HAPPY RAMBULAN!✨

"ANG ganda mo Emmy," madamdaming wika ni Xander pagkatapos namin magsayaw.  


Ramdam ko ang pagkalat ng init sa aking mukha kaya naman agad akong umiwas ng tingin at bumitiw sa kanya. Ayan na naman si Xander sa mga salita niya na hindi niya alam ay may kung anong epekto na naibibigay sa akin.  


Pagkatapos ko bumitiw sa kanya ay agad akong tumalikod at dumiretso agad sa bench kung nasaan ang mga gamit ko. Oo, umiiwas ako. Mahirap na at baka mamaya namumula na naman ang mukha ko tapos pag nakita na naman ni Xander aasarin na naman ako noon na may gusto ako sa kanya at kinikilig ako sa mga bulok na banat niya.  


Nang medyo nakalayo na ako sa kanya ay agad ako bumawi. "Pangit ng banat mo!" sigaw ko habang nakatalikod pa rin ako.  


"Oy! Totoo kaya 'yun!" sagot niya pa bago tumakbo papalapit sa akin at inakbayan ako.  


Agad naman akong nahiya sa pagdikit namin kaya naman umakto akong naiinis bago ko siya mahinang itinulak papalayo sa akin.  


"Oo na, sige na! Lumayo ka muna sa akin Xander at amoy pawis ka!" pagtataboy ko sa kanya ay inalis ang braso niya na nakaakbay sa akin.  


Siyempre hindi totoo 'yun no ambango kaya ng lalaking to, tila hindi pinagpapawisan o kung pagpawisan man parang cologne pa ata ang pawis nitong mahal na prinsipe. Tsaka kung titignan mo naman din kasi talaga, iisipin mo na kahit ata utot nito mabango.  


Nang napansin kong tila natahimik si Xander ay agad ko itong nilingon. Kaya naman kitang kita ko kung paano niya parang bata na sininghot singhot ang manggas ng kanyang p.e t-shirt para siguro amuyin kung mabaho na ba talaga siya.  


Psh… mukha talagang ewan kahit kailan…  


Napangiti na lamang ako sa kaabnormalan niya.  


"Hey! Mabango pa naman ako ah!" parang batang wika niya at ngumuso pa na mas nagpa-cute sa kanya.  


"May sinabi kong mabaho ka? Sabi ko amoy pawis ka lang," lumingon ako sa kanya at pabiro ko siyang inirapan. "Humiwalay ka na nga muna sa akin at magbibihis na rin ako" dagdag ko pa at saka kinuha na ang bag ko para ayusin ang mga gamit ko.  


"Okay okay, I'll see you later at our room," sagot niya at dumiretso na rin sa bench kung nasaan ang gamit niya para ayusin na rin siguro ito.  


Nakaayos na ang mga gamit ko at handa na akong umalis ng narinig ko ang pagpito ni Sir De Guzman, ginagawa niya lamang ito tuwing gusto niyang kunin ang atensyon namin. Kaya naman bago ako tuluyang umalis sa gym ay nilingon ko muna siya para makinig sa sasabihin niya. "Class I'll be giving you 15 mins to change and freshen up. After that dumiretso muna kayo sa room because there will be a quick announcement from the Dean," turan ni Sir De Guzman bago pumito muli bilang pagbibigay ng go signal sa amin upang mag ayos ng mga sarili namin.  


Nang nakita ko na nagbigay na ng go signal si sir ay agad na akong lumabas ng gym at naglakad patungo sa c.r ng girls para makapag-bihis na ng uniporme. Matapos ko magbihis ay dumiretso ako sa lababo upang makapaghilamos ng aking mukha dahil ramdam ko na ang lagkit nito dulot ng pawis ko kanina. At nang matapos na ko ko maghilamos ay pinunasan ko lang ng tuyong bimbo ang mukha ko at saka na ako lumabas ng c.r at dumiretso na ng room.  


Pagkarating ko sa classroom ay napansin ko na halos lahat ng mga kaklase ko ay mga nakaayos na, kaya naman agad akong tumingin sa orasan na nakasabit sa may pintuan. Doon ko napagtanto na 2 minuto nalang pala ang natitira sa oras na ibinigay sa amin ni sir. Kaya naman dali-dali na akong dumiretso ng upo sa upuan ko.  


Saktong pag upo ko at pagka-ayos ng gamit ko ay agad na pagpasok ni Sir De Guzman sa room kasunod ang isang mestisa na medyo may katandaan na babae. Base pa lamang sa postura at aura niya ay alam ko nang siya ang Dean nitong Sapphire University.  


