undefined

[ JAZ ]


I'm doubting myself and my emotions.

I let her feel my knife on her lips, trying to figure out whether she was the Empress or my Ellaine. I'm not sure what I'm doing or why I am trying to protect her. Baka kasi pinaglalaruan lang ako ni Empress. Iba ang nararamdan ko sa babaeng kaharap ko ngayon, hindi ko alam kung pangungulila ito o takot na baka ito na naman ang huli naming pagkikita.

Kung sakaling siya si Empress ay makikilala ko agad siya, iba kasi ang mga mata ni Empress, hindi iyon kakikitaan ng takot. Parang walang buhay at ikaw mismo ang makakaramdam ng takot. Sa umpisa pa lang na makilala namin siya ay iba ang dating niya. She has an intimidating aura. At parang may matinding galit ito sa mga gangster.

To my surprise, when she opened her eyes and looked deep into my eyes. She reveals who she is.

She's alive and this battle is a do or die between me and Brix.

"Keep your eyes closed," sinunod niya ang sinabi ko. Pumikit siya habang mahinang humihikbi. Nararamdaman ko ang takot niya. And with that, my heart aches for a moment.

One thing is for sure, Ellaine is alive.

Napahawak ako sa aking dibdib. Ito ba ang epekto ng pangungulila ko sa kanya?

All the agony inside me is overflowing. It's much heavier than before. Pero diba dapat masaya ako? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may mali sa nangyayari.

Nakita ko ang patuloy na pag-agos ng mga luha niya sa kanyang pisngi.

Is she afraid of me? Is she scared of what I did?

Or am I the one who is afraid that she knows who I'll become now?

Naramdaman ko ang muling pagkilos at pagsugod ni Brix, kaya agad ko siyang sinipa sa sikmura para magkaroon ng distansya at maprotektahan si Ellaine.

"F*ck you, Ja----! Why aren't you attacking?! Don't you want to fight, or do you underestimate me?" sabi niya pa habang nakaluhod at iniinda ang pagkakasipa ko sa kanya.

Kanina ko pa iniiwasan ang mga atake niya, akala niya siguro pinaglalaruan ko lang siya. But the truth is, hindi pa ko nakakapatay ng tao. Oo, gangster kami, gumagawa kami ng mga ilegal o krimen na bagay pero di ko magagawang kumitil ng buhay.

I valued life because we once lost someone special. I became a gangster to protect my brotherhood. We built Clovers Gang because we didn't want to repeat what happened before.

Ang protektahan ang buhay ng taong mahalaga sa amin ang priyoridád ko, kaya ngayon hindi ko alam kung handa na ba akong pumatay makasama lang siyang muli. Makasama lang muli si Ellaine.

"You know what, Brix? This would be my first time killing someone."

"HAHA! Seriously?! Di ka pa nakakapatay ng tao? Tingin mo sinong maniniwala sa iyo?" Sumugod siyang muli, paulit-ulit winawasiwas ang patalim na hawak niya pati ang kabilang kamao niya ay isinusuntok niya sa akin kahit hindi ito rektang tumatama sa akin. Hawak niya sa kaliwang kamay ang patalim, hindi madaling umiwas sa mga atake niya dahil mas mabilis ang galaw niya ngayon, siguro dahil inis na inis at nanggigigil na siyang patayin ako. "Show me your skills, Jaz! Gamitin mo naman yang hawak mong kutsilyo!" Tiningnan ko siya ng matalim at inaral ang bawat kilos at pag-atake niya.

"Tsk." Ang daming dada, His moves are easy to read. Saktong papa-suntok siya sa kanan ko ay nakikita ako ng tiyempo para atakihin siya. Natamaan ko siya sa tagiliran, bigla namang nagsigawan ang mga nanonood sa amin. I recall that they placed a bet on this game.

'TAPUSIN MO NA!'

'END GAME!'

'WOAH!'

'PURUHAN MO NAMAN!'

'YAN GANYAN! WAG KANG DUWAG JAZ!'

