Kabanata 3:
Habang tulog siya natitigan ko ang maamo niyang mukha. Inayos ko takas na buhok sa kaniyang mukha at dinala ito sa gilid ng tenga niya. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya. Kulay violet ang kaniyang buhok at sa bandang dulo ay may pag ka kulot. Simply lang siya kung titignan pero pag tinitigan mo siya ay lalo siyang gumaganda sa paningin. Napangiti ako ng maalala ko ang mga ngiti niya noong gabi na pinasilong ko siya sa payong ko. Buhay na buhay at makulay ang kaniyang ngiti. Napa ngalumbaba ako habang naka tingin sa kaniya. Hindi ko mapigilan na titigan siya. Anong nagyayari sa akin bakit ganito nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang pisngi mo, matangos na ilong, mapulang labi. Ang gandang pag masdan. Ang tawa mo na kahit saglit ko pa lang narinig ay hindi na mawaglit sa akin. In the span of two nights here I am admiring you secretly. How can you do that Shizuku? You look tough but deep inside you are so fragile.
There is a strong feeling inside of me that want to take care of you. The thought of taking care of you brought smile into my lips...
--
Nakatulog pala ako hindi ko napansin. Masyado kasi akong busy sa pagkahumaling ko na pag masdan siya. Nagising lang ako ng may tumapik sa balikat ko. Ang doctor pala, nalimutan ko ibigay ang gamot kaya inabot ko sa kaniya ang binili ko kanina. Mga gamot na kailangan ineject sa swero ni Shizuku. Mga gamot para sa over fatigue.
Ininject na ng doctor sa swero niya. Tinanong ako ng doctor kung gumising na siya at sinabi ko na gumising na siya kanina. Tumango lang ito at nag bilin na kailangan kumain ni Shizuku para makabawi ng lakas.
Ilang oras din ang lumipas at nagising din naman siya. Maliwanag na sa labas.
"Kumusta na pakiramdam mo? Gusto mo kumain?" Tanong ko sa kaniya.
"Maayos na ang pakiramdam ko! Nararamdaman ko na nga din ang gutom. Kahapon pa pala ako hindi kumakain. Pwede na daw ba akong umuwi sabi ng doctor?" Masigla na niyang sabi. Halatang nakabawi na nga siya ng lakas. Kaya masaya ako na okay na siya. Salamat sa Diyos kung ganoon akala ko malala na kalagayan niya.
"Masaya ako na ayos kana. Mamaya pag balik ng doctor. May mga sinabi lang siya na kailangan mong gawin para bumalik sa dati lakas mo." Inabot ko sa kaniya ang sinulat ng doctor na kailangan niyang gawin kagaya ng inom ng vitamins, kumain ng masustansiyang pagkain katulad ng gulay at prutas, huwag magpaka pagod, iwasan uminom ng kape at kung maari ay huwag mag puyat.
Buti nalang pasok ko ngayong araw ay 2pm ng hapon. Kaso hindi ako makakapason ngayong umaga sa library. Kailangan ko palang tawagan si miss Eve.
"Hirap naman sundin ng ibang nakalagay dito." Napakamot siya sa kilay niya at nag pout ng labi. Napatitig tuloy ako sa labi niya at napa tingin sa kaniyang maamong mukha. Tapos napatingin nanaman ako sa labi niya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Kaya napa buntong hinga ako at tumingin sa kabilang gawi na may pasyente din na nakahiga. Mga tulog pa
"Bakit naman?" Tanong ko sa kaniya.
"May trabaho kasi ako kaya lagi akong puyat. Tapos paborito ko pa 'yung kape." Nag pout pa siya lalo na akala mo inagawan ng candy. Kaya napatingin nanaman ako sa labi niya. Nak ng tipaklong naman. Hayst. Napatayo ako bigla kaya nagulat siya sa biglaang ginawa ko. Napalakad ako pabalik balik na akala mo ay may malalim na iniisip. Kainin nalang ako ng lupa sa iniisip.
"May problema ka?" Napatingin nanaman ako sa kaniya at nadako ako sa kaniyang labi. Napalunok ako.
"Ah, ano kasi... Nagugutom n ako, tama nagugutom na ako. Bababa muna ako para bumili ng pagkain." Narinig ko siyang tumawa kaya nabaling nanaman ang tingin ko sa kaniya.
"Huwag kang masyadong obvious para kang sira. Ganda ko ba? Ito naman maliit na bagay!" Humaklakhak pa siya pagkatapos. Halatang tuwang tuwa siya sa itsura ko na parang ewan. "Alam mo ba na matagal na akong humahanga sa'yo JD. Crush kita," Sana all malakas ang loob umamin. Ano? Ano nga ulit 'yung sinabi niya? tama ba ang marinig ko?
Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko ng mag sink in sa akin ang sinabi niya.
Pilit ko ulit ginagawang natural ang itsura ko. Pero ano lang kasi, kumakawala parin talaga ang ngiti sa labi ko.
-- Pinayagan na siyang Lumabas mamayang hapon, hinabilin ng doctor ang mga dapat gawin. Pumunta muna ako sa billing section para magbayad ng bills.
Nang makita ko ang bill na babayaran, gusto kong mapakanta ng halleluya, halleluya. Dahil sa taas ng babayaran ko. Isang gabi lang siya dito bakit ganito kataas naman babayaran ko? Nak ng tipaklong naman. Gusto ko nalang kainin ng lupa, wala pong Jam o Denver na pangalan dito.
Nagulat nanaman ako ng may dumantay sa balikat ko na kamay at mainit. Napalingon ako sa kaniya. Nabuga ko ang hininga ko ng makilala ko kung sino ang humawak ng balikat ko. Maaga yata akong aatakihin sa puso dahil kay Shizuku.
Napakapit nanaman ako sa tapat ng dibdib ko habang hinihingal. Nak ng kabute talaga.
Hinablot niya din ang papel na hawak ko. Sa pagka bigla ko hindi agad ako naka kilos. Dapat talaga hindi na ako mag kape.
Siya na ang nag bayad ng bill. Pabor din naman sa akin. Wala na din kaya akong pera.
Nag presinta na akong samahan siya sa pag uwi at hindi na naman siya tumanggi. Nakarating kami sa bahay na tinitigilan niya. Nakita ko na malinis ang inuupahan niya na bahay. Siya lang daw mag isa ang naka tira dito. Kaya sariling sikap siya sa lahat ng bagay. Kahit sa gastusin sa bahay ay siya lang ang gumagastos.
Humahanga ako sa tatag niya. Isa siyang strong independent woman. Sa generasyon ngayon. Nagawa niyang buhayin at pag aralin ang sarili niyang mag isa.
——MegumiJ29—