Hindi naman siya mukhang istrikta sa katunayan ay mukha naman siyang madaling i-approach, dahil hindi nawawala ang magaan na ngiti sa kanyang mga labi.  


Nang makitang niyang maayos na kaming lahat at tahimik na sa kanya kanya naming upuan ay agad siya naglakad patungo sa may teacher's table sa may gitnang bahagi sa harapan ng room. "Good day 12- Diamond! I am Ms. Suarez, for those who don't know me I am the Dean of this university. Sorry for interrupting your class but I will just be giving a quick announcement for you," panimula niya. "Tomorrow, there will be 3 students that will transfer to this class. I am sorry for the sudden announcement but I've decided to do that because your section has the least count of students among the others." Tumigil muna siya saglit sa pagsasalita para tignan kung may violent reaction ba siyang matatanggap mula sa amin. Nang mapansin niya tahimik lang kaming lahat at seryosong nakikinig sa kanya ay nagpatuloy na siya sa kanyang sinasabi. "Well… that's all! Thank you 12- Diamond. You may take your break!"  


Agad na namin inayos ang mga gamit namin pagkatapos ng announcement na iyon. Akala ko naman kung anong importante para pumunta pa talaga si Dean dito sa room.  


Pero ang nakakapagtaka lang ay habang nagsasalita si Dean Suarez kanina sa harapan ay panay ang lingon niya kay Xander. Ano ba yan! pati ata 'tong si dean ay nagpa-fangirling pa sa mahal na prinsipe. Natawa na lamang ako sa mga iniisip ko.  


"Let's go?" pag-aya sa akin ni Alexander ng matapos na siya sa pag aayos ng gamit niya at nakita niyang ayos na rin ang mga gamit ko. Lumabas na kami ng classroom at naglakad na papuntang canteen.  


"Sino kaya yung magta-transfer sa atin, no? Parang ang special naman nila para dean pa ang mag announce noon sa klase natin," pagtatanong ko sa kanya, habang naglalakad kami sa hallway.  


Nakakapagtaka naman kasi talaga, pwede naman adviser namin ang mag announce nito bakit kailangan si dean pa?  


"I don't really have an idea on that, Emmy. Nakakalimutan mo atang transferee lang din ako so I don't really have an idea kung anong mga nangyayari sa school." Oo nga naman Emerald, bakit pa kasi ako sa kanya nagtatanong.  


"Pero sana kung may babae man sa kanila sana hindi kagaya ni Katy yung ugali. Nakakairita kaya mga ganoong babae."  


Naalala ko na naman yung mukha ni Katy. Kung nakakamatay lang ang tingin ay siguro ay pinaglalamayan na ako ngayon. Paano ba naman kasi, napaka-talim ng tingin niya sa akin kanina nung nakita niyang si Alexander ang kapartner ko sa sayaw.  


Narinig ko ang pagtawa ni Xander kaya naman agad akong lumingon sa kanya para malaman kung ano bang nakakatawa. "Really Emmy? Selos ka pa rin doon?" wika niya sabay hagalpak ng tawa.  


Nakadrugs ba to!?  


Agad nangunot ang aking noo at saka ko siya kinurot sa tagiliran niya. "Anong pinagsasabi mo dyan!? Wala ka na ba talagang matinong sasabihin!?" naiiritang wika ko sa kanya parang ewan na naman kasi 'e.  


"Xander!" pagtawag ng isang di pamilyar na boses.  


Akmang didipensahan niya ang sarili niya ng matigilan kami dahil sa narinig naming tumawag sa pangalan niya.  


Xander? Akala ko ba mga kaibigan niya lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoon? May bago na ba siyang kaibigan dito sa school? Bakit hindi ko ito alam?  


Nang lingunin namin ang tumawag sa kanya ay may nakita dalawang babae at isang lalaki. Agad kong napansin ang labis na pagkakahawig noong isang lalaki at isang babae, siguro ay magkapatid sila? Samantala, ang isang babae naman na kasama nila ay litaw na litaw ang kagandahan. Tila ba isang anghel na hulog ng langit. Napaka pino nito kumilos at halata mong may sinasabi sa buhay dahil sa postura niya at sa pamamaraan ng pananamit.  


"Zircon! Bro what are you doing here? And why are you with Leigh and Princess Ruby?" excited na wika ni Xander. Nang lumingon siya doon sa mala-anghel na babae ay agad niyang kinuha ang kanang kamay nito bago yumuko ng kaunti para halikan ito. Para bang nasa isang fairytale ako at sila ang mga prinsipe at prinsesa.  


