undefined

Bloody Mandragora

 

 

“Ding-doooong!”

 

 

“Naku ayan na! Dumating na siya.” 

 

 

     Galak na galak at masayang wika bulalas ni Ate Ging nang tumunog ang doorbell. Nagluluto ito ng magiging tanghalian namin. Ngunit bigla nalang itong kumaripas palabas sa pinto ng bahay namin diretso sa gate. Dala-dala pa nito ang sandok na pinanghahalo niya sa sinigang na baboy.

 

 

     Kasalukuyan namang nilalagyan ko ng mga sagot ang mga katanungan sa madules ko habang naka upo sa sahig sa aming sala. Nakasandal naman ang aking likod sa inuupuang bahagi ng aming sofa. Ang mga modules ko naman ay nasa coffee table at medyo makalat. Nagtaka ako sa ikinilos ni ate kaya, mula sa aking inuupuan, sinilip ko si ate sa aming pintuan. Bahagyang makikita ang gate namin mula doon. Ano kaya ang dahilan ng pagkagalak ni ate?

 

 

“Tam-tam” 

Tawag niya sa akin mula sa labas. 

 

 

“Hali ka muna dito sandali. Magpapatulong lang akong buhatin to.”

 

 

     Napabuntong hininga ako. Kanina ko pa kasi sinusubukang ebalanse ang equation na nasa excercises section ng module ko. Tapos itong ate ko inaabala pa ako. Pero wala naman akong magawa kasi ate ko siya e. Napakamot nalang ako sa ulo, inilapag ang module, at tumayo nang medyo tinatamad. “

 

 

“Andiyan na po ate.” 

sagot ko.

 

 

     Lumabas ako sa bahay namin na mabibigat ang mga bawat hakbang. Gustong-gusto ko na kasing matapos ang mga module ko para makapagrelax na rin ako. Pero pano ko gagawin iyon kung panay naman ang tawag sa akin ni ate? Kaninang umaga, pagkatapos mag-agahan, kakaupo ko palang sa sahig upang pag-aralan ang aking mga modules nang bigla niya nalang akong pinagdilig ng kanyang mga halaman. Isang buong likod-bahay pa naman namin ang dami nun. Kaya yun, tanghali na akong makapagsimula sa modules ko. Hay naku!

 

 

     Nang malapit na ako sa gate, natanaw ko na may papaalis na lumang pickup truck sa harapan ng gate namin. Si Ate Ging naman eh abot hanggang magkabilang tenga ang ngiti. Nasa harap niya ang isang potted ornamental plant. Hindi ito mataas ngunit makapal ang mga dahon nito at mayabong. Malaki din ang pasong pinagtamnan nito. Parang yung nakikita na pang decorate sagilid ng kalsada.

 

 

Tinignan ko si Ate Ging nang matagal habang nakakunot ang noo ko. 

 

 

“Na naman?” reklamo ko. 

 

 

“Pang ilang tanim na ba ‘yang inorder mo online, ate? Nagmumukha nang gubat yung likuran ng bahay natin oh.” 

Puna ko sabay turo sa likuran ko.

 

 

“’Wag ka na ngang maarte diyan,” 

Sagot niya habang nakapamaywang. 

 

 

“Tulungan mo na ako na madala to sa likuran ng bahay natin para maipagpatuloy ko na ang pagluluto ng tanghalian natin.” 

 

 

     Dagdag niya habang yumuyuko upang simulang buhatin ang tanim sa malaking paso.Ano ba naman ang magagawa ko? Sinunod ko nalang siya at nakibuhat na rin sa paso. Simula nung magka-pandemic eh hindi na siya pumapasok pa sa kanilang opisina. Work from home ang kasalukuyang status niya. At dahil dun eh mas malaya siyang gamitin ang oras niya sa kanyang mga libangan lalong-lalo na ang pagtatanim. Kaya naman nung magsimulang maging uso ang pagbebenta ng mga tanim online pati na rin ang pagba-bartereh nakiuso na rin siya. Lahat na yata ng uri ng mga tanim ay nasa bakuran na namin. May mga ornamental at wild na varieties. May mga malalaki at may mga maliliit din. Medyo may kabigatan ang tanim na ito kasama na din ang lupa at paso nito sa kanyang bigat. Inilapag namin ito sa damuhan sa kanyang hardin sa likod ng bahay namin.

 

 

“Eh ano naman ang tawag sa bago mong tanim na to, Ate Ging?” 

tanong ko.

 

 

“Sabi sa internet, tinatawag daw itong ‘bloody mandragora.’ Variety daw ito ng mandragora pero mapulang-mapula na parang dugo kulay ng mga bulaklak nito.” nakangiti niyang tugon.

 

 

     Napaismid nalang ako. Hindi naman talaga ako interesado malaman e. Nagtataka lng kasi ako sa itsura nang halamang ito. Bilohaba ang hugis ng mga dahon at matingkad na berde kulay nito. Pumapaikot ang mga dahon nito sa kanyang tangkay na mukhang pechay na malaki.Ipinagkibit balikat ko nalang ito. 

 

 

“Balik na ‘ko sa modules ko, ate,” 

 

 

   Sabi ko sabay talikod para bumalik sa loob ng bahay namin. Si Ate Ging naman eh naiwang nakangisi habang tinititigan ang kanyang bagong biling tanim. 

 

 

“Ate, yung sinigang po!” 

tawag ko habang papasok sa bahay namin.

 

 

“Ay! Oo nga pala,” 

bulalas ni Ate Ging. 

 

 

“Oh, dito ka muna ha? Bukas padidiligan nalang kita kay Tam-tam kasama ng mga kaibigan mo dito.” 

 

 

    Wika niya sabay turo sa mga iba pa niyang tanim gamit ang hawak niyang sandok. Napailing nalang ako. Madadagdagan na naman ang mga didiligan ko tuwing umaga. 

 

 

“Naman!” 

 

 

     Padabog kong bulong. Naupo na ulit ako sa sahig at kinuha ang module na kanina ay sinasagutan ko. Si Ate Ging naman ay sumunod na ring pumasok habang pa kanta-kanta gamit ang sandok bilang mic. Napailing nalang ulit ako. 

 

 

     Lumipas ang mahabang araw na ito at gabi na naman. Pagkatapos naming maghapunan ay tumulong muna ako sa pagliligpit ng aming pinagkainan bago pumanhik sa aking kwarto at magpahinga. Nakipagchat na muna ako sa mga kaklase ko sa messenger para makipagkulitan at maki-update na rin ng mga progress nila sa modules. Hindi nagtagal at panay na ang paghikab ko. Bago pa man ako tumuloy sa pagtulog ay lumabas muna ako ng kwarto para pumunta ng banyo at umihi. Nadaanan ko sina mama, papa at Ate Ging na nanunuod pa ng TV sa aming sala. Bago ka makakapasok sa aming banyo ay madadaanan mo muna ang aming kusina. Nang nasa kusina na ako, patay ang ilaw pero hindi ko na pinaandar ang ito kasi naaabot naman ng kaunting liwanag ng ilaw mula sa aming sala ang kusina namin. Nadaanan ko din ang mesa namin na may nakapatong na food cover. Siguro ay tinkapan nalang ni Ate Ging ang natira naming ulam kaninang hapunan. Ngunit napahinto ako ng mapansin kong gumagalaw ang food cover na iyon sa ibabaw ng lamesa. Kahit na umaabot sa kusina namin ang liwanag ng ilaw sa sala eh madilim parin sa kinaroroonan ng mesa. Kung kaya naman ay hindi ko makit kung ano ang nagpapagalaw sa food cover. Nakaramdam ako ng kaba at tila ba may nag-uudyok sa akin na lapitan ito at tignan. 

