undefined

Resort

Napapunas ng pawis si Bernadet, sa init ng kalan na nasa harapan ay pakiramdam niya lahat ng parte ng katawan niya ay basa. Pinunasan niya ang mukha ng bimpo at sunod ang kanyang leeg. Ito lang ang oras na maipag luluto niya ang anak. Isang linggo ang leave sa trabaho ni Bernadet para makasama ang anak, sila ay pumunta sa isang resort-alam niya kasing dati pa hinihiling ng kanyang anak na pumunta sila rito. Katorse lang ng manganak si Bernadet at akala niya ay kagaya lang sa mga telebisyon ang pag aasawa, kaunting hirap at darating ang ginhawa, pero iba ang nangyari sa kanila. Napatay ang asawa ni Bernadet, ilang buwan lang ng manganak siya at dahil tutol ang mga magulang sa mga disesyon, binuhay niya ng mag isa ang anak. Ngayun ay isa ng waitress sa isang malaking restaurant si Bernadet at sa edad na 23, kumikita siya Ng malaki, sobra sa Kailangan lang nilang mag Ina.

Nang makita na kumukulo na ang nilulutong tinolang manok, agad niyang pinatay ang apoy at sumalok gamit ang isang kutsara. Tulad ng dati ay tama lang ang kanyang pag kakatimpla sa ulam. Habang ninanam ang sabaw, napatingin siya sa salamin sa kanyang kanan at napangiti nang makita ang anak. Agad siyang lumingon para batiin ang anak pero nag laho itong parang bula. Para bang wala talaga ang bata sa lugar na nakita niya ito.

"Leah,"

Malambing na tawag ni Bernadet sa anak. Pilit niyang itinataboy ang nabubuong tao sa loob. Sanay na siyang makakita ng mga ganung bagay, kadalasan ay nung gumagamit pa siya ng ipinag babawal na gamot pero ang mga nakikita niya matapos niyang tumigil sa paggamit ay iniisip niya bilang isang guni guni. Madalas lang nahahagip ng mga mata niya ang mga sinasabing guni guni, hindi tulad ng nangyari ngayun. 

"Leah, nasaan ka?"

Sa pag kakataong iyon ay malakas na ang boses ni Bernadet, wala na ang lambing na kanina ay naririto. Iniwan niya ang nilutong ulam at lumabas ng kwarto- sa resort na kanilang pinuntahan, ang mga cottage ay parang isang buong bahay, may lugar kung saan ka pwedeng mag luto at may kwartong lutuan - at nag tungo sa pintuan, sa labas ay nakita niya ang anak na nag tatampisaw sa gilid ng dagat. Minsan ay umiikot ito sa mga puno ng niyog malapit sa kanilang cottage. Nawala ang takot sa loob ni Bernadet, naisip niyang dahil lang sa pagod kaya niya nakita ang kanina. Babalik na siya ng may mahagip ang mga mata niya. Sa likuran ng anak niya ay para bang may Kung anong puting usok, sumusunod ito sa kanyang anak, at sa pag tigil nito, sigurado si Bernadet na may ulo ang usok, at iyon ay lumingon sa kanya.

****

Alam niyang hindi maniniwala ang nobyo perod dahil sa Tama ng alak sa kanya, ipinilit niya parin ang ikwento ang mga nakita niya kanina. Napangiti nalang ang nobyo niya na para bang tinatanggap nalang nito ang kwento- kagaya sa magulang kapag nag ke kwento ang mga anak nila kung bakit gusto ng mga ito na maging isang super hero.

"Maniwala ka sakin Jeffrey, nakita ng dalawang mata ko kung paano lumingon yung usok."

"Oo Mahal, naniniwala ako."

Mag sasalita pa sana si Bernadet ng maramdaman niya ang mga pulutang kinain na papataas na sa kanyang lalamunan. Napatakbo siya papunta sa CR at iniwan ang nobyo sa mesa. Nang makarating ay agad niyang isinuka ang lahat, pakiramdam niya ay hindi lang pulutan ang naisuka niya at pati narin ang hapunan na kinain. Nag hihilamos si Bernadet-baka sakaling mabawasan ang pag kahilo- nang marinig niya ang boses ng nobyo. Nang itaas niya ang ulo ay nakita sa salamin na nakatayo ito sa labas ng pintuan pero dahil sa ang labas ng CR ay madilim, tanging ang katawan ng lang nobyo ang nakita Ni Bernadet, hindi ang mukha nito.

