Umpisa:
Tinutulungan ko si Shizuku na Burahin ang nakasulat sa white board lalo na 'yung nasa taas na parte ng white board dahil hindi niya abot. Siya napag utusan ni Ma'am na mag bura ng sulat sa black board dahil hindi siya naka sagot sa recitation kanina.
Hindi ko naman madalas gawin ang ganitong bagay. Hindi ko din alam kung bakit ginagawa ko ito. At hindi ko din alam kung naging close kami dahil pinasilong ko siya sa payong ko noong nakaraang araw dahil maulan...
Gabi na ng makauwi ako mula sa paaralan dahil marami akong tinapos na gawain sa library. Inabot ako ng alas otso ng gabi, working student kasi ako sa paaralan namin. Buti nalang at tumatanggap sila ng working student. Kailangan ko kasi ng additional na allowance dahil ako ang nagpapaaral sa aking sarili. Mahirap lang ang pamilya namin at sa private school pa ako nag aaral at college na. Scholar ako pero hindi lahat ay sagot ng scholarship mula sa mayor namin, lalo na ang allowance kaya nag part time ako sa library ng school. Tapos BSED-SCI pa kinuha ko na course. Kaya need ko talaga ng part time. Ika unang taon ko na sa kolehiyo.
Umuulan paglabas ko ng school. Kaasar naman! Pasalamat nalang talaga ako dahil dinala ko ang payong sa bahay kahit na malaki ito. Kulay itim na payong kagaya sa goblin. Kamukha ko na kaya si Gong Yoo kapag ginamit ko 'to?
Natanaw ko si Shizuku na nag hihintay yata ng masasakyan sa kabilang kalsada. Nababasa na siya ng ulan kaya naisipan ko na tumawid at pasilungin siya sa payong ko. Napaangat siya ng tingin sa akin habang yakap niya ang sarili niya dahil sa ginaw at malakas pa ang hampas ng hangin.
"Ahm... Pwede pakapit ng payong?" Tanong ko sa kaniya. Nagtataka man ay kinapitan niya ang payong.
Ako naman ay hinubad ko ang jacket ko. Pagkatapos ay pinatong ko sa balikat niya ang jacket, para kahit papaano ay mabawasan ang ginaw na nararamdaman niya.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan pero salamat." Sabi niya. Kinuha ko na ang payong na kapit niya. Siya naman ay sinuot na niya ng tuluyan ang jacket at sinarado ang zipper.
"Ginaw na ginaw kana kasi. Baka magkasakit ka niyan." Tumanaw na ako sa harapan namin. May mga jeep na dumadaan kaso ay palaging puno. Lalo na at nag uunahan ang mga pasahero para makasakay lang. Habang naghihintay kami ng sasakyan naisipan ko na mag bukas ng topic. Hindi naman ako madaldal pero ayoko lang na may awkward na nagaganap sa pagitan namin ngayon.
"Ahm... Ano... Ako nga pala si Jam Denver. Madalas na tawag sakin ng kaibigan ko ay Jam may iba naman ay Denver. Ikaw, ano pala pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko na ang pangalan niya. Kaklase ko siya sa tatlong subject. Binalikan niya yata 'yun hindi ko alam kung bakit hindi naman ako tsismoso.
"S-Shizuku Ember, tawagin mo nalang akong Shizuku or Ember pwedeng Mine nalang. Sorry Corny" Sabi niya ng may kasamang mahinang pag tawa. Mapag biro din pala siya. Kasi sa room mukhang tahimik lang siya.
She's cute when she laugh. I feel a little tickle in my heart I dunno what for. I think because of her cute remarks.
I bit my lower lip to suppress my smile.
"Joke lang 'yun. Paano ba naman ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Shemz parang ewan." Tumawa nanaman siya bago nag patuloy ulit sa sasabihin niya. "Parang reaction lang nila kapag kinikilig. Okay lang ba na JD nalang tawag ko sa'yo?"
Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng bahagya. "Okay lang, wala pa ngang tumatawag sa akin na JD madalas Jam tapos bibiruin ako ng mga kaibigan ko na palaman." Bigla nalang din akong natawa ng maalala ko mga itsura ng kaibigan ko kapag tinatanong nila kung masarap daw ba ang Jam ko. Silly question mula sa mga baliw kong kaibigan.
"Hala ang cute mo." Puna niya ng sabay pindot sa ilong ko. Ginawa niya pang doorbell. Nahiya naman ako kaya nabaling ulit ang tingin ko sa unahan.
"Hindi naman," sagot ko habang kinakamot ang batok ko. "Ikaw pa lang nagsasabi niyan."
May tumigil na jeep sa harapan namin. Hindi pa ako pwedeng sumakay dahil iba ang lugar na nakalagay sa sign board.
"Una na ako. Salamat ulit JD. Balik ko nalang itong jacket mo."Tumango lang ako at pinayungan siya hanggang makapasok sa loob ng jeep.
Kumaway siya sa akin hanggang sa umalis na ang jeep na sinasakyan niya. Naghintay ako ng ilang minuto bago may tumigil na jeep. Sumakay na ako dahil akma naman ang sign board sa lugar kung saan ako nakatira.
Malakas parin ang ulan ng makauwi ako at medyo baha pa kaya basa ang sapatos ko na anggihan din ang suot ko na damit dahil sa lakas ng ulan.
Agad akong nag bihis ng damit at kumain ako ng hapunan. Habang kumakain ako si Shemz este si Shizuku parin ang iniisip ko. Nakauwi kaya siya ng maayos? Sana naman at huwag sana siyang magkasakit. Bakit kaya hindi siya agad nakauwi kanina? Nabasa tuloy siya ng ulan.
Magdamag akong hindi gaanong nakatulog kakaisip ko sa kaniya.
Natahimik lang ang kalooban ko ng pumasok ako ng room at siya agad ang nakita ko siya kinabukasan.
——Ngayon naman ay napansin ko na naka upo pala siya sa bandang dulo malapit sa bintana. Nasisinagan ng araw ang mukha niya. Namumula ang kaniyang pisngi. May sinusulat yata siya. Nakaupo ako sa kaliwang row kaya hindi ko siya madalas nakakausap. Nakikita ko lang talaga siya na pumapasok at tahimik lang din siya sa klase.
Dumeretso na ako sa upuan at nilabas ko 'yung libro ko at binasa ko nalang.
Dumating din naman ang Prof namin sa PURPCOM (Purposive Communication). First subject palang parang inaantok na ako. Aga naman kasi ala-sais palang ng umaga tapos hindi pa ako gaanong nakatulog kagabi.
Nag discuss lang si ma'am at nagpa quiz. Mabilis na lumipas ang sandali ilang subject din ang inaral namin para sa araw na ito. Bago kami umabot sa last subject namin. Nagpa recitation ang prof namin sa Filipino. Lahat ng natawag ay nakasagot maliban kay Shizuku.
Kaya ngayon ito siya nag bubura ng mga sulat sa blackboard. Tinulungan ko na dahil parang nanghihina siya at hatsing ng hatsing. Pilit niyang kinukuha ang Eraser pero hindi ko siya hinayaan lalo na at mabaho ang amoy ng pentel pen na nasa white board.
Nag uwian na ang mga kaklase namin at kami nalang ang natira.
Tapos na ako sa pagbubura nang nakasulat sa white board ng napansin kong napakapit siya sa braso ko at ang isang kamay naman niya ay naka kapit sa kaniyang ulo. Kaya inalalayan ko siyang maupo sa malapit na upuan.
Naramdaman ko ang init ng palad niya kaya sinalat ko ang kaniyang noo. Mataas ang kaniyang temperatura.
-MegumiJ29❣️-