 

 

     Dahan-dahan akong lumapit sa aming mesa. Sinipat ko nang mabuti at may naaaninang akong anino. Binalak kong abutin ang food cover nang bigla nalang akong nilingon ng anino ang nagulat ako sa mga nagliliwanang na mga mata nito. Naramdaman ko ang biglang pagtayo ng mga balahibo ko lalo na sa batok ko.Napaurong akong bigla. Hindi ko alam kung tatagbo ba ako papalayo o sisigaw kina mama, papa, at Ate Ging. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na animo’y lalabas na ang puso ko. Noong medyo nanlalamig na ako ay bigla nalang lumikha ng tunog ang anino na my mga nagliliwanang na mata. 

 

 

“Ngiiiiyaaaaw!” 

Huni niya, natigilan ako at nainis.

 

 

“Loko kang pusa ka. Pinakaba mo ko. Ulam lng pala namin pakay mo,” 

Galit kong wika. 

 

 

“Umalis ka dito magnanakaw ng ulam!” 

 

 

     Dagdag ko sabay taboy dito. Agad namang lumukso ang pusa pababa ng aming mesa. Lumundad din ito papunta sa bintanang nasa silid kainan namin. Bahagyang nakabukas pala ang jalousie nito kaya naka pasok ang pusang iyon. Isinara ko ito para hindi na ulit makapasok pa ang pusang iyon.

 

 

“Tam-tam, ikaw ba ‘yan sa kusina?” 

patanong na tawag ni mama mula sa sala. 

 

 

“Anong nangyayari jan?”

 

 

“Wala po ma. May pusa lang na nakapasok.” 

sagot ko.

 

 

“Naku yung ulam paki-check, Tam-tam.” 

Sabat naman ni Ate Ging.

 

 

“Tapos na po.” 

Pabalik kong sagot.

 

 

“Gano’n ba? Salamat.” 

wika ni ate.

 

 

     Nagpatuloy na ako sa naudlot kong pagpunta sa banyo. Nang makaraos na ako ay bumalik na ako sa aking kwarto. Ngunit tumilapos yata dahil sa takot ko sa ginawa ng pusa ang aking pagka-antok. Nakahiga na ulit ako sa aking kama ngunit kahit ipikit ko pa ang aking mga mata ay di na ako inaantok pa. Kaya bumangon ako at kinuha ang cellphone ko ulit. Tapos nun ay naupo ako malapit sa bintana ng kwarto ko. Naisip kong maglaro na muna ng MOBA hanggang sa antukin na ulit ako.

 

 

     Mula sa bintana ng aking kwarto ay matatanaw ang garden ni Ate Ging. Hindi masiyadong maliwanag ang buwan nung gabing ‘yun kung kaya bahagya ko lamang na nakikita ang mga halaman doon. Ngunit hindi ako maaring magkamali. Nandoon naglalakad ang pusang itinaboy ko kanina sa kusina. Hindi ko na ito pinansin kasi naglalaro pa ako sa cell phone ko. Mga ilang minuto pa at narining kong bigla nalang umatungal ang pusa. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Ngunit wala na ang pusa. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa aking paglalaro.

 

 

     Kinaumagahan, naalimpungatan ako nung marinig ko ang biglang pagtili ni Ate Ging sa likuran ng bahay namin. 

 

 

“Aaaaaahhhhhhhhh!”

 

 

     Bumalikwas ako at dali-daling tumayo paalis ng kama ko. Mabilis kong tinungo ang bintana para dumungaw. Nakita ko si Ate Ging sa kanyang hardin. Kasalukuyan siyang nakaluhod sa harap ng bagong bili niyang halaman na tinatawag daw na ‘bloody mandragora.’ Mukha namang nakangiti ito na parang kinikilig.

 

 

“Kahapon ka lang nakauwi dito pero namulaklak ka na kaagad. At ang ganda-ganda pa! Totoo nga ang sabi sa internet. Mapulang-mapula ang bulaklak mo, parang sa dugo. Ang galing.” 

 

 

     Tila nababaliw na wika niya habang maingat na hinahawakan ng kanyang dalawang kamay ang sinasabi niyang bulaklak.

 

 

     Mula sa aking bintana, matatanaw ko na ang parang pechay na potted plant niya eh nagkaroon na ng usbong. Kasing pula ito ng sariwang dugo. Ang creepy pero ganoon ang itsura niya. Nag-iisa lang ang malaking bulaklak nito na suportado ng isang makapal na tangkay. Ang ipinagtataka ko lang eh kung papaanong nagkaroon ito noon pagkatapos lang ng isang gabi. Eh nang dumating yan sa dito noong nakalipas na araw ay wala ito kahit kunting usbong lang. Ayos ah. Instant?

 

 

“Sige-sige” 

Pagpapatuloy ni Ate Ging. 

 

 

“Ngayong araw, ako na muna magdidilig sa inyo ngayong araw. Bukas ko nalang ulit pagdidiligin si Tam-tam.” 

 

 

     Saad niya at tumayo upang puntahan ang hose na naka kabit sa gribo doon din mismo sa likod ng aming bahay. Pakanta-kanta pa ito habang sinisimulan ang pagdidilig ng kanyang mga halaman. Napangiti naman ako sa narinig ko. 

 

 

“Hay, salamat. Bawas gawain ko today. Hehehe...” 

sabi ko sa sarili.

 

 

     Sa hapon noong araw din na iyon ay napagpasyahan kong tumambay sa hardin ni ate. Medyo mainit kasi noong araw na iyon. May duyan din doon kung saan maari akong mahiga at mag-relax. Dala-dala ko ang cellphone ko upang doon na rin makapaglaro ng MOBA. Noong makarating na ako sa hardin, inayos ko ang duyan at naupo doon. Napansin ko na may tila kakaibang bagay mapalapit sa paso ng ‘bloody mandragora.’ Hugis triangle ito na may pagka-dark grey. Napakunot ako ng noo. 

 

 

“Ano kaya ‘yon?”

 

 

     Tumayo akong muli mula sa duyan at nilapitana ng ‘bloody mandragora.’ Sinipat kong mabuti ang nakakalitong bagay na nakita ko. Napanganga ako. Kung hindi ako nagkakamali eh tengo iyon ng isang pusa. At kakulay niyon ang pusang itinaboy ko noong nakaraang gabi. May bahid pa ito ng dugo at tila pa pinuwersang punitin. 

 

 

“Bat nandito’to?” 

