undefined

[ HARI ]



Pagdating ko sa mansion ay pumunta agad ako kung saan ang main intercom, pero wala naman akong nadatnang tao. Nasa isang bistro kasi ako nang tumawag si Empress kanina, hindi ko nga nasagot agad ang tawag niya dahil sa ingay ng crowd, may pustahan rin kasi kami habang pinapanuod ang Mikado's battle. Siyempre, nagawan ko ng paraan na maka-access sa mga camera na sinet-up ni Empres.

"Saan ko naman kaya ililigtas itong alipores ni Empress? Tsk."

Papalabas na sana ako ng kwarto nang makasalubong ko si Jess. She's one of the trusted assassins of the Empress and also one of my targets to be one of my girlfriends. But my charms won't work with this woman. Para rin siyang si Empress, heartless.

"What happened to Mr. Aki?" she asked me directly. I have no idea of his whereabouts. Bakit naman kaya pati siya ay tarantang hanapin ang butler na yun?

"Babe? Aren't you worried about me? Talagang si Aki agad ang hinahanap mo?" pang-aasar ko sa kanya. I pouted my lips and showed her my childish act. I'm just trying to act jealous, even though I'm not like that.

Naging iba ang aura nito, tinaasan pa ako ng kilay at napahalukipkip pa ng braso.

"Nah, I'm just kidding. Actually, I haven't seen anyone here. Apparently, the Empress is paranoid about her assistant. Could you please tell your boss that I'm a busy person, sa susunod wag niya kong inuutos-utusan-" She intently looked at me, saying that this was not a time for a joke, then she stayed silent for a minute. Nanatiling ring nakataas ang isang kilay nito at sinamaan pa ako ng tingin. What did I say wrong?

"Busy daw? Oo, baka sa mga babae. Tsk" She mumbled that, akala niya siguro hindi ko maiintindihan.

"Hey! I heard that-"

"What are you two doing here?" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Lolo. "Good evening, Sir!" maikling pagbati ni Jess bago gumilid at yumuko.

"Uhm, we are looking for Mr. Aki. Have you seen him?" Lolo didn't say a word but shrugged both shoulders to answer my question. Pumasok na rin ito sa kwarto at inisa-isang tiningnan ang mga nasa monitor.

"Well, I guess we have to look somewhere else..." tumingin at sumenyas na ako kay Jess para maka-exit na kami rito.

"Did I miss something?" nagsalita muli si Lolo sabay itinuro pa nito ang nasa monitor.

Ow crap! He missed the first battle!

"Uhm..." hindi ko alam ang isasagot ko, for sure kasi magagalit ito pag nalaman niya na nagsimula na ang Mikado's battle.

Nasa screen pala ngayon sila Grey at si Caleb o Clayton? Ahh, basta isa sa kambal na lang. They're identical twins, so I can't tell who's who.

I'm not sure if they're fighting or what they're doing there.

Ayos pala itong naka-set up na Mikado's battle ni Empress. Talagang pinaghandaan. Maya maya pa ay kinalabit ako ni Jess, isinenyas niya ang isang pintuan malapit sa likod ni Lolo. There's a lot of liquid on the floor flowing from behind that door. 

Ang flooring kasi sa parteng ito ng mansion ay black tiles kaya hindi ko agad napansin na may likido roon nung pumasok ako kanina.

Is that blood?

Agad ring napalingon si Lolo sa kanyang likuran at nakita ang pagdaloy ng likido sa malapit ng umabot kanyang paanan.

"What are those?" lumapit ako at lumuhod pa para tingnan ito. I used one of my fingertips to check it, and it's confirmed. It's blood.

"This is blood, but from who?" nilingon ko si Jess at Lolo. Pareho silang nakatingin sa akin. Confused.

"You two were here first, Ijo. Wala ba kayong nakitang ibang tao rito?" umiling lang ako bilang sagot kay Lolo. Saka ko tinungo ang pintuang pinagmumulan ng dugo at dahan dahang binuksan iyon, halos sabay sabay rin kaming napasilip sa loob non' para alamin kung kaninong dugo iyon.

