undefined

[ ALEXANDRIA ]

"Graciella! Ano na?!" Halos umalingawngaw ang boses ko sa buong mall para lang sagutin ako ng bestfriend ko. Kasalukuyan kaming nasa isang botique at namimili ng damit, nasa dressing room siya at kanina pa nagsusukat. Kanina ko pa tinatanong sa kanya ang top gangs sa 13th Street. Alam ko kasing mas kilala niya ang mga iyon dahil isa doon ay kuya niya.

"Seriously? Alexandria dito talaga natin pag-uusapan yan?" Nagpalinga-linga pa ito, akala mo naman may makakarinig na ibang tao sa amin, eh kami lang ang nasa loob ng botique bukod sa mga empleyado nito. Kapag namimili kasi ako, laging exclusive. Pinahaharangan ko na sa mga bodyguards ang entrance ng shop. Ayoko kasi ng may kasamang iba bukod sa bestfriend ko.

"Ano bang kinatatakot mo Ciell? Tss." (Ciell or Shel -- nickname / short for Graciella)

"Witch!" nilingon ko ang tumawag sa akin.

"Jessielyn? What a coinsidence. Anong ginagawa mo rito? Oops, I forgot. I should never mention your real name. I'm sorry." Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Empress, she's one of her spy assassin slash bodyguard. Kaya di na ko nagtaka kung nalusutan niya ang mga bodyguards sa labas. She's a level 99.

"I heard you." poker face pa ito at binalewala ang pang-aasar ko.

"So?" tinaasan ko siya ng kilay at pinamaywangan pa. As if naman na takot ako kay Empress. Mas dapat ngang matakot sila kung sino ang kaharap nila ngayon.

"Kapag nalaman ni Ms. Lucienne na pinag-uusapan niyo yan sa publiko..."

"Ano? ikapapahamak ko ba? ikamamatay ko? Baka gusto mong mauna?" Nakangisi kong banta sa kanya.

"You should know your place, my Lady." her tone down. She still respects me as the Mafia Empress's sister.

"Okay, whatever! Get lost. Bago pa ko mapikon sayo." yumuko muna ito bago umalis, alam naman niyang di niya ko mapipigilan sa gusto kong sabihin o gawin. At sa tingin ko ay pinababantayan ako ni Empress. She would never let her best spy assassin be here if not. But why would she do that?

"Sabi sayo eh. Hindi natin pwede pag-usapan dito yung mga gangster..." I cut her off, I don't care what she's about to say.

"Okay. Then let's go," mabilis akong naglakad palabas ng botique.

"Saan naman?" nakasunod agad siya sa akin, ganoon din ang mga bodyguards ko.

"Sa 13th Street."

"Omo! Ayoko sumama! Mamaya makita pa ko ni Kuya don!" Umatras siya kaya agad kong hinablot ko ang buhok niya. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Ack! Ack! Aray! Oo na! Sasama naaaa! Bitaw naaaa Alex! Masaki-!"

"Dami pa kasing arte! At kayo naman, wag na kayong sumama. I have my sister's best bodyguard." Di na ko nag-abala pang sabihin sa kanila kung sino iyon, I know that she's following us kahit pa pinaalis ko siya kanina.

AT 13TH STREET

Gaya ng inaasahan. Puro lalaki ang mga narito.

"Uyy chicks"

"May naliligaw yata."

"Baby"

"Witwitttt"

Ang sama maka-tingin ng iba sa kanila, yung iba naman ang manyak tumingin. Eww.

Si Graciella naman nakakapit lang sa braso ko, halatang takot na takot.

"Hey baby. Are you lost?" nilingon ko ang nag-ingles at nangahas na magtanong sa akin.

Oww. To my surprise, matangkad at di siya mukhang dugyot na gangster ahh. At mukhang di naman siya Gangster.

"Nope, we're not lost. We're here for research."

"Research?" nakangisi niya pang tanong.

"Yes." tipid kong sagot sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. He's wearing a good tux, pero bakit nasa ganitong lugar siya?

"Kawawa naman kayo, dito pa kayo napadpad para sa research niyo." Akala siguro niya ay estudyante kami, di ko maiwasang mapangiwi at mapailing sa sinabi niya.

"Dito talaga ang punta namin. At isa pa---mas mukha kang kawawa kumpara sa amin." pagtataray ko sa kanya. Ayoko sa lahat yung kinakaawaan ako. Tiningnan ko pa ulit siya mula ulo hanggang paa.

"Ang tapang mo ahh." pasugod na sana ito sa akin ng may pumigil dito. Isang Chinito boy na mukhang kinulang sa aruga. Bakit ba mukhang mga kupal ang mga gangster dito? Bukod siyempre rito sa unang nag-approach sa amin.

"Miss Alexandria? Alexandria Montereal?" tanong ni chinito boy.

"Yes, ako nga." Buti naman at may nakakakilala sa akin dito, di na ko mahihirapan magpakilala pa sa kanila.

"Milady!"

"Milady?" takang tanong ng matangkad na lalaki na pasugod na sana sa akin kanina.

"Isa siya sa kapatid na babae ni BOSS HARI." Napaatras ito ng marinig ang pangalan ni Kuya, naging maingay rin ang paligid na akala mo'y mga bubuyog na nakasagap ng balita. Mukhang kilala na nila kung sino ang naligaw sa bulok nilang lugar.

"Ang daming bubuyog, ang sakit sa tainga. Tss," napahawak ako sa tainga ko, nakakarindi ang ingay nila. "Ikaw, anong pangalan mo? I guess you're not like them, so mind to---"

"I'm G-Grey..." nauutal na sagot niya sa akin. Takot? o dahil sa pagkabigla ng malaman kung sino ang Kuya ko?