 

 

     Takang tanong ko sa sarili. Naalala ko na narinig ko ring umatungal bigla ang pusa pagkatapos ko itong makita noong gabing iyon. Naisip ko na baka sinubukan nitong lumayo patungo sa ibang bahay at nasabit ang tenga nito sa kung saan. 

 

 

“Kaya siguro parang nasaktan siya kagabi.” 

haka-haka ko sa sarili.

 

 

     Nagkibit balikat ako at kinuha ang walis tingting at dustpan upang alisin ang tenga ng pusa doon. Habang ginagawa ko iyon, napansin ko naman ang pulang-pula na bulaklak ng ‘bloody mandragora.’ Tinitigan ko ito ng mabuti. May kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwag sa potted plant na ito. Una ang creepy ng pangalan. Pangalawa instant ang pamumulaklak nito. Pero inaamin ko na maganda nga siyang tingnan. Napagpasyahan kong huwag nalang itong bigyan pa ng pansin. Bumalik na ako sa duyan pagkatapos kung itapon ang tenga ng pusa sa basurahan.

Kinagabihan, dahil sa tapos ko na halos lahat ng mga modules ko at magwi-weekend na naman, napagpasyahan kong makinood na din ng TV kasama sina mama, papa, at Ate Ging. Kasalukuyan kaming nanonood nang balito nang mga oras na iyon.

 

 

“Nauuso na sa panahon ngayon ang mga pagtatanim lalo na noong magsimula ang lockdown sa buong Pilipinas. Marami na rin ang mga kumikita dahil sa paghahalaman. Ngunit dahil din diyan ay marami na ring mga masasamang loob ang nagnanakaw ng mga halaman mula sa bakuran ng ibang tao para maibenta itong muli. Lalo na kapag rare and variety nito. Maaari kasi itong maibenta sa libo-libong halaga.” 

Wika ng news anchor.

 

 

“Subukan lang nilang nakawin mga halaman ko at magkakamatayan kami.” biglang bulalas ni Ate Ging.

 

 

“Mga tao talaga ngayong panahon. Nagkaka-pandemic na nga nagagawa pang manamantala.” 

Kumento ni Papa.

 

 

“Hindi naman pweding gawing dahilan ang kahirapan para lang gumawa ng masama.” 

Dagdag naman ni Mama.

 

 

“Magpapakabit na ba tayo ng CCTV sa paligid ng bahay?” 

Gitna ni Ate Ging.

 

 

“Ang OA naman ni ate?” 

Puna ko nang nakaismid. 

 

 

“Para namang magkakainteres ang mga magnanakaw na ‘yon sa malagubat mong garden. Idagdag mo pa ang higanteng pechay na nabili mo online nung nakaraang araw.” 

dagdag ko nang nakangisi.

 

 

“Hoy excuse me!” 

Singhal sa’kin ni Ate Ging habang naka pamewang kahot na nakaupo lang. 

 

 

“Hindi mukhang gubat ang garden ko at hindi higanteng pechay ang ‘bloody mandragora.’” 

Pagalit niyang saad. 

 

 

“At dahil diyan, ‘kaw na ulit magdidilig sa mga tanim ko hanggang sa matutunan mo silang i-appreciate.” 

Dagdag niya habang nakataas ang isang kilay.

 

 

“Ate naman eh.” 

reklamo ko.

 

 

“Wag ka kasi sabat ng sabat.” 

Biro sa’kin ni Papa at nagtawanan sila.

 

 

     Pinagkaisahan na naman nila ako. Kung minsan iniisip ko kung parte nga ba ako ng pamilyang ito. Dahil sa inis, nawalan na ako ng ganang manood pa ng TV. Tumayo ako ng padabog. 

 

 

“Matutulog na po ‘ko.”

 

 

“Oh, ang aga pa a?” 

Takang tanong ni Mama.

 

 

“Inantok po akong bigla.” 

Katwiran ko na halatang naiiniis.

 

 

“Yong mga tanim ko ha? Diligan mo bukas.” 

Pahabol na pang-iinis ni Ate Ging.

 

 

“Oo na po!” 

Sagot ko na hindi lumilingon.

 

 

     Iginugol ko nalang ang freetime ko sa pagbabasa ng mga comics at novels sa WebKom sa aking silid. Naka ilang episodes at chapters din ako ng mga sinusundan kong stories bago ako dinalaw ng antok. Natulog na ako ngunit noong mga alas-tres na ng madaling araw ay nagising ako ng aking ika-iihi. Inaantok akong nagsumikap tumayo sa aking kama. Ngunit bahagyang nawala ang aking antok nang makarinig ako ng kalabog sa likuran ng aming bahay. Sumilip ako sa bintana upang e-check kung ano iyon. Bilog na buwan noon at napakaliwanag sa hardin ni Ate Ging. Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang makita ang isang tao na nakatayo doon. Tila gulat na gulat ang mukha nito. Sa harap nito ang isang potted plant na parang naibagsak, ang ‘bloody mandragora.’ Nawasak ang paso nito.

 

 

“Teka!” 

 

 

     Pabulong kong bulalas. Bigla kong naalala ang napapabalitang magnanakaw ng mga tanim. 

 

 

“Di kaya?” 

 

 

     Kinakabahan kong saad. Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin. Lalabas ba ako ng hardin upang hulihin ang magnanakaw. Pero baka may patalim ang taong iyon. O kaya naman ay gigisingin ko silang sa loob nang bahay upang sama-sama naming makumpronta ang magnanakaw.

Balisa ako sa mga oras na iyon. Ngunit ang pagkabalisa kong iyon ay napalitan ng matinding pagkasindak. Habang hind maka galaw sa gulat ang magnanakaw na nakatayo sa karap ng nabitawan nitong ‘bloody mandragora,’ ay bigla na lamang may parang gumalaw ang naturang halaman. Tuluyan nang nabiyak ang paso nito at ang lupa kung saan nakatanim ang mga ugat nito ay unti-unting natatanggal. Pagkatapos noon ay lumitaw ang isang nilalang na tila sanggol ngunit kulubot ang buong katawan. Nasa ulo nito ang mayabong na mga dahon ng ‘bloody mandragora’ at ang usbong ng bulaklak nito. Mula naman sa likod ng parang kulu-kulobot na sanggol ay tumubo ang mga humahabang galamay na ugat na siyang pumulupot sa kaliwang braso ng magnanakaw. Bakas ang pagkasindak sa mukha nito. Kahit ako ay hindi na rin makagalaw sa aking kinatatayuan at namamawis na ng malamig.

Sisigaw sana ang magnanakaw ngunit pumulupot naman ang iba pang mga ugat ng ‘bloody mandragora’ sa kanyang ulo sa bandang bunganga nito. Dahil doon ay hindi maka gawa ng ingay ang magnanakaw. Sinubukan nitong magpumiglas at makawala sa mga ugat ng ‘bloody mandragora’ ngunit masiyadong mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya. Pagkatapos namang tumubo ang mga mala-ugat na galamay sa likod ng ‘bloody mandragora,’ sunod namang tumubo ang mga panibagong galamay na may bibig at matutulis na mga ngipin sa magkabilang balikat ng kulukulubot na sanggol. Pinagkakagat nito ang ang kaliwang braso ng magnanakaw. Ang sumunod na pangyayari ay siyang lubusang nagpalambot ng mga tuhod ko. Naputol ang ang kanang braso ng magnanakaw at bumuluwak ang sariwang dugo sa kadugtong nitong balikad. Gustuhin mang sumigaw sa sakit ng magnanakaw ay hindi nito magawa sa pagkat nakapulupot parin ang mga ugat ng ‘bloody mandragora’ sa bibig nito.

