undefined

[ EMPRESS ]

After two days sa hospital ay nakabalik na ko sa mansion. 

To make it clear, I'm not attempting to end my life. I'm just doing it to remind myself that I'm still a person. a Human being who is still capable of feeling PAIN. 

Minsan kasi hindi ko na alam kung paano maging tao, o kung paano makaramdam ulit. Parang namamanhid na ko sa lahat eh. Parang sa lahat ng mga nangyari hindi ko na magawang umiyak o tumawa pa ng totoo.

Alam ko kung anong tingin nila sa akin, HEARTLESS AND DEMON.

I can't remember what happened to the hospital, basta nagising na lang ako doon kasama si Mr. Aki and He seemed worried at that time but I ignored it. And I just go back to my normal duties as an Empress.

Ilang araw na lang din pala at magsisimula na ng pinaka-a-abangan ng lahat.

THE MIKADO'S BATTLE.

"Mr.Aki, any updates? Anything new?" nasa library lang ako at nagbabasa ulit ng mga walang kwentang reports tungkol sa mga kalat ng mga gangsters na iyon. Tsk.

"Okay na po lahat Empress, handa na po ang lahat para sa first battle."

"Let me see." Ibinaba ko naman ang binabasa ko at inikot ko ang swivel chair para makita ang sinasabi ni Mr. Aki. Gamit ang remote na hawak ni Mr. Aki, bumaba ang isang malaking screen kung saan kita ang lahat ng nangyayari ngayon sa 13th Street. Kita ko ang bawat sulok maging ang mga gangsters na nakatambay roon.

Gabi na kaya naka-night vision ang mga CCTV camera.

Kung paagahin ko kaya ang Mikado's battle?

"Since I'm bored tonight, let's start the Mikado's battle." naiinis rin kasi ako sa mga kupal na gangster na yon.

Maya maya lang ay may inilagay na mikropono sa harap ko si Mr. Aki, may mga switches din itong binuksan para magkaroon ng liwanag sa 13th street grounds. 

Kitang kita ko pagtataka ng mga gangsters na naroon, lahat sila ay parang nasilaw sa liwanag. And when I turn on the microphone, 13th Street is filled with static noise, causing everyone to turn their heads at the cameras.

"Calling all the players of Mikado's battle. We will begin the death game tonight. You have 15 minutes to get to the 13th grounds, failure to get there you'll be automatically eliminated." rinig ko ang pagpalakpak at hiyawan nila sa announcement ko, ayos tong set-up nila Aki ahh. 

Ilang minuto lang at halos mapuno na ng mga gangsters ang 13th grounds. Kumpleto na rin ang mga players ko, lahat sila ay may kanya kanyang naka-focus na camera, napatingin ako sa isang monitor. 

It's Jaz Ramirez. Nakatitig lang ito sa camera wari'y tumatagos ang tingin niyang iyon na para bang nakikita niya ako. Bakas ang galit sa titig nito, mukhang naistorbo ko ata ang gabi niya. Well, wala naman siyang magagawa sa kung anong trip ko.

"Parang ako yata ang gusto niyang patayin ahh HAHA." Imbis na matakot ay natuwa pa ako sa mga titig niya. Ngayon ko lang kasi nakita ang side niya na ito.

I turn on the mic again, "Handa na ba kayo players?" tumango naman sila bilang sagot.

"Here are the simple reminders to each and everyone," natahimik ang sila sandali. "First, it is allowed to use near-combat weapons like knives or katanas but the use of explosive weapons or guns will automatically be disqualified and eliminated. And oh, ELIMINATED means you'll be shot in the head by my snipers." 

"Second, no one is allowed to take photos, video, or even upload this fight without my permission. Hindi ito entertainment show."

"Third. SHOW NO MERCY. This battle is not about your gang anymore. You're fighting for your own life. KILL your opponent if you want to live."

"Lastly, this game is for Mikado's title. Remember the contract you've signed. You were the chosen few and will be tested in every match. Whatever it takes, only ONE Gangster will lead the 13th street."

May boxing ring na naka-set-up sa 13th street grounds. Sa gitna noon ay may bumaba na isang malaking monitor. Kita sa monitor na iyon ang bawat picture ng players.

"As you can see, all players are there. The match selection will be chosen randomly." Ibinigay ni Mr. Aki sa akin ang isang tablet kung saan naroon din ang mga profiles nila na naka-flash sa kanilang monitor.

Nagsimulang umikot ang dalawang highligthed box na magsasabi kung sino ang unang maglalaban, huminto ito sa larawan ni Alexandria at Ericka.

Naging maugong ang ingay sa 13th grounds, nagulat din ang lahat na magkakampi ang unang magtatapat. 

