undefined

[ EMPRESS ]

Past 6:30 PM.

Tapos na kong maligo at magbihis. Hindi na ako nag-ayos ng mukha o nag-make-up pa, hindi rin naman nila makikita ang mukha ko dahil sa maskara. Hinayaan ko na lang ding naka-lugay ang buhok ko dahil medyo basa pa ito.

Bukod sa pamilya at mga pinagkakatiwalaan naming mga tauhan sa Mansion, walang ibang nakaka-alam ng totoong pagkatao ko. Maraming kumalat na balita noon tungkol sa akin, tulad ng hindi ako totoo o tinatago lang ako ng pamilya ko dahil sakitin daw ako. Isa pa sa mga fake news na kumalat noon ay kaya ako naka-maskara ay dahil pangit daw ako, tsk. Natatawa na lang ako sa isiping iyon. Di nila alam na ang maskarang ito ang simbolo ng Montereal Clan.

Isa pang kumalat noong balita ay kapag nakilala o makita mo ang totoong pagkatao at mukha ng EMPRESS---buhay ang magiging kapalit nito. Kaya bibihirang pag-usapan ang mukha ko sa likod ng maskarang ito. That's the real deal, buhay ang kapalit kapag ako ang pinag-uusapan.

Marami ring banta sa buhay ko noon, kaya hindi nila ako hinayaan na makilala na 'Empress', sarili ko ngang kapatid gusto ang posisyon na ito. Pero hindi niya naman basta basta makukuha ang titulo ko sa pagpatay lang sa akin, to be an EMPRESS, you have to be the Mafia Lord's eldest daughter. It is not like a crown that will be passed down once the heirs pass away. 

Tss. I remember what she did last morning. I wonder why she always plays tricks on me.

"Mr. Aki, go and get Alexandria," nakita ko siya sa gilid habang nanalamin ako, nasa kwarto pa ko at inayos ang pagkakasuot ng mask ko. Yumukod lang siya bilang tugon. Pagkatapos ko ay naglakad na ko palabas ng kwarto.

Pagbaba namin, nakahilera ang mga guards hanggang sa labas ng Mansion. Armado silang lahat at handa na rin maging ang mga sasakyang gagamitin namin papunta sa 13th Street.

"Ayos. Parang sasabak tayo sa gera ahh," Tukoy ko sa higit benteng Mercedes-Benz na nakaparada sa tapat ng Mansion at iba't ibang modelo pa ito.

"I like this one," it's an AMG Gran Turismo.

Agad na sumunod si Mr. Aki sa gilid non at pinagbuksan ako ng pinto. I just smiled at him at inilahad ko ang palad ko sa kanya. "Give me the key." Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ang kamay ko. Kinuha ko naman ang baril na nakasukbit sa baywang niya. Hindi siya nagpatinag at mariing pumikit na lang.

"Are you deaf? Will you give me the key or I'll blow your head off?!" Itinutok ko sa gitnang sentido niya ang baril na nakuha ko sa kanya.

"Easy my Empress, Mr. Aki, give her the key." si Lolo ang pumagitna sa amin. Anong ginagawa niya rito? 

"Why are you here? Are you going with us?" It's a bullshit question, but I asked him anyway. Ibinigay naman ni Mr. Aki ang hinihingi ko.

"Yes. I'm going to be one of your audiences," Then he winks. Duda ako. Mukhang may ibang plano tong matandang toh.

"Where's Alexandria?" kanina ko pa kasi hindi nakikita ang bruha.

"I'm here," walang gana niyang kinaway ang kamay niyang may benda.

"I'm sorry about that." nakangisi kong sabi.

"I know you're happy, you evil Sis. I can feel it." She rolled her eyes, she always acts like a little brat. Kasalanan naman niya kung bakit siya nasaktan kanina, kung wala siyang bitbit na alipores edi hindi ako maiinis.

"Okay, everyone, listen up. I don't want to have a bloody gang war tonight. We are heading to 13th Street for these, Mikado's contract." Kinuha at itinaas ko ang files na hawak ni Mr. Aki.

"What contract?" Sabi ni Lolo na halatang naguguluhan sa sinabi ko.

"It's the end of their lives if they don't agree," I continued explaining but Alexandria butt-ins. "Why do you have this kind of aura, sis?" humawak pa ito sa baba niya na parang nag-iisip.

"What do you mean?" I don't get what she means by 'aura'.

"Like, you intend to get rid of them. Parang mas gusto mong ubusin sila kesa papirmahin sa kontrata na yan." natawa ng bahagya si Alexandria.

"Titig pa lang niya apo, parang papatayin niya lahat eh." Dagdag pa ni Lolo at parang natatawa na rin. May nakakatawa ba? "Creepy." She added.

"Boss Hari!" nagsipagyuko ang mga guards. I rolled my eyes at him. Siya nagpa-uso niyang pagyuko-yuko para magbigay respeto sa kanya. Wala naman kami sa Japan para gawin pa ng mga tauhan namin iyon.