 

 

     Gayon pa man ay nagawang dukutin ng magnanakaw ang kutsilyong nakasukbit sa likod ng bewang nito. Pinagtataga niya ang mga nakapulupot na ugat sa kanyang bunganga hanggang sa maputol ang mga ito. Tila nasaktan naman ang ‘bloody mandragora’ at umangil ito sa magnanakaw. Ginamit nitong muli ang mga galamay niyang may ipin upang pagkakagatin ang magnanakaw. Ngunit nagawa paring makatakas ng magnanakaw habang naiwan ang naputol na kaliwang braso nito sa ‘bloody mandragora.’ Duguan at nahihirapang tinungo nito ang bakod namin. Doon bala ito dumaan sa sirang bahagi ng aming bakod. Nabubulok na kasi ang kahoy doon at madali nang masira kapag pinuwersa. Nagtagumpay itong makatakas ngunit kapansin-pansin ang panghihina nito.

 

 

     Naiwan naman ang ‘bloody mandragora’ sa hardin. Inobserbahan ko ang sunod nitong ginawa. Gamit ulit ang mga galamay nito ay naghukay siya sa lupa. Nang sumapat na ang lalim nito ay doon niya itinapon ang putol na braso ng magnanakaw. Sunod rin nitong ilinagay ang sarili sa butas at unti-unting tinabunan ang sarili ng lupa. Ngunit bago pa man nito tuluyang ibaon ang sarili ay tila bumaling ito ng tingin sa akin sa bintana. Doon ko lamang napansin ang mga mata nitong puro itim at kumikintab sa sinag ng buwan. Mas lumakas ang dagundong ng dibdib ko. Tila ba alam nitong nakatingin ako sa kanya kanina pa. Natigil naman ang aking paghinga nang bigla na lamang ngumisi ang kulukulubot na sanggol na bahagi ng ‘bloody mandragora.’ Napaatras ako at nawalan ng balanse. Napaupo ako sa sahig at hindi ko napansing napa-ihi na rin pala ako sa salawal ko. Nakakahiya mang ikwento sa inyo ngunit iyon ang naging bunga ng aking matinding pagkatakot. Natulala na rin ako nang medyo matagal at namutmutla pa.

 

 

     

     Kinaumagahan, puyat akong lumabas sa silid ko. Hindi na kasi ako nakatulog nang maayos pagkatapos ng masaksihan ko. Sinarado ko nalang ang bintana sa kwarto ko pero hindi parin ako mapakali. Iniisip ko kasi na baka umakyat din sa kwarto ko ang kasindaksindak na nilalalng na iyon. Nagpalit na rin ako ng pinagihian kong salawal at dali-daling pinunasan ng basahan ang sahig sa kwarto ko. Baka kasi makita nila at magtanong. Hindi ko pa kayang sumagot ng mahinahon.

 

 

“Oh, gising ka na pala?” 

Wika ni Ate Ging nang mapansin akong nakaupo sa sofa sa aming sala. 

 

 

“Bantayan mo muna ang pinapakulo kong tubig ha? Magdidilig lang ako ng mga halaman ko.” 

 

 

     Dagdag niya habang papalabas ng pintuan namin.Bigla akong na alarma nung sinabi niya iyon. Paano kung siya naman ang biktimahin ng ‘bloody mandragora?’ 

“Teka ate!” 

     Biglang bulalas ko.Takang-taka naman si Ate Ging sa bigla kong pagtawag sa kanya. Lumingon siya sa akin. 

 

 

“Oh bakit?”

 

 

“Ano, kasi, ate,” 

Nauutal kong sagot. 

 

 

“Ako na magdidilig ng mga halaman mo ulit ngayong araw.” sabi ko sabay tayo.

 

 

Napaismid si Ate Ging sa akin. 

“May lagnat ka ba? Kala ko ba ayaw mong pinagdidilig kita ng mga halaman ko?”

 

 

“Ah, eh, ate kasi. Di ba ilang araw mo na akong pinagdidilig? So ayon. Parang nakasanayan ko na,” 

Pagsisinungaling ko. 

 

 

“Ikaw nalang magbantay sa pinakukuluan mong tubig. Ako na sa mga halaman mo, okay?” 

Dagdag ko at dalidaling lumabas ng pintuan.

 

 

“Ha? Uy! Sigurado ka?” 

      

 

     Pahabol na tanong ni Ate Ging. Pero hindi ko na siya nilingon pa. Dali-dali na akong pumunta sa likuran ng bahay namin, sa hardin niya. 

 

 

“Ano ba’ng nangyari sa batang ‘yon?” 

Sabit pa ni Ate Ging habang napapakamot sa ulo.

 

 

     Nang marating ko ang hardin ay nilapitan ko kaagad ang hose at pinaandar ang gripo. Naroroon paring ang nabasag na paso ng ‘bloody mandragora’ kagabi pati na rin ang mga lupa nitong nagkalat. Pinilit kong sindi pansinin ang halimaw na halamang iyon. Pero sadyang kapansinpansin ang mapulang bulaklak nito. Namukadkad na ito at parang mas lumaki pa ang kabuoan nito. Tinitigan ko itong mabuti at pinakiramdaman. Dahan-dahan ko ring nilapitan ito para tingnan ng masmaayos. 

 

 

“Gagalaw kaya ulit ito?” 

Pabulong na tanong ko sa aking sarili.

 

 

“Tam-tam!” 

Tawag sa akin ni Ate Ging. Napaigtad ako at para bang aatakihin ako sa puso sa gulat.

 

 

Lumingon ako na pinagpapawisan ng malamig. 

“A-Ate? Bat ka nandito? Kumulo na ba ang tubig mo?” 

Natataranta kong tanong sa kanya.

 

 

“Oo. At kelan ka pa naging concern sa kumukulong tubig?” 

     Pabiro nitong sagot. Ngunit bigla na lamang kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang nabasag na paso at ang nagkalat na lupa. 

 

 

“Anong ginawa mo? Nasan na ang ‘bloody mandragora’ ko?” 

Kumpronta niya sa akin.

 

 

“Ah, ano, kasi ate, ganito ‘yon,” 

Sagot ko na hindi malaman kung papaano magsisimula.

 

 

     Bahagya akong tinabig ni Ate Ging sa kinatatyuan ko para makita niya nang maayos ang nabasag na paso. Dali-dali niyang nilapitan ito nang hindi makapaniwala. Lumingon siya sa akin nang nakakunot ang noo. 

 

 

“Nasan na ang ‘bloody mandragora’ ko? Bakit paso nalang noon ang nattira dito at basag pa?”