I'm expecting Mr. Aki, but don't get me wrong ha, hindi ko naman gustong makita siyang patay na pero siya lang kasi ang hinahagilap namin ngayong lahat, okay?

"Who is that woman?" tanong ni Lolo, isang walang buhay na katawan ng babae ang nakahandusay at mukhang kanina lang ito pinatay.

Natatakpan ang mukha nito ng kanyang buhok kaya hindi pa namin makita ang buo niyang mukha. Isa lang ang napansin ko sa kanya-Her red medieval tailcoat. A very suspicious attire to wear. Sino ba namang magsusuot ng ganito sa Pilipinas?

As I assess her body, parang tinadtad talaga ito ng saksak. Harap o likod man ay may mga tama siya, I assumed that more than twenty or thirty times siyang sinaksak. Kaya hindi nakakapagtakang parang naliligo ito sa sarili niyang dugo. Sinubukan ko pang i-check ang pulso nito pero talagang wala na itong buhay.

Lumapit na rin si Jess para i-check rin ang bangkay. At nang hawiin nito ang buhok ng babae para makita ang mukha nito ay nanlaki ang kanyang mga mata. It's obvious that she knows this person.

"Who is she?" hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa. 

"She's Miss Alexandria's friend."

"Come again?" Lolo asked Jess. Kahit ako ay di makapaniwala sa sinabi niya.

"What's her name?" I asked her. 

"Graciella." tipid niyang sagot saka muli niyang ginalaw ang bangkay. This time inisa-isa nitong i-check ang lahat ng pockets ng damit at maging ang mga accessories na suot nito ay di niya pinalampas, di niya na inalala pa kung mababahiran siya ng dugo nito. Pinataob niya pa bangkay at inusisa maging ang balat nito.

"She has the tattoo of the Diablos gang." pinakita niya sa amin ang batok nito na may tattoo ng isang demon trident na nakatusok sa isang bungo habang may ahas na nakapaikot rito. 

Diablo's gang? Parang ngayon ko lang narinig ang grupong iyon.

"Miss Jess, right? How would you know them?" si Dad ang nagsalita sabay labas nito ng baril at itinutok iyon kay Jess. I can't recall kung kailan siya nakapasok ng kwarto.

"Dad, could you calm down for a minute..." This is serious. I don't remember him pointing a gun at someone. Sa clan na ito, si Lolo at Empress lang ang kakakitaan ko ng baril, si Alexandria naman laging patalim lang o katana.

Dahan dahan kaming napatayo ni Jess. Tinatanya ang susunod na hakbang ni Dad. Shit! Ano ba kasi talagang nangyayari?

"As far as I know, the entire Diablo's gang was exterminated twenty five years ago. So how would you know the Diablo's gang, young lad?"

"Sir..." nahatak ko sa likuran ko si Jess bago siya matamaan ng bala mula sa baril ni Dad, si Lolo naman agad ring kumilos para makuha ang baril ni Dad.

P*tangina! Muntik na siya.

"Who the hell are you?!" This time si Lolo naman ang tumutok ng baril kay Jess habang ako ang naging silbing harang niya. Sh*t! Am I going to die for a woman?

"Lolo, Dad! God d*mn it! Let's give her time to explain! Masyadong mainit ang ulo niyo, pano natin malalaman ang sagot kung papatayin niyo siya agad?" saglit na nag-isip si Lolo, ibinaba naman nito ang baril.

"Kumalma muna tayong lahat, pwede ba? Tsaka isa pa, inutusan lang ako ni Empress na iligtas si Mr. Aki-" sabay sabay naman kaming napalingon sa mga monitor dahil isa isa itong nawalan ng connection. Pinagbabaril na pala ni Empress ang mga camerang naka konekta rito.

Isang camera lang ang itinira ni Empress at nakatutok ang baril nito ron. Parang tumatagos ang mga tingin nito sa amin. Nakaramdam ako ng takot at kilabot sa mga titig niya kahit nasa screen lang.

