undefined

 "AURORA'S NIGHTMARE"
— Hazel_Lily

 


Biyernes,Alas kwatro ng umaga.

 

  

Ginising ako ni mama para makapag almusal. Sabay kaming kumain at pagkatapos ay nagpaalam na sya sa akin na umalis. Papunta sya kila tita ngayon. Sabi nya, isang buwan daw sya doon kasi wala yung yaya ng pinsan ko. Umuwi daw ng province kasi may emergency sa kanila kaya habang di pa bumabalik yung yaya ng pinsan ko, si mama daw muna ang magbabantay. Pagkatapos kong kumain ay inihanda ko na ang mga gamit ko para
pumasok sa paaralan.


 

  

Tapos na akong maligo at nakapag ayos na din ako. Palabas na ako ng bahay ng makita ko na naman yung babae na nakaupo sa may tindahan. Mag i-isang buwan ko na syang nakikitang naka upo lng doon ng alas singko ng umaga. Di ko alam kung may bahay pa ba syang inuuwian sa tagal nyang nakatambay lng doon. Wala ring kumakausap sa kanya. Dinadaanan lng sya ng mga tao at di rin sya napapansin ng mga bumibili. Isinara ko na ang gate ng bahay namin at umalis nako para pumasok sa eskwela.

 


@12:00 noon 

  


Tumunog na ang bell, hudyat ng pagtatapos ng klase namin sa araw na ito.
Buti nga at half-day lang ang pasok namin ngayong araw. Pero kahit maaga kaming pinauwi, tinambakan din kami ng gawain. Napa buntong hininga na lamang ako sa kakaisipkung pano ko matatapos lahat ng iyon gayoong mayroon pang ipinapagawa sa saamin at sa lunes din ito ipapasa kagaya ng mga bagong aralin at projects na ibinigay sa amin kanina lang. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kaya't di ko nalang muna iyon inalala at umuwi nalng ako. Nasa may hallway na ako naglalakad ng magka salubong kami ng kaibigan kong si Irish kaya't sabay nalang din kaming umuwi tutal ay magkalapit lang din naman kami ng bahay.


 


@12:30 p.m

 

  

Nakauwi na ako ng bahay at gayon din ang kaibigan ko. Nakapag bihis nako ng damit at kakatapos ko lng din kumain. Tapos ko na ang gawaing bahay kaya't umakyat na ako sa kwarto ko para masimulan ko na ang mga gawain ko. Habang ginagawa ko ang project ko nakaramdam ako ng antok at di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Alas nuebe y trenta na nang magising
ako. Nakaramdam ako ng pagka uhaw kaya lumabas ako ng kwarto at bumaba para uminom ng tubig. Umupo ako saglit sa upuan at nag cellphone muna. Maya-maya ay bigla kong naisipan na bumili ng piattos kaya kinuha ko ang wallet ko at lumabas ako para bumili. Di ko makita ang tsinelas ko kaya kinuha ko ang cellphone ko para magsilbing ilaw. In-on ko ang cellphone ko. "Alas dyis na pala, ambilis naman ng oras." Sambit ko sa aking sarili.
 

  

  

@Exact 10:00 p.m

 


Nasa labas ako at naglalakad papuntang tindahan dahil bibili ako ng piattos.
Nakakapag taka lamang dahil napaka tahimik ng paligid. Madalas kasi kahit alas dyis na ng gabi ay napaka ingay padin sa labas kaya nakakapagtaka talaga na napaka tahimik dito. wala man lng katao-tao sa daan. Kahit aso at pusa wala rin. Habang naglalakad, may narinig ako na may sumisitsit sa akin mula sa aking likuran. Di ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad. nakaka apat na hakbang pa lamang ako ay may sumisitsit ulit sa akin. kinilabutan ako kaya binilisan ko na lamang ang aking paglalakad. Maya-maya pa ay may biglang humawak ng aking balikat na aking ikinagulat. Akala ko kung sino ng nilalang ang humawak sa balikat ko. Tatakbo na sana ako ngunit Kababata ko lang pala ito, si Irish. Bigla bigla na lng talaga syang sumusulpot sa kung saan. At bigla bigla rin itong nawawala ng wala man lang pasabi kung saan ito pupunta.


Tawang-tawa pa sya sa ginawa nya. Tuwang-tuwa ang gaga. Natawa na lang din ako sa kanya kahit na hihiwalay na ang kaluluwa ko kanina sa katawan ko dahil sa labis na pagkagulat. Pero buti na lang at si irish iyon kundi baka humiwalay na talaga yung kaluluwa ko sa katawan ko. Tutal andito na rin naman sya, nagpasama na lng din ako sa kanya na bumili sa tindahan. buti naman at pumayag sya. Nasa kanto na kami ng emerald st. nang makasalubong namin ang mama nya. Nagalit ito at pinauwi na din siya kaya ako na lamang ang mag isa na uuwi mamaya pagkatapos ko bumili sa tindahan.

