Lahat tayo may mga pangarap sa buhay. Katulad ko, may mga pangarap tayo na gustong matupad at mangyari. Kayamanan, kasikatan at iba pang mga bagay na gusto nating makuha. Pero iba ang pangarap sa kagustuhan.

Sa likod ng pader gusto kong makalabas at makita ang mundong naghihintay sa akin. Ang mabuhay ng normal ang gusto kong mangyari. Isang pangarap at kagustuhan. Pero hanggang saan ko kayang mangarap?

"Mahal na Prinsesa! Huwag po kayong lumabas!" Pigil ng mga Gwardiya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Papasok ulit at magkukulong sa kwarto.

Sarado ang mga pinto at bintana habang ang nagtataasang pader ang pumipigil sa aking makita ang labas ng mundo. Sabi ng mga nag-aalaga sakin, "Hindi maganda ang labas ng mundo, panganib lang ang maidudulot nito sayo."

Kung buhay pa ang mga magulang ko siguro ay masaya ako habang ineengganyo ang paraisong pangarap ko. Noong bata pa ako ay para bang nasa langit ako. Masaya at walang problema ang buong kaharian na para bang walang masamang mangyayari anumang oras.

Nagbago na lang siguro ang lahat ng mamatay sila, ang mga magulang ko na siyang naging Hari at Reyna ng kaharian. Sa hindi malamang dahilan ay pinatay sila sa mismong araw ng aking kaarawan.

"Mahal na Prinsesa, ang tagal ninyo na pong hindi nagagawa ang tungkulin ninyo. Bilang isang tagapagmana ay dapat pinaplano niyo na ang makabubuti sa kaharian." Tiningnan ko ang isang babaeng nakasuot ng damit ng mga katulong sa palasyo. Bata pa siya at mukhang kasing edad ko.

"Ano’ng pangalan mo?" Para bang hinahanap nito ang tinatanong ko kahit alam niyang siya lang ang tao sa kwarto ko.

"A-Ako po? Ako po si Lina, bago lamang po ako sa palasyo kaya sana po ay patawarin ninyo ako sa pangingialam ko." Lumuhod pa ito ngunit pinatayo ko rin siya kaagad.

"Kinagagalak kong makilala ka Lina, ako si Prinsesa Lumina. Tawagin mo na lang akong Lumina."

"P-Po? Naku! Hindi po pwede mahal na Prinsesa. Malalagot po ako sa inyong Tiyo Harvy."

Ang Tiyo ko? Tama, siya ang namumuno ngayon sa kaharian bilang kapalit ko. Hindi naman kami gano’n ka lapit ng Tiyo ko pero mas pinili ng hukom na siya muna ang pumalit sa akin lalo na at isa lang akong bata.

"Lina, pwede mo ba akong ilabas? Gusto kong makita ang labas ng palasyo," pagmamakaawa ko. Bigla na lang itong nalungkot at hindi makatingin sa akin. Ano’ng problema? May mali ba akong nasabi?

"Pero Mahal na Prinsesa, sa labas… Hindi ninyo magugustuhan ang makikita ninyo. Marami ng nagbago kaya mas makabubuti na dumito na lang po muna kayo."

"Kung ‘yan pala ang nasa labas ng palasiyo, nararapat ngang lumabas ako. Una pa lang alam kong may mali dahil hindi ako pinapalabas, kaya sana tulungan mo ‘ko. Ikaw na lang ang pag-asa ko, Lina!"

Nag-isip pa ito ng ilang minuto bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Kung gano’n po ay tutulungan ko kayo! Naniniwala ako na kayo lang po ang makatutulong samin sa kamay ng masasamang tao." Para bangnabuhayan ako, nabigyan ng pag-asa na makikita ko ang labas ng mundong meron ako.

"T-Teka gusto mo akong dumaan diyan? S-Sa marumi at madilim na daanan ng tubig nayan?" Tumungo-tungo naman ito.

Ito kasi ang ilalim ng palasyo kung saan napupunta ang mga maruruming tubig. Ngayon lang ako nakapasok dito kaya hindi ko alam kung saan man ‘to papunta.

"May dala din po akong damit para sa inyo, mas madali po kayong makakalabas kung suot ninyo ang damit ko."

Inabot nito ang damit na tinanggap ko naman. Mas minabuti kong magpalit muna dahil mas magaan suotin ang damit na ito kesa sa suot ko kanina.

Tinahak namin ang madilim na lagusan habang dala ang isang sulo na nagsilbi naming liwanag. Sa gilid lamang kami naglalakad hababg sa gitna ay ang tubig na rumaragasa. Sa di kalayuan ay natatanaw na namin ang liwanag, saan naman kaya papunta ito?

Papalapit na kami sa labasan at para bang ang bilis ng tibok ng puso ko. Malapit na ako, malapit na ako sa paraiso! Pero bakit parang, naglaho ang ngiti ko?