Hawak ni Brix ang tagiliran niya para pigilan ang pagdurugo ng sugat na tinamo niya mula sa akin. Nanlilisik ang tingin nito sa akin at maya-maya pa ay may sinenyasan ito mula sa likuran ko. Nawala ako sa konsentrasyon ng lilingunin ko sana ang taong sinenyasan niya. "T*ngina! You're a cheater! Mother-f*cker!" isang maliit na patalim ang tumama sa kanang balikat ko, mula iyon sa crowd. Siguradong kagagawan iyon ng isa sa miyembro niya. Napa-impit na lamang ako sa sakit. "Argh!"

"Madaya!" Narinig ko pang sigaw ni Clayton. Maging ang crowd ay nagulat sa nangyari, they booed the Demonic Gang at sinabihan pang 'MANDARAYA!'

Isang putok ng baril ang nagpatahimik sa buong grounds ng 13th Street. At mula sa crowd ay may nakahandusay na isang gangster, it's a headshot. Isa siya sa gang member ni Brix. Mukhang siya ang naghagis ng patalim sa akin.

"NO ONE IS ALLOWED TO INTERRUPT THE BATTLE!" Rinig sa buong grounds ang boses ni Empress. Kalmado lang ito pero may awtoridad ang tono 'Obey or else she'll shoot your tiny brain' ganyan ang dating ng mga salita niya.

"Tsk!" talagang mandurugas ang Demonic Gang.

Napangisi lang si Brix sa mga sinabi ni Empress.

Tinanggal ko ang nakabaon na patalim sa balikat ko.

"Will you really choose that bitch over us Jaz?! Don't you want to live?" He asked, trying to convince me to end the life of my woman.

"She's my life---"

"FVCK THAT LIFE!" Sumugod ulit ito kahit hirap na sa sugat niya sa tagiliran.

"SH*T!" Natamaan nito ang pisngi ko. Medyo bumagal ako dahil sa sugat ko.

Walang kontrol ang pagwasiwas niya ng patalim sa akin. Hindi ko mabasa ang galaw niya. Umiiwas lang ako at hinintay siyang mapagod. Nang makita kong pagod na siya ay agad akong sumugod.

"My turn," pero nang malapit ko na siyang masaksak ay may bumaon na maliit na patalim sa binti ko dahilan para mawalang ako ng balanse at tuluyang mapaluhod. F*CK!

"P*TANG*NA NIYO! ANG DAYA NIYO TALAGA!" Si Caleb ang narinig ko. Lalong naging magulo ang laban nang sumugod ang Demonic Gang sa Clovers Gang.

Again, gang member ng Demonic ang tinamaan na naman ng bala. Tuloy pa rin ang kaguluhan kahit alam nilang may sniper si Empress. Di pa rin sila nagpatinag, it's a Gang War. Kanya kanya na sila ng pagsugod, hindi na rin ito napigilan pa ni Empress kahit pinatunog na nito ang malakas na siren.

At dahil na rin sa dami ng tao o iba't ibang grupo ng mga gangsters, di ko na alam kung na saan na sila Clayton at Caleb.

"Tsk. Hindi ka talaga marunong lumaban ng patas." pinilit kong tumayo.

Kami pa ring tatlo ang nasa ibabaw ng ring. Walang miyembro namin ang nangahas na umakyat o makipaglaban sa amin.

"Only two souls will survive here Jaz, just thank me later." Tangka niyang sugurin si Ellaine, at dahil sa mga sugat ko, hindi ko magagawang makaabot sa kanya kaya inihagis ko ng buong lakas ang patalim ko sa kanya at bumaon iyon sakto sa batok niya.

Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Brix ang pagtigil ng kaguluhan sa labas ng ring.

"Ellaine," nakaluhod pa rin ako at iniinda ang mga sugat na natamo ko, nakita ko ang pagkabigla ni Ellaine ng bumagsak sa harap niya ang walang buhay na katawan ni Brix.

"Ja-jaz?"

Is she scared of me now?

