undefined

[ ALEXANDERIA ]



"What are you planning Empress?" di ko mapigilang masabi ang nasa isip ko. Bakit kinailangan mong bumalik sa katauhan ni Ellaine?

"Po?" sabi ng isa sa Queen's member na hindi ko maalala ang pangalan, mukang nagtataka siya sa mga sinabi ko.

"Don't mind me." I answered and glared at her. As if naman na masasagot niya ang mga tanong ko.

Paalis na sana kami sa 13th grounds ng makarinig kami ng putok ng baril mula sa speakers, nagkaroon din ng static at echo kaya lahat halos kami ay napahawak sa tainga dahil sa ingay non. 

Lahat kami ay nag-aabang ng susunod na mangyayari. Ilang minuto pa ang lumipas, may nagsalita muli sa intercom. "Ehem. Paano ba toh? Oh, okay. Sorry about that. Let's just continue this game!" boses pa rin ni Empress ang naririnig ng lahat, pero alam kong hindi iyon si Lucienne. Nagbago rin kasi ang tono ng pananalita nito.

Ang tanong, sino naman kaya ang nasa intercom ngayon? 

Inilibot ko ang paningin ko, hindi pa naman nakakaalis ang ilan sa mga players at tambay na gangsters. Unang gabi pa lang ng Mikado's Battle ay talagang sinubaybayan na ng mga gangsters na to, kaya't di nakakapagtaka na wala pa ring umuuwi.

Maya maya lang ay muling gumana ang monitor sa taas ng ring, may highlighted box muli ito na umiikot sa bawat pictures ng players para makapili ng susunod na match.

At saktong pagdating ng Clovers gang ang paghinto ng highlighted box. May pagtataka man pero mukhang alam na nila ang nangyayari.

The games continue without the real Empress.

"Akala ko tapos na?" Grey mouthed those words, I just shrugged my shoulders to answer his questions.

"Caleb vs ..." Natapat ito sa Blank na picture. Bakit blank ang katapat nito?

"Aww. Mukhang nasira pa ata BWAHAHAHAHA !" Umalingawngaw ang halakhak ng fake Empress. Hindi naman maalis ang pagtataka sa ng ilang mga gangsters sa nagsasalita ngayon sa intercom, yung iba nakitawa na lang.

"Paano ba yan Empress? Mukhang next week na talaga ang-," isang member ng Demonic ang nagsalita dahil nga blank ang ka-match ni Caleb. Bawat gangsters pala rito sa 13th ay may kanya kanyang tattoos na madaling makikilala kung saan sila kabilang na gang.

Ang Demonic gang ay may illuminati eye tattoo at may crown ito ng hari sa itaas, ganoon rin ang Queens pero crown naman ng reyna. Sa Jokers naman ay playing card tattoo. Ang Blockers ay may geometric tribal tattoo at ang Clovers naman ay may five leaf clover. Sa lahat ng gang tattoo, Clovers lang ang pinaka simple.

"Hmn. Wait. Caleb, do you want me to decide on this, or you'll choose your opponent between-Clayton or Grey? Who do you want to fight with?"

Wait?! What?! Seriously? Napa-face-palm na lang ako sa naririnig ko, napaghahalataang hindi siya si Empress.

Agad na umingay at nagbigay ng kanya kanyang opinyon ang mga gangster.

"Kung sa Queen's gang nga magkakampi nagpatayan, sa gang pa kaya nila?"

"Sino kaya pipiliin niya?"

"Wala pa naman ang Lider nila. HAHA! Kawawa naman!"

"T*ngina mukhang masaya toh."

"Magandang laban toh Pre!"

"Kambal mo na lang piliin mo para may thrill!"

"Hindi! Si Grey na lang!"

"Pusta ako kay Grey!"

"Kay Clayton ako!"

Umakyat naman sa ring si Caleb at tumingin sa isa sa mga camera.

"Paano kapag wala akong pinili?"

"Oh come on! Caleb? Are you wasting your chance? Do you think I'm making an agreement with you?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa hinala ko.

Hindi kaya ang nasa intercom ngayon ay si Kuya Hari? Pero imposible eh. Hindi siya mangangahas na mangialam sa plano ni Empress.

"Caleb! Stop that! Mamili ka na lang." sigaw ni Clayton. Mukhang alam niya ang tumatakbo sa isip ng kambal niya.

"Choose me!" sabi pa ni Grey.