"Would you mind providing some information about the powerful gang factions here on 13th Street?"

"Y-yun lang po ba?" He composed himself. His voice softens.

"Obviously."

"Research huh?"

"Paulit-ulit tayo?" nagkatinginan sila ng chinito boy. Di ba nila nahahalata ang pagka-inip ko. Ang init init dito sa lugar nila ang tagal pang ibigay ang pakay ko.

"Sumama po kayo sa amin." tinaasan ko siya ng kilay. Hindi na ko nagsalita pa, sapat na ang matalim kong tingin kung bakit kailangan naming sumama sa kanila.

"Para sa research, gusto mo ba dito na lang tayo mag-usap?" sabay lingon niya sa mga nakikiusyoso.

"Okay. Lead the way Mr. Grey and let me remind you. If you do something to us, your existence will be over." at pinakita ko sa kanya ang patalim na dala ko. And not to mention, the best assassin, Jessielyn, is hiding somewhere. Baka bago pa makagawa ng dikanais-nais ang mga gangster dito ay nakabulagta na agad sila.

Tumango naman ito at mukhang di naman natinag sa banta ko.

Nagpunta kami sa isa sa mga bulok na building.

"Err... Pwede bang ipaayos niyo tong Hideout niyo. Ang cliché na nasa bulok na building kayo nagtatago." Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko, tuloy lang siyang naglakad papasok sa isang building at pumasok kami sa isang silid. Maayos naman pala ang loob nito kumpara sa labas na maraming graffiti.

Itong silid na pinasok namin ay parang isang studio type condo. Kapansin-pansin ang isang malaking pictomap. Ang mapa ng Montereal Estate (Empire) kung saan nakalatag ang bawat nasasakupang teritoryo o lugar ng mga gang groups. Maliit man o malaking grupo ay nakadetalye dito. Aakalain mong base facility ito ng imbestigador kung hindi itong hide out lang.

Isa pang nagpahanga sa akin ay ang mga malalaking pictures ng mga kalalakihan at babae sa bawat streets. Habang tinitingnan ko iyon ay nagsalita si Grey.

"Sila ang mga hinahanap mo. The high-ranking faction of gangs under the Montereal Clan."

"Kasama ka pala?" turo ko sa litrato niya at tumango lang ito.

"Now, explain each of these to me." kinuha ko pa ang ilang litrato na nakakalat sa mesa. Umupo na agad ako, hindi ko na hinintay pa na paupuin niya ko. This would probably take some time.

"Vitz, Get some drinks." utos niya sa chinitong kasama niya. Ngayon ko lang napansin na walang ibang tao dito sa hideout nila bukod sa amin. They were not afraid to expose their location, or the other gangs might be afraid of going here? Or do these gangsters have no brains at all? But they have tons of data here.

"Ciell, ano? Tatayo ka na lang ba diyan?" Agad namang umupo sa tabi ko si Graciella.

Umupo na rin si Grey. Then he starts explaining the different gang groups.

"The most popular gangs here on 13th Street are the Blockers, Clovers, Demonic, Queens, and Jokers gangs. There are no levels or rankings. There's no system for that. Instead, people give us different titles."

"How can you be a part of those high-ranked factions if there is no ranking system?"

"Di pa ba obviuos?" saka ito nagpa-pogi-sign. Kinunutan ko siya ng noo.

"Ginagago mo ba ko?"

"HAHAHA" Tumawa naman sila ni Graciella.

"Nakakatawa yon Ciell?" sabay irap ko.

"Ang seryoso mo naman, ang ibig ko lang sabihin walang top 1, 2, or 3...."I rolled-eyed him and sighed a bit. His jokes are not my cup of tea. Jeez.

"Just continue. Pakibilisan lang dahil buhay ko nakasalalay dito, baka ikaw ang unahin kong patayin kapag di ko nabigay kay Empress ang kailangan niya. But before I suffer at her hands, I will kill you first."

"Woah! Hold on a second. You're saying that the Empress wants to get to know us?"

"Unfortunately, yes." this conversation takes too long, at napansin ko lang na he's not like the other gangster na parang goons magsalita. He undoubtedly had a decent education.

"What for?" Tinitigan ko lang siya na I-DON'T-CARE-WHATEVER-THE-REASON-LOOK.

"Okay. Fine! Di na ko magtatanong." sa halip na magpaliwanag, may kinuha siyang mga folders sa mesa.

"These are the documents and information about us that you need to know." limang folders iyon.

"Handa ka naman pala. Sana kanina mo pa ito binigay," kinuha ko iyon at iniabot ko kay Graciell. She looked it through and nodded after confirming that it was the thing we needed.

"Mr. Grey, I appreciate your hospitality." Bago kami makalabas ng ay may nakita akong isang kaha ng sigarilyo sa ibabaw ng isang drawer. Kinuha ko iyon at kumuha ng isang stick, agad namang nakasunod sa gilid ko si Grey at sinindihan ang sigarilyo---may tatak na clover leaf ang lighter niya. Ayos, ready talaga sila sa mga ganito.

"Goodbye, for now." sabay buga ko ng usok sa mukha niya and I give him a smack on his lips. Natulala siya sa ginawa ko. Napangisi naman ako. It's just my way of saying 'Thank You'.

Umalis na kami ni Graciella sa silid na iyon. Pagkalabas namin ng building ay may naka abang ng kotse sa amin. Habang nasa sasakyan kinuha ko ang folder ng clovers at tiningnan ang profile ni Grey. Napangisi ako habang binabasa iyon.

"Mr. Grey Constantino. You're interesting after all."

Lapis Creator

Introducing the most popular gang factions at 13th Street, the Blockers, Clovers, Demonic, Queens, and Jokers gangs.