KABANATA 1:
"Ayos ka lang Shemz?" Napatingin tuloy siya sa akin ng masama. Hindi ko alam kung bakit, may mali ba akong nasabi?
"Patawa ka. Huwag mo akong tawagin na Shemz. Pag galing sa'yo parang ewan, basta 'di ko maexplain." Ngumiti siya pero parang pilit nalang dahil masama ang pakiramdam niya.
"Samahan kita sa infirmary mataas ang lagnat mo. Baka kung mapaano kapa." Nag aalala na ako sa kaniya.
Tumango lang siya at dahan dahan na tumayo. Ako na ang nag buhat ng gamit niya at sinamahan ko nalang muna siya sa infirmary. Hapon pa lang naman kaya bukas pa ang infirmary.
Binigyan siya ng nurse ng gamot at hinayaan na magpahinga muna. Habang nagpapahinga siya ay umupo lang ako sa gilid na upuan at nag basa nalang ng libro at sinagutan ko na din ang mga assignment na binigay sa amin. Para pag uwi ko ay konti nalang ang gagawin ko. Kapag nasa bahay na pati ako ang mga iniintidi ko ay mga gawaing bahay at mga kapatid ko. Madalas kasi ay pagod na si mama sa trabaho. Bilang panganay sa amin tatlo ay ako na rin ang tumatayong ikalawang ama sa aming pamilya. Si papa? I don't want to talk about it. I'll just let it go in where it should be.
Napa balikwas ng bangon si Shizuku makaraan ang isang oras o mahigit. Humahangos siya na tila hinahabol ng kung sino sa kaniyang panaginip.
Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?" Napatayo ako at nilapitan ko siya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at humihikbi siya. Natulos ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Napigil yata ang pag hinga ko dahil sa pangyayari.
Napakalas din naman siya ng yakap ng magising ang diwa niya dahil sa pangyayari.
Humihingal pa din siya ng bahagya at pawis pawisan kaya kumuha ako ng bimpo at binigay ko sa kaniya para makapag punas siya ng pawis.
"Ayos ka na?" Tanong ko at umupo na ulit ako sa katapat na silya.
"Oo, pasensiya kana. Nanaginip lang ako ng masama. Ganito ako kapag nagkakasakit kung anu-ano napapa naginipan ko." Tumango lang ako sa kaniya at naisipan ko na ikuha muna siya ng tubig sa despenser buti nalang din at may disposable cup. Maligamgam ang inabot ko sa kaniya.
"Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong ko matapos niyang inumin ang inabot ko na tubig.
"Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko. Salamat. 'yung jacket mo pala baka sa susunod ko na ibalik, pasensiya kana." Sabi niya habang kaniyang mata ay pumupungay pa dahil sa sama ng pakiramdam.
"May susundo ba sa'yo o pwede ba nating kontakin ang magulang mo para masundo ka nila?" Tanong ko sa kaniya malapit na rin kasing dumilim at baka malamigan pa siya.
Kailangan ko na din palang pumunta ng library late na ako ng isang oras.
"Wala naman susundo sa akin. Wala na din akong magulang. Naaabala na ba kita?" Naku hindi naman, hindi talaga swear.
Napakamot ako sa batok ko bago ako sumagot. "Naku late na kasi ako sa library, pwede hintayin mo nalang ako dito, hatid kita sainyo?"
"Huwag na, masyado na kitang naabala. Ayos lang ako, sige na punta kana ng library. Pahinga lang ito ako ng bahala." Nag aalangan man pero kailangan ko talagang pumunta na ng library. Papagalitan na ako ni Miss Eve ang namamahala sa library.
"Pasensiya na talaga. Hintayin mo nalang ako samahan na kitang umuwi mamaya." Tumango lang siya at hindi niya mapigilan na humikab at mag kusot ng mata.
"Higa kana para makapag pahinga ka." Tumango lang siya ulit at dahan dahan na siyang humiga at binalot niya ang ibabang parte niya sa kumot. Pumikit na din siya at dinantay ang kaniyang braso sa kaniya mata.
"Alis na muna ako, pahinga ka."
Tanging pag tango nalang ginawa niya na hudyat para tumayo ako at pumunta sa nurse at ipag paalam na aalis muna ako at pinapa bantayan si Shizuku.
Pag dating ko sa library ay napagalitan ako ni Miss Eve dahil nalate nga ako. Pinaliwanag ko ang nangyari at naintindihan niya naman.
Habang naglilinis ako at nag aayos ng libro, lumilipad ang isip ko kay Shizuku kung ayos lang ba siya. May isang beses na nauntog ako sa isang shelf habang naglalakad. Ibang klase anong nangyayari sa akin.
Lumipas ang tatlong oras na at natapos din ang duty ko sa library.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin bakit ba ako nagkaka ganito?
Nangangamba nanaman ako at natatakot. Ganito din 'yung naramdaman ko ng makilala ko siya ang nagbigay ng ibang kahulugan sa bawat araw ko. Natatakot na ulit akong sumubok sa pag ibig na hindi ko alam kung tatagal ba hanggang sa huli?
O heto nanaman ako sa pagiging marupok. Konting kibot bibigyan ko na naman ng kahulugan. Ugh! Hirap mag over think. 'Yaw kona...
Dami kong reklamo pero naramdaman ko nalang ang sarili ko na naglalakad papunta sa infirmary. Ginulo ko ang buhok ko dahil nag ooverthink nanaman ako sa mga bagay-bagay!
Alas otso diyes na ng gabi, madilim na ang ilang classroom at may iilan na bukas pa, dahil may mga pang gabi na klase hanggang alas onse ng gabi.
Kinikilabutan tuloy ako pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Biglang umihip ang malamig na hangin. Napayakap tuloy ako sa sarili ko. 'Yaw ko na. Binilisan ko ang lakad pakiramdam ko binilisan din ng sumusunod sa akin ang lakad niya. Hindi ako takot sa multo pero kung ganito naman na nararamdam ko ang presensiya ng multo gusto ko ng tumakbo!
Isa, dalawa, tat- Bago pa ako makatakbo napa sigaw na ako dahil may humawak sa braso ko. Sobrang init ng palad niya kaya natabig ko siya. Pag tingin ko sa natabig ko ay isang babae na naka salampak na sa sahig dahil sa pag tabig ko. Nak ng kabute naman oh. Napa kapit ako sa dibdib ko sa pangingilabot na naramdaman ko. Nang makilala ko kung sino ang naka salampak sa sahig ay tinulungan ko agad makabangon. Napangiwi lang ito habang inaalalayan kong tumayo.
"Masakit ba?" Wrong kwestiyon yata ako.
"Masakit 'yung balakang ko JD." Sagot ni Shizuki sa paos na boses. "Pasensiya kana nainip lang kasi ako sa infirmary. Kaya naisip ko na hintayin na kita sa labas ng library." Tumango lang ako at inalalayan siya sa paglalakad. Medyo iika ika tuloy sa pag lalakad. Mainit nanaman ang katawan niya. Siguro dahil nalamigan na siya kakahintay sa akin. Pasaway! Bakit kailangan kasi akong hintayin, galawang pafall tapos igoghost kadin naman.
Kaya kanina akala ko talaga ghost. Tsk. Umpisa palang ginoghost na ako.
-MegumiJ29-