Ika-limang sulat:

August 26, 2020

Ala una diyes ng umaga

Giliw Camellia Lavender,

     Ang oras ay kay tulin lalo na kapag masaya. Mga nangyari ay mabilis na naging kwento nalang at maglalaon ito'y nasa ating alaala nalang na nakaukit. Kakaharapin na ang totoong mundo. Ang mundo kung saan malayo tayo sa isa't isa. Ilang hakbang patungo kung saan ang kinaroroonan mo. 

    Ang mundo na kung saan pinapakita sa akin kung gaano kalayo ang ating pagitan. Na kailanman tulad sa tubig at langis, magkalapit ngunit hindi maaring mag sama. 

    Balita ko'y ikaw ay mag babakasyon ng ilang araw sa ibang lugar. Sana'y maging masaya ka kahit nasaan ka man. 

    Kailan ko kaya makikita muli ang ngiti mo na hindi pumapalya sa pag kuha ng atensyon ko? Ang mga mata mo na nag papaamo ng leon sa loob ko? Hindi ako santo pero pag dating sa'yo gusto kong magbago.

     Sana manabik ka din sa akin tulad ng pagka sabik ko sa'yo at pag asam na tulad ng pag asam ko sayo na mapansin mo din itong lihim kong pagtingin.

   Hindi na naman ako makatulog nito at iniisip na naman ang masasayang sandali na ikaw ay malapit sa akin.

Maamong leon

pagdating sa'yo,

Ayarij Timotheo

Madrid

•••

-MegumiJ29❣️


MegumiJ29 Creator

Korni ko 🙄😂