PAGKATAPOS ng usapan naming iyon ni Alexander ay dumiretso muna ako sa school garden para makalanghap man lang ng sariwang hangin at para na rin isipin ang nangyari sa amin kanina.
Nang makarating ako sa school garden ay agad akong dumiretso sa paborito kong pwesto, walang iba kundi ang isang matandang puno ng narra. Inakyat ko ito at doon ako tumambay sa itaas.
Nang maka-upo na ako ng maayos sa itaas ay agad akong sumandal sa isang sanga bago ako huminga ng malalim at ipinikit ang aking mga mata.
Hindi ko talaga inaasahan ang ginawa at mga sinabi sa akin ni Alexander kanina.
Bakit?
Bakit sinabihan niya akong maganda?
Anong kalokohan kaya ang tumatakbo sa isip niya.
At saka bakit parang kinilig ako sa mga sinabi niya?
Hays… hayaan mo na nga Emerald. Baka mamaya pinagtitripan ka lang ng prinsipe na yun.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napansin na malapit na palang matapos ang break time namin. Kaya naman bumababa na ako sa puno ng narra bago ko inayos ang sarili ko at naglakad na papunta sa classroom ko para sa huling klase ko ngayong araw.
Oo, tama kayo ng nabasa. Dalawa lang talaga ang klase namin sa isang araw. Pero sa kada isang subject naman ay tatlong oras ang ginugugol namin.
NANG makarating ako sa room ay agad na akong dumiretso pwesto ko, kung saan katabi ko na naman si Alexander.
Alam kong nakatingin siya sa akin. Dahil nasa pintuan pa lamang ako ay ramdam na ramdam ko na may tumitingin sa akin. Ngunit, kahit alam kong nakatingin siya ay diretso lang ang tingin ko sa upuan ko dahil ayaw ko siyang tignan… naiilang ako.
Pag-upo ko ay idinukdok ko kaagad ang ulo ko sa lamesa ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng katabi ko dahil sa ginawa ko. Oo na! Alam kong mukha na akong ewan… pero hindi ko alam kung paano pa ako aakto sa harap niya pagkatapos ng mga nangyari kanina.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbati ng guro namin para sa subject na ito. Kaya naman agad akong tumingala at tumayo para bumati na rin.
“Good day 12- Diamond! So, I am Mr. Vasquez and I’ll be your teacher for your Reading and Writing course.” wika ni Mr. Vasquez saamin.
Gaya ng nangyari kanina sa research class ay nagpakilala lang ulit kami. Pagkatapos ang pagpapakilala ay pinag-pasa kami ng ¼ index card na may pangalan namin na dinikitan ng 2×2 picture namin sa may upper right corner nito. Gagamitin daw niya ito para sa attendance at records ng grades ng mga activities namin.
Nang matapos kaming magpasa ay agad ng sinimulan ni sir ang introduction of the course. Doon ko lang napansin na sobrang daldal pala nitong si sir. Grabe! Bawat topic yata na mapag-uusapan namin ay naiko-konekta niya sa buhay niya. Natawa na lamang ako ng tahimik dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.
"Class dismissed! Next meeting natin ay may activity akong ipapagawa kaya be ready guys!" nang marinig kong sabihin ito ni Mr. Vasquez ay agad kong isinukbit ang bag ko sa balikat ko at tumayo na.
Ngunit bago pa ako makaalis ay naramdaman kong may humawak sa kaliwa kong braso para pigilan ako.
"Emerald, wait!" wika ni Alexander na nagpalaki ng mata ko. Oo siya ang pumigil sa braso ko kanina.
"A-ano ba yun!? B-bitawan mo na nga ako at uuwi na ko," uutal utal ko pang sabi sa kanya. Pilit na tinatanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.
Ang lakas ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako…
"Wait up! Sandali lang ito. I just want to ask kung ok lang bang sabay tayo mag lunch bukas?" Pakiramdam ko ay mas nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa gulat sa mga narinig ko mula sa kanya. "Hey! Wait! Don't get me wrong, okay? Gusto ko lang kasing pag usapan natin yung para sa research natin, bukas. You know? Mas maagang sisimulan, mas maagang matatapos..." Dagdag pa niya.
Naramdaman ko na naman ang pagkalat ng init sa mukha ko. Nakakahiya! Kung ano-ano kasing iniisip ko eh!
"O-oo na, sige na. Bitawan mo na ko at uuwi na ko!" wika ko nang hindi nakatingin sa kanya.
Nang maramdaman ko ang pag-luwag ng hawak niya ay agad na kong naglakad at walang lingon-lingon na umalis doon.
Pagkalabas na ako sa school ay agad akong dumiretso sa sakayan para makauwi na.
NASA labas pa lamang ako ng bahay namin ay rinig na rinig ko na agad ang tawa ni mama. Sino kaya kausap nun? Grabe na naman makatawa ‘e.
Pagpasok ko sa bahay ay nalaman ko kung sino ang kasama ni mama…
“Ate Amethyst!” sigaw ko at saka tumakbo papalapit sa kanya. “Whaaaa ate na-miss kita!” wika ko pagka-lapit ko sa kanya bago ko siya niyakap ng mahigpit.
“Ano ka ba naman Emerald! Para kang ewan, ginulat mo kami ni mama sa pag-sigaw mo,” sabi ni ate bago ako niyakap ng mahigpit. “Na-miss din ni ate ang bunso niya. Pati ang pamangkin mong si Morgan, miss ka na rin,” dagdag na wika niya pa bago humiwalay ng yakap sa akin.
