ARAW ng sabado ngayon, isang perpekto at payapang araw para magsulat na naman ng panibagong chapter para sa isang ongoing story ko.
Kinuha ko na ang aking laptop at binuksan ito. Habang hinihintay na lubusan itong bumukas ay ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim kong dinadama ang may katamtamang init ng hangin habang nakaupo ako sa isang rattan na upuan dito sa balcony ng aking kwarto.
Pagkatapos no’n ay wala na akong sinayang na oras at agad sinimulan ang paggawa ng kwento. Nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa nang biglang may lumabas na notification sa screen, isang email. Binuksan ko ito para tignan kung sino.
Good day Ms. Stellaluna,
Thank you for your patience.
I am pleased to inform you that “When the Sun Meets the Moon” has been accepted for publication and will be released on 31'st of October of this year. Congratulations and Welcome to the family!
Kind regards,
Lily
XYZ Editor
Paulit-ulit ko itong binasa hanggang sa tuluyan nang pumasok sa aking isip na totoo ito… hindi ko inaasahan na isang magandang balita pala ang aking matatanggap ngayong araw. Dahil dito sa labis na kasiyahan ko ay napatalon at napasigaw pa ako dahilan upang muntik ko pang mahulog ang aking laptop.
Pakiramdam ko ay para akong nasa ulap, tila ba nakalutang lamang ako dahil hindi ko nararamdaman ang pagdampi ng mga paa ko sa sahig. At ang aking dibdib? Tila ba sasabog ito dahil sa bilis na pagtibok ng puso ko.
Bata pa lamang ako ay pangarap ko na maging isang published author, at panitikan ang una kong pag-ibig. Kaya naman labis-labis ang aking saya sa pagkakaroon ng ganitong oportunidad.
"Kaunti na lang at matupad ko na ang pangarap ko…" bulong ko sa aking sarili.
***
ARAW ng linggo ngayon at ako ay naghahanda sa pagpunta sa XYZ sapagkat ngayong araw ay gaganapin ang pag-publish ng libro ko. Isa rin kasi sa napag-usapan namin ng publishing company na magkaroon ako ng book signing sa mismong araw na ilalabas nila ang libro.
Kaya naman sa labis na kasabikan na nararamdaman ko ngayon, ay ang dating dalawang oras ko na pagligo at paghahanda ay naging isang oras na lamang. Nakakatawang isipin na posible pala ito lalo na't tamad at mabagal akong kumilos tuwing umaga.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili ay dumiretso na ako sa aking sasakyan. Bago ako magsimulang magmaneho ay pinatugtog ko muna ang isa sa mga paborito kong kanta, na Close to You ng Carpenters.
"Just like me they longed to be closed to you," pag-sabay ko sa kanta habang nakatutok sa pagmamaneho.
Isang magarbong building ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa XYZ, kulang pa ang salitang maganda para ilarawan ito. Namamangha man ay dumiretso na ako sa loob. Pagpasok ko pa lamang sa lobby nito ay agad akong sinalubong ng isang balingkinitang babae.
"Hi Ms. Stellaluna! I am Lily and I'll be the one who will guide you for today," nakangiting wika niya sa akin bago niya ako hinatid sa paggaganapan ng book signing.
Nang makarating kami sa convention area ng building ay labis akong nagulat ng makita ko kung gaano karami ang mga tao. Halos mapuno na ang isang malaking silid dahil sa dami ng taong na narito.
"They are all here to support you! I can say that you have a lot of readers," bulong sa akin ni Lily bago niya ko iginiya patungo sa isang malaking mesa sa harapan.
Masaya naming sinimulan ang book signing. Nariyan na nagbigay muna ako ng inspirational message bago ako nagsimulang pumirma at makihalubilo sa mga mambabasa ko.
Akala ko masaya na ang magkaroon ng sariling libro, pero wala palang mas sasaya pagnakikita mong may mga sumusuporta sayo at sa gawa mo.
***
ISANG buwan na ang nakalipas mula nang nai-publish ang aking libro. Hindi natigil ang mga natanggap ko na nakakatuwa na mga feedback mula sa mga mambabasa ko.
