-ANG LIHIM SA LIKOD NG DILIM-
Nang marating ng Entra'Mate ang sumunod na bayan kinahapunan. Ang Mayabyon. Dito ay panandalian na munang huminto ang grupo upang makapagpalipas na rin ng gabi mula sa mahaba-habang lakarin galing sa nilisang lungsod, ang Kyulbi.
Sa kanilang pagtigil ay minabuti na ng grupo na magtayo na ng kanya-kanyang mga tolda at kampo upang makapagpahinga na rin mula sa mahaba-habang lakarin na kanilang dinanas. At ng lumipas na nga ang buong maghapon at sumapit ang oras na kailangan ng magpahinga mula din sa hapunan at kasiyahan na ginawa at napagsalu-saluhan. Hindi din naman katagalan ay iisa-isa na rin natulog ang bawat isa...
Habang mahimbing ng natutulog ang lahat, kapansin-pansin naman na biglang tumayo si Alphie mula sa pagkakahiga, naging balisa at nagpipigil na maihi, malamig din kasi ang simoy ng hangin kaya naghanap agad ito ng malayo-layong puno na kanyang paglalabasan ng tubig sa katawan, nagmamadali at halos hindi pa nga ito magkanda-ugaga, at ng magawa na nga nito makapaglabas at maginhawaan mula sa kanyang ginawa, at ng magpasiya na ito bumalik sa kanilang tolda, ay may biglang kaluskos itong narinig na pumukaw ng kanyang pansin na nagmumula sa punong kanyang pinanggalingan.
"May tao ba diyan?!"
* pasigaw at may halong takot na pagtatanong nito sa kawalan,
"Kung sino ka man, lumabas ka!"
* dagdag pa nito habang paunti-unting umaatras mula sa kanyang kinatatayuan
Kaba at takot ang biglang bumalot sa katawan ni Alphie, hindi mawari kung ano ang naging dahilan ng kaluskos na kanina lamang niya narinig, matiyagang pinagmamasadan ang puno na sa wari niya'y doon nanggaling ang tunog na nagbibigay panlalamig sa kanya, hindi ito mapakali, hindi alam ang gagawin, sa wari niya'y marahil ay isang tao na mamamatay ang nasa likod ng puno at nagtatago lamang, o isang mabangis na hayop na nag-aabang lamang ng isang pagkakataon upang sumalakay, at habang patuloy si Alphie sa kanyang pag-atras...
Ay bigla naman ito nakasumpong ng isang bato sa kanyang harapan, wala ng
dalawang-isip na dinampot ito at ibinato sa lugar na kanyang kinatatakutan, sa
sobrang tindi ng kanyang kaba ay malamyang pagkakabato pa nga ang kanyang nagawa, hindi man lang umabot sa punong inaasinta, sa halip ay
nagpagulong-gulong lamang ito sa harapan ng pinatatamaan na sinabayan muli ng pagkaluskos na lalong nagbigay sindak sa ngayon ay hindi na makakilos na binata, hanggang sa...
Sa likod ng punong kinatatakutan, habang binabalot ang kapaligiran ng labis na kadiliman. Sapagka't ang buwan ay binabalot ng mga ulap na nagsisilbi nitong harang at maging kuliglig sa kapalagaran ay nagbigay daan para sa biglaang katahimikan. Sa sulok ng katawan ng puno ay may bigla itong namataan na tila kamay na sumulpot at dahan-dahan na lumitaw, maputla, kulubot at may mahahabang kuko ang siyang mamamataan ang nagpakita sa kanyang harapan.
Sa labis na takot ay hindi na nakagalaw pa sa kanyang kinaroroonan si Alphie. Inaabangan ang nilalang na hindi na rin maglalaon ay kanya ng masisilayan. Ang nilalang na nagdudulot ngayon sa kanya ng kilabot. Ang nilalang na sa kanyang pakiwari ay hindi tao o hayop buhat sa kamay na mala impakto ang datingan.
Ilang minuto rin niya ito tinitigan, maya-maya pa'y kumilos na ito sa pamamagitan ng paglitaw nito ng kanyang talampakan. Hindi pangkaraniwan sapagka't mababatid na bagaman itsurang pang tao ang paa ay gaya ng kanyang kamay ay may mahaba rin itong mga kuko at namumutla din ang kulay bagama't madilim na kanyang naaaninag.