Dahil sa sinabi ni ate ay inilibot ko ang tingin ko sa bahay para hanapin ang pitong taong gulang kong pamangkin na si Morgan. At doon ko lang siya nakita sa may hagdan na naglalaro ng kotse kotsehan.
“Monget!” tawag ko sa kanya. Monget ang tawag ko sa kanya dahil pinaghalo ko ang pangalan nya na Morgan at pangit. Hindi naman talaga siya pangit, asaran lang talaga naming iyon.
“Tita Pangit! Na-miss kita!” masiglang bati sa akin ni Morgan bago ako nilapitan at mahigpit na niyakap. “Nang sinabi po ni mama na dito daw po siya pupunta kay na lola, sumama po agad ako kasi miss ko na yung mga story mo,” nakakatuwa talaga itong batang ito. Animo nagpapacute pa habang nagkukwento.
Sasagot sana ako kay Morgan ng maramdaman ko ang masakit na pag-batok sa akin ni ate Amethyst. “Aray naman ate! Bakit ka ba nang babatok?” kunot noong tanong ko kay ate.
“Sinumbong ka sa akin ni mama. Late ka na naman daw kanina! Magtino ka nga Emerald!” galit na angil sa akin ni ate. Napakamot batok na lamang ako at ngumuso. “Sorry na ate, nakakatamad kasi gumising ng maaga ‘e.” pa-cute na sabi ko kay ate sabay takbo paakyat ng kwarto ko para makaiwas sa sermon at makapag-bihis na rin.
Bumaba lang ako nung hapunan na, ngunit pagkatapos naman ng hapunan ay agad na nagpaalam si ate Amethyst na uuwi na daw sila ni Morgan dahil hinahanap na daw sila ng asawa niya.
Sana pala ay hindi ko na lang tinakasan si ate kanina para mas nakapag laro pa kami ng pamangkin ko. Nang makaalis na sila ako bumalik na ako sa kwarto ko at nagpahinga na.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising kaya naman maaga din ako nakapasok. Nagulat pa nga si mama ng makitang magkasabay kaming umalis ng bahay eh.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa room nang makita ko pang nakatayo ang mahal na prinsipe sa may bulletin board habang nakikipag-harutan kayna Katy, yung haliparot naming kaklase.
Psh! Ang kokorni naman ng mga ‘to. Dumiretso na lamang ako sa classroom at naupo sa upuan ko at ipinasok ang earphones sa tenga ko.
Mga ilang minuto pa ay nakita kong pumasok na sina Alexander at nakasunod pa rin sa kanya sina Katy. Nagmukha tuloy na alalay niya ang mga ito.
Paglipas ng 30 minutes ay dumating na ang teacher namin at nagpakilala…
“CLASS dismissed!” narinig kong wika ng teacher naming kaya naman inayos ko na ang gamit ko bago tumayo at binalingan ng tingin si Alexander. Nakatingin din pala sa akin ito.
“Let’s go?” aya niya, tinanguan ko na lamang siya at saka nagsimula ng maglakad.
Pagkarating namin sa canteen ay dumiretso agad ako sa pwesto ko. Bahala siya d'yan kung ayaw niya dito, mag-adjust siya.
“Bibili ka din ba?” tanong ko. Umiling lamang siya bilang sagot. “Sige, dito ka lang muna at bibili lang ako ng pagkain ko.
Gaya kahapon ay pinauna ulit ako ng mga estudyante bumili. Bumili na lamang ako ng dalawang biscuits at isang bottled water bago bumalik sa pwesto namin.
Paglapit ko sa pwesto namin ay nakita kong nakatayo si Katy sa gilid ng lamesa namin.
"Hi Prince! Pader ka ba?" Narinig kong malanding wika ni Katy.
"Uhm, Why?" Nagtatakang sagot ni Alexander.
"Kasi ikaw na ata magiging Pader ng mga anak ko! Boom!" Tila kinikilig na wika pa ni Katy.
Dahil sa irita ko ay sumingit na ko sa usapan nila.
"Ikaw din ba Katy, pader ka din ba?" Tila nagulat pa si Katy na nagsalita ako at pinansin siya.
"Ahh, bakit Emerald?" Tilang maamong tupa ng sagot nito sa akin.
Umupo muna ako sa upuan ko at saka ko sya tinignan mula ulo hanggang paa. Ngumisi muna ako bago ko siya sinagot.
"Flat ka kasi 'e," maikling wika ko at sunod ko na lang narinig ang tawanan ng mga estudyante sa canteen na hindi ko napansin na nakikinig pala sa amin.
Dahil siguro sa sobrang kahihiyan ay namumulang umalis si Katy.
Narinig kong tumawa si Alexander kaya napalingon ako sa kanya “you're so cute when you are jealous,” natatawang sabi niya pa.
“G*go! Anong jealous? Nainis lang ako kasi ang harot harot,” naiiritang sabi ko sa kanya tsaka siya kinurot sa tagiliran niya. “Tara na nga i-start na natin itong meeting na ito,” dagdag ko pa at naglabas na ng papel at ballpen doon magsulat ng mga ideya.
“Okay, okay. Let’s start na,” natatawang sabi niya pa bago kami nagsimulang mag-meeting.
Hindi ako nagseselos ah! Hindi talaga. Naiinis lang ako…
***
A/N: To those who are asking kung bakit daw hindi gemstone yung name ni Prince, galing din po sa gemstone ang name nya. It’s from Alexandrite stone po. Ginawa ko lang pong Alexander dahil desisyon ako eh hahaha. BTW, thank you for reading po! <3