"EMERALD Jade! Anak bilisan mo na diyan at malelate ka na! Ikaw talaga bata ka, para kang pagong kung kumilos!"  


Rinig na rinig ko na naman ang sigaw ni mama mula baba. Sus! Etong si mama di pa nasanay sa akin, lagi naman talaga akong late eh, wala ng bago doon.  


Dali dali ko nalang sinuot ang uniporme ko na pinlantsa at inihanda pa ni mama kagabi. Isang pulang palda na hanggang tuhod, na pinaresan ng isang puting long sleeve na blouse na nakatuck-in. Isang pulang vest na may tatak ng logo ng aming school na Sapphire University, puti na knee socks at ID na may kulay asul na lace, palatandaan na ako'y nasa grade 12 na.  


Tsk! Babaeng babae masyado 'tong uniform namin. Nakakabawas angas!  


Nang matapos akong magsuot ng aking uniporme ay kinuha ko na ang bagong bili kong bag na puting nike, na tag wawampipti lang doon sa palengke at sinabit sa balikat ko bago bumababa.  


Dumiretso na ako sa kusina para makapag almusal man lang muna ako bago pumasok.  


"Hay naku Jade! Unang araw ng klase, late ka kaagad! Mag tino ka na nga anak graduating ka na. Mamaya hindi ka pa makapag martsa dahil dyan sa katamaran mo!" Sermon kaagad sa akin ni mama pagka-upo ko pa lang sa lamesa.  


"Eto talagang si mama di ka pa nasanay sa akin! Wag ka nga d'yan mag alala, gagraduate ako!" puno ng kumpyansa na wika ko sa kanya.  


Kahit naman tamad at loko loko ako ay nag aaral naman ako ng mabuti. Kaya nga kahit lagi akong laman ng guidance dahil sa mga 'kalokohan' ko ay hindi ako naki kick-out ng school kasi isa ako sa mga honor students ng school namin.  


"Ewan ko sa iyong bata ka! Bilisan mo na nga d'yan kumain. Oh sya! At mauna na rin ko at magbubukas pa ko ng karinderya natin. Eto yung baon mo. Babye nak! Love you!" Inabot na sa akin ni mama ang baon kong isang daan bago ako hinalikan sa noo at tuluyan ng umalis.  


Kahit ganyan 'yang bunganga ni mama, mahal na mahal ko yan! Grabe din kasi ang bilib ko sa kanya 'e. Simula kasi ng mamatay si papa dahil sa cancer, halos pasukan niya na lahat ng trabaho para lang matustusan lahat ng pangangailangan namin ni ate. Kaya naman eto! Si ate graduate na at may sarili ng pamilya, samantalang eto naman ako, malapit na mag kolehiyo.  


Nang matapos ako mag-agahan ay nag-toothbrush lang ako at inaayos ang sarili bago lumabas at isara ang pinto.  


Habang naglalakad pa ko papunta sa sakayan ng jeep, narinig kong binati pa ko ng good morning ni Aling Marites. Si Aling Marites pala ay isa sa mga kilalang chismosa dito sa lugar namin. Tignan mo ang aga aga pa at nakatambay na agad sa tapat ng tindahan ni Mang Jonel habang nakikipagchismisan sa mga kumare niya dito.  


Tinanguan at nginitian ko nalang siya at dumiretso na ng sakay sa jeep. Mahirap na! Minsan kasi kailangan din nating maging mabait sa mga taong kinaiinisan natin no! Mamaya mapaaway pa si mama kapag tinarayan ko 'tong mga ito.  


PAGKA-DATING ko sa school ay agad bumungad sa akin ang tahimik at wala ng katao tao na school grounds, as usual late na naman ako para sa flag ceremony. Kaya naman dumiretso na lamang ako ng lakad papuntang classroom ko.  


Habang tahimik akong naglalakad sa school hallway papunta sa room ay naramdaman kong kumalabit sa akin. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay ka edad ko lamang ang nakangiti sa akin.  


Nang tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, napansin ko na mayroon siyang medyo mahabang buhok na nakahati sa gitna. Kapansin-pansin din ang matangos niyang ilong, pink at manipis na labi. Siya rin ay may katamtamang laki na pares ng mga mata, sa tingin ko siyang dahilan kung bakit mukhang maamo ang kanyang mukha. Matangkad siya at maputi rin ang kanyang mga balat. Ang laki ng katawan nya ay katamtaman lang para sa edad namin, pero medyo nagmumukha siyang payat dahil medyo maluwag ang suot niyang polo.  