 

 

     Hindi ako makasagot kaagad. Tinitigan ko muna ang kinaroroonan ng halimaw na halaman na nasa likod lamang niya sa hindi kalayuan. Kailangang makaisip ako ng katwiran para makalayo na siya kaagad sa hardin. Huminga ako ng marahan at malalim. 

 

 

“Wag kang mag-alala, ate. Ayon lang ang ‘bloody mandragora mo, oh,” 

turo ko sa likuran niya. 

“Mas lumaki na kasi ito kaysa sa nung una itong dumating sa atin. Nasawak na nga ang paso niya e. Kaya ayon, inilipat ko nalang siya mismo sa lupa.” Pagsisinungaling ko.

     Nilingon ni Ate Ging kung saan ako nakaturo. Nakita nga niya ang kanyang pinakamamahal na halaman at mas malaki na nga ito kaysa sa dati. Halos kasing taas na ito ng isang grade schooler. Nawala ang kunot sa kanyang noo at napalitan ito ng nakakalokong ngisi. Nagmamadali siyang nilapitan ito. 

“Naku, Tam-tam!” 

biglang sabi niya. 

“Tingnan mo, oh. Namukadkad na ang bulaklak niya,” 

     Wika niya at inamoy ito. Yung mga petals nito parang arrangement ng rose petals, mas malaki nga lang given na malaking pechay din kamukha nito. “At ang bangu-bango pa. Ngayon lang ako nakaamoy ng ganitong kabango na bulaklak sa tanang buhay ko, ah?” gulat niyang wika. Totoo ngang humahalimuyak ang bulaklak nito. Hindi ko iyon napansin kanina kasi mas nakatuon ang atensiyon ko sa pagiging maingat ko sa halamang iyon. Ngunit napangiwi parin ako. Kung alam lang ni Ate Ging kung ano talaga ang halaman niyang iyan ay masisindak din siya. Pero papaano ko ba ipapaliwanag ang lahat? Bukod sa hindi ito maniniwala sa akin, ay kukutyain lang niya ako na gumagawa-gawa na naman ng kwento. Sana nga gawa-gawa ko lang iyon. Pero hindi, eh.

     Habang abala ako sa pag-iisip, napansin ko na parang may gumagalaw sa lupa malapit sa mga paa ni Ate Ging. Sinipat ko itong mabuti at alam na alam ko kung ano ang gumagalaw na bagay na iyon. Nakita ko na iyong lumikha ng kahindik-hindik na pangyayari kaninang madaling araw. At nasaksihan ko mismo kung papaano niyang sinubukang lapain ang nagtangkang magnakaw sa kanya. Bigla akong naalarma. Hindi ako papayag na pati ang ate ko ay bibiktimahin ng halimaw na iyon. Lumingon-lingon ako para makakita ng maaari kung gamitin na pangprotekta sa ate ko. Nakita ko ang nakasandal na pala sa ding-ding ng bahay namin. Dali-dali ko itong kinuha at pumunta kaagad sa tabi ni Ate Ging.Kinakabahan man ay nilakasan ko na ang loob ko. Bahala na. 

“Ate, ano pala. May tanong sana ako sayo?” 

Biglang sabi ko sabay pasekretong idiniin ang pala sa gumagapang na ugat malapit sa paa ni Ate Ging.

 

“San mo pala nabili ‘tong ‘bloody mandragora?’” 

     Dagdag ko habang pasekreto paring tinignan kung anong nagyari sa ugat ng halimaw na halaman matapos kong idiin ang pala sa ugat nito. Naputol ito at para bang nagdurugo. Ang natitira namang bahagi nito ay hinatak na ng halimaw pabalik sa ilalim ng lupa. 

“Kala mo ha?” 

Gigil na bulong ko sa sarili.

“Ano ba’ng binubulong mo diyan? At kelan ka pa nagkainteres sa pagbili ng halaman?” 

takang tanong ni Ate Ging sa akin.

     Para namang umurong pansamantala ang aking dila. Naghanap ulit ako ng ikakatwiran sa ate ko. 

“Ano ba’ng isasagot ko?” 

Tanong ko sa aking isipan.

“Hoy! Ano ba?” 

Tawag niya sa pansin ko nang matulala na lamang ako.

“Ah, ano ate, yung kaibigan ko sa school. Kahapon kasi bored ako at pinikchuran ko yong ‘bloody mandragora’ mo at pinost sa Fb. Ang unique kasi, eh. Tas yun, nakita ng kaklase ko na mahilig din sa halaman. Kaya nagchat sa’kin para tanongin kung saan daw mabibili tong ‘bloody mandragora.” 

Pag-iimbento ko ng sagot.

Humalinghing si Ate Ging. 

“Sus! Yun lang ba? Edi sa online seller. Nakita ko lang rin yun sa Facebook e. Tas chinek ko at nakita ko kaagad tong kakaibang ganda ng ‘bloody mndragora.’ Kaya yun, di na ‘ko nagpatumpik-tumpik pa. Binili ko na kaagad. Buti nalang may extra ako. Sumakto talaga,” 

     Tila nagmamayabang na sagot niya. Humarap ito at niyakap ang halimaw na tanim. 

“Kaya masasabi kong tinadhana nga kami nitong mahal kong ‘bloody mandragora.’ Hmmm! At ang bangu-bango mo pa!” 

Wika nito na para bang kinikilig sa first date nila nung ex niya.

     Nakita ko na namang gumagapang ang mga ugat ng halimaw na halaman. Sapagkakataong ito ay bahagya na itong nakapulupot sa paa ni Ate Ging ngunit hindi niya ito napansin kasi abala ito sa pagkakakilig niya. 

“Ayaw mo talagang tumigil ha?” 

     

     Panggigigil ko ulit sa utak ko. Diniinan ko ulit ito ng pala upang maputol. Muli na namang dumugo ito at ninatak pabalik sa ilalim ng lupa. 

“Ate, bumalik ka na kaya sa loob ng bahay para matapos mo na mga gawain mo dun? Ako nang bahala dito.” 

Panghihikayat ko.

“Ikaw Tam-tam ha? Bakit ba parang pinagtatabuyan mo ko sa sarili kong garden? Aba? Baka dahil lang sa pinagdilig kita eh aakuin mo na ring garden mo to. Naku! Makakatikim ka talaga sa’kin.” 

Pagbabanta ni Ate Ging.

“Ate, kahit pa ipamana mo sa’kin lahat nang to, hindi ko tatanggapin. Masaya na ko sa buhay ko nu?” 

Inis na sagot ko.

“Hmmmm,...” nakataas ang kilay ni Ate Ging. “Talaga lang ha?” diskompiyadong tanong niya. 

“Oh, sige. Tama ka. May tatapusin pa ako sa loob. Pero Tam-tam, I have my eyes on you, tandaan mo ‘yan.” 

     

      Dagdag niya habang tinuturo mata niya nang kanyang hintuturo at hinlalato at inilipat-lipat ito ng turo sa akin at pabalik naman sa mga mata niya.

“Oo na. Drama mo, te.” 

