undefined

[ EMPRESS ]

"Next Match is Brix versus Jaz."

Halos di ko na maintindihan ang sigawan ng mga gangster sa 13th street grounds, napansin ko lang sa monitor na parang nag-pupustahan sila. Napangisi ako ng bahagya. "Gangsters, seriously? You're making a bet on this? HAHA! Who do you think will win this match?" kanya kanya sila ng sigaw "Jaz!" "Brix!" "Jaz!" "Brix!". 

"Okay, okay! I'll give you time to make a bet. Thirty minutes would be enough, right?" 

Kagaguhan, pupusta para sa buhay at kamatayan ng bawat isa. Mas napangisi ako sa isiping ganito sila kagago.

It's more like Clovers Gang versus Demonic Gang.

The Gang Leader of 7th Street (Clovers) versus the Gang Leader of 6th Street (Demonic)

They're betting for the strongest factions on 13th Street.

Alam naman ng lahat na ang gang factions nila ang pinaka kilala at talagang kinatatakutan sa 13th Street maging sa buong empire ng Montereal Clan.

After 30 Minutes.

"Let's have a twist on this battle since you rank as the top gang faction not only in 13th Street but also as the leader of your gang. Do you agree with these guys?" mas umalingawngaw ang sigawan ng mga tao sa sinabi ko.

Napatitig si Jaz sa isa sa mga camera. He uttered something, but I didn't hear it because of the crowd noise.

"Natatakot ka na ba Jaz? HAHA!" malademonyong tumawa si Brix.

"Tsk. Ihanda mo na kabaong mo g*go." balik na pang-iinis ni Jaz kay Brix.

"What kind of twist is it, my Empress?" tanong pa ni Brix at tumingin din ito sa isa sa mga camera.

'My Empress?' napailing si Jaz sa mga naririnig niya kay Brix. As if naman na may makaka-angkin kay Empress. She's not that kind of woman-not an easy woman you've ever had before Brix. She'll never be a woman to a just man because she dominates in everything she does.

"Tsk. Your Empress huh?"

"Bakit Jaz? Are you jealous?" Pang-aasar at natatawa pa si Brix.

Maya-maya ay may bumukas sa gitna ng stage at umangat ang isang kahon na bakal.

"What's this, Empress?" tanong ni Brix.

"It's a gift." Saka ito nagbukas, umalingawngaw pa ang malakas na pagbagsak ng apat na kwadro ng bakal kahon na iyon. Bumungad sa lahat ang isang babae na nakatali sa silya. Nakapiring ang mga mata nito at halata ang takot dahil sa panginginig nito.

Pamilyar kay Jaz ang suot nito, maging ang postura nito.

"Sino naman ito Empress? Anong klaseng regalo ito? Is this the twist you are referring to for this match? Papatayin ba namin siya bago kami maglaban ni Jaz?" nilapitan ito ni Brix at saka tinanggal ang piring nito sa mata. Nanlaki naman ang mga mata ni Jaz ng makita kung sino ang babaeng iyon. Napaatras din ng bahagya si Brix.

"EMPRESS?!" bulalas ni Brix, agad nagkaroon ng bulungan sa buong 13th Street Grounds dahil sa sinambit ni Brix. Maging ang mga players ay nagtataka pero di sila nagsalita pa. Alam nilang kapag nagsalita sila ay buhay nila ang kapalit.

"That's Ellaine!" sabi ni Clayton na siguradong sigurado ng makita ang babae.

"Is that really Ellaine?!" sabi pa ni Caleb, halata ang pag-aalangan nito.

"Caleb?! Clayton?! PLEASE HELP ME..." sabi ng babae habang nagpupumiglas sa pagkakatali.

"PUT*NG INA! ANONG KLASENG LARO ITO EMPRESS?!" matalim ang titig ni Jaz sa bawat sulok kung saan nakalagay lahat ng Camera.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Isang malakas na halakhak ang narinig nila mula sa speaker. 