"No! Let's stop this b*llsh*t!" naglabas ito ng patalim at itinutok iyon sa kanyang leeg. Nakipagtitigan ito sa camera, wari'y nakikita ang taong nasa likod nito.

"BWAHAHAHA! You're an interesting young lad. Should you sacrifice your life in order to save them? Are they worthy of it?" sabi pa ng fake Empress. He paused for a while, making Caleb think twice about his choice. "Time is running Caleb. Choose now, or will my sniper do it for you?"

"Sorry Brother," napalingon pa si Caleb sa gawi ni Clayton.

"No! I'll do it! I'm doing it! We'll do- whatever you want!" umakyat si Grey sa ring at agad napigilan ang tangkang pagkitil ni Caleb sa sarili niyang buhay. He's trembling. Napatinging pa nga ito sa akin. Tsk. An idiotic move he made. 

"T*nga mo naman! Bakit ka umakyat diyan?!" This time I mouthed it to him but he just shrugged his shoulders to answer me. P"TANG*NA NAMAN!

"BWAHAHAHAHAHA! What's wrong Alexandria?" Nakita niya siguro ang pagkainis ko kay Grey. She's enjoying this. I just stared at the camera and showed her a middle-finger-f*ck.

Wala naman akong magagawa, magkalaban na para sa Mikado's match sila Caleb at Grey. Hindi ko naman maiwasan ang kabahan, cause one thing is for sure, one of them is going to die tonight.

Clovers Gang was one of the great alliances at 13th Street. Pero ngayon sinusubok ang samahan nila.

Would they have chosen to defend themselves? 

Or would they rather choose to honor their brotherhood?

"You have to live Caleb," nanginginig man sa takot ay pinilit ni Grey na kumbinsihin si Caleb. Ano bang tumatakbo sa isip ng lalaking toh? Gusto niya ba talagang mamatay sa kamay ni Caleb?

"N-no..." tipid na sagot ni Caleb kay Grey. Nanatili lang sila sa kanilang kinatatayuan, buti na lang at walang timer sa match kung hindi kanina pa sila tinapos ng fake Empress.

"Your brother needs you," tangka pa sanang gagawin ni Grey ang unang plano ni Caleb pero pinigilan siya nito. Ngayon, para silang t*nga nag aagawan sa patalim. 

Halos mapatid naman ang litid ng mga audiences sa kanila 'bigyan niyo naman kami ng totoong laban Clovers!' 'naglolokohan lang ba tayo rito?!' 'Fight!' 'Fight!' 'Fight!' 

Ang tanging nagpahinto lang sa ingay at agawan nila ay ang sunod sunod na putok ng baril. Napalingon naman kaming lahat kung saan iyon nanggaling.

"Empress?!" She's in her mask.

What is she doing here?

Magkakasunod pa rin niyang pinagbabaril ang mga camera habang naglalakad papuntang ring, at nag-iwan lamang ito ng isang camera, pagkatapos non ay umakyat siya sa ring at matalim na tinitigan ang nag iisang camera. Puro pagmumura naman ang narinig namin mula sa intercom.

"This is the end of the first weekly battle, and you don't have the right to continue this match, imposter." May awtoridad ang tindig nito habang nakatutok ang baril nito sa natitirang camera. I have no doubt, she is the real Empress.

"D*MN you Empress!"

"Just wait for me, assh*le, I'll blow your head off." nakakakilabot pa nitong turan bago tuluyang barilin ang camera.

Hindi pa nito binababa ang baril at itinutok naman sa mga gangster na nasa ibaba ng ring.

"The show is over. Go home, or you'll die here." Dahil sa banta niya ay unti unting nawala ang mga tao. Tanging ang naiwan na lang ay sina Caleb, Clayton, Grey at ako.

"Nice game, Sis." I complimented her.

"Tsk. And where do you think you're going? Your head will be next, my Lil Sis." naka-smirk pa ito at sa akin naman itinutok ang hawak niyang baril, hindi ko tuloy matantiya kung seryoso ba siya o hindi. Tinitigan ko siya ng direkta sa mata, she's definitely MAD. And I think I know why she is mad.

"Woah! Woah! Wait HAHA! Wala akong alam dito evil Sis. I did nothing other than obey your orders, and I'm merely an observer here." napangisi na rin ako.

So, that is not part of your plan, huh? 

But who is that imposter?

"Talaga ba? If that is so, could you give me the head of that imposter?" Mas kinilabutan ako sa ngiti niya.

