Ikatlong sulat:

Agosto 24, 2020
Alas onse ng gabi

Giliw Camellia Lavender,

       Maaga akong gumising para mag lakad-lakad sa tabi ng dalampasigan. Ika-lawang araw natin dito sa lugar ninyo ng magulang mo. Mabait sila at masayahin katulad mo. Kahit magugulo kaming kasama masaya sila para sa'min. Nakilala ko na din sa wakas ang mga magulang mo. Hindi nga lang sa paraan na iniisip ko. Iniisip ko lang na ako 'yung lalaking ipapakilala mo bilang iyong sinta.

     While I'm walking I keep admiring the beautiful scenery. The cold breeze passing by the birds flying and singing. It's a nice sound to start the morning. Ang hampas ng alon sa tabing dalampasigan na gumising sa bawat bato na tinatangay ng alon. 

     Umupo ako sa malaking bato para mag nilay nilay sa puso kong patuloy na umaasa at nagkukubli. Habang dinadama ang bawat haplos ng hangin sa aking katawan. Nakatanaw ako sa malayong dako. Ang mga bundok sa kabilang ibayo. Ganoon ba tayo kalayo? 

     "Magandang umaga." Agad akong napabaling ng marinig ko ang masamyo mong tinig. Nawala agad sa wisyo ang sistema ko pilit kong inayos ang sarili para hindi ako mag mukhang timang sa harap mo. Pwede na yata akong mag artista dahil sa galing kong mag-tago.

     "Magandang umaga din" sabi ko sa'yo ng may bahagyang ngiti. Kahit na ang gusto kong sabihin ay marilag ka pa sa umaga aking giliw.

    Bakit ganoon parang kang nagniningning sa paningin ko lalo na ng isinasayaw ng hangin ang buhok mo at hahawiin mo at ilalagay mo sa kanang balikat mo.  Bawat kilos mo ay nahuhumaling ako. Kahit yata madapa ka ay makukuha mo parin ang atensyon ko. 

     "Ang ganda ng umaga 'no? Gustong gusto ko ang umaga. Para kasing sinasabi na bagong simula." Nakatingin ka sa kabilang dako at ang ngiti mo ay pagkatamis na gumigising sa natutulog kong damdamin.

Hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala ako habang naka tingin din ako sa'yo.

    Sabi nila may mga bagay na hanggang tingin nalang talaga at hindi mapapa sa'yo. Katulad ng araw at lalo naman ang katulad mo. Hindi pwedeng mapa sa akin. Bakit hindi nalang ako iyong piliin na makapiling?

     Tulad ng karagatan, hampas sa bato nalang talaga ang kaya kong gawin.

Nagmamahal sa'yo
ng labis kahit patago,

                                                                                                                                Ayarij Timotheo Madrid

 


•••

                                                                        —MegumiJ29💙

MegumiJ29 Creator

"Ang ganda ng umaga 'no? Gustong gusto ko ang umaga. Para kasing sinasabi na bagong simula." Nakatingin ka sa kabilang dako at ang ngiti mo ay pagkatamis na gumigising sa natutulog kong damdamin.