Kabanata 2:


Habang naglalakad kami ay bigla siyang nawalan ng malay kaya kailangan ko siyang alalayan at nag papanic na din tuloy ang kalooban ko. Kahit na ganoon pinilit ko pa rin mag isip ng tama kahit nag kakagulo na ang sytema ko. Hayst 'yaw ko na talaga. Kaso may magagawa ba ako?


Binuhat ko na siya at dali sali na akong naglakad papalabas ng gate. Kaso bago makalabas hinarang pa ako ng guard.


"Anong ginawa mo sa ka ya?!" Judger naman agad ni kuyang guard. Di ba pwedeng nahimatay lang 'yung tao?


Ano bang kasalanan ko nung nakaraang buhay ko bakit ba nila ako ginaganito! Hayst.


"Manong guard naman, nahimatay po siya kailangan ko na siyang dalhin sa hospital!" Tumataas ang presyon ko kapag ganito. Maaga akong tatanda.


"Pasensiya ka na hijo. Alam mo naman kasi ang mga kabataan ngayon. Lalo na't madilim na" Sabi pa manong guard.


"Manong kung may gagawin sana ako sa kaniyang masama edi sana iniwan ko nalang siya sa taas o kaya hindi ako dadaan dito sa harap dahil alam kong may gwardiya!" Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Lalo na nga at nag aalala na nga ako kay Shizuku.


"Pasensiya ka na ha? Godbless." Sarap bangasan ng mukha ni manong guard.


"Ako na tatawag ng ambulansiya." Presinta niya kaso hindi ko na hinayaan anong oras na. Kaya pumara na ako ng tricycle na dumaan at dahan dahan akong sumakay baka mauntog kasi si Shizuku.


Sinabi ko din sa tricycle driver ang hospital na malapit sa school. Sobrang init parin ng katawan niya. Kaya lalong nadagdagan ang Kaba sa dibdib ko. Baka kung mapano siya kaya sinabi ko sa tricycle driver na bilisan. Sinunod niya naman ako kaya madali kaming nakarating sa hospital. Itinigil niya sa tapat ng E.R., iyon lang hindi ko makuha ang pitaka ko. Naisip ko na ipadukot dun sa driver ang pitaka ko sa bulsa. Kaso baka iba madukot niya kaya huwag nalang.


Buti nalang may lumapit na nurse at staff sa akin para tulungan ako na ilagay si Shizuku sa stretcher at pinasok na sa loob. Kinakabahan ako sa kalagayan ni niya. Natabig ko pa siya kanina, may sakit na nga lalo pang nasaktan.


Tinanong ako ng mga nurse kung ano nangyari at sinabi ko na nahimatay siya at may lagnat.


Sinulat ng niya ito para sa record ni Shizuku, pati ang mga basic info tungkol sa kaniya. May mga hindi nga ako alam sa ibang details na tinatanong sa akin kaya nilaktawan nalang ng nurse. Kinabitan agad ng swero si Shizuku at chineck up ang mga vital signs niya.


"Base sa kwento mo ay na over fatigue siya at nabinat. Kaya nanghina ang katawan niya at hindi kinaya ng katawan niya. Kailangan niya ng pahinga at bitamina na kinakailangan niya. Ilalagay ko dito kung ano ang mga dapat niyang gawin pag gising niya para hindi na maulit ang pagka hmatay niya. Sa ngayon reresetahan ko muna siya ng gamot na i-enject natin sa swero niya."


Tumango lang ako pagkatapos mag paliwanag ng doctor. Inabot sa akong ng doctor ang reseta na kailangan kong bilhin.


Lumabas muna ako para pumunta sa pharmacy ng hospital. Nasa katapat na building ito.


Pag labas ko nag taka ako kung bakit nandito parin 'yung tricycle driver. Mukhang may hinihintay kaya binati ko muna.


"Oh manong may kamag anak ka din ba sa loob?" Tanong ko. Napakunot ang kilay ni manong bago nag salita.


"Wala akong kamag anak sa loob."


"Ahh okay po." Ngumiti lang ako kay kuyang driver at naglakad na.


"May pasahero kasi akong hindi pa nag babayad!" Sagot niya at diniinan ang huling salita.


Biglang naalala ko na hindi pa pala ako nagbabayad! Nak ng kabute naman talaga, nakakahiya.


Napakamot tuloy ako sa batok ko. Tsaka ako dumukot ng pera sa bulsa. Nahiya ako kay manong kaya dinagdagan ko na ang bayad tapos dalawa pa kaming sakay niya sa tricycle.


"Manong pasensiya kana nalimutan ko,"sabi ko habang nagkakamot parin ng batok. May kuto na yata ako. Bakit ba ako kamot ng kamot.


"Sige hijo mauna na ako. Hinintay lang kita na lumabas para magbayad." Tumango ako at hinintay muna si manong na makaalis bago ako tumawid para bumili ng reseta na gamot.


Pagkatapos kong bumili ng gamot ay bumili naman ako ng goto at tinapay para pag gising niya ay makakain man lang siya. Kanina pa siya hindi kumakain. Naririnig ko na din ang mga alagad ko sa tiyan na nagwawala na. Kaya dalawang goto na binili ko at isang balot na tinapay.


Gising na siya pag balik ko, agad siyang napabaling sa akin. Sinubukan niyang umupo Ngunit parang nanghihina siya kaya tinulungan ko nalang na makaupo siya.


Ngumiti siya sa akin. "Ang laki na ng abala ko sa'yo JD. Nahihiya na ako kahit hindi naman ako mahiyain. Pero salamat. Nandito nanaman ako sa hospital ang pinaka ayaw ko na lugar." Lumungkot ang tinig niya at namuo ang luha sa kaniyang mga mata.


Nakaramdam ako ng kalungkutan sa puso ko sa hindi ko alam na dahilan. Siguro dahil hindi talaga ako sana'y na makakita ng babaeng umiiyak. Inabutan ko siya ng panyo.


"Okay lang 'yun huwag mong alalahanin 'yun ang importante ay ayos ka na ngayon." Pag papagaan ko ng loob niya pero nakita ko na bumagsak na ang luha sa kaniyang mata. Kaya umupo sa ako sa tabi niya at sa hindi ko malamang dahilan ay niyakap ko siya at hinagod ko ang likod niya. Napayakap din siya sa akin at humihikbi.


"Shh. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo ay malalagpasan mo din iyan," lalo lang siyang naiyak sa sinabi ko.


Hinayaan ko nalang na umiyak siya ng umiyak. Hanggang sa tumahan na siya at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ginamit niya ang panyo para pahiran ang pisngi niya na may luha.


"Magaan pala sa pakiramdam kapag may taong nandiyan para sa'yo. Lalo na kapag hindi mo na alam ang gagawin sa buhay mo. Salamat kasi nandiyan ka, pasensiya na talaga sa abala. Pwede ka ng umuwi ako ng bahala dito. Baka hinahanap ka na sainyo."


Sino ba namang matinong tao ang iiwan kang mag isa Shizuku lalo na sa kalagayan mo ngayon? Hindi naman ako ganoon kasama para iwan ka nalang dito mag isa. Humiga ulit siya ng hindi pa kumakain at nakatulog na. Napa buntong hininga nalang ako. Inayos ko na ang kumot niya at tinawagan ko si mama na baka hindi ako makauwi at sinabi ko ang nangyari.



-MegumiJ29-

MegumiJ29 Creator