Ika-apat na sulat:
Agosto 25, 2020
Alas dose y media
ng hating gabi.
Giliw Camellia Lavender,
Naglaro tayong magkakaibigan ng wacky volleyball. Kagrupo mo sina France at Maroon. Samantala kami nina Pearl at Zoren ang magkagrupo. Kumikinang ang saya sa'yong mukha. Kaya't hindi ko namalayan ang papalapit na bola sa aking at tinamaan ako ng bola. Dahil hindi ko maalis sa'yo ang paningin. Malala na ang pagkakahulog kong ito sa'yo. Bumabagal ang bawat kilos mo sa paningin ko. Tanging ikaw nalang nakikita ko sa paligid.
Napahiga ako sa buhanginan at naglapitan kayo sa akin. Dumungaw ka at yumuko para tignan kung ayos lang ba ako. Sa tingin ko wala na sa tamang linya ang bawat turnilyo sa utak ko. Nakalas na, kaya napatitig nalang ako sa'yong kagandahan at kumurba ang malawak na ngiti sa akin. Diyosa ba itong kaharap o diwata?
Nangunot ang noo mo ng makita mo ang malawak kong ngiti. Akala mo ay nagbibiro na naman ako. Naramdaman ko nalang ang pagkirot ng ulo ko hanggang sa nawalan na ako ng malay. Bago ako tuluyan mawalan ng ulirat narinig ko pa ang pagkainis mo at ilang beses kong naramdaman ang pag yugyog mo sa balikat ko ngunit hindi ko na kinaya at nawalan na ako ng malay tao.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa akin. Basta ng ako'y nagmulat ang maamo mong mukha ang bumungad sa akin na agad nagguhit muli ng ngiti sa aking mga labi.
Kaya napagmasdan kita ng matagal habang ikaw ay nahihimbing sa gilid ng kama.
Ayoko na sanang matapos ang sandali na ito pero may hangganan talaga at kinailangan mo ng bumalik sa iyong silid. Nadala ka lang ng masyadong pag aalala.
Heto ako at hindi na naman makatulog sa kaiisip ko sa'yo.
Masaya kahit
hindi pa rin pinipili,
Ayarij Timotheo
Madrid
•••
—MegumiJ29❣️
Heto ako at hindi na naman makatulog sa kaiisip ko sa'yo.