Ngunit, isang umaga ay nagbago ang lahat ng ito. Kakagising ko pa lang at maghahanda pa lamang sana ako ng makatanggap ako ng isang mensahe mula kay Tala, isa sa mga kaibigan ko.
Tala: Sis! Open your twitter account, trending ka!
Awtomatiko akong napangiti sa aking nabasa. Mas marami bang natuwa sa istorya ko ngayon kaya trending ako? Dahil sa saya at kasabikan na nararamdaman ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang aking twitter account.
Ngunit, ang kaninang mga ngiting nakapaskil sa aking mga labi ay unti-unting nawala dahil sa aking nakita...
#StellalunaThePlagiarist
Agad kong tiningnan ang mga post na nakaakibat sa hashtag na ito at halos lahat sila isa lang ang sinasabi. Iyon ay kinopya ko daw ang istorya ng isang international writer na nagngangalang Helios.
Agad kong sinearch ang librong My Moon na siyang sinasabi nila na akda niya na aking kinopya. Nang ma-search ko ito ay lumabas na nai-publish niya ito sa ilalim isang publishing company na naka base sa California, USA. Nang mas tinignan ko pa ang ibang impormasyon ay mas nagulat ako ng makita October 31 din nai-publish ang kanyang libro.
Coincidence lamang ba ito?
Nang may nakita akong free soft copies ng kanyang akda sa internet ay agad ko itong dinownload. Babasahin ko ito para makita kung totoo nga bang maraming pagkakatulad ang libro namin o baka naman ginagawan lamang ako ng isyu.
"I love you and I will always love you my moon..." pagbasa ko sa huling linya sa kanyang libro.
Napatulala na lamang ako sa aking pader dahil totoo nga. Halos lahat nga ay parehas sa mga storya namin. Ang mga detalye at pati na rin ang pangalan ng mga character ay iisa. Ang tanging pagkakaiba lang ata na makikita mo rito ay ang point of view at siyempre ang way of writing namin.
Natatakot ako na baka kasuhan nila ako sa bagay na hindi ko naman alam.
Pero teka! Maaari rin na siya ang nag plagiarized ng gawa ko! Alam ko sa sarili ko na hindi ko kinopya ang gawa niya. Kaya may posibilidad na tama ang iniisip ko.
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa labis na frustration na nararamdaman ko. "Ang sakit sa ulo!" wika ko sa aking sarili.
Para hindi na lumaki ang gulo ay naisipan ko na kausapin na lamang ang author na ito. Mabuti at nakalagay ang kanyang email sa soft copy na dinownload ko kanina kaya madali ko siyang mako-contact. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na nagtipa ng mensahe para sa kanya.
Good day Mr. Helios!
This is Stellaluna! The author of When The Sun Meets The Moon. I e-mailed you regarding the issue that I plagiarized your work. I badly want to clear this issue so I am asking to set an appointment with you and talk about this matter. Thank you!
Agad kong pinindot ang send nang matapos na ako. Ililigpit ko na sana ang aking mga gamit para makapagpahinga muna muli, ngunit nagulat ako nang marinig ko ang notification sound ng aking email.
Greeting Ms. Stellaluna
Yes! I already heard about the issue and I am sorry for that. If it is ok with you, let's have a talk tomorrow via zaam meeting. I will give you the details tomorrow. Thank you!
Mukha naman siyang mabait at madaling kausap. Sana maging maayos ang pag-uusap namin para matapos na ito.
***
KINABUKASAN ay ala-siyete pa lamang ay gising na ako. Agad kong binuksan ang aking email para tignan ang mga detalye para sa meeting namin mamaya. Mamaya na pala itong alas-nuebe ngayong umaga.
Agad na akong naligo at nag ayos. Nakakahiya naman kung haharap ako dito ng may muta pa, hindi ba? Nang matapos ako at napansin kong may natitira pa akong tatlumpung minuto ay pumunta muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nang matapos ako ay agad akong bumalik sa kwarto dala-dala ito.