Sagot ko na bahagya siyang tinutulak papaalis.

     Sa wakas ay pumanhik na nga siya sa aming bahay. Naiwan ako na nakatayo sa tabi ng ‘bloody mandragora.’ Nung maalala ko ‘yun ay bigla akong napaharap sa halimaw na tanim habang hinahawakan ng dalawa kong kamay ang pala. Handa ko na itong ihampas sa kanya ano mang oras na may gawin ito sa akin. Kahit pa ba kinakabahan parin ako at natatakot ay pinilit kong maging matapang. Ako lang ang nakakaalam ng madilim na sikreto ng halamang ito. Tinitigan kong mabuti ito ngunit parang wala naman itong balak gawin. Dahan-dahan akong lumayo na hindi inaalis ang paningin ko sa kanya. Nang masigurado kong wala na nga itong balak na gumawa ng panibagong karahasan ay tinalikuran ko na ito. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ba ramdam ko na nagbabadyang umatake ang mga galamay nito sa akin. Kaya nilingon ko ulit ito ngunit para normal na halaman na lamang ito; hindi gumagalaw at tahimik lamang. Dahil sa hindi na ako mapakali ay binilisan ko na ang pagdidilig upang makaalis na ako sa hardin. 

     Natapos ang araw at gabi na naman ulit. Doon na naman ako biglang kinabahan. Wala nang araw at baka may gawin na naman ang halimaw na ‘bloody mandragora’ na iyon. Nanatili akong alisto. Pagkatapos naming maghapunan ay pasekrito kung isinara at ni-lock ang bawat pinto at bintana sa buo naming bahay. Kailangan ay walang pweding paglusutan ang halimaw na halamang iyon. Kahit ang mga bintana sa silid nina Mama at Papa pati na kay Ate Ging ay isinarado at ni-lock ko na rin. Pagkatapos kung masigurado na naka-lock na lahat nang pweding madaanan papasok sa aming bahay ay pumuwesto na rin ako sa harapan ng aming TV. Kasalukuyang balita ang palabas noong mga oras na iyon.

“Magandang gabi! Isang lalaki ang natagpuang patay sa bakanteng lote malapit sa Brgy. San Andresano,”

“Teka! Sa kabilang baranggay lang ‘yan a?” 

Bulalas ni Papa.

“Hindi na masiyadong makilala ang itsura nito sapagkat tila ba naaagnas na ito at may lumalabas na berding likido sa mga mata, ilong, tainga at bibig nito. Nakakapagtaka din na putol ang kaliwang braso nito. May mga bakas din ng mga kagat sa iba’t-ibang parte ng katawan nito,...”

    Sunod na nag-flash sa screen ang litrato ng bangkay. Lumaki ang mga mata ko at napanganga na rin ako. Hindi ako maaring magkamali. Iyon ang magnanakaw na sumubok nakawin ang ‘bloody mandragora.’ 

“Pero ‘bat ganyan ang nangyari sa kanya?”

“Ngunit ayon sa mga residente ng naturang baranggay ay siya daw si Abner Sulasi, isang talamak na magnanakaw sa kanilang lugar at labas-pasok sa kulungan...”

     Dahil doon ay nakumpirma ko nga na siya ang magnanakaw. Ngunit ang talagang pumukaw sa aking atensiyon ang ang naging kalagayan ng bangkay ng magnanakaw. Kagabi lang nito nakaharap ang ‘bloody mandragora’ at maaaring naubusan ito ng dugo dahil sa naputol nitong braso. Ngunit hindi naman kaagad naaagnas ang bangkay kapag bago pa ito. At bakit may nga berdeng likido na lumalabas sa katawan niya? Nilingon ko si Ate Ging.

 

“Ate?” 

Tawag ko sa kanya. 

“Di ba sabi ko sayo kanina nagtatanong classmate ko kung san mo daw nabili yung ‘bloody mandragora? Pweding pahingi ng link ng online seller mo?” 

Wika ko.

“Sige, ese-send ko sa’yo sa messenger.” 

Sagot niya habang chini-check ang cellphone niya.

“Sige, ate. Papasok na rin ako ng kwarto ko. Doon ko nalang hihintayin yung message mo sa messenger ha?” 

sabi ko sabay tayo. 

“Pa, Ma, una na po ako.” 

Baling ko naman sa mga magulang ko sabay mano. 

“Good night po sa inyo.”

“Kaawan ka ng Diyos.” 

Basbas ni Mama.

“Good night din anak.” 

sagot naman ni Papa.

     Pumanhik na ako ng aking silid. Dumaan muna ako sa aking bintana na nakasarado na simula nang kababalaghang nangyari kagabi. Bahagya kong binuksan ang jalousie para silipin ulit ang ‘bloody mandragora’ sa likuran ng aming bahay. Tila ordinaryong tanim lamang ito. Ngunit hindi na ako noon maloloko. 

“Ano ka ba talaga?” 

     Bulong ko sa sarili. Biglang tumunog ang notification bell ng messenger ko. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko at galing ky Ate Ging ang message na iyon. Lumapit na ako sa kama ko at umupo doon. 

“Aalamin ko ang madilim na sikreto mo.” 

Determinado kong wika.

     Sinimulan kong puntahan ang site na nasa link na isinend ni Ate Ging sa’kin. Tila ordinaryong online shop lng ito. Sunod na hinanap ko ang ‘bloody mandragora’ sa item lists. Nakita ko ito at hinanap ko ang info ng supplier. Napag-alaman kong ang supplier ay tinatawag na Void Arcanum. Nagsearch din ako tungkol sa supplier na iyon at wala masiyadong info online about dun. Pero may isang blog na nakapagsabi na ang Void Arcanum daw ay isang dark web kung saan makakbili ka ng mga matatalinhagang bagay. Meron ding link doon sa blog na nakapagdala sa akin sa mismong site ng Void Arcanum. Para iyong online shop ng mga weird na bagay. Tinignan ko ang items list nila at nakita ko ang ‘bloody mandragora’ doon. Kinlik ko ang picture ng halimaw na halaman upang mkita description nito.

     Ayon sa Void Arcanum, and ‘bloody mandragora’ ay isang carnivorous plant at kinakain nito ang kahit anong buhay. Para daw mapataba ito at mapabilis ang paglaki ay kinakailangang diligan ito ng dugo. Ito din ang dahilan kung bakit pulang-pula ang nag-iisang bulaklak nito at kaya din ganoon ang kanyang pangalan. Ang bulaklak nito ay naglalabas ng nakakahipnotismong halimuyak. Ginagamit ito ng ‘bloody mandragora’ upang humikayat ng mabibiktima. Ang mga ugat naman nito ay humahaba at kayang humatak ng mabibiktima at dalhin sa hinukay nitong lupa at doon ibabaon ito kasama ang kanyang sarili. Sa ilalim ng lupa niya mismo kakaining ang kanyang naging biktima. May dalawa naman itong mga galamay na may mga matatalim na ngipin at nagsisilbing pangunahing mga sandata nito. Naglalabas ang mga ito ng kimekal na nagpapabilis ng pagkabulok ng kalamnan at mga lamang loob.