Nakita ko naman ng pag-ngisi ng kapatid ko dahil naka-focus na sa kanila ang mga camera ngayon.

"Easy game." Sabi pa niya saka ito naglabas ng patalim at umakyat sa stage, samantalang namumutla naman si Ericka.

"Hi-hindi pwe-pwede... T-this is so-soo unfair!" Pilit pa siyang pina-akyat ng mga gang member niya sa ring. Mangiyak-ngiyak pa ito at nagmamakaawa.

Umalingawngaw naman ang malakas na siren na parang nasa football grounds ka, iyon ang senyales na maaari ng magsimula ang laban.

"Gusto mo bang pahirapan kita?" pinaglalaruan ni Alexandria ang patalim na hawak niya. Umiiling-iling at nagpaluhod pa si Ericka.

"P-please s-spare my life." parang nagdadasal ito sa harap ni Alexandria at todo ang pagmamakaawa.

"Get up, b*tch! Don't make this too easy on me. Make the Empress find this fight amusing!" Kahit nanginginig ay isang patalim ang inilabas ni Ericka at matuling inihinagis niya iyon kay Alexandria pero hindi niya ito napuruhan. Sa braso lang ito natamaan.

Tsk. Tsk. Wrong move Ericka. Nagpaawa ka sa umpisa pero traydor kang makipaglaban. Iyan pa naman ang pinaka ayaw ng kapatid ko.

Agad namand sumugod at pinagsasaksak ni Alexandria ang nakaluhod na si Ericka. She has no mercy on her.

Hindi siya tinigilan ni Alexandria kahit anong pag-iwas at pagsalag nito. Rinig ko rin ang hiyawan ng mga tao, halos di ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Ericka, wala ng silbi ang pagmamakaawa nito at naliligo na ito sa sarili niyang dugo.

Hindi ko na rin makilala ang mukha niya dahil kung saan saan na lang kasi dumadapo ang patalim ni Alexandria sa kanya.

Tumunog muli ang malakas na siren, senyales na tapos ang unang match. 

Hindi pa rin tinitigilan ni Alexandria si Ericka kahit wala na itong buhay. "That's enough." parang walang narinig si Alexandria, patuloy pa rin ito sa pagsaksak kay Ericka.

"I SAID ENOUGH! BINGI KA BA?" Natahimik ang buong crowd sa pagsigaw ko.

"P*TANGINA NAMAN EMPRESS! DI PA KO PINAGPAPAWISAN EH!" sabi pa ni Alexandria.

"That's not my problem. Stop it before I kill you witch." kalmado kong sabi.

'magkapatid ba talaga sila?'

'nakakatakot naman sila.' 

Halos lahat ng mga manunuod ay di makapaniwala sa inasal namin ni Alex. Hindi naman talaga kasi kami normal na magkapatid, we're not like other common siblings.

"Alexandria wins the first match and the next match will be..." I ignored all their utterances and continued to select the next match.

Lahat nakatingin sa monitor, hinihintay kung sino ang susunod na maglalaban.

Umikot muli ang highlighted box at nahinto ito kay Andrew at Isiah.

Agad silang umakyat sa ring at pareho silang napangisi. As I remeber, base sa impormasyong binigay sa akin ni Alexandria ay magkaibigan sila. 

Let's see kung anong uunahin niyong dalawa. Ang pagkakaibigan o ang sarili niyong buhay?

Tumunog muli ang malakas na siren, agad na sumugod at naglabas ng katana si Isiah ganun din si Andrew. Halatang pinaghandaan nila ang araw na ito.

Nasasalag nila ang bawat pag-atake sa isa't isa.

"Bro," Andrew break his silence.

"No brotherhood for this match. Remember, SHOW NO MERCY!"

"Tss. Nahawa ka na ba sa Demonic Gang?"

"Ulul, baka kayo ang may tinatago sa amin." masamang titigan at malakas na atake ang ginagawa nila sa isa't isa. Mukhang lumabas na ang tunay nilang mga kulay.

Nawalan ng balanse si Isiah kaya nagkaroon ng pagkakataon si Andrew.

Kaya sa huli nagawang gilitan sa leeg ni Andrew si Isiah.

The match ended with that final blow.

Ang bilis lang matapos ng mga naunang laban, at dalawa agad ang namatay ngayong gabi.

"Andrew wins the second match. Next match..."

Muling gumana ang random selector at nahinto naman ito kay Brix at Jaz.

In-off ko ang mikropono at sinenyasan ko saglit si Mr. Aki.

This will be the start of an exciting match.

Lapis Creator

MIKADO'S WARFARE