 


Nakabili na ako ng piattos at naglalakad na din ako pauwi ng bahay. Habang naglalakad pauwi ay may napansin ako na para bang may sumusunod sa akin.
dahil na rin sa ilaw ng poste na aking dinadaan ay may napansin akong anino at para bang nakasunod nga ito saakin. Lumingon ako para tignan kung sino ito ngunit wala akong nakita na tao o kahit daga man lamang. Kinilabutan ako ngunit di ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sa aking paglalakad. Maya-maya pa ay may napansin na naman ako na may nakasunod na talaga saakin. Bigla kong naalala ang napanood kong horror movie kahapon, kagaya din ito ng nangyayare sa akin ngayon. Nang dahil sa kaba ay napahinto ako sa paglalakad at naaaninag ko din na huminto sa paglalakad yung kanina pa nakasunod sa akin.Lalo akong kinabahan kaya tumakbo ako. Akala ko di nya ako susundan at guni-guni ko lng iyon ngunit nakasunod padin sya sa akin kahit tumatakbo na ako. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa tumakbo na din sya at hinabol na din ako. Ngunit may iba akong nararamdam. Para bang ambigat ng katawan ko na kahit bilisan ko pa ang pagtakbo ko ay nahahabol padin nya ako. sumigaw ako para manghingi ng tulong ngunit para bang walang nakakarinig saakin. Sumigaw padin ako ng malakas, nagbabaka sakaling may makarinig sa akin kahit isa man lng ngunit wala talagang nakakarinig sa saakin hanggang sa nararamdam ko na habang patagal ng patagal na sumisigaw ako para
manghingi ng tulong ay paunti unti rin nawawala ang boses ko.
 

  

  

Tumakbo na lang ako ng tumakbo hanggang sa makakaya ko. Sa sobrang pag iisip ko na makalayo sa kanya di ko namalayan na may malaki palang bato sa dinadaan ko at napatid ko ito dahilan ng pagka dapa ko at nagka sugat ako sa tuhod. Kitang kita ko ang pag agos ng dugo ko mula sa sugatang bahagi. Patuloy ang pagdurugo nito ngunit ininda ko nalng ang sakit basta makalayo lang ako sa kanya. Ngunit hindi pa man ako nakakatayo ay hinawakan na nya ng mahigpit ang buhok ko. Hinila nya ang buhok ko pababa kaya napatingala ako at nasilayan ko ang mukha nya. Nakangiti ito ng malaki at dilat na dilat pa ang mga mata nya habang hawak nya ng mahigpit ang buhok ko.matutulis din ang kanyang mga ngipin at punong puno ng dugo ang kanyang buong mukha. May mga sugat din ito sa mukha at ang iba sa mga ito ay inuuod na at nabubulok na din. May malaking hiwa ito sa kaliwang pisnge at nabubulok na din ito. Nakakatakot syang pagmasdan ngunit sa kabilang banda nakakasuka din. 

  


Hawak hawak nya padin ang buhok ko habang kinakaladkad nya ako papunta sa gitna ng daan. Pinilit kong kumawala ngunit napaka lakas nya. may suot syang mahabang damit kaya sinubukan ko itong abutin. nang maabot ko na ang damit nya ay saglit muna akong nag ipon ng lakas. nung nakapag ipon na ako ng lakas ay hinila ko ng malakas ang damit nya dahilan ng pagka tumba nya. Nabitawan nya ang buhok ko kaya nakakuha ako ng pagkakataon upang makatakas. Di ko na ininda ang sugat sa tuhod ko at tumakbo na ako ng mabilis. Di na rin ako lumingon pa at tumakbo nlng ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa may kanto. Natigilan ako sapagtakbo at gulat na gulat akong makita syang nakatayo doon gayoong naiwan sya kanina dun sa gitna ng daan. Napa atras ako at tumakbo pabalik. May nakita akong eskinita kaya doon na lamang ako dumaan. Di ko inaasahan na wala na palng madadaanan doon dahil di naman ako nakatira dun at di ko din kabisado ang pasikot sikot ng lugar. Naisip ko na bumalik na lamang ulit ako sa dinaan ko kanina ngunit sa aking pag lingon ay nakatayo na siya sa aking harapan. Lumapit sya sa akin at sinakal ako gamit ang isa nyang kamay. sinusubukan kong kumawala ngunit napaka lakas nyang talaga. Ang lakas nya ay hindi pang isang ordinaryong tao lamang marahil sya ay isang multo na hindi matahimik. Sa itsura nya ay kita ko na labis ang ginawa sa kanyang kaharasan. Marahil ay dahil doon kaya hindi pa sya natatahimik. 