"Nice to see you again, Princess Ruby," wika ni Xander pagkatapos niya halikan ang likod ng palad nung babaeng nagngangalang Ruby. Tinanguan at nginitian lamang siya nito bilang tugon.  


"Hi cous'! Guess what!? We are going to study here!" Masayang wika noong isang babae na kasama nila. "The Kingdom talked to the owner of these schools for us to transfer her. And the dean of the school already agreed that you'll be our classmate so you won't be alone." Ahh… sila pala yung mga transferred students na tinutukoy ni dean kanina.  


Pero ano daw? Alone? Ano tingin nila sa akin dito? design?  


"Really? Wow that's great! How about you Princess Ruby? Does kingdom Peridot also agree on this?" Halatang halata mo ang kasayahan ni Xander habang kinakausap sila. Aalis na sana ako dahil mukha namang nakalimutan na ako ng mahal na prinsipe kaso nagsalita si Ruby.  


"Of course Xander, that is why I'm here," wika niya bago lumingon sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "And really Prince Alexander, your queen also hired a chaperone for you?" Nagtatakang tanong niya.  


Loko to ah pagkamalan pa ko alalay ng kupal na lalaking 'to!  


Nagulat naman si Xander sa sinabi ni Ruby kaya naman nilingon niya ko at saka binigyan ng mapagpaumanhin na tingin "No, no you got it wrong princess. By the way, this is Emerald Beverly, a friend of mine," pagpapakilala niya sa akin.  


"Oh my Gosh! I am sorry I didn't mean to offend you," wika ni Ruby sa akin. Kitang kita ko naman ang pagsisisi sa mata niya, kaya naman tinanguan ko na lamang siya at saka binigyan ng tipid na ngiti.  


"Kyaaaaaahhhh" tili noong isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Leigh. "You are so pretty Emerald! From now on you'll be my best friend," tuwang tuwa na wika niya bago ako niyakap.  


"Huh? Best friend? Kakakilala pa lang natin ah!" Nagpapanic na sabi ko. Teka di ako sanay ng may kaibigan. Kay Xander pa nga lang ay malaking adjustment na ang nangyari sa akin. Paano pa kaya dito kay Leigh na bestfriend pa ang nais.  


"What? I am sorry I don't understand your language," nagtatakang wika niya bago lumingon kay Xander. "What did she say, Xander?" tanong niya dito.  


"Sorry Emmy, I forgot to say na english lang ang language na naiintindihan nila," paumanhin sa akin ni Xander bago niya tinignan si Leigh. "She said that both of you just met. It would be so sudden if you would call her as your best friend," pag e-explain niya kay Leigh.  


"Oh… nevermind, you are still my best friend" pagpipilit nito kaya naman wala na kaming nagawa.  


"Cute... by the way Xander, my queen said that being together now will be a practice for us, so that when we get married in the future we are already comfortable with each other," Mahinhin na pagkakasabi ni Ruby.  


Kasal? So nakatakda ns palang ikasal tong si Xander tapos ang harot harot kumilos!  


"Uhm… guys? I think we should look for a private place, I think a cafeteria will do," pagsingit ni Zircon sa usapan. "If you don't notice it, we are in the middle of the hallway and everyone is looking at us," pagdagdag pa niya kaya naman napalingon ako sa paligid at doon ko nga napansin na pinagtitinginan nga kami.  


At base sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga estudyante ay parang sinasabi nila na hindi ako nababagay sa grupong ito.  


"Okay let's go to the cafeteria, then" wika ni Leigh bago nilingkis ang kanyang kamay sa aking braso. "Let's go best friend!" magiliw na wika nito bago kami nag-lakad.  


Habang nasa cafeteria kami at kumakain ay agad kong nilingon si Leigh upang magtanong.  


"Uhm… Leigh? Is it okay to ask, why is Xander the only one who can understand and speak Filipino from all of you? And one more thing, where did you come from?" nahihiya kong tanong. Eh, kasi naman parang lahat ata dito sa school ay kilala sila base sa mga tingin na ibinibigay sa kanila ng mga estudyante.  


