undefined

THE FINAL CHAPTER

Limang Taon...

Limang taon na ang nakakalipas. Mula ng mangyari ang aksidente kay Zach.

Graduate na si Zachary Hernandez sa kursong Nursing.

Ngayon... Nasa Hospital siya para icelebrate ang kaarawan ni Miracle Adreah Gracia...

Oo... Sini-celebrate niya ang birthday ni Miracle. Ginagawa niya noon ang mga ginagawa ni Miracle... Nagbibigay siya ng regalo sa mga batang pasyente.
Kumukuha din siya ng mga litrato at inilalagay sa Diary niya... (Otor: Yieeeh may Diary na din siya hahaha!)

Maraming natutunan si Zach, magpahalaga sa buhay. Mahalin ang kapwa. At maging masaya kahit puro problema.

Nakita niya ang isang pamilyar na mukha...

"Ate Jean?!"

"Oh?! Nandito ka na naman Zach?"

"Yes ate este Doctor Mira Jean."
Sa pedia na-aasign si Ate Jean.

"Mukhang masosopresa ka ngayon..."

"Bakit Doc? May regalo ka ba sa akin?"

"Tingnan mo na lang mamaya hahaha! I think higit pa doon" nagwink pa ito at pumasok na ward.

Bitbit ang isang malaking Box kung saan nakalagay ang mga regalo niya sa mga bata, masayang pumasok si Zach sa loob...

At laking gulat niya ng makita si...

"MIRACLE?"

Malapad ang ngiti nito kay Zach...

"Totoo ba ito?" ibinaba niya ang box na bitbit niya at aksidenteng nahulog niya ang isang notebook sa gilid ng isang mesa...

Saktong pupulutin niya ito ng mapansin ang pahina kung saan ito nakabukas, lumang notebook na ito at pamilyar dito.

The Bakit List
1. Masaya mabuhay dahil sa pamilya.
2. Masaya mabuhay dahil sa mga kaibigan.
3. Pag-ibig.

Pag-angat niya ng ulo saktong nasa harap niya si Miracle...

Maganda at Magaling na Miracle.

"Hi!" bati ng dalaga.

Agad na niyakap ni Zach si Miracle... Di makapaniwala sa nakikita niya.

"Akala ko wala ka na?!" tuluyang bumuhos ang luha ni Zach.. Mga luhang nagsasabi ng pangungulila.

"Magaling na ko... Hahaha di ka ba masaya?"

"Masaya! Di lang ako makapaniwala..." mahigpit na yakap ang ginawa ni Zach.

"Oyy! Tama na nga yan... Naghihintay na yung mga bata sa regalo nila ohh.." sabi ng ate ni Mira.

Natawa ang dalawa bago maghiwalay sa pagkakayakap.

Masayang nagpagmigay ng mga regalo sina Miracle at Zach...

Ng matapos sila... Hatak hatak ni Zach si Miracle paakyat sa Rooftop. Kung saan madalas silang tumambay.

"Kamusta? Anong nagyari sayo sa nakalipas na limang taon? Magkwento ka naman! Paanong nangyaring..."

"Shhhhh... Okay na. Ikukwento ko na. Hahaha! Excited ka masyado eh."

Yakap muli ang ginawa ni Zach.

"I really, really missed you..."

"I missed you too..."

"So ano na?"

"Where do I begin? Hmmmmmmm... Basta the day you wake up, is also the day i left in the hospital... My parents decided to sent me in US for my treatment... Sinunod nila ang payo ni Doc Seb. Cell Transplantation. And doon sa states, doon na ko nagpagaling at nag-aral."

"Hayy! Alam mo bang halos mamatay na ko kakaisip sayo. Akala ko kinuha ka na ni Lord."

"Actually kasama ko siya... All the time... In my treatment, in my battle in cancer."

"Thank God at binalik ka niya sa akin..."

"And thank God I am fully recovered..hhhhhhmmmmm."

They Kissed....
Nagulat si Miracle. Tulala.

"Thank God at hindi ka niya pinabayaan..." *tsup...

"Thank God at buhay ka..." *tsup.

"Thank God at kasama na kita ngayon..." agad napigilan ng kamay ni Miracle ang papalapit na labi ni Zach.

"Nakakarami ka na! Grabing pagpapasalamat mo kay Lord ahh." inis nitong sabi pero halata ang kilig nito... Namumula kasi ang mukha nito.

Yakap pa din ni Zach si Miracle. Napakalapad ng ngiti nito... Daig pa ang nakakuha ng PINAKA MAGANDANG REGALO.

"What now?"

"Anong 'What now' ka diyan... Ibalik mo na kaya yung mga Diary ko.. Pati camera ko pinag-interesan mo ahh."

"Hahahaha!"

"Anong tinatawa tawa mo diyan? Ibalik mo yun. Wag mong sabihing binasa mo lahat yun ahh."

"Hahaha!" natawa lang ulit si Zach. Naalala niya lahat ng mga