Wakas:

 

Ang talino niya talaga lagi nalang siyang nakaka sagot sa mga recitation at mataas pa siya sa exam. Kaya crush na crush ko siya eh. Tapos simple lang siya walang ka hangin hangin sa katawan hindi kagaya ng iba na puro hangin wala naman utak.


 

Siya talaga ang ideal guy ko. Kahit siya nalang magturo sakin mag hapon hindi ako tatanggi.


 

Kaya nga ng gabi na maulan nagulat ang buong sistema ko sis, 'lam mo 'yung feeling na na starstruck ako sa kaniya ng lumapit siya sa akin.


 

Ito din ang unang beses na malapit sa akin si JD. Kaya ng may sinabi siya at inabot ang payong para akong ewan na tulala. Gusto ko nalang siyang titigan. Kaya ng nilagay niya ang jacket niya sa balikat ko tsaka lang ako nagising. Ang bango ng jacket niya kaya sinuot ko agad at sinarado ang zipper. Bukod sa nilalamig din talaga ako. Kaasar naman kasi naiwan ko pala sa bahay ang payong ko. Paano ba naman dadalhin ko ang payong hindi naman umuulan, kapag hindi ko naman dinala tsaka uulan ng malakas. Kagaya ngayon ang laka ng ulan ang kaibahan lang may JD akong kasama yiee I'm so kilig shemz. Ay, bagay nga yata sa akin ang palayaw ko na shemz.


 

"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan pero salamat." Sabi ko kahit gusto ko ng magtatalon dito sa kilig.


nbsp;

Lalo na ng nagsalita siya bakit ganoon ang boses niya malalim na ang ganda sa pandinig ko. Para akong hinihele at para kaming nagsasayaw sa gitna ng kalsada kahit na umuulan. Kaya hindi ko napigilan na pindutin ang ilong niya at purihin siya. Ang cute niya talaga tapos matangkad pa. Ano kaya height niya? Parang gusto ko nalang din siyang yakapin baka lang naman pwede, kung hindi e di hindi.


 

"Ginaw na ginaw kana kasi. Baka magkasakit ka niyan." Napaka caring pa. Sinong di magkaka gusto sa kaniya? Nag wawala na tuloy ang heart ko at gusto ng mag ta-tumbling sa kilig.

"Ahm... Ano... Ako nga pala si Jam Denver. Madalas na tawag sakin ng kaibigan ko ay Jam may iba naman ay Denver. Ikaw, ano pala pangalan mo?"

Tapos nag pakilala pa na akala mo naman hindi ko siya kilala. Siya pa ba? Siya nga lang ata kilala kong lalaki sa room namin lalo na sa subject na binabalikan ko.

Hindi ko tuloy napigil ang kaharutan ko. Ikaw ba naman si crush na lumalapit sa'yo, grab the oppurnity na.


 

"S-Shizuku Ember, tawagin mo nalang akong Shizuku or Ember pwedeng Mine nalang. Sorry Corny," tapos ako lang din ang natawa sa biro ko. Pero nakita kong pinipigilan niyang ngumiti. Kahit na ganun ang pogi niya. Hustisya!

 

Kung maka tanong pa ako ng "...JD nalang tawag ko sayo?" Napakamot pa siya sa batok niya, I find him cute. Kapag ginagawa niya 'yun.

Kaso panira 'yung jeep dumating agad nag momoment pa kami ni JD ko eh. Kahit na ayaw kong sumakay ng jeep ay sumakay na din ako baka kasi wala nanaman akong masakyan. Kumaway muna ako kay JD bago tuluyang umandar ang jeep na sinasakyan ko.

Dito nag simula ang lahat sa pagitan namin. Paano nga kaya kung hindi niya ako pinasukob sa payong niya close kaya kami ngayon?


Masaya ako na nakilala ko si JD na palagi akong binubusog ng mga pangaral na akala mo ay magulang ko. Tapos ang oa niya pa sa simpleng bagay. Kaso ganun yata talaga hindi mo mamalayan na ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya ay umuukit na ng puwang sa puso ko. Kung saan siya ang nag mamay ari. Mga pag kunot ng noo niya, mga reklamo niya sa isang bagay pero pursigido naman siyang tapusin. Pagka antukin niya at palagi nalang gutom. Nagtataka na nga ako kung saan niya dinadala ang kinakain niya dahil hindi naman siya tumataba.