Nakita ko ang isang lugar na kasalungat ng isang paraiso. Para bang pinabayaan na ang buong paligid, parang dinaanan sila ng trahedya at sakuna. Wala na ang makulay na paraisong nakita ko noon. Ang mga bahay ay sira-sira, ang buong paligid ay puro putik at halos wala ng halamang makikita. "L-Lina, sabihin mong hindi ito ang Bayan. S-Sabihin mong nagkamali lang tayo ng napuntahan!"

"Patawad pero ito ang paraisong inaakala ninyo. Simula no’ng mamatay ang inyong ama ay naglaho na ang paraisong meron kami noon." Nawala ang hiwaga sa mundong 'to, nawala ang kasiyahan at pag-asa.

"A-Akala ko nagawa ng Tiyo ko na pamunuan ang bayan pero bakit ganito?!" Ang sabi ni Ama, Magiging maayos lang ang lahat basta maniwala ka lang sa mahikang meron ang mga tao sa puso nila.

Hindi ko maintindihan, walang mahika sa mundong 'to nasaan ang sinasabing mahika ni Ama? Kung may mahika dapat ay naging maayos at maunlad na ang mundo.

"Mahal na Prinsesa, kailangan ninyong pumalit sa pwesto ng inyong ama, kayo ang karapat dapat sa trono at hindi ang inyong Tiyo."

Tama si Lina, ako na lang ang pag-asa para maayos ang baluktot na pamumuno ni Tiyo. "Babalik tayo."

Tinungo namin ang malaking tarangkahan ng palasiyo ngunit hinarang kami ng mga kawal. "Bawal pumasok ang mga taga labas! Alis!"

"Ano bang sinasabi mo riyan? Ako ang prinsesa kaya papasukin mo ako!" Tiningna ako nito at tinawanan. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Walang prinsesa sa palasiyong ito, Pinag-utos ng Hari na tatanggalan na niya ng pusisyon ang prinsesa. Umalis na kayo at baka ikulong ko kayo!"

Nagawa ni Tiyo iyon? Nagawa niya iyon sa totoong taga-pagmana?

"Mahal na prinsesa umalis na muna tayo at bumalik na lang sa susunod," bulong ni Lina na sinang-ayunan ko.

Kung iisipin ay pinlano ito ni Tiyo, no’ng umalis ako sa palasyo ay ginawa niya iyong pagkakataon upang alisin ako sa pwesto ko. Alam niyang aayon sa kaniya ang mga ministro dahil sa may kakayahan siyang pamunuan ang buong kaharian, habang ako ay isang bata at walang muwang.

Pinuntahan namin ni Lina ang kanikang munting tahanan. Siya lamang mag-isa ang nakatira doon dahil pumanaw na ang ina niya dahil sa sakit. Nakakaawa ang kalagayan nila rito, parang pinabayaan at inubos ang kanilang yaman.

Narinig namin ang malakas na kampana, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no’n pero nakita kong naglabasan ang mga tao sa kanilang mga bahay.

"Magsilabas kayo! Oras na upang magbayad ng inyong mga utang!" sigaw ng isang lalaki na nakasakay sa kabayo. May mga kasama siya na siyang kumukuha sa perang binibigay ng mga tao.

Ang iba ay walang maipang-bayad kaya ang naging parusa nila ay pambubugbog. Wala silang awa! Wala ng makain ang mga tao dito pero hinihingian padin nila ng pera!

"Mahal na Prinsesa, magtago po muna kayo sa Loob. Magbabayad lang po muna ako" ginawa ko nga ang sinabi niya at sumulip na lang sa bintana.

Agad din naman itong bumalik at nalangiti nitong isinara ang pinto. "Lina, Bakit nagbabayad ang mga tao? Para saan 'yon?"

"Ayon ba? Para iyon sa pananatili namin dito, kailangan naming magbayad para sa tubig, lupa at pagkaing meron dito sa kaharian ninyo."

"Pero hindi nila pagmamay-ari ang likas na yaman! Para sa lahat iyon at hindi lang para sa kanila." Lahat na lang ba aangkinin nila?

Nakakakain ako ng masarap sa palasyo habang sila ay nagbabayad para lang makakain at makainom. Hindi patas ang nangyayari.

"Mahal na Prinsesa, alam kong napanghihinaan ako ng loob pero kailangan ninyong ibalik ang pinaghirapan ng Ama ninyo."

"Pero paano? Oo isa akong prinsesa pero wala akong kakayahan upang pamunuan ang buong kaharian!" Wala akong kakayahan, dahil isa akong bata na lumaki sa marangyang pamilya.

"Sumunod kayo sa akin." Hinila ako nito at itinulak sa gitna ng kalsada. Halos mapatingin sa akin ang mga tao dahil sa nangyari sa akin. "Nakikita niyo ba sila? Pwede kaming umalis dito, pwede kaming lumayo at magsimula ng bagong buhay pero dahil sa ama ninyo naging masaya ang mapanganib na mundong ito."