     Hindi ako makapaniwala sa mga nnabasa ko tungkol sa ‘bloody mandragora.’ Lubhang napakamapanganib pala talaga ng halimaw na halamang iyon. Habang malalim ang aking iniisip ay bigla akong may naamoy na mabangong-mabango. Ang halimuyak na ito ay tila ba dinuduyan ako. Biglang bumigat ang ng aking mga mata. Para bang antok na antok na ako. 

“Ang bulaklak nito ay naglalabas ng nakakahipnotismong halimuyak. Ginagamit ito ng ‘bloody mandragora’ upang humikayat ng mabibiktima.”

     Sa hindi maipaliwanag na dahilan, umaalingawngaw sa aking isipan ang bahagi ng nabasa kong iyon tungkol sa ‘bloody mandragora.’ 

“H’Hindi ito m-maari.”

 

     Sambit ko habang pilit na nilalabanan ang pagka-antok. Kailangan kong gumising kung hindi ay malalagay kaming lahat sa panganib. Kailangan kong makaramdam ng sakit para manatili akong gising. Inuntog ko ang ulo ko sa dingding ng aking kwarto. Napalakas yata ang pag-untog na ginawa ko at parang nahilo ako. Pero nawala naman ang antok na nararanasan ko.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko upang i-check sina Mama, Papa at Ate Ging. Nakabukas parin ang TV ngunit wala na sila doon sa sala. Nakabukas din ang front door namin. Kinabahan ako bigla. 

“Ma! Pa! Ate Ging! Nasaan po kayo?” 

tawag ko sa kanila.

     Bigla nalang narinig kong umuungol si Ate Ging malapit sa front door. Tinignan ko kung nandoon siya at hindi naman ako nabigo. Naroroon nga siya ngunit walang malay at balot ang buong katawan ng mga halamang ugat. Mukha lamang niya ang nakalabas. Tila sinakluban ako ng langit sa aking nasaksihan. Mabilis na hinahatak ng nakapulupot na mga ugat si Ate Ging palabas ng bahay namin.

“Ate!” 

natatarantang sigaw ko. 

“Hoy! Halimaw ka! Ibalik mo ang Ate Ging ko. Pati na sina Mama at Papa ko!” utos ko.

     Ngunit hindi ako pinansin ng ‘bloody mandragora.’ Nilingon lamang nito ako at ngumisi. Hind na rin ito mukhang sanggol. Para bang mas naging matured ang itsura nito. Siguro dahil nakakain ito ng braso ng magnanakaw kagabi. Pero hindi ko na hahayaang lumaki pa ito sa pamamagitan ng pamilya ko. Hindi sila magiging pataba ng halimaw na halamang iyong. Tumakbo ako patungong front door namin. Ngunit huminto muna ako para makapag-isip. Ano ba ang gagawin ko upang mailigtas ko sila laban sa ‘bloody mandragora?’ Binalingan ko ulit ang halimaw na halaman. 

“Bahala na.”

     Punong-puno na ako ng pawis dahil sa kaba at takot. Pero sa pagkakataong iyon ay ako lamang ang maaasahan ng aking pamilya. Nung mahabol ko sa hardin ang ‘bloody mandragora’ ay nakita kong may bago na naman itong hinukay na butas sa lupa. Doon inihulog niya si Ate Ging ko. Sinubukan kong lumapit ngunit inagilan ako nito at itinutok sa akin ang mga galamay nitong may mga pangil. 

“May dalawa naman itong mga galamay na may mga matatalim na ngipin at nagsisilbing pangunahing mga sandata nito. Naglalabas ang mga ito ng kimekal na nagpapabilis ng pagkabulok ng kalamnan at mga lamang loob.” 

     Umalingawngaw na naman ulit ang bahagi ng description na nabas ko sa dark web. Kailangan ko umiwas sa mga galamay na iyon kung hindi ay katapusan ko na at ng pamilya ko. Magiging pataba kami ng ‘bloody mandragora’ at walang sino man ang makakaalam kung anong nangyari sa amin.

     Hinanap kong muli ang pala. Ngunit hindi ko na iyon makita. Sa halip ay nakita ko ang lumang karit ni Papa na ginagamit niya noon na pangputol sa mga damo. Medyo kinakalawang na iyon pero mas mabuti na kaysa sa wala. Hinawakan ko na nang mabuti ang karit at hinarap ang ‘bloody mandragora’ na nakahanda na ring kalabanin ako. Mas nakakasindak na ang mga maiitim at makikintab na mga mata nito. Medyo maliwanag padin ang buwan kaya kitang-kita ko ang buong pagmumukha nito. Kulukulobot parin ang balat nito na kulay abu. Ang mayabong na parang pechay nga mga dahon niya ay pagiwang-giwang sa kanyang ulo pati na rin ang mapulang bulaklak nito.

Tinangka nito akong atakihin ng may pangil na galamay niya pero tinaga ko iyon ng aking karit bilang dipensa. Hindi iyon naputol pero alam kung nasaktan siya dahil umungol ito at biglang hinatak pabalik sa kanya ang kanyang galamay. Sunod naman nitong tinangkang puluputan ako ng kanyang mga humahabang ugat. Sinubukan kong umilag ngunit nahuli nito ang kanan kong paa. Nawalan ako ng balanse at natumba ako sa damuhan. Medyo ininda ko muna ang sakit ng bewang bago makabawi sa pagkakatumba ko. Pero kahit ganoon, hindi ko parin binitiwan ang karit. Sinubukan ko ring hilahin ang kanang paa ko pero masiyadong mahigpit ang pagkakapulopot ng mga ugat nito. Kaya pinagtatataga ko ito ng hawak kong karit. Hindi mabilis maputol ang mga ito dahil sa bukod na matitibay ang mga ito at medyo mapurol din ang karit.

     Magkaganoon man ay napilit ko paring maalis ang mga ugat nito sa paa ko. Agad akong tumayo at pumorma ulit para paghandaan ang muling pag-atake ng ‘bloody mandragora’. Nakatuon ang buong atensiyon ko sa kanya nang bigla kong marinig ungol ni Ate Ging ulit. 

“Ate Ging!” 

Nag-aalalang tawag ko. 

“Ate, ayos ka lang ba diyan?” 

     Tanong ko kahit na hindi ako sigurado kung naririnig niya nga ako. Baka may epekto pa sa kanya ang halimuyak ng bulaklak ng ‘bloody mandragora’. Masama ito. Kailangan ko na silang mailigtas. Tumakbo ako papalapit sa ‘bloody mandragora’ nang nakaamba ang karit sa aking kamay. 

“Yaaaaaaaaahhhhh!” 

     Pinagtatataga ko ito at pinunterya ko mismo ang mga dahon nito. Muntikan ko na ring mahagip ang bulaklak nito. Pero nung mapansin iyon ng ‘bloody mandragora’ ay bigla na lamang nito dinagdagan depensa niya. Saglit itong umurong papalayo sa akin habang umaangil. Medyo nagtaka ako sa bigla nitong ikinilos ngunit tila may napagtanto ako. Mukhang alam ko na kung pano ko magagapi ang halimaw na halamang ito. Pero bago ko isagawa ang naisip kong plano ay susubukan ko munang iniligtas ang pamilya ko.Tumalon ako sa butas na gawa ng ‘bloody mandragora’ upang alisin ang mga nakapulopot na ugat kina Mama, Papa at Ate Ging. 