Halakhak ni Empress.

"We're just starting! This is what I want to see in you Jaz. You see, the monster inside you just wakes up!" mas tumawa pa ito lalo, tila natutuwa sa nakikita nitong ekspresyon ni Jaz.

"Here's our guest ladies and gents, Ms. Ellaine Vergara-and welcome to Mikado's Battle Miss," nakakuyom ang mga kamao ni Jaz, napatiim bagang ito sa sobrang galit. "So, the twist on this game is, between the three of you, only the two souls must survive. It's either you kill that woman to survive, or fight and kill each other."

"This is too easy, my Empress. So, kung papatayin namin ang babaeng yan mabubuhay na kaming dalawa? Right?" tanong pa ni Brix ngunit bago pa man makasagot si Empress ay tumunog na agad ang senyales na maari ng simula ang laban.

Agad na inilabas ni Brix ang patalim niya at tangkang aatakihin na nito ang babae, mabilis naman ang naging reaksyon ni Jaz. Nahawakan nito ang patalim na halos malapit na sa lalamunan ni Ellaine. Napaatras naman si Brix at iniwang hawak ang patalim nito sa kamay ni Jaz.

"J-jaz..." Patuloy ang pagdaloy ng mga luha ng babae nang makita ang nagdurugong kamay ni Jaz.

"Close your eyes..." mahinang sambit ni Jaz kay Ellaine. Mariing pumikit si Ellaine habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

"P*TANGINA MO JAZ! DON'T YOU WANNA LIVE?"

"ISANG LAPIT MO PA SA KANYA SAYO KO ITATARAK ITO!" habang sinasabi iyon ay nilagyan niya ng benda ang kamay niyang nasugatan ng patalim ni Brix.

"AHHH, HAHA! I SEE. SIYA BA?! SIYA BA ANG KAHINAAN MO JAZ?! HAHAHAHA! THIS IS MORE FUN THAN I THOUGHT!" nakakuha ng ideya si Brix sa mga inaakto ni Jaz. Hindi naman nito poprotektahan kung wala itong silbi sa kanya.

*********


[ CLAYTON ]



Parang nauulit ang dati. Pero mas malala ang sitwasyon ngayon. Noong nakaraang linggo lang napagkamalan naming si Empress si Ellaine. Ngayon naman nasa harap namin ang totoong Ellaine? Totoo nga bang buhay siya? Pero paanong nangyari iyon?

"Clay, this is impossible."

"Hindi lang ikaw ang hindi makapaniwala Bro."

"Siya ba talaga si Ellaine?" sabi ni Grey.

"Impossible." "Baka?" halos sabay naming sambit.

"Nakita namin kung paano siya nawala ng araw na iyon..." agad na natigilan si Caleb sasabihin pa sana niya, tinitigan pa ako nito na parang naninigurado. Parehas kaming nagtataka at kinakabahan sa nangyayari ngayon, at siguradong puno rin ng tanong ang isip ni Grey.

Binalik namin ang aming mga atensyon sa labanan nila Boss Jaz at Brix. Mas lalong kumakabog ang dibdib ko dahil iba ang pakiramdam ko sa labanang ito. 

Isa sa kanila ang mamatay. Panigurado iyon. Sa una at ikalawang labanan pa nga lang ay dalawa na ang namamatay eh. Kaya hindi biro ang napasok naming laro. Ito na yata ang pinaka malalang laro o laban namin.

Laban sa mundo naming mga gangster.

Sana hindi si Boss Jaz o Ellaine ang mamatay sa round na ito. 

Kung talagang siya ang totoong Ellaine.

Nagsalita muli si Grey, "Nung namatay ba si Ellaine? Nakita niyo pa ang bangkay niya? Nailibing? O..." Nagkatitigan muli kami ng kambal ko bago sagutin si Grey "No, we didn't. There was no burial held because.." 

