Haunted and devastated by the horror of her past, Magda emerged as a rebelled woman to her own poor Mother Nelly. Working as an extra in films, she never let her weaknesses, the marks she bears on her face from a fire incident many years ago, defeat her. Kaya sa tuwing papasok ang dalaga sa trabaho ay salamin agad ang kaharap dahil kailangan pa niyang maglagay ng make-up for an hour at magsuot ng wig. A mirror could be broken a day if hindi nagustuhan ng dalaga ang hitsura niya.

“Magda, anak. Gisi—”

“ANO NA NAMAN?!”

“Ano….ito nga pala yung binili ko kahapon na salamin para sa iyo. Nabasag mo kasi kahapon kaya agad akong bumili. Alam ko naman na palagi kang umaalis para sa trabaho mo at napakaimportante nito sa iyo,” malumanay na wika ng ina habang inilahad ang bagong salamin.

Tumaas ang kilay ng dalaga. “No I don’t want that. I want to buy a new mirror for myself.”

“Ha? Ano yun anak?” Naguguluhan naman si Aling Nelly sa sinabi ng anak dahil puro Ingles ang wika na hindi naman niya maintindihan.

“Ang sabi ko A-YO-KO NIYAN! Period!” Agad tinalikuran ni Magda ang ina. “Ako na bibili ng panibagong salamin with my friends,” dagdag pa nito. Tumango na lamang si Aleng Nelly at dahan-dahan nang pumanaog. Marahan niyang hinaplos ang salaming bitbit pati na ang mga sugat niya sa may palad. Ngumiti lang ang matanda at ipinilig ang dalang gamit sa dibdib nito habang nililingon ang silid ng kanyang anak.

Maya-maya lang ay pumanaog na rin si Magda. “Aalis ka na anak? Eh, kumain ka muna ng almusal. Nakapagluto na kasi ako nang maaga,” hikayat ni Aleng Nelly sa anak nito.

“No thanks. Sabay nalang kami ng mga kaibigan kong kumain. Nga pala, nasaan yung salaming bitbit mo. Titingnan ko lang yung mukha ko if ayos ba,” pahayag ng dalaga habang kinuha sa sling bag nito ang lipstick. Iniabot naman ng kanyang ina ang salamin.

Napangisi lang ito at marahas na inilapag ang salamin sa mesa at umalis nang walang paalam. Napaupo na lang ang matanda at napasapo sa noo nito.

***

Pauwi na ang magkakaibigang Magda, Dianne at Rhea. Nagkakatuwaan sila habang naglalakad. Hawak-hawak na ni Magda ang bagong salamin na binili niya kanina sa mall. “Hoy beshy, dapat ikaw na dumadamoves para to make pansin with your crush na. Ikaw din, napag-iiwanan kana,” pabirong pahayag ni Dianne sa dalaga habang marahang itinulak. Napag-alaman kasi nila na may gusto si Magda sa director nila.

Sa gitna ng kanilang pagkakatuwaan biglang nasalpok ni Magda ang dala nitong gamit dahilan upang mahinto ito at mapatingin. Nalukot naman ang kanyang mukha at nanlumo ng makitang pirapiraso ang basag na salaaming dala niya. “OMG! Paano na ito? Bukas na yung second to the final act ng set natin. I can’t do my make up without a mirror sa bahay!” Napaupo sa malapit na upuan ng nadatnan nilang karenderia ang dalaga.

“Beshy…do’n ka na lang sa set natin magmake up. Matutulungan kapa do’n ng mga make up artist,” paliwanag ni Rhea. “Definitely NO!” Hindi kailan man niya inisip na doon magmake up ever. Malalaman ng lahat ang sekreto niya at mapapahiya pa siya ng lubusan.

“Okay fine, bili na lang tayo ng bagong salamin mo diyan sa malapit. May magaganda pa naman diyan, yun nga lang second hand Besh,” suhestiyon ni Dianne. Napatango nalang ang dalaga. Wala na siyang magagawa pa. Malapit na rin namang gumabi at kailangan na nilang magmadali.

“Ito, how much is this?” wala sa mood na tanong ng dalaga.

“Ano ka ba Besh, ano lola…magkano ho ba ang isa nito?” Pag-uulit ni Dianne sa matandang babae na animo’y bulag. “Pili ka, ibibigay ko sa iyo ng libre. Malapit rin namang magtakipsilim ere,” garalgal nitong sagot habang itinuturo si Magda ng hawak nitong patpat.

“Gurl, pili ka raw. Libre for you,” diin ni Rhea sa kanya habang pinandidilatan siya.