"Are you sure about this? What if it is Kuya Hari?" I asked in disbelief and tried to guess who it was.

"Can you kill the king of hell?" SH*T UP! Is it true? Is she out of her mind? I can't kill Kuya Hari, magagalit si Lolo sa akin.

Ibinaba naman nito ang baril niya bago muling nagsalita,"No, it's not Him. Para kang tanga Sis." She laughed at me after that. Sinamaan ko naman siya ng tingin. My guess is wrong, though she knows who's behind it.

"Thank you, Empress." biglang sumingit si Caleb. Pinaningkitan naman siya ng tingin ni Empress.

"This is not yet over." saka ito lumapit kay Caleb at itinutok sa sentido nito ang baril na hawak niya. Napapikit pa ito at napalunok habang taas pa ang dalawa niyang kamay. Sa sobrang pagkabigla ay hindi na nito nagawa pang magsalita muli.

"Luhod." pero di natinag si Caleb, siguro dala na rin ng takot kaya hindi niya sinunod ang sinabi ni Empress.

"Ang sabi ko, LUHOD!" para siyang nagising sa sigaw ni Empress.

"O-op-po..." saka lang ito dahang dahang lumuhod.

"My plans didn't work out the way I wanted." pigil hininga kami sa susunod na mangyayari.

Is she really going to shoot Caleb?

"Calm down Empress!" It's kuya King. Mas humigpit ang hawak nito sa gatilyo.

"You killed ten snipers tonight and still hindi pa rin humuhupa ang galit mo? BWAHAHAHAHA! You're a demon." His laugh and voice tone resemble those of the imposter. Pero ano yung sinasabi niyang ten snipers?

Siya nga ba ang may kagagawan ng lahat kanina?

"P*T*NG*NA LANG!" Saka nito ibinaba ang baril at huminga ng malalim, saka sumigaw ng malakas na wari'y inis na inis sa nangyari.

"You better go home Alex." Sabi ni Kuya Hari sa akin. Sinunod ko ang utos niya, baka madamay pa ko sa galit ni Empress eh.

_______________


[ EMPRESS ]



Nakatanggap ako ng emergency alert mula kay Mr. Aki. He handed me earlier a smaller locator device and it's also a two way communication device, naka-vibrate mode lang ang alert nito kaya hindi ito mapapansin. Lumabas ako ng kwarto ni Jaz bago sagutin ang tawag ni Mr. Aki.

"What's wrong, Mr. Aki?" wala akong narinig sa kabilang linya. Napakunot noo naman ako dahil hindi naman tatawag si Mr. Aki kung walang problema.

"Hmn. Wait. Caleb, do you want me to decide on this, or you'll choose your opponent between-Clayton or Grey? Who do you want to fight with?" Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko. Ibinaba ko na ang tawag at hindi na ko nag-aksaya pa ng oras, lumabas na ko agad ng mansion. Bahala na kung may makakita sa akin.

Agad ko ring tinawagan si Jessie, "Pack my things, and track my location now." hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Jessie. Naglakad na lang din ako dahil walang sasakyan, kahit yung motor ni Jaz wala rito.

Habang naglalakad at naghihintay ako, I dialed another number. Naka-ilang ring na but he didn't answer his f*cking phone!

Ano silbi ng phone nito?

I should not waste time. But this f*cking m*ron is wasting my time. "F*CK! Answer it!" after a few more rings he answered.

"Yes My Empress?"

"Look for Mr. Aki, he's in danger."

"Woah! Woah! Wait up, Empress, what is happening?"

"I know you're watching Mikado's battle. Don't play dumb. Please save first, Mr. Aki." walang emosyon kong sabi. Bahala siyang mag-isip diyan.

Maya maya pa ay nakasalubong ko na si Jessie, naka-motor ito, agad niyang ibinigay sa akin ang isang bag. Laman non ang damit, maskara at mga baril.

Mabilisan akong nagbihis, isinuot ko na rin ang maskara. Hindi ko na talaga inisip kung may makakakita o may makakakilala sa akin, pero mukhang tago at masukal naman itong lugar nila Jaz.

"Check the perimeter, destroy every camera on site, and kill if you find someone that sees me." Kinuha ko naman ang susi ng motor sa kanya.

"Empress, there's another sniper on the 13th grounds."

"How many of them?"

"Ten. After you left with the Clovers, they were placed in every corner on the 13th grounds."

"Okay, ako na ang bahala. After you check here, find your way back to the mansion and help Kuya Hari."

