natapos magsalita si Alexander sa likod ko ay inabot ko ang pouch ng chocolate cookies. "Ah!" Alam ko naman na may natamaan ako secret ko na yun. "Ah! Sorry" binitawan ko kaagad ang pouch at nilayo ang aking kamay sakanya.  


"Hindi ko inaasahan na gagawin mo talaga to hahaha" pang -aasar nya saakin.  


"Kung aasarin mo lang ako akin na ulit yan!" Sabi ko sabay abot ng pouch ngunit nilayo nya ito.  


"Hoy! May usapan tayo akin na'to!" Sabi nya saakin."thank you..." Sabay tapik sa ulo ko.  


Kinain nya ang chocolate cookies na ginawa ko habang nakangiti kaya naman na curious ako kung anong lasa nito. Kaya bigla akong kumuha ng walang paalam, hindi mo maipinta ang mukha ni Alexander ng makita nya na hawak ko ang isang cookies.  


"Oh bakit gawa ko to ahh" sabi ko sabay kain. "Ang alat!!! " Sigaw ko. " Bitawan mo yan! Wag mo na kainin yan! Hoy!" Itinakbo nya ang chocolate cookies at inubos.  


"Thank you!" Sabi ni Alexander sa akin habang inaabot ang walang laman na pouch at May ngiti parin sa mukha.  


"Hayyss! Hindi ko talaga alam gagawin ko sayo!" Inis kong sabi at lumakad papalayo sakanya.  


Ito na nga ang pinaka pangit kong Valentine's, natalo ako sa arm wrestling, nag-bake ako ng cookies, napahiya ako at pinakain si Alexander ng napaka alat na chocolate cookies. Pero hindi ko mapigilang ngumiti sa mga pangyayari, siguro nga kailangan ko rin ng pagbabago paminsan minsan.  


***  


Thank you Moonie for this fanfic and art!💖    


This is a fanfiction by Moonie🤍 Check out her profile here: https://webkomph.com/profile/jeongyou444