Kabanata 4:


Dito nagsimula ang malalim namin na pagkakaibigan.Anim na buwan na palagi na kaming sabay kumain, sabay umuwi at minsan ihahatid ko pa siya sa kanila at ako ang nagluluto ng pag kain niya. Sabay kami gumagawa ng assignment. Nag momovie marathon at nag foodtrip. Ganito na ang palagi naming ginagawa. Masaya siyang kasama palaging nakakatawang mag salita at minsan bumabanat pa. Ako pa 'yung nahihiya sa aming dalawa eh. ndi ko alam na hahantong pala sa malalim na ugnayan.


Nag kayayaan kami na pumunta ng beach isang hapon dahil bakasyon naman. Pumayag din ako dahil gusto ko din naman na makasama siya. Para din makapag pahinga naman ang utak ko dahil stress na stress na ako sa school feeling ko makakalbo na ako.


Naglalakad kami sa dalampasigan pababa na ang araw. Maganda ang sinag nito lalo na sa dapit hapon. Gusto kong hawakan ang kamay ni Shizuku kaso grabeng pag pipigil ang ginagawa ko para huwag lang kapitan ang kamay niya. Ito 'yung tinatawag nilang spur of the moment. Kaso moment lang 'yung sa'kin.

Napatigil ako sa pag lalakad at huminga ng malalim. Gusto ko ng sabihin ang matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya.

"If there is a sweet surrender it was you Shizuku. Hindi ko na maalala kung paano nag simulang lumalim. Ang gusto ko lang dati ay hanggang mag kaibigan lang tayo. Subalit paano ko ba pipigilan ang sarili ko na umibig sa'yo di ba? May gawin ka man o wala napapahanga mo ako." Pag uumpisa ko kaya napatigil din siya sa paglalakad at humarap sa akin. Isinasayaw ng hangin ang kaniyang mahabang buhok at nasisinagan ng araw ang kaniyang maamong mukha. Na lalong bumagay sa kaniya.


Tahimik lang siyang nakamasid sa akin na tila hinihintay pa ang susunod kong sasabihin. Kaya nag patuloy ulit ako. "I'm happy again, I'm happy to meet you. You are such a wonderful woman. An independent and strong woman that no storm can beat you up. Thank you for letting me in. Please... Let me dive deeper in your life. Your life that was colorful even in the dark, even in sadness, even when you are alone. And even when you are with me. Please be my girl and I don't want to promise anything let me love you the way I know, the way you painted my life. Let me paint your life with mine." I'm smiling while saying what I feel inside my heart. Napapa laban ako mag salita ng english, nak ng tipaklong naman.


"Nag hang utak ko, balik ka ulit bukas! English kasi paki tagalog ng maintindihan ko." Natatawa niyang sambit. Alam ko na binibiro niya lang ako. Alam niya naman talaga ang ibig kong sabihin.


"Habulin mo muna ako, pag nahabol mo ako. Sasagutin kita." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay tumakbo na siya.


May pag hahabulan na nagaganap. Akala mo ay may pelikula lang kaming ginagawa. Sobrang cliché ng story namin.


When someone came and stole every color that I painted.


Nothing more it seems colorful as if it is faded.


Bring back the colorful meaning that I lost.


You are the reason in every color in my life and the reason why it is faded. Please color my faded heart again my Shizuku.

-MegumiJ29-

MegumiJ29 Creator