Ilang saglit pa'y sa paglabas nito'y, halos lumukso ang puso ni Alphie sa tumambad sa kanyang harapan. Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Isang ngang nilalang na kahindik-hindik ang bumalandra sa kanyang paningin. May mahabang buhok, namumulang mata, ngiting nakakaloko na may matatalim na pangil at mahabang dila. Nakaputi itong damit na gula-gulanit, na mababakasan ng mga dugong natuyo na kalat sa kabuuan nito.
Nangangatal na mga labi, nagngitngit na mga ngipin, nanginginig at nilalamig aa pawis na inilalabas sa sobrang kaba. Pakiramdam na para bang ang buong katawan ay may tanikalang nakabalot at batong nakadagan sa kanyang mga paa at kamay. Hindi makakilos, ni hindi makasigaw. Ninanais na umiyak, ninanais humiyaw, ngunit kahit isang tinig ay hindi makawala sa labis na takot na para bang naharangan ng ano mang bagay ang lalamunan na sa bawat lunok ay tila hindi mawala.
Sa marahan nitong paglapit, pagiwang-giwang na para bang lasing, habang ang hininga nitong maririnig ay mala gasgas na tono na nagnanais kumain, naglalabasang mga dugo aa bibig at mga laway nitong tumutulo at nanlalagkit. Mahahambing sa isang mabangis na hayop na takam na at hayok, gutom sa laman na sa kanyang palagay ay siya na nga ang hapunan.
"Hu~huwag k~ka~kang l~luma~pit!!!"
* pilit nitong pagmamakaawa sa napilit na bulalas na nagawa.
Sinubukan ni Alphie na kumilos, bahagyang umatras, pagapang na dahan-dahan na kanya ng isinunod ng mapansing nagawa na niyang mapakilos ang katawan. Hinahapo sa labis at bilis ng kabog na nararamdaman. Iniligid sa paligid ang kanyang paningin, humahagilap ng maaari sa kanyang makarinig at makapansin. Nagbabakasakali na rin na may madadampot na maaari ding gamitin. Subalit ang lahat ay bale wala, wala sa paligid ang anumang nakita. Hanggang sa...
Sa muli niyang pagsulyap sa pilit na tinatakasang nilalang na hindi niya mahagilap sa isip na kung ano nga ba talaga ang na sa harapan. Sa pagbalik ng kanyang paningin, ay bigla naman itong naglaho ng hindi niya man lang namalayan. Ni ano mang bakas ay wala na siyang nasisilayan. Tanging hangin na umiihip na lamang ang maririnig na sumisipol sa tainga na labis na ring nanlalamig.
Bagama't bahagyang napanatag. Sa kanyang pagtayo ay pagtataka ang pumalit sa dibdib na kumakabog sa kaba. Na ng muling hagilapin kung nasaan na nga ba ang nilalang na nagdulot ng matinding takot sa kanya. At ng sa tingin niya ay para bang namalikmata lamang siya. Sa kanyang pagtalikod upang bumalik na sa tolda kung nasaan ang kanyang mga kasama. Ay biglang...
"WAAAAAAH!!!"
* sigaw nito ng biglang bumalandra harap-harapan at malapitan sa kanya, ang mukha ng isang nilalang na nanlalaki ang pulang mga mata habang nakabuka ang mga ngipin at pangil nito na nakaamba ng kumain ng isang pagkain ng isang lamunan. Ay doon na si Alphie...
"HOY!!! GISING!!! BINABANGUNGOT KA!!!"
"HAAAAH!!!"
* malakas na pagsigaw nito ng bumangon, noong marinig ang tinig ni Ahmado at maramdamang inaalog siya nito.
"Ayos ka lang?"
* pagtataka ni Ahmado sa kaibigang napaihi na sa hinihigaan
"Hindi ka maniniwala sa aking napanaginipan..."
* humahangos na sinabi naman nito sa kaibigan
"Huwag mo ng ikuwento, labhan mo na lang iyang inihian mo..."
* malamig na tugon naman ni Ahmado na iniwan din naman agad ang kaibigan
"Huh?"
* pagtataka naman ni Alphie sa itinuro ni Ahmado, na ng kanyang sinilip, ay mapait na ngiti na lamang at pagkakamot sa ulo ang naging sagot nito.
"He he..."