 

--

Kala ko ang pinaka maganda ng nangyari sa akin ay nang pinasukob niya ako sa payong niya na naging daan para maging mag kaibigan kami. Hindi pa pala...


"If there is a sweet surrender it was you Shizuku. Hindi ko na maalala kung paano nag simulang lumalim. Ang gusto ko lang dati ay hanggang mag kaibigan lang tayo. Subalit paano ko ba pipigilan ang sarili ko na umibig sa'yo di ba? May gawin ka man o wala napapahanga mo ako."


Biglang namutawi sa mga labi mo ito kaya na shook ako. Napatigil ako sa paglalakad at napaharap ako sa'yo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa mga lumabas na salita sayo. Bakit ka ba ganiyan? Nang bibigla ka naman eh.


 

Kaya nagawa nalang muna kitang biruin. Tumakbo ako at ng malayo na ako sa'yo tsaka ko sinigaw ng malakas ang nararamdaman ko sa'yo para rinig na ring mo di ba? Para hindi mo rin malimutan na mahal kita.


 

"Mahal na mahal kita JD ikaw lang ang iibigin ko! Salamat sa lahat ng pag papahalaga sa akin. Naramdaman ko ulit na ang isang tulad ko ay tao pa rin pala at iniibig ng isang kagaya mo. I love you so much JD huwag mong kakalimutan 'yan." Kakasigaw ko hindi ko namalayan na nakalpit na pala siya kaya naabutan niya ako. Kaya napahiga tuloy kami sa buhangin.

Nagkatinginan kami sa mga mata at dinama ang bawat bilis ng tibok ng puso namin na tumitibok para sa isa't isa. Hindi ako nagkamali na sa kaniya ko ibigay ang puso ko. Mahal na mahal ko ang lalaking ito kahit na ngayon lang umamin ang kumag.

 

Lumapat ang labi niya sa labi ko at dinama namin ang bawat samyo ng hangin sa paligid ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Mga pagmamahal na nais naming ipadama sa bawat isa. Ang huling halik bago kumupas ang liwanag ng araw at tumungo sa kaniyang pupuntahan.


--

 

Katulad ng pag mamahal ko sa kaniya na gaano man kakulay darating ang araw na kukupas ito at hindi ko alam kung masisilayan ko pa. Ang alam ko lang darating din ang kinabukasan at magiging makulay muli ito.

 

"Babe para namang sira ito, huwag ka ngang umiyak diyan. Wala naman ako magagawa eh hanggang dito nalang talaga ako." Sabi ko sa kaniya habang kinakapos na ang hininga ko. At habang siya ay halos hindi na makahinga sa pag daloy ng kaniyang mga luha.


 

Hanggang dito nalang siguro talaga ako. Na diagnose ng doctor na may leukemia ako. Palagi akong puyat at pagod dahil sa trabaho at dahil ako lang din naman ang bumubuhay sa sarili ko. Kulang pa sa sustansiya kinakain ko na ito daw ang naging dahilan ng sakit ko. Kahit ilang luha pa ang dumaloy sa mga mata namin. Huli na ang lahat stage 4 na ng malaman ko. Malala na...


 

"I don't want to loose you Shizuku. Please... Fight for me... I know I'm selfish this time...but I want to spend more time with you. So please... Don't leave me...Mahal na mahal kita Shizuku. Alam ko hindi pa tayo ganun ka tagal ang relasyon natin but I see myself spending my life time with you..." Hinalikan niya ako sa noo habang kapit niya ng mahigpit ang kamay ko.


 

Lumipas ang oras ko na naging dahilan ng pag kupas ng kulay ng kaniyang mundo. Pag kupas na muli kong kukulayan sa muli naming pag kikita.

Pero wala na hanggang dito nalang ako. Mahal na mahal din kita JD, ikaw lang ang mamahalin ko kahit sa susunod nating buhay...

Hangganggang sa muli mahal kung JD.


 

-Wakas-



 

—MegumiJ29❣️

MegumiJ29 Creator