"This is the end of the first weekly battle, and you don't have the right to continue this match, imposter." 

"D*MN you Empress!" 

"Just wait for me, assh*le, I'll blow your head off."

Pagkasabi ni Empress non ay nawalan na rin ng connection ang monitor.

Shit! We've been fooled! The intercom is connected to another place!

Naguguluhan man pero kailangan kong kumilos agad. Wala ni isa sa amin ang sumagot kanina kay Empress kaya sigurado akong may nang hack sa intercom namin.

"Paps, kailangan ko munang pumunta sa 13th street grounds. Jess, look for Mr. Aki. I have a hunch that someone is trying to frame us." nanatiling tahimik si Lolo. Maging siya ay siguradong naguguluhan na sa nangyayari.

"We're not done yet!" sabi pa ni Dad, masama ang tingin nito kay Jess.

"Dad, she's the most trusted friend of Empress. I assure you that she will never betray us and she'll never think about or try to escape because she knows what Montereal can do. Right? " pangungumbinsi ko pa kay Dad. "Dad, trust me on this, baka kung ano pang mangyari doon. Si Alexandria, naroon siya, baka kung ano pa ang gawin ni Empress sa kanya." dagdag ko pa.

"Lo, kayo na pong bahala dito." I slightly tap Lolo's shoulder. Siya lang ang alam kong makakapigil kay Dad kung sakali mang may gawin ito kay Jess. He's still the root of the Monterea clan, and he still has authority over Dad's actions.

"Wait King! There's ten assassins on 13th Street grounds, so be careful." sabi pa ni Jess habang hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng kwarto. She's worried about me after all.

"I don't think that they are still alive. Hindi lalabas si Empress na hindi secured ang lugar." I wink at her to make her less worried.

Pagkalabas ng mansion ay sumakay agad ako sa big motorbike na gamit ko kanina. Kailangan ko agad makapunta ron bago mahuli ang lahat.

Ilang minuto lang ay nasa 13th street na ko.

Nanatili sa itaas ng ring sila Empress habang nakatutok ang baril nito sa isa sa miyembro ng Clovers gang. Caleb? Or Clayton? Nah, I don't want to bother asking. All I want to do is protect everyone from Empress wrath.

"Calm down Empress!" Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa baril na hawak niya. Mukhang mas lalo ko ata siyang nainis. She does not even bother to look at me.

"You killed ten snipers tonight and still hindi pa rin humuhupa ang galit mo? BWAHAHAHAHA! You're a demon." kunwari'y tinawanan ko pa ang pagkahalimaw niya. Pero sa totoo lang ay nangangatog na ang mga tuhod ko.

"P*T*NG*NA LANG!" napalakas at diin ng mura niya. Saka lang nito ibinaba ang hawak na baril. Hindi pa ito nakuntento at nagsisigaw pa na parang nanggigil na psychopath. Sigaw na pag pinigilan mo ay makikita mo na si San Pedro.

Naglakad pa ako palapit sa ring para makalapit na rin kay Alexandria, "You better go home Alex." utos ko sa kanya. She needs to know what happened to her friend and who is in Diablo's gang aside from her friend. 

"Okay, let's end this tonight." sa akin naman itinapat ang baril na hawak niya. 

"I know what you're thinking, Empress, and I'm sorry to disappoint you. It's not us." Saglit siyang natahimik. "This is not the proper venue to talk about it. Also, your butler is still missing." lumingon pa ko sa paligid.

Nanatiling ang mga mata nitong nakatitig sa akin habang naglalakad papalapit sa akin, maging ang hawak nitong baril ay nagawa pa niyang itutok sa sentido ko. Napapikit na lang ako. I know she can kill me because we are not blood related, "Okay. Follow me."

Napahinga ako ng malalim ng maramdaman kong hindi na nakatutok sa sentido ko ang baril niya, agad rin akong sumunod sa kanya. Habang si Alexandria at iba pa gangs na naroon ay tahimik ring nagsialis na.

