Unang Sulat: 

Agosto 22, 2020

Alas diyes y media

ng gabi.

Giliw Camellia Lavender,

      Malayo palang tanaw ko na mga ngiti mo na binabahagi mo sa iba. Lalo na ng lumapit ka. Puso ko'y hindi mapalagay lalo na at unti-unting pag lapit mo sa akin. Pilit kinakalma ang puso ko, sa tuwing ikaw ay nariyan. Dahil gusto ka nalang pagmasdan.

      Kapag naririnig ang tinig mong masamyo, ako'y napapangiti. Aaminin kong ako'y may pagkapilyo ngunit huwag sanang ito ang maging batayan mo. Mga kislap ng liwanag sa karagatan ay nag liliwanag kapag ikaw'y bumaling sa'kin. O ano itong ginagawa mo giliw? Puso'y nanahimik ngunit isang tingin, isang ngiti ako'y nawawala na sa sarili.

      Sabi nila huwag daw ikaw at huwag ko ng subukan dahil baka masaktan ka lamang. Kahit hindi naman nila sabihin ay wala akong balak gawin. Mas nanaisin ko pang ikubli itong nararamdam ko huwag lamang mabahiran ating samahan. 

      Alam kong hindi rin ako karapat dapat sa dalisay mong katauhan. Mapapalagay nalang sa bawat hampas ng iyong kamay sa aking balikat sa tuwing ikaw'y natutuwa kapag nakikipag biruan. Pasulyap sulyap sa bawat sandali. Kaibigan, iyan man ang aking lagay sa buhay mo ay ayos lang naman. Basta malapit ako sa'yo, kontento na ako.

     Bawat araw na ikaw ay kasama ay ang araw na tila aking kayaman, nais kong pahalagahan. Tila mamahaling krystal na aking nais pakaingatan.

     Bukas ulit sa pagdaop ng ating paningin. Ako'y makakatulog na ng mahihimbing at may ngiti sa aking labi.

Lihim na umiibig sa'yo giliw,

Ayarij Timotheo

Madrid


•••


-MegumiJ29❣️



Trip ko talaga yata ang mag pov ng lalaki. Baka lalaki yata talaga ako. Haha charot! Inspired lang ito sa isang character na anime. Kahit hindi naman talaga ganito. Ewan ko ba sa isip ko kung saan-saan nakakarating 😁

MegumiJ29 Creator

2020 ko pa ito naisulat/nai-type. Di ko pa na-edit. At wala akong outline pero may mga naiisip na akong Idea. Try ko'to ng walang outline. Sana magustuhan ninyo. ☺️