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa 13th Street at walang nakapansin agad sa akin, lahat sila ay nakatutok sa match nila Grey at Caleb. Inuna kong puntahan ang pwesto ni Jessielyn, as far as I know si Jessielyn lang ang binigyan ko ng task ngayong gabi. Kaya nagatataka ako sa mga sniper na tinutukoy niya.

I'm guessing that there's a traitor in our clan.

Or they're not fully trusting me on this?

Since naka-latag naman ang mga gamit ni Jessie, ito na rin ang ginamit ko para isa-isahing patayin ang mga tinutukoy niyang snipers. Gumamit lang din ako ng silencer para hindi mahalata ng ibang sniper na wala na ang iba nilang kasama. 

I don't care who their boss is. They're just pieces of sh*t.

After kong maubos ang mga sniper ay bumaba na ko sa grounds, don naman ay inisa-isa kong barilin ang mga camera.

"Empress?!" hindi ko pinansin ang pagtawag ni Alexandria sa akin. Patuloy lang ako sa paglalakad habang binabaril ang mga camera hanggang sa isa na lang ang matira.

Umakyat ako sa ring at matalim na tinitigan ang nag iisang camera. Puro pagmumura naman ang narinig namin mula sa intercom.

"This is the end of the first weekly battle, and you don't have the right to continue this match, imposter."

"D*MN you Empress!" halatang nainis ito sa mga sinabi ko.

"Just wait for me, assh*le, I'll blow your head off." saka ko binaril ang natirang camera.

Hindi pa ko tapos kaya itinutok ko naman sa mga gangster ang baril ko, "The show is over. Go home, or you'll die here." Unti unti namang nagsi-alisan ang mga tao. Tanging ang naiwan na lang ay sina Caleb, Clayton, Grey at Alexandria.

"Nice game, Sis." inaasar ba ko nito?

"Tsk. And where do you think you're going? Your head will be next, my Lil Sis." kanina pa ko napipikon sa mga nangyayari kaya naman sa kanya ko naman itinutok ang hawak kong baril. She's assessing my emotions. I can tell that because she intently looked at me.

"Woah! Woah! Wait HAHA! Wala akong alam dito evil Sis. I did nothing other than obey your orders, and I'm merely an observer here." napangisi pa ito.

Maybe she's the one who ruined my plans? Or maybe not?

"Talaga ba? If that is so, could you give me the head of that imposter?" hamon ko sa kanya na ikinabigla niya.

"Are you sure about this? What if it is Kuya Hari?" Is she playing dumb? or acting her true-self?

"Can you kill the king of hell?" I'm still guessing. Pero mukhang hindi naman siya aamin kahit pilitin ko siya. Ibinaba na ang baril ko bago muling nagsalita, "No, it's not Him. Para kang tanga Sis." I chuckled, trying to act that I know who's the culprit. Alexandria just glared at me.

So, she knows nothing.

"Thank you, Empress." biglang sumingit si Caleb. Pinaningkitan ko naman siya ng tingin.

"This is not yet over." lumapit ako sa kanya at itinutok sa sentido ang baril na hawak ko. Napapikit pa si Caleb, at napalunok habang taas pa ang dalawa niyang kamay. Sa sobrang pagkabigla nga ay hindi na nito nagawa pang magsalita muli.

"Luhod." pero di natinag si Caleb, siguro dala na rin ng takot kaya hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Ang sabi ko, LUHOD!" para siyang nagising sa sigaw ko at utal pang sumagot "O-op-po..." saka lang ito dahang dahang lumuhod.

"My plans didn't work out the way I wanted." parang lahat sila ay binuhusan ng malamig na tubig, walang nangahas na magsalita muli. Hinihintay ang susunod ko pang gagawin o sasabihin.

"Calm down Empress!" It's kuya King. Mas humigpit ang hawak ko sa gatilyo.

"You killed ten snipers tonight and still hindi pa rin humuhupa ang galit mo? BWAHAHAHAHA! You're a demon." How did he know about the ten snipers?

Siya nga ba ang may kagagawan ng lahat kanina?

"P*T*NG*NA LANG!" Saka ko ibinaba ang baril at huminga ng malalim pagkatapos ay sumigaw ako ng malakas para lang mailabas ko lahat ng inis ko.

"You better go home Alex." utos ni Kuya Hari kay Alexandria. 

He's saving her more than his own life?

Lapis Creator

BLOOD MAKES YOU RELATED BUT LOYALTY MAKES YOU FAMILY