Isang may hawakang salamin ang napag-intrigahan ng dalaga. Luma na itong tingnan ngunit mabigat at matibay naman. Hinawakan niya ito upang tingnan sana ang kanyang imahe ngunit bigla siyang nasilaw sa wangis niya. Tila ba may kung ano siyang nararamdaman. Para bang hinihigop nito ang buong pagkatao niya.

“I’ll take this mga beshies.” Biglang pahayag niya. Tinitigan naman siya ng mga kaibigan niya.

Laking pasalamat ni Magda at nakauwi siyang may bitbit na libreng salamin. Masyado nang makulimlim ang paligid at nagsimula namang umingay ang mga kulisap. Magmumuni muni na sana ang dalaga kung anong susuotin niyang make-up para sa shoot nila bukas nang biglang…

“Aha! Dito ka pala nakatira ambisyosang palaka ka!” Biglang sumulpot sa harapan ni Magda ang isang taong hindi niya maaninag kung sino. Mabilis nitong hinila ang kanyang buhok dahilan upang mawala sa balanse ang dalaga at nahablot din nito kanyang wig. Isang tao lang ang pwedeng gumawa nito sa kanya---si Devon.

“WHAAATT?!” Biglang bulalas ni Devon ng mapagtanto ang hinahawakan.

Tila ba hindi na mapigilan ni Magda ang unti-unting paghimaymay ng katotohanan. “You bitch! Give it to me!!!” Namimilog ang kanyang mga mata sa gulat saka inagaw ang wig.

Hindi naman siya nito pinahirapan dahil inihagis agad ito sa kanya. “Ewww, kadirdir mo Magda. You even look so horrifying without it. Gosh, what a revelation indeed!” Higit pa sa sampung beses na sampal kung tutuusin ang natamo ni Magda ngayon. She was caught off guard that she can’t even counter sa kung anong ibinato sa kanya ni Devon ngayon. Wala na siyang takas pa. “Wait, until I tell everyone about your secrets tomorrow. Ha-ha-ha!” Devon trailed off habang iniwan ang dalaga sa kinatatayuan nito.

Nanlumo si Magda. Nawalan na siya ng lakas. Ano na lamang ang mukhang maihaharap niya bukas? Kahit na wala pa sa huwesyo ay pinilit niyang tumayo. Nangingilid ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Naalala niya ang kanyang salamin. Hawak hawak lang pala niya ito kanina. Mabuti na lamang at hindi niya nasapak si Devon gamit ito. Nakisabay ang kalangitan nang unti-unting pumatak ang ulan.

***

“You know what, you should have seen the look on Devon’s face the other day sa shoot namin. Parang hindi siya makapaniwala. Pilit niya pang hinila yung buhok ko eh hindi naman natanggal. Mabuti na lang at dumating si Direk at ipinagtanggol niya ako sa chaka na yun. Ha-ha-ha!” masiglang kwento ni Magda sa kausap niya habang nag-aayos. “Nga pala ibinigay ni Direk sa akin ang bagong role kaya mas naeexcite ako ngayon,”dagdag pa nito.

“Magda, anak? Gising ka na ba? May kausap ka ba diyan?” Bungad ni Aleng Nelly sa labas ng nakasarang pinto ng silid ng dalaga. Saglit lang ay kumatok na ito.

“Isa pa tong matanda na ito. I want to get rid of her. But how?” Pabulong na sabi ng dalaga sa kakwentuhan niya.

“Bakit mo bang gustong mawala ang ina mo eh, Nanay mo yun. Isa pa, wala ka bang nararamdamang kaunting pagmamahal man lang sa ina mo?” Isang malalim na boses ang umalingawngaw sa kabuuan ng silid.

Mahal ko ba? May natitira bang pagmamahal sa puso ko mula nang mangyari ang insidenteng iyon?

Nakakabingi para sa dalaga ang tanong ng kanyang kausap. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Nagliwanag ang hawak niyang salamin at isang memorya ang nasilayan niya. Hindi sa kanya ang memoryang ito ngunit naintriga naman siyang panoorin. Mukha ng ina niya ang tumambad habang umiiyak ito sa hapagkainan nila. Dalawang plato ang nakita niya ngunit wala siya sa harapan. Naalala niya hindi pala siya sumasabay sa kanyang ina upang kumain kahit sa almusal man lang nila.

“Wala nang natitirang pagmamahal. Masyado nang naging maganda ang takbo ng buhay ko simula ng makilala kita salamin ko. Ikaw ang nagbigay solusyon sa lahat ng aking mga problema kaya ay sa iyo ko lang ibibigay ang buong atensiyon ko,” wika ni Magda habang hindi pa rin pinansin ang kumakatok na ina.