  


Maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan ngayon at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin upang maka takas ako at maisalba ko ang aking sarili. Panay ang pag agos ng aking mga luha sa aking mga mata at hindi na din ako makahinga dahil sa pagkakasal nya sa akin kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

 


Laki ng pagkagulat ko noong pag dilat ko sa aking mga mata dahil bumalik ulit ako sa lugar kung saan ako nadapa kanina. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na sya nag iisa. Tatlo na silang nakatayo sa harapan ko ngayon. Ang isa sa dalawa nya pang kasama ay putol ang kanang kamay at marami din itong sugat sa mukha pati na rin sa katawan. ang isa naman ay may gilit ang leeg. Katulad ng dalawa pa marami din itong sugat sa mukha at katawan. Pareho din silang tatlo na punong puno ng dugo ang damit. Ngunit ang mas nakapag pagulat pa sa akin ay magkakapareholamang sila ng itsura. Marahil sila ay triplets. Doon ko napag tanto na hindi pala iisa ang nakita ko kanina. Kundi mag kakapatid lang pala sila. 

  


Dahan-dahan silang lumapit sa akin at sinabing sumama na daw ako sa kanila. Nagsitayuan ang balahibo ko at halos di ko na maigalaw ang mga paa ko. Ngunit pilit ko pading nilabanan ang takot ko kaya kahit na nanginginig ang mgatuhod ko ay pinilit ko padin na makatayo. Nang makatayo na ako ay agad na akong tumakbo. Ng biglang nagbago ang paligid at ngayon ay nasa gitna na kami ng daan. Nagulat ako ng may halong takot ng makita kong marami na akong galos sa aking katawan. At ang mas nakakatakot pa ay hawak-hawak nya ulit ang buhok ko. Pinilit ko ulit na makawala sa kanya hanggang sa may nakita akong paparating na malaking truck at nasagasaan ako. Ramdam ko ang sakit sa buo kong katawan nung pagsalpok sa akin ng malaking truck. Pumailalim ako at nadaan ng malaking gulong ang aking ulo dahilan ng pagkamatay ko. Nagkalat ang utak at dugo ko sa daan dahil bumulwak ito nung nasagasaan yung ulo ko. 

  


Nagising ako mula sa aking pagkakatulog. Akala ko totoo ang lahat ng iyon. Mangiyak ngiyak akong nakangiti dahil sa pagkatuwa na panaginip lang ang
lahat ng iyon. Maya-maya pa ay kumalma na ako. Nakaramdam ako ng pagka uhaw kaya lumabas ako ng kwarto at bumaba ako para uminom ng tubig. Umupo ako saglit sa upuan at nag cellphone muna. Maya-maya ay bigla kong naisipan na bumili ng piattos kaya kinuha ko ang wallet ko at lumabas ako para bumili. Nakakapag taka dahil napaka tahimik ng paligid at walang ka-tao tao. Nagpatuloy lng ako sa paglalakad papuntang tindahan para bumili. Maya maya pa ay may napansin akong may sumusunod sa akin. Lumingon ako para tignan kung sino ngunit wala akong nakita. Napahinto ako at naalala ang nangyare sa panaginip ko. In-on ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Nagulat ako at parehong pareho ito ng nasa panaginip ko. Eksaktong alas dyis na din gabi. Kinakabahan ako at para ba akong binuhusan ng malamig na tubig. May napansin ako sa di kalayuan ng kinatatayuan ko. May nakatayo na babae. Mahaba ang buhok nito at Mukha itong pamilyar. Humangin ng alakas at dahil na din sa ilaw na nasa poste ay naaninag ko ang mukha nya. mas
along bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko na ang babae na iyon ay sya din ang babae na nasa panaginip ko na kumaladkad saakin sa daan. Napatulala na lamang ako ng dahil sa di makapaniwala na nagyayari sa kasalukuyan panaginip ko. Unti unti syang lumapit sa akin habang nakangiti.
Hindi na ako makagalaw at nangangatog na din ang mga tuhod ko. Pumikit nlng ako at inisip na sana panaginip na lamang ulit ito. Ngunit pag dilat ko sa aking mga mata ay nasa gitna na ako ng daan at may malaking truck na na papalapit sa akin. Napatulo nlng ang aking mga luha sa aking mga mata. Pumikit na lamang ulit ako at sa gayoong oras din ay sinalpukan ako ng malaking truck nya syang ikina wakas ng aking buhay.
 

   

Owl Tribe Creator