"Bilisan muna diyan."

"Oo na mauna kana."

Sagot ni Bernadet at muling nag hilamos. Pag angat ng ulo niya ay wala na ang nobyo. Alam niyang palabiro ang nobyo kaya't mabilis siyang lumabas at bumalik sa mesa, at nandun ang kanyang nobyo, umiinom mag sa ng kanilang binili na isang mamahaling Wine.

"Hoy Jeffrey, sinundan mo ba ako?"

Nakita ni Bernadet ang pag tataka sa mukha ng kanyang nobyo na para bang hindi nito alam ang kanyang sinasabi,pero alam niya rin na isang magaling na sinungaling ang nobyo, kaya't nakaramdam siya ng galit dahil sa pag sisinungaling nito.

"Gago sinungaling ka talaga."

At matapos iyon ay muli niyang iniwan ang nobyo. Dahil sa nararamdamang antok, pumunta siya isa sa mga kwarto ng cottage-dahil sa malaki ang kinuha, may sobrang Limang kwarto ang kanilang cottage- at humiga ng sa kama niyon. Hindi niya alam kung gaano siya kabilis nakatulog pero nagising siya sa bilis ng tibok ng kanyang dibdib. Sinubukan niyang igalaw ng kanang kamay para hawakan ang dibdib pero para bang wala siyang kontrol dito. Ilang saglit lang ay naisip niya na ang buong katawan ay paralisado. Ang tibok ng puso niya ay pabilis ng pabilis at para bang sa bawat pag bilis nito ay may kung ano kung sa ibabaw niya na pabigat Rin Ng pabigat. Para bang may nakaupo dito.

Tanging ang mga mata lang ang kaya niya maigalaw at nang tumingin siya kanyang kanan, nakita niya ang isang batang babae. Ito ay nakasuot ng damit na kagaya sa kanyang anak. Ito ay nakatalikod sa kanya kaya't hindi niya masabi kung ito ba ay ang anak niya. Sinubukan niyang igalaw ang bibig para tawagin ang anak pero kahit iyon ay hindi niya magawa. Itinigil niya ang ginagawa nang makita na gumalaw ang batang babae, ito ay nag lakad at tumagos sa dingding. Nang bumaling siya sa kanyang kaliwa ay nakita niya ang mukha ng nobyo, puno iyon ng pag aalala at sa likuran niya ay dalawang gwardya at ang mga flashlight na dala nito ay nakatutok sa mukha niya.

****

Kinaumagahan ay nalinawan si Bernadet sa mga nangyari. Nalaman niya rito na pag katapos niyang umalis ay uminom pa ng dalawang baso ang nobyo at saka sumundo sa kwarto para matulog pero pag dating niya doon ay hindi niya nakita si Bernadet. Sinilip niya ang lahat ng kwarto sa cottage- kasama ang kwarto ng kanyang anak- at nang hindi makita sa mga iyon ay tumawag na siya ng mga guwardiya para i report ang mga nangyari. Nilibot nila ang buong resort at inabot na sila ng isang oras pero hindi parin siya nakikita. Pabalik sa cottage ang nobyo ni Bernadet kasama ang dalawang gwardya ng makita nila ang isang tao na pumasok sa pintuan. Doon ay naalala ng nobyo niya si Leah, ang anak niya- nang marinig niya ang parteng ito ay nagalit siya dahil sa iniwan lang basta ang pinaka mamahal na anak- at agad na tumakbo papasok ng cottage. Nakita ng nobyo niya na pumasok ang tao sa kwarto kung saan siya nakita. Hindi daw alam ng nobyo niya kung saan napunta ang taong sinundan dahil pag dating niya sa kwarto ay tanging si Bernadet lang ang nakita nito.

Sa araw ding iyon ay umalis na si Bernadet kasama ang kanyang nobyo at kanyang anak. Dala nila ang isang kwento, maaring totoo o maari ding hindi. Sa cottage raw na inupahan nila ay marami na talagang nangyayari na hindi maipaliwanag. Isa na rito ang kwento ng isang trabahador ng resort. Isang tawag daw ang natanggap ng front desk, ang tumawag ay ang mga umupa raw sa cottage, ito ay ang parehong cottage inupahan nila Bernadet. Dala ang mga pinabili, pumunta ang trabahador pero matapos niya lang kumatok ng maalala na walang umupa sa cottage naiyon; ilang saglit lang ay biglang pinagbuksan ng pinto ang trabahador.

Owl Tribe Creator