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa ang pagtawag ni Ellaine sa pangalan ko.

"JAZ?!"


__________________

[ ELLAINE ]



Nakarinig ako ng putok ng baril.

"NO ONE IS ALLOWED TO INTERRUPT THE BATTLE!" rinig kong sabi ni Mr. Aki mula sa intercom.

Oo. Si Mr. Aki ang pumalit sa akin, gumagamit lang siya ng voice changer para palabasing ako ang nagsasalita. Hindi kalayuan ang Mansion sa 13th street grounds kaya nakapaghanda at nakapunta ako rito agad. Kailangan nakasunod ang lahat sa mga plano ko.

Siguradong may lumabag sa patakaran kaya kumilos na si Jessielyn, she's one of my best bodyguard and sniper assassins. Marahas man ang Mikado's Battle ay kailangan pa rin maging patas at nakasunod ito sa patakaran.

Sa ikalawang putok ng baril, alam kong nagkakagulo na. Narinig ko sila Caleb at ang iba pa. Nanatili akong nakapikit pero ng marinig kong tawagin ako ni Jaz ay napadilat na ko.

Nakita kong papasugod sa akin si Brix pero bago pa man niya ako maabot ay tumarak na sa likuran niya ang isang patalim mula kay Jaz at natumba ito sa harapan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang ayos ni Jaz, nakaluhod ito, puro dugo at pasa ang kanyang katawan.

"Ja-jaz?" tinawag niya pa ang pangalan ko bago siya tuluyang bumagsak.

"JAZ?!"

"Jaz wins the third match!" pag-aanunsyo ni Mr. Aki. Natahimik ang lahat habang umakyat naman ng ring si Clayton para kalasin ang pagkakatali sa akin sa upuan. Tumayo naman agad ako at nanginginig na nagtungo papunta kay Jaz.

"Ja-a-azz?" Umiyak ako ng makita ng malapitan ang mga sugat niya, siguradong maraming dugo ang nawala sa kanya.

"Tu-tulong! Tulungan niyo kami!" Halos hagulgol ko lang ang naririnig sa buong 13th grounds. Umakyat na rin sila Caleb at Grey sa ring, pinagtulungan nilang buhatin si Jaz para maibaba. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang nakasunod sa kanila. Lumapit naman si Alexandria sa akin at may ibinulong.

"Nice acting Empress. You deserve a Best Actress Award." nakangisi pa siya ng sabihin niya sa akin iyon, akala ko naman ay aalalayan niya ako.

"Empress?" Tinitigan ko pa siya ng may pagtatataka, hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya na ako at si Empress ay iisa.

"That's it for tonight, Mikado's weekly battle will resume next week, for now, clean everything on the site." Napatingala naman sa speaker si Alexandria.

"Hmn, I know who you are. This is the most insane game you've ever made, and I'm foolish to play along with you." pagkasabi niya non ay mahigpit niya akong hinawakan sa braso ko.

"Bitawan mo siya," Si Caleb ang pumagitna sa amin. Kibit balikat namang binitawan ako ni Alexandria saka sabing 'Ok' pero di mawala ang mga ngiti nito.

"Before anything else, Ms. Ellaine Vergara will be the prize for the Clover gang." Isang anunsyo muli ang sinabi sa speaker.

"Ang daya naman! Bakit sila may Prize Empress?" Tanong ni Alexandria na halatang nang-aasar lang.

"Don't worry Sis, your prizes will be delivered at your hideouts, same with the Blocker's gang." Naghiyawan pa ang crowd ng marinig iyon.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang paglagay ng jacket ni Caleb sa balikat ko, itinaklob niya rin ang hood non sa ulo ko. "Tara na Ellaine, umuwi na tayo, ayokong makita mo kung anong klaseng lugar ito." tumango na lang ako at sumunod sa kanila. Nakita kong may sasakyang naghihintay sa amin at na roon na rin Jaz, wala pa rin itong malay.

"Bakit di niyo pa siya sinusugod sa Hospital?!" may pag-aalala kong sabi.