[ EMPRESS ]



"Empress, I think someone is trying to frame us." yan agad ang bungad ni Kuya King sa akin ng makarating kami sa mga motor namin.

"Where is Jess? Pinasunod ko siya sayo para iligtas si Mr. Aki." hindi ko pinansin ang mga sinabi niya, sa totoo lang ayokong maniwala sa kahit sino man sa kanila.

Si Mr. Aki at Jessielyn lang sa ngayon ang higit na pinagkakatiwalaan ko dahil kasama ko sila sa mga plano ko. I just asked Kuya King dahil alam kong siya nag pinaka malapit sa mansion kanina.

"She's still looking for him." It's impossible that Mr. Aki disappears like that.

"Before the imposter took over the game, we heard a gun fire, Empress." mula sa isang madilim na parte ng eskinita ay lumabas si Alexandria. She's brave enough to follow us here, kahit na pinapauwi na siya ni Kuya King kanina.

"Ang kulit mo rin Alex, diba pinapauwi na kita?" halata ang inis sa tono ni Kuya King.

"Tingin mo naman susunod ako sayo kuya? Haha, where's the thrill in that? Kailangan malaman ko rin ang mga plano ni Empress." She lit her cigarettes while saying that nonsense sh*ts.

"By the way, our primary intercom is connected to another intercom. That's why I'm guessing that there is someone trying to frame us." sabi pa ni Kuya King.

"Then who was it?" I'm trying to be calm. Ayoko rin namang matapos rito ang mga plano ko. Isa pa, kailangan kong bumalik kay Jaz. Baka mamaya ay nagising na ito.

"They're new to me. Well, I'm still not sure." na pairap na lang ako, bakit hindi pa niya sabihin kung sino ang pinaghihinalaan niya?

"So, sino nga kuya?" si Alexandria ang nagtanong, mainipin rin ang isang ito.

"Have you heard of Diablo's gang?" umiling si Alexandria habang ako naman ay nanatiling walang reaksyon.

Diablo's gang. So, they are back?

"Continue your discussion and speculations at the mansion.I have somewhere to go. Hit me up through Jess when there's any information on Mr. Aki's whereabouts." pagkasabi ko non ay sumakay na ko sa motor ko. Hindi na rin ako nag-abala pang magpaalam sa kanila dahil mag-iisang oras na akong wala sa hideout ng Clovers gang. Baka tuluyang masira ang mga plano ko pag nagkataon.

Pagkabalik ko sa mansion nila Jaz ay iginayak kong muli ang suot ko kanina, natanggap ko kanina ang mensahe ni Jess kung saan niya itinago ang mga gamit na kailangan ko pagbalik ko rito. Halos isang oras ang lumipas. Nagamot na ang mga sugat ni Jaz ngunit hindi pa rin ito nagigising.

Nanatili lang ako sa tabi ni Jaz, tinititigan ko lang ang mukha niya habang hawak ang kamay niya. Naalala ko ang mga nakaraan namin na hindi pa ganito kagulo, yung mga panahon na masaya lang kami sa eskwelahan noon.

I know when to end this warfare. I just wanted you to know that this game, this battle is for us. 

Kailangan natin itong pagdaanan para makalaya ka sa sakit at bumalik sa dati. At siguro para na rin sa akin, para makalaya na rin ako sa nakaraan.

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko, mahinahon man itong dumadaloy pero ramdam ko ang bigat ng bawat patak nito.

Sa magulong mundong ito, matatanggap mo pa kaya ako? 

Mapapatawad mo kaya ako sa pagsisinungaling ko sayo?

Sa inyo nila Caleb at Clayton? 

Sa mga bagay na nagawa ko sa inyo at sa pamilya ko?

Lahat gagawin ko para iayos ulit ang lahat. Ibabalik ko kayo sa dati. Pangako 'yan.

Ilalayo ko kayo sa mapanganib na mundong ito. Kasi alam kong hindi ito para sa inyo. Hindi kayo nararapat dito.