Inilapag ko muna ito sa lamesa sa balcony bago bumalik sa kwarto ko para kunin ang aking laptop. Nang makuha ko na ito ay bumalik na ako sa balcony at saka umupo sa upuan ko na rattan. Nang maramdaman kong komportable na ko sa aking pagkakaupo ay agad kong ibinalik ang atensyon ko sa aking laptop at saka ito binuksan.
Hindi ko alam kung bakit. Ngunit, bakit tila wala akong nararamdaman na kaba para sa meeting na ito?
Nang mapatingin ako sa oras sa laptop ko ay doon ko napansin na 8:55 na pala. Limang minuto na lang at magsisimula na ang meeting. Kaya naman pinindot ko kaagad ang link na sinend niya sa akin kanina.
Agad bumungad sa akin ang isang pares ng itim na mga mata, matangos na ilong at malarosas na manipis na labi. Isang lalaki na may hanggang balikat na buhok.
Pamilyar…
Agad akong tumigil sa paninitig sa kanya ng marinig ko ang kanyang pagtikhim.
"Good day Mr. Helios," nahihiyang wika ko na tinaguan niya.
"Good day Ms. Stellaluna. I will go straight directly to the point. I would like to know, what inspired you to write your book?"
Nagulat man ako sa pagiging straight forward niya ay sinagot ko na lamang siya. "Uhm… well, it is actually my childhood best friend," agad akong napangiti ng bigla kong naalala ang tunay na rason kung bakit ko nga ba isinulat ang istorya na 'to. "The story is all about our memories and dreams way back when we were young," pagpapatuloy ko.
"Well, unfortunately Sun has to leave way back then, so we made a promise that I will make a book-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.
"Finally, I already found you my moon…" wika ni Helios na nagpakabog ng puso ko.
"H-huh?" nauutal kong tanong. Alam kong ibig niyang iparating sa akin na siya ang aking kababata. Ngunit, nais kong kumpirmahin pang muli.
"How come you didn't notice it? Kakalabas pa lang ng issue ay alam kong ikaw yan," madamdaming wika niya. "Finally, I already found you! I will go home in the Philippines, wait for me my Moon." wika ni Helios na nagpagulat sa akin. Sasagot pa sana ako sa kanya ngunit bigla na lamang niyang binababa ang tawag.
Te-teka… hindi pa nga nag-sisink in sa akin na siya si Sun ay pupuntahan niya agad ako? Baka naman nagbibiro lamang siya, hindi ba?
***
ISANG Linggo na ang nakalipas at masama ang aking loob walang kahit anong bakas ni Helios akong nakita.
Nabulabog ang tahimik kong pagkakape ng makatanggap na naman ako ng isang mensahe mula sa kaibigan ko.
Tala: Sis! Open your twitter! Now na!
Kinakabahan man ay agad kong sinunod ang sinabi niya. Kaya naman laking gulat ko ng makitang trending na naman ako sa twitter. Pero ang pagkakaiba nito ay hindi na lamang ako kundi kasama na si Helios. Dahil sa pagtataka ay nag scroll ako sa mga post para malaman kung saan ba ito nagmumula at doon napadpad ako sa isang tweet.
@godofsun: Good day everyone! This is Helios the author of the book, My Moon. I just want to clarify the issue with Stellaluna. People keep saying that she plagiarized my book. And to end this issue, I will tell everyone that this is not true! Stellaluna is my childhood best friend. Yes, for those who are reading our story she is Moon and I am Sun. And publishing this story helps us to find each other. I am happy to tell you that I already found my Moon…
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa nabasa ko, kaya naman agad akong kumuha ng tissue para punasan ito. Ngunit napatigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sunod-sunod pagdoorbell.
Kaya naman dali-dali akong pumunta sa pinto para malaman kung sino ito. Nang buksan ko ang pinto ay laking gulat ko ng makita ko si Helios na walang sabi-sabi ay bigla na lamang niya ako niyakap. Gulat man ay sinuklian ko rin ito.
"Thank you for keeping your promise, thank you for waiting for me, my Moon," wika niya. "Now we can continue our dream and story together," dagdag niya na nagpa-ngiti sa akin.
WAKAS