"Hindi pwede sa Hospital, sa mansion tayo didiretso." Sabi pa ni Grey na siyang nasa manibela.

"Hindi tayo pwede sa Hospital Ellaine, baka malaman ng mga pulis na---"

"Na nagpapatayan kayo?" putol ko sa sinasabi ni Clayton. Tumango na lang ito bilang sagot. Napabuntong hininga ako, tanggap na talaga nila ang buhay na ito. Hindi na bago sa kanila ang masugatan dahil magagamot naman sila ng private doctors nila.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang mansion, hindi ito ang hideout nila, sigurado ako dahil wala ito sa mga impormasyong nakuha ko sa kanila.

Pagkababa namin ng sasakyan ay agad na may sumalubong na private doctor and nurses kay Jaz, talagang handa sila sa mga ganitong bagay.

"Ellaine," lumapit sa akin si Caleb.

"Hmn?"

"Kailangan namin bumalik sa..." tinitigan ko siya sa mga mata niya pero di siya makatingin ng diretso sa akin, napayuko ito at napahawak pa sa batok dahil di niya maituloy sasabihin niya sa akin. Dahil don ay magkabilang kamay kong hinawakan ang mukha niya. I'm reassuring him that I will be fine.

"Just stay alive Caleb and protect your brother." napaluha si Caleb sa sinabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"I missed you so much, Ellaine."

"Namiss ko rin kayo ng kambal mo."

"Isama niyo naman ako sa yakapan niyo!" pahabol pa si Clayton, ng matapos ang yakapan namin ay pinisil pa ni Clayton ang ilong ko.

"Welcome back Ellaine! Bantayan mo muna ang bossing namin ahh, at pangako babalik kami pagkatapos ng---basta yun, may aayusin lang kami." Hindi niya masabi ang tungkol sa Mikado's Battle at Gang War. Ngayong patay na ang lider ng Demonic, siguradong magkakagulo sa 6th street, at baka nga sa mga oras na ito ay sumugod na ang miyembro ni Brix sa 7th street kung saan ang teritoryo ng Clovers.

"Sige, mag-ingat kayo ahh." muli ay niyakap nila ako bago tuluyang umalis.

Isang oras ang lumipas. Nagamot na ang mga sugat ni Jaz pero hindi pa rin ito nagigising. Nanatili lang ako sa tabi ni Jaz, tinititigan ko lang siya habang hawak ang kamay niya.

Nag-iisip at inaalala ko lang ang mga nakaraan namin na hindi pa ganito kagulo, yung mga panahon na masaya lang kami sa eskwelahan noon.

I know when to end this warfare. I just wanted you to know that this game, this battle is for us.

Kailangan natin itong pagdaanan para makalaya ka sa sakit at bumalik sa dati. At siguro para na rin sa akin, para makalaya na rin ako sa nakaraan at makaramdam ng muli.

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko, mahinahon man itong dumadaloy pero ramdam ko ang bigat ng bawat patak nito.

Sa magulong mundong ito, matatanggap mo pa kaya ako? Mapapatawad mo kaya ako sa pagsisinungaling ko sayo? Sa inyo nila Caleb at Clayton? Sa mga bagay na nagawa ko sa inyo at sa pamilya ko?

Lahat gagawin ko para iayos ulit ang lahat. Ibabalik ko kayo sa dati. Pangako 'yan.

Ilalayo ko kayo sa mapanganib na mundong ito. Kasi alam kong hindi ito para sa inyo. Hindi kayo nararapat dito.

Pero ako? Wala naman akong pag-asa pang makatakas rito. Pamilya at buhay ko na ang mundong ito, ang Montereal Clan ay bahagi na ng buhay ko.

Ngayon pa lang magsisimula ang totoong laban Jaz. At bago ko mapili ang magiging Mikado, sisiguraduhin kong buhay kayo at makakaalis kayo sa impyernong buhay na ito.

Lapis Creator

THE LOVER AND THE LIAR