Nakita ko ang pag ngiti ni Leigh bago siya nagsalita. "Oh… you didn't know us huh? Well, I don't know why you don't know this but we are a royal family from Europe. And for your question about why Xander knows how to speak Filipino, it is all over the news, magazine, and internet," natatawang wika nito. "Because her mother, the current queen of kingdom Opal is a pure Filipina. The Queen is one of the most controversial people in the kingdom, even now. They are all saying that she doesn't deserve her title because she doesn't have royal blood that is running to us. So yeah… that is why Xander speaks and understands Filipino because the queen, who is his mother, raised him to use your language as his mother tongue." Mahabang pag e-explain nito.  


Oh… ngayon ko lang nalaman iyon ah! Ise-search ko nga mamaya iyon.  


"Matatapos na ang break time natin Emmy," wika sa akin ni Xander kaya naman napatingin ako sa wristwatch ko. Doon ko napansin na 10 minutes na lang pala at magta-time na.  


"I am sorry guys. But, Emmy and I have to leave. We have a class to attend," wika ni Xander bago tumayo sa kanyang upuan.  


"Ok! We will go home later. We'll just finish our food," sagot ni Zircon bago nakipagfist bump kay Xander.  


TAHIMIK lang ako habang naglalakad kami patungong room at ng nakarating kami ay dumiretso lamang ako sa upuan ko. Kakausapin pa sana muli ako ni Xander kaya lang ay dumating na ang teacher namin kaya naman wala siyang nagawa kundi ang makinig na lamang sa klase.  


NANG matapos ang klase ay agad akong nilapitan ni Xander para magpaalam. "Mauuna na muna ako umalis Emmy ah! We have a family meeting so I have to go home."  


"Okay"  


Habang naglalakad mag isa sa hallway ay bigla akong hinarang ng grupo ng mga lalaki. Nang tignan ko sila ay doon ko napansin na sampung tao sila, kaya medyo dinapuan ako ng kaba. Pero nang makita ko kung sino ang mga nangunguna sa kanila ay mas nadagdagan ang kaba sa aking dibdib. Si Mark, siya yung school gangster na nakaaway ko noon katabi si Katy iyong malandi kong kaklase.  


"Kamusta Emerald? Natatakot ka ata?" wika ni Katy bago hiningi ang isang baseball bat sa isa sa mga kasama niya. "Tila nawala na ata ang tapang mo ngayon." Nakita kong bumwelo na ihahampas na sa akin ni Katy ang baseball bat kaya naman napapikit na lamang ako. Walang silbi kung lalaban pa ako dahil sampu sila at isa lamang ako.  


Ngunit bago pa man tumama sa akin ito ay naramdaman ko ang paghablot sa braso ko ng kung sino man. Kaya naman ng tumakbo yung taong humatak sa akin ay nagpadala na lamang ako sa kanya.  


Salamat…  


Salamat Alexander…  


Oo si Alexander ang lalaking humatak sa akin palayo mula sa grupong iyon.  


Nang may nakita siyang isang madilim na area doon sa may locker hallway ay agad niya akong hinatak papunta doon. At saka doon kami nagtago.  


Isinandal niya ako sa isang locker habang nasa tapat ko siya. Nakayuko siya habang sobrang lapit sa akin ng kanyang mukha. Ang kanyang kanang braso naman ay nakatukod sa gilid ng mukha ko, habang ang hintuturo naman niya sa kaliwang kamay ay nakapatong sa mga labi ko bilang senyales ng pagpapatahimik niya sa akin  


Nang marinig namin ang medyo malayo na ang mga yapak at boses ng grupo na humarang sa akin kanina ay saka lamang medyo lumayo si Xander sa akin. Nang medyo nakalayo na siya sa akin ay tinitigan niya ako at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Napansin ko ang saglit na pagkunot ng ng kanyang noo, pagkatapos noon ay kinuha niya ang iilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha at inipit ito sa aking tenga.  


"Are you ok?" mahinahong tanong niya sa akin.  


Sa sobrang takot na naramdaman ko kanina ay hindi na ko nakasagot sa tanong niya at bigla ko na lamang siya niyakap.  


Agad naman niya sinuklian ang yapak ko. Doon ko lang naramdaman ang kaligtasan at kapanatagan ng loob. Kaya naman hindi na ako nagulat ng naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha.  


"Natakot ako, Xander," wika ko sa gitna ng mga hikbi ko.  


"Shh… don't cry, I will always save you," pagpapagaan ni Xander ng loob ko.   ***  


Looking some komiks to read? Why don't you try this...  


MUNI TIME

HIGH: PASS

A+ PERFECT LOVE STORY

 

https://webkomph.com/profile/jeongyou444

 


A/N: Spink is back HAHAHAHAHA!✨