Pero ako? Wala naman akong pag-asa pang makatakas rito. Pamilya at buhay ko na ang mundong ito, ang Montereal Clan ay bahagi na ng buhay ko.

Ngayon pa lang magsisimula ang totoong laban Jaz.

Bago ko mapili ang magiging Mikado, sisiguraduhin kong buhay kayo at makakaalis kayo sa impyernong buhay na ito. Lalo pa't nagbabalik na ang gang faction na nagpasimula ng lahat ng ito. Diablo's gang. The ghost of the Montereal clan.

Naihilig ko ng bahagya ang ulo ko sa bandang balikat ni Jaz, maya maya pa ay nakaramdam ng pagod ang mga mata ko. "We'll get through this. I promise."

Ilang minuto lang ay narinig kong may nagbukas ng pinto at pumasok sa kwarto, naramdaman ko rin ang paglagay nito ng kumot sa likuran ko, mukhang kababalik lang nila Caleb. 

Hindi ko na iminulat pa ang aking mga mata, tuluyan na kong nagpasakop pagod kong diwa. Kailangan ko na ng pahinga.

[ INOUE MONTEREAL ]



At Montereal Mansion.

"Get rid of the body first and clean every corner of this room." I order some of the guards. I also let go of Miss Jess to find Mr. Aki.

"What are we going to do, Dad?" May pag-alala sa tono ng anak ko, si Daimon Alec Montereal.

"We need to be careful from now on. If this is the real Diablo's gang, we need to get rid of it too."

"How would that assassin know about that obliterated gang?" Sa totoo lang ay nagulat rin ako kanina, nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko maalala ang ganoong tattoo ng Diablo's gang. Napahawak na lang ako sa baba ko dahil don.

There's something off about it.

"Lolo! Dad!" Dumating sila King at Alexandria. Saktong inilalabas na ang bangkay ng babae ng pigilan ito ni Alex.

"What happened here? Care to explain? " halata ang pagngatal sa tinig ni Alex. It's her friend who died after all.

"We just discovered her body-" si Daimon ang nagsalita at lumapit pa ito kay Alex.

"Who did this? Tell me!" She broke her tone and started to cry. This is my first time seeing her cry.

"Alex," lumapit na rin si King sa kanya para aluin siya.

"Your friend is from Diablo's gang." ako ang bumasag sa pag-dadrama niya. She's showing her vulnerable side and I don't like that. Montereals are not weak.

"She's one of the shadows." That's what we called a Diablo's member, a shadow.

We eliminated those shadows thirty years ago for some reason.

It began in Japan, if I'm not mistaken. Some lowly criminals or gangsters are hired by a new syndicate group to become legitimate Yakuza. Our clan was unpopular at the time, and we were just protecting ourselves rather than meddling with those criminals. We get associated at that point since it begins to have numerous gang factions, and violence increases in our territories.

The most popular faction that had been founded at that time was Diablo's gang-the shadows of all evil crimes. 

Because of their heinous crimes and uncontrolled members of psychopaths. Everyone feels endangered, and because of that, various gangs formed alliances to fight back against them. 

Several bloody bath battles passed before their gang was entirely dissolved.

After their annihilation, the Montereal Mafia clan became popular, since we're one of the reasons why Diablo's gang is gone.

Years have passed, and unknowingly, my son Daimon has been deceived by a woman. Her name is Haruka Lucy Saimori, the mother of Lucienne and Alexandria.

She's a shadow and an Oyabun. (Oyabun is the highest rank or leader of a Yakuza. Yakuza is an organised syndicate group in Japan.)

She is the long-lost Empress of the Ryujin Clan, the mysterious syndicate that has been wreaking havoc in Japan twenty-five years ago. It's the same clan that gave birth to Diablo's gang.

After the organization discovered her identity, the majority of the council decided to eliminate her. We have the power to oppose their decision. But if we go against it, the gang war twenty-five years ago will reemerge.

Lapis Creator

SHADOWS OF THE GHOST