Ilang linggo ang lumipas simula ng nadiskubrehan ng dalaga ang mahika ng salamin na nag mula sa matanda noong araw na inakala niyang pinakaworst day ever pero hindi pala. Lahat ay nagbago simula ng dumating sa kanyang buhay ang salamin. Pumabor ang mga oportunidad sa kaniya, mas dumami ang mga kaibigan niya at mas napapalapit si Direk sa kanya dahil sa anyo na meron siya ngayon.

Gamit ang mahika ng salamin, nagkaroon siya ng totoong buhok at galanteng make-up araw-araw na tumatakip sa mga sugat na natamo niya sa aksidente ng apoy noong bata pa siya. Kahit lumalaki kasi si Magda ay nanatili ang mga marka nito. Dahil rin sa pagkasunog ng kanyang anit ay hindi na tumubo pa ang kanyang buhok. Araw-araw niya itong pilit itinatago sa pamamagitan ng make-up at wig. Kaya naman ay lubos talaga ang pasasalamat niya sa salamin.

Handa na si Magda para sa kanilang shoot sa araw na iyon. Itinago niya sa kabinet ang salamin at tinungo ang pinto ng kanyang silid. Pagbukas niya nito ay nandun pa rin ang kanyang ina. Nakayuko at may bitbit itong kung ano na itinago sa likuran. Inismiran lang niya ito saka tumuloy na pero bago paman tuluyan itong pumanaog ay tinawag siya ng ina.

“Magda…anak, maligayang kaarawan nga pala sa iyo. Ito ay munting regalo ko lamang at sana ay tanggapin mo anak.” Inabot nito sa dalaga ang isang frame ng mga pira-pirasong bubog ng salamin na inukit at pinorma pa talagang hawig ang mukha ni Magda. Tinitigan ng ilang segundo ng dalaga ang dala ng ina pagkatapos ay itinurong ilagay sa may kabinet ng silid niya tsaka tuluyan na niyang nilisan ang hagdan pababa.

Noon lang naalala ni Magda na kaarawan na niya pala kung hindi pa siya binati kanyang ina.

Ilang sandali lang ay nakarating na ang dalaga sa location ng shoot nila. Narinig niya ang katrabaho na bumati sa inang naghatid dito sa di-kalayuan. Ang kasiyahan ng mag-inang iyon ay tila nagdulot ng kaunting kirot kay Magda. Para bang pilit ipinaalala kay Magda ang tungkol sa kanyang ina. Ilang taon na rin naging masama ang pakikitungo niya rito simula ng mangyari ang aksidente.

“Oh ano? Nakatuleley ka diyan?” Bungad sa kanya ni Dianne habang busy ito sa kung anong inaasikaso. “Eh kaganda ganda mo tapos lukot yung ekspresyon ng mukha. Ayusin mo nga hitsura mo teh,” dagdag na sermon pa nito.

Second to the final act na nga pala nila ngayon sa shoot at sa susunod na linggo ay matatapos na ang trabaho ni Magda. Ngayong araw na ito ay napaka-espesyal para sa kanya at gusto niya pang maging memorable ito pag-uwi niya mamaya sa bahay. Pero kahit anong saya ang dulot ng mga tao sa paligid niya ngayon ay hindi niya maiiwasang mag-alala. Ngayon lang uli siya nakaramdam ng ganito. Parang bang isang realisasyon ang dahan dahang kumakatok sa kanyang puso’t isipan.

Nagmamadaling umuwi si Magda nang maisipan niyang bumili saglit ng boquet ng bulaklak. Kaarawan nga niya pero mas gusto niyang ipakita sa pagkakataong ito kung gaano ka espesyal ang kanyang ina kahit ngayon lang niya napagtanto ang lahat ng sakripisyo nito sa kanya. Matigas lang talaga ang ulo ng dalaga at ayaw makinig sa kanyang ina kaya panay ang rebelde nito. Inalagaan at pinagtiisan siya nito kahit hindi niya ito sinuklian ng mabuting kalooban.

Ngayon na siguro ang oras upang itigil ko na ang kabaliwan ko. Sabi ni Magda sa sarili habang pauwi. Sa di-kalayuan ay pansin niyang hindi pa binubuksan ang ilaw ng kanilang tahanan. Nagtaka naman siya dahil palagi namang maaga mag-asikaso ng hapunan ang ina.

Nagmadali si Magda dahil sa kakaibang pakiramdam. Nang makapasok na ang dalaga agad nitong binuksan ang ilaw at dali-daling umakyat sa silid. Doon niya nakita ang nakahandusay na ina habang hawak-hawak nito ang makapangyarihang salamin.