Napatigil ako sa pag iisip sa physical features ng lalaking 'to ng biglang siyang tumikhim. Problema nito? Feeling close lang?  


"Umm... Hi! I just want to ask if you know where does Ms. Dela Cruz' room is located? I am a transferred student and hindi ko pa kabisado ang University." alanganin at nahihiyang tanong niya sa akin habang kumakamot pa sa batok niya.  


Kung sinuswerte nga naman, mukhang kaklase ko pa ata 'tong lalaking mukhang lampa ah. Napangisi ako ng maka-isip ako ng kalokohan. Sorry boy! Ikaw ang first victim ko this school year.  


"Ahh kay Ms. Dela Cruz? Diretsuhin mo lang yang hallway na yan tapos yung una mong makikitang likuan kumanan ka doon, yung pang limang classroom doon ang room ni Ms. Dela Cruz"  


Hindi ko na inantay na sumagot siya. Tinalikuran ko na siya na lamang bigla at saka dumiretso na sa paglalakad patungong room. Narinig ko pang sumigaw siya ng thank you, ngunit di ko na lamang pinansin.  


Natawa na lamang ako sa sarili kong kalokohan, kung alam mo lang totoy na papunta sa room ni Sir De Guzman ang direksyon na ibinigay ko sa iyo ay baka hindi mo na ako magawang pasalamatan. Kung nagtataka kayo kung bakit, si sir De Guzman lang naman ay yung bakla naming teacher na, paniguradong makukursunudahan etong bagong salta na 'to.  


Dali dali na akong naglakad papunta sa room ko.  


Sakto namang pagdating ko sa room ay wala pa si Ms. Dela Cruz, kung sinuswerte ka nga naman talaga at hindi pa ko considered late ngayong araw. I guess today is my lucky day?  


Dire-diretso akong naglakad papuntang last row sa may bandang bintana at saka doon naupo. Samantala, inilapag ang bag ko sa tabi ng upuan ko, isang senyales na ayaw kong may makatabi.  


Ang ingay ng mga kaklase ko. Puro daldalan at chismisan, akala mo ata ilang taon hindi nagkita! Napakarami ng kwento, dinaig pa ung chismosa naming kapit- bahay.  


"Good Morning 12- Diamond!" Sa wakas ay natahimik ang mga kaklase ko ng narinig nila ang pagbati ng kakarating lang na si Ms. Dela Cruz, ang aming adviser.  


"So Class-"  


*Knock knock*  


Hindi natapos ang sasabihin ni Ms. Dela Cruz dahil doon sa kumatok, pagkalingon ko sa pintuan ay nakita ko yung lalaking kumalabit sa akin kanina na pawis na pawis at halata mong hinihingal.  


"Good Morning po Miss. Sorry if I'm late, may I come in?" Magalang na wika nung lalaki.  


"Oh! You must be Mr. Clifford! Yes sure, come in!" Nakangiting sabi ni miss.  


"Diba siya si Prince" narinig kong maarteng wika ng kaklase kong si Katy, sa mga kaibigan niya.  


"Gosh! Ang gwapo niya!" Dagdag pa ng isa kong kaklase na sinamahan pa ng impit na tili.  


Ang arte naman ng mga to! Tsaka ano, Prince? Eww ang korni naman ng pangalan neto.  


"So as I was saying a while ago, class tayo muna kayo sa likod para maayos ko ang sitting arrangements nyo at makapag check na rin ako ng attendance." sabi ni miss sa amin. Ano ba yan!? Seating arrangement na naman, masaya na ako sa upuan ko 'e.  


Narinig ko ang mga bulong bulungan ng mga kaklase kong babae na sana daw katabi nila tong transferee na to. Ano ba yan! Gwapong gwapo na sila dito eh ang payat payat nga at mukha pang lampa. Napairap nalang ako sa mga kaartehan nila.  


"Beverly, Emerald Jade dito ka umupo. After you is Clifford, Alexander Kunzite..."  