"Because there isn't a body to mourn for." si Caleb ang tumapos ng dapat kong sasabihin.

Pareho kaming napapailing ni Caleb. Parehas na nabubuhayan ng pag-asa.

Posible bang buhay ka pa Ellaine?

"Is it really you, Ellaine?"

**********


[ ELLAINE ]

Nakapikit man ako pero ramdam ko ang tensyon sa labanan nila Brix at Jaz. Tanging daing at bawat tunog ng mga patalim nila ang naririnig ko. Alam kong nagtataka rin sila Clayton at Caleb sa mga nangyayari ngayon. Maski si Jaz ay puno ng emosyon---hindi lang pagtataka, kundi pagka-poot at sakit. 

Mas nangingibabaw ang 'poot'.

Bakit ganun ang pakiramdam ko?

Bakit parang hindi siya masaya na buhay ako bilang si Ellaine?

Bakit parang may iba sa mga titig niya noong una niyang akong makita bilang si Empress? Iba sa titig niya ngayon bilang ako si Ellaine. 

Ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang babaeng nagpasok sa kanila sa magulong mundo na ito.

Talaga bang may halaga ako sa kanya noon?

Plinano ko ang lahat ng ito. Ito lang kasi ang nakikita kong paraan para makabalik ako sa kanila at para mabigyang linaw ang mga nangyari noon.

Nang dahil sa akin nabuo ang Clovers Gang.

Nang dahil sa akin nakapasok sila sa mundong ito. Sa mundong puro gulo at puro karahasan. Ang mga dating bully lang noon, ngayon ay marunong ng humawak ng baril at patalim. 

Nagagawa na din nilang pumatay ng tao.

Hindi ko akalain na aabot sila sa ganito. Ang kamatayan ng babaeng minahal ni Jaz ang gumising sa halimaw nitong pagkatao. At ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

Oo, nasaktan ako dahil kinailangan kong mamili. Kinailangan kong sundin ang kapalaran ko bilang isang taga-pagmana ng Mafia Clan. Ang kamatayan at pagkawala ni Ellaine ay planado rin. Pero ang pagkasangkot nila Jaz, Clayton at Caleb ay hindi kasama sa plano. 

Lahat ng nangyari noon ay kagagawan ng pamilya ko, plinano nila ang lahat. Ang hindi ko lang maunawan ng panahon na iyon ay kasabay ng pagkawala ng isang taong mahalaga rin sa akin, at isa iyon sa dahilan kung bakit kailangan kong bumalik bilang si Ellaine ngayon. I want to know the truth.

Apat na taon ang lumipas bago ko nabuo ang planong ito---The Mikado's Battle.

Akala nila ay ayos lang ako. Akala nila tanggap ko na ang tungkuling inatang nila sa akin. Nang mamatay ang taong pinaka mahalaga sa akin ay kasabay non ang kamatayan ng katauhan ni Ellaine at Lucienne.

Naging malupit, marahas at perpekto, at sa huli ay naging Empress ng Montreal Mafia Clan.

PIKIT MATA KONG TINANGGAP ANG LAHAT.

Hanggang ang pagpatay at mga ilegal nagawain ay nakasanayan ko na. Naging normal na buhay ko ang mga maling gawain.

Hanggang sa maging manhid ako sa lahat.

Maging pagpapahalaga sa pamilya ay kinalimutan ko na.

Nabalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman ko ang isang malamig na bagay na dumampi aking bibig, dahilan din iyon ng aking pagmulat. Hindi ako nagkamali, isa iyong patalim at hawak iyon ni Jaz.

"Keep your eyes closed..." pagkasabi niya noon ay pumikit ako agad. Patuloy naman ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking pisngi. Nanatili ang pigura ni Jaz sa aking isip, puro pasa at sugat.

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa akin Jaz?


Lapis Creator

EYES CLOSED