"Pati ba naman ikaw sasama?" Ano ba ito? Family reunion?

"Bakit? Ayaw mo bang makilala namin ang magiging asawa mo? HAHA."

"I told you, it's not going to happen. I have my own LAW."

"Hmm, that aura gives me chills, Sis."

"Oh diba kahit si Kuya kinikilabutan sayo Sis." 

"What happened to your hand?" Tanong pa ni Kuya Hari sa benda ni Alexandria.

"B*bo kasi siya sumalo ng patalim. Ayun, bumaon sa palad niya." This is how we normally talk. Parang di kami pamilya.

"I was caught off guard! I didn't know that you would throw that shi*tty dagger at me!" paglilitanya pa ni Alexandria.

"You better be careful next time, dear. Paano kung sa puso mo pala ang puntirya ko? Edi pinaglalamayan ka na ngayon?" Magsasalita pa sana siya ng mga sintemiento niya pero pumasok na ko ng sasakyan.

It's been a long time since I last drove a car.

Noong nag-aaral pa ko, High School to College, nasa Dorm lang ako malapit sa school. Almost 8 Years din na ganun ang set-up ko. Hindi ako nagbabakasyon. I stayed there even on holidays or summer. I stayed LOW PROFILE at that time. Cause I had to hide my identity back then.

Hindi ako bumalik ng Mansion para lang makatapos ako ng kolehiyo, and honestly speaking napakahirap maging ordinaryong estudyante. We have connections kaya di nabulgar ang identity ko. And after I graduated, I trained myself on driving, martial arts etc. Lahat ng pwedeng aralin at dapat matutunan sa Mafia Clan ay pinag-aralan ko. Especially on acting or lying---and I'm good at it.

Minutes passed when my phone rang.

Inayos ko ang wireless earphone bago ko sagutin ang tawag, hindi ko na rin tiningnan kung sino ang caller.

"Hmm?"

"Empress, can you slow down a bit?" mabilis na pala ang patakbo ko.

"Okay." si Aki lang pala ang nasa kabilang linya.

"Mauuna kami Empress to secure the place first."

"Okay." ibinaba ko na ang tawag. Mga sampung sasakyan ang nauna sa akin. Ang babagal naman kasi nila. Tss.

13th STREET GROUNDS

Humilera ang mga guards sa gitna. Hindi ko mabilang kung ilang mga Gangsters ang pumunta. For sure hindi lahat yan ang miyembro ng high-ranked gangs. Tss, pumunta lang dito para makiusyoso yung iba.

Unang naglakad sa gitna sila Kuya Hari, Lolo at Alexandria. Yumukod naman ang mga Gangsters bilang pag galang.

Si Mr. Aki naman ay bumaba sa sasakyan niya at nagpunta sa gilid ko. Hinihintay niya ang pagbaba ko. Hindi muna ako bumaba ng sasakyan, hinayaan ko muna sila Kuya Hari sa paglalakad nila.

"Salamat sa pagpunta niyong lahat." kumaway pa si Kuya na akala mo politiko. Naka-suit and tie pa nga sila, lakas makapulitiko talaga. Ngayon ko lang napansin ang suot ni Alexandria.

T*NGINA KAMANYAK-MANYAK SIYANG TINGNAN.

Sinenyasan ko si Mr. Aki. Hinubad ko ang jacket coat na suot ko. "Mr. Aki, give this to Alexandria." Agad na sumunod si Mr. Aki at iniabot iyon kay Alexandria, mukhang na-gets naman ng bobita kong kapatid na kita na kaluluwa niya sa suot niya.

Pumasok na sa loob ng building sila Lolo at Kuya. Sa tapat kasi ng Grounds ay may lumang building pero ang loob naman nito ay maayos. Si Alexandria ay naiwan naman sa entrance ng building.

And when it was my turn to go to the middle of the grounds, pinagbuksan na ako ni Mr. Aki ng pinto.

"Siya ba ang Empress?"

"Totoo nga siya!"

"Mukha siyang sopistikada."

"Mukhang maarte."

"Bakit siya naka-maskara?"

"Baka totoo na may pilat siya sa mukha?"

"T*NGA mamatay ka pagnakita mo siya, di mo ba alam yon?"

Puro pag-uusyoso ang naririnig ko. Tss. Ang ingay naman.

Nang magsimula akong maglakad papuntang gitna ay unti unting nanahimik ang crowd. Tanging alingawngaw ng takong ng sapatos ko ang maririnig habang naglalakad ako papunta sa gitna.

Inilibot ko ang tingin ko at pinagmasdan ang buong grounds. 

Pathetic gangs. Di nila alam ang pinasok nilang mundo.

Huminto ako sa tapat ni Jaz, saktong gitna kasi sila nakapuwesto.

"Lahat ng hindi imbitado. I'll give you five minutes to leave these grounds, or else..." As I paused, I intended to look into his eyes and then continue to what Im about to say.

"...YOU'LL DIE."


Lapis Creator

THE ASSEMBLY