Kung mamalasin ka nga naman at katabi ko pa tong totoy na to. Pero teka? Bakit Prince ang tawag sa kanya nina Katy kung Alexander Kunzite naman ang pangalan niya? Napatigil ako sa pag iisip ko ng marinig kong bumolong sa akin ang katabi ko.  


"You! You are the girl who gave me a wrong direction a while ago," pabulong na angil sa akin nitong lalaking to.  


Nang lingunin ko sya ay halatang halata mo ang pagkairita sa kanya. Nginisian ko muna siya bago sinagot.  


"Ay! Sorry 'ha! Kasalanan ko pa pa lang uto-uto ka," pabalang na sagot ko.  


"You'll pay for this!" may diin na wika niya sa akin at medyo inilapit pa ang mukha niya sa akin  


Lakas ng loob nito na bantaan ako 'ha! Kala ata niya ay masisindak niya ko sa paganyan ganyan niya!  


"Uhuh! Di mo ata kilala pinagbabantaan mo totoy! Wag masyadong malakas loob mo," I said at inilapit ko din ang mukha ko sa kanya, tila naghahamon.  


"You don't know me either! That's why I don't understand why did you do that to me a while ago!" Parang batang reklamo niya pa.  


"Ms. Beverly? Mr. Clifford? Is everything is alright?" Natigil ang pabulong na pagsasagutan namin ng katabi ko ng marinig namin si Ms. Dela Cruz.  


"Yes Miss! Nagtatanong lang po itong si Mr. Clifford kung permanent na daw po ba tong seating arrangements namin. Diba?" Sagot ko, sabay lingon at pinandilatan ko pa itong katabi ko.  


Makuha ka sa tingin!  


"Yes Miss! I am just asking Emerald," wika nya, at ngumiti pa siya ng pagka-tamis tamis sa amin. Grabe! Ang gwapo nya sa mga ngiting iyon.  


Huy! Ano bang pinagsasabi mo d'yan Emerald!? Mandiri ka nga sa sarili mo. At saka ano? Feeling close din itong isang to 'e, first name basis daw amp.  


"Oh! Yun lang pala! Akala ko naman kung ano na. Yes Alexander! Permanent na yan. We are all settled na ah? So now, we will do ung normally na ginagawa kapag first day of class at yun ay ang pagpapakilala. We will do it alphabetical." Halatang excited pa na sabi ni Miss. "Please start Freya Armando."  


Tumayo na itong si Freya at nagpakilala. Nang matapos siya itong nasa kaliwa ko naman na si Kyle ang sumunod. Nang maupo na si Kyle ay ako naman ang tumayo para magpakilala.  


"Emerald Jade Beverly, 18" tipid na sabi ko at umupo na. Ayaw na ayaw kong nagsasalita ng marami pag ganito. Kasi ano ba namang mapapala ng mga kaklase ko pag sinabi ko sa kanila ang talent at hobbies ko gaya ng mga sinabi ng mga nauna sa akin.  


Nang matapos ako ay sunod naman na tumayo itong nasa kanan ko.  


"Alexander Kunzite Clifford, 19. And I am the Prince of Kingdom Opal," taas noong sabi nya pa.  


Narinig ko pa tumili at tila kinikilig pa ang mga kababaihan dito dahil sa kanya.  


"HAHAHAHA Prinsipe? Ikaw? Sa payat mong yan. Sure ka?" Hindi ko na napigilang mapahagalpak ng tawa sa narinig ko sa kanya. Joker din pala tong isang 'to eh.  


Napatigil ako sa pagtawa ng mapansin kong ako lang pala ang tumatawa sa room at lahat sila ay tahimik nalang na nakatingin sa akin. Na para bang isa akong weird species dito.  


"Bakit kayo ganyan makatingin?" I asked awkwardly.  


"Sorry to disappoint you Emerald, but nagsasabi ng totoo si Mr. Clifford. Siya talaga ang prinsipe ng Kingdom Opal" sagot sa akin ni Ms. Dela Cruz.  


Unti unti akong lumingon sa kanan ko, only to find out na nakatingin pala sa akin si Alexander, and a smirked is plastered on his face.  


"Don't worry Emerald, kung gusto mo ipapasyal kita sa palasyo namin para maniwala ka" Alexander said and winked on me.  


Oh sh*t! Paktay na!  


***  


This capter is for OWL TRIBE po! Thank you for supporting and helping me po!💖