“Hello Magda! Welcome back! Alam mo bang ibinigay ng ina mo ang buhay niya kapalit ang bonggang-bongga mong mukha? Isn’t it amazing? Ha-ha-ha!” Umaalingawngaw sa buong silid ang mala-demonyo halakhak ng salamin pero ngayon ay hindi na nakikitawa sa kanya si Magda. Iba ang nararamdaman ng dalaga ngayon.

Nanginginig ang dalagang kinuha ang malamig na kamay ng ina habang ipinilig ito sa pisngi niya. Sariwang agos ng mga luha ang kanyang pinakawalan. “Inay….patawarin niyo ho ako…at ako’y nagkulang.” Pagkatapos niya itong sabihin ay kinalong niya ang walang buhay na ina at niyakap.

Kung hindi lamang siya naging pasaway, matigas ang ulo at sakim sa kagandahang inaasam niya ay hindi sana siya aabot sa ganito. Tuluyan na ngang humagulgol si Magda sa tuwing maalala niya ang pang-i-isnob sa ina.

“Hindi na kita kailangan pa!” Nanginginig ang kamay na kinuha ng dalaga ang salamin. Hinayaan niya ang sarili niyang kontrolin siya nito at ang mga maiitim niyang budhi at masamang instensyon ang nagpausbong sa kung ano man ang nasa loob nito.

“Akala ko ba hindi mo mahal ang iyong ina? Bakit ka umiiyak ngayon Magda? Hindi na ba nakakasaya sa iyo ang pagiging masama? Ha-ha-ha!”

Para bang iniinis at pinagmukha sa kanya ng salamin ang lahat ng masasamang bagay na ginawa niya sa kanyang ina. Hinawakan niya ito ng napakahigpit at ihahampas na sana upang matapos na ang lahat nang biglang lumabas ang nakasisilaw na liwanag mula sa salamin. Tila ba hinihigop siya nito sa kung saan man.

Nakaramdam si Magda ng kakaiba. Pamilyar ang awrang kanyang naraaramdaman. Ganito ang nangyari nung unang hawak palang niya sa salamin. Kinutuban naman siya.

Isang nakakabinging tinig ang nagpaigting sa kanyang kaluluwa. Napatakip agad siya sa kanyang tenga at kumalas muna sa pagkayakap ng kanyang ina. Napakatinis nito na para bang sasabog siya sa tunog.

***

“Magda...?”

“Hello Beshywaps Earth to noh. Halerrrrr!!!” Kaway-kaway ng dalawang kaibigan ni Magda sa harapan nito. “Hoy Beshy baka mabasag mo yang salamin oh at ang higpit ng pagkakahawak mo,” untag sa kanya ni Rhea habang kinuha sa kanyang kamay ang bagay. Maya-maya lang ay natauhan na ito. “Saan ako? Anong lugar to? SAAN SI INAY?!” Sunod-sunod na mga tanong ng dalaga sa dalawang kaibigan.

Nagkatinginan naman ang mga ito. “Sinapian ka ba gurl eh nandito tayo oh, namimili ng salamin mo. Kanina ka pa diyan tulala sa hinahawakan mong salamin eh.” Paliwanag ni Dianne na hindi makapaniwala sa tinuran ng kaibigan nila. “At kailan ka pa naging concerned sa Nanay mo aber?” Dagdag pa nito habang tinitigan ng maigi si Magda.

“Uuwi na ako, kailangan kong makita si Inay.” Biglang pahayag ng dalaga sa mga kaibigan nito at dali-daling iniwan ang dalawa na tulala at hindi makapaniwala.

Nadatnan ni Magda sa bahay ang ina na nag-aasikaso ng kanilang hapunan. Nakatalikod ito habang niluluto kung ano man ang sinaing. Buhay na buhay ang kanyang ina at nandito ito sa harapan niya.

“Happy Mother’s Day ‘Nay Nelly.”

Tila ba bumabalik sa kanya ang mga masasayang alaala pagkasabi nito sa kanyang ina. Ilang taon na ang lumipas, ilang taon niya ring pinarusahan ang sarili pati na ang kanyang ina. Niyakap niya ito mula sa likuran at hindi niya napigilang maiyak na lamang.

“Magda..anak…” Niyakap naman siya ng buong puso ng kanyang ina. Ang mga mata nito ay kumikislap ng pagmamahal at pag-asang natamo mula sa kanya. “Salamat at bumalik ka na.” WAKAS.
Owl Tribe Creator