“Ma, Pa, Ate Ging, gumising kayo.” 

Sabi ko habang inaalog ko silang tatlo.

     Tila naman naalimpungatan sila ang unti-unti nang nagkakamalay.

Nang dumilat sila ay laking pagtataka nila akong tinitigan. 

“Wala na po akong panahon para magpaliwanag. Ang mahalaga ay makaalis tayo dito.” 

     Sabi ko sa kanila habang pinag puputol ang mga ugat gamit ang karit. Una kong tinulungan si Mama. Nang medyo maluwag na ang pagpulupot ng mga ugat sa kanya ay tinulungan ko naman si Papa. Panghuli kong tinulungan si Ate Ging sa pagkalas sa mga ugat. Nang medyo halos matanggal na nila ang mga ugat sa kanilang katawan ay napansin naming parang tinatambakan kami ng lupa. Lumigon ako at nkita ko ang ‘bloody mandragora’ na ibinabalik na nito ang hinukay niyang lupa habang nasa butas pa kami.

Napatili si Ate Ging. 

“A-Ano ‘yan?” 

Nanginginig na tanong niya.

“Ate, ‘yan ang ‘bloody mandragora’ mo.” 

pagtatapat ko.

“Ano?” 

Tinignan niya ako nang nakakunot ang noo. 

“Paano? Eh, halimaw ‘yan.” 

Hindi makapaniwalang dagdag niya.

“Yun na nga ate, eh.” 

Sang-ayon ko. 

“Di ka ba nagtataka kung bakit ‘bloody mandragora’ ang tawag diyan? Nagresearch ako at kaya ganyan pangalan niyan kasi kailangan dugo ang ididilig mo para mas tumaba at lumaki pa, yumabong,” 

     Paliwanag ko. Nakita kong litong-lito parin si ate ganon din sina Mama at Papa. 

“Basta, tulungan niyo nalang akong patayin ‘yang pesteng ‘yan.”

     Muntik na akong mapuwing sa mga lupang ipinangtatabon sa amin ng ‘bloody mandragora’. Bigla namang pumulot ng malaking tipak ng lupa si Papa at ibinato ito sa ‘bloody mandragora’ na sinalag niya naman ng kanyang galamay. Gumaya na rin sina Mama at Ate Ging. Ako naman, sinubukan kong tagain ng karit ang mga paa nito na malapit sa bunganga ng butas. Napaatras ito ng konte. Kailangan ko nang tapusin ito. Lumingon ako kay Papa. 

“Pa, pwedi niyo po ba akong iangat para makaalis ako dito sa butas at Makakuha ng kahit anong maitutulong sa inyo?” 

tanong ko.

“Sige anak. Hali ka dito.” 

Sagot naman ni Papa.

“Ma, Ate, ituloy niyo lang pagdistract sa halimaw na ‘yan para makaakyat ako. Tas ako na po bahala pag nasa taas na ‘ko.” 

Bilin ko naman sa kanila.

     Isinagawa na namin ni Papa ang plano. Matagumpay akong nakaakyat mula sa butas. Sinubukan akong atakihin ng ‘bloody mandragora’ pero nasapol ni ate ang mukha nito ng tipak ng lupa. Dali-dali akong naghanap ng pweding gamitin na pang hatak sa kanila paitaas. Lumingon-lingon ako at nakita ko ang hose. Tumakbo ako at kinuha ito. Sapat ang haba nito upang umabot sa kanila sa butas. Una kong inabutan si Papa. Nung makaakyat na siya ay ibinigay ko sa kanya ang hose para hatakin din sina Mama at Ate Ging. Samantala, umikot naman ako sa butas at hinarap muli ang ‘bloody mandragora’ kasama ng aking karit.

     Pinagtatataga ko ulit ito at sa pagkakataong ito ay pinunterya ko ang bulaklak nito. Ngunit sandyang malakas ang pakiramdam ng ‘bloody mandragora’ dahit sinasalag nito ang bawat pagtaga ko. Nang makaakyat na sina Mama at Ate Ging ay ipinakpatuloy nila ang pagbato ng lupa sa ‘bloody mandragora’. Si Papa naman ay kinuha ang pala upang gawin ding panlaban sa halimaw.

“Pa, i-distract niyo po siya dito sa harap. Tas susubukan kung ikutan siya.” Sabi ko sa kanila.

“Sige anak, kaming bahala dito.” 

Sigaw naman ni Mama.

“Mag-iingat ka Tam-tam.” 

Bilin naman ni Ate Ging.

“Opo!” 

Tipid kong sagot.

     Habang abala ang ‘bloody mandragora’ sa pagsalag sa mga pag-atake ng pamilya ko ay maingat naman akong umikot papunta sa likuran nito. Dahan-dahan akong lumapit habang itinataas ko ang aking karit. Nang itataga ko na ang karit ko sa kanya ay bigla na lamang itong lumingon sa akin. Umangil ito at itinutok sa akin ang mga galamay nitong may mga pangil at naglalabas ng nakakabulok na kimekal. Huli na para umiwas pa ako kaya itinuloy ko nalang ang aking binabalak.

     Pinunterya ko ng mabuti ang bulaklak nito at matagumpay ko naman itong natigpas. Biglang natigilan ang ‘bloody mandragora’at isa-isang nanlambot ang mga ugat at galamay nito. Unti-unti din itong nalanta at namatay. Tama nga ako. Ang bulaklak ang kahinaan nito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na rin nalaman ng pamilya ko ang buong pangyayari. Sabay na namatay ng ‘bloody mandragora’ ako. Nung tinaga ko ang bulaklak nito ay nagawa din nitong ipakagat sa aking dibdib and kanyang may pangil na galamay. Dumiretso sa aking puso ang nakakabulok na kimekal na nilalabas nito. At dahil diretso na sa puro ko ay segundo na lamang ang aking itinagal. Nagtagumpay ako ngunit gayon din ang ‘bloody mandragora’. Simula nung gabing iyon ay nagbago ang lahat sa aking pamilya. Naging lubhang malungkot na malungkot sina Mama at Papa. Si Ate Ging naman ay palaging sinisisi ang sarili at itinigil na rin niya ang pagbili ng mga exotic plants sa online stores.

     Sa kasalukuyan, hindi ko pa rin naman iniiwan ang pamilya ko. Paminsan-minsan, nakakaramdam parin sila ng lamig ng akap ko. Nandito lang ako sa tabi-tabi at nagpaparamdam at patuloy silang pinagmamasdan. Ginawa ko na ring palipasan ng oras ang hardin ni Ate Ging at umuupo parin naman ako sa duyan. Kung minsan kumakaripas ng takbo ang mga kapit bahay kapag napapadaan sila sa amin ay kusang umuugoy ang duyan.

Owl Tribe Creator