Tiningnan ko sila na may pag-aalala. Tama siya, pwede silang umalis pero nag-paiwan pa rin sila. "Mahal na Prinsesa, Naririto pa rin kami dahil umaasa kaming may papalit sa Hari na mabuting puso kagaya niya. Ngayong narito ka na akala namin ay pag-asa na namin, hayan ka hindi makatayo at mababa ang tingin sa sarili," dugtong nito.

Pano ko magagawang iligtas sila? Tama, pumunta ako dito para tulungan sila. Nandito ako para matupad ang pangarap ko—pangarap ko para sa lahat.

Tumayo ako sa pagkakadapa ko at hinarap ang mga taong umaasa sa akin. "Mga mamamayan ng kaharian ko, Ako si Prinsesa Lumina ay ibabalik ang paraiso natin!"

Nagtulong-tulong ang lahat at ang natitrang maganda nilang tela ay inipon upang gawing napaka gandang damit. Ang iba ay gumawa ng sandata upang pamprotekta. Kami ni Lina ay nagluto ng makakain gamit ang mga natitirang pagkain.

Nilinis ang buong bayan katulad ng pag-aayos sa nga nasirang bahay at mga pananim. Kung magtutulungan kami, magagawa naming makaahon sa putik na kinalalagyan namin.

Ilang araw din ang lumipas bago matapos ang pag-aayos ay dumating muli ang maniningil. "Ha-ha-ha! Anong patawa ito? Nagawa ninyo pang ayusin ang walang kwenta ninyong bayan? Hahaha siguro naman ay may maibabayad kayo di—" napatigil ito sa kaniyang sasabihin ng tutukan namin ito ng mga matutulis na kahoy.

"Gusto mo bang makuha na kaagad ang pinaka magandang kabayaran?" Nginitian ko ito at tinutok ang kahog sa kaniyang leeg.

"A-Ano bang g-ginagawa ninyo?! Gusto niyo bang maparusahan ng hari?!"

"Hindi, pero hindi niya magagawa iyan kung hindi ka magsusumbong." Tinalian sila ng mga taong bayan at ikinulong sa isang bahay.

"Mahal na prinsesa, sigurado ba kayo sa inyong plano?" Tumungo na lang ako sa tanong ni Lina at sinuot ang damit na tinahi pa ng mga kababaihan.

"Ako naman ngayon ang tutulong sa ‘yo, Lina." Suot ang isang balabal ay sinakyan ko ang kabayo ng maniningil. Kailangang maparusahan ang may sala sa naganap na ito.

Pagdating sa tarangkahan ay pinigilan muli ako ng Sundalong nagbabantay. "Sandali lamang, sino ka? Magpakilala ka!"

"Ako ba? Isa akong prinsesa mula sa malayong kaharian, kung makikita mo ang aking kasuotan ay malalaman mong ako ay maharlika." Inusisa nito mabuti ang itsura ko at walang nagawa kundi ang papasukin ako.

Bumaba ako sa sakay kong kabayo matapos makapasok sa loob. Tinungo ko pinaka loob ng palasyo.

Makikita ang taksil kong tiyo na nakaupo sa trono ng aking ama habang masayang pinagbubunyi ang kaniyang kataksilan.

"Teka, sino ka bata? Hindi ko naalalang may inimbitahan akong bata mula sa ibang kaharian!" Dahan-dahan kong tinanggal ang balabal na tumatakip sa mukha ko at halos mabitawan ni Tiyo ang hawak niyang baso.

"Nakakalungkot na hindi ako inimbitahan ng aking Tiyo."

"I-ikaw?! Ang akala koba ay naglayas kana! Ang akala ko ay patay kana!" Napatayo ito at ibinato sa kung saan ang baso na hawak niya.

"Sa pagkakatanda ko ay walang karapatan ang tulad mo na tanggalin ako sa aking katungkulan. Tama ba ako mga Mahistrado?" Tumungo-tungo naman ang mga ito.

"Pero wala kang kakayahan, ha-ha-ha! Kaya anong magagawa ng paslit na tulad mo sa Trono?!"

"Mukhang nakalimutan ninyo na mas mahalaga ang opinyon ng nakararami." Pumasok ang mga taong bayan habang hawak ang mga Sulo nila.

"Ibalik ang karapatan ng Prinsesa! Ibalik! Ibalik ang karapatan ng Prinsesa! Ibalik!"

Tama si Ama, dapat lang tayong maniwala sa mahikang meron sa puso natin. Dahil kung naniniwala tayo magkakatotoo iyon. Nanalo kami ng mga taong bayan at naibalik ang sigla ng pinangarap kong paraiso. Katulad ni Tiyo, nangangarap din siya. Isang pangarap at kagustuhan na para sa sarili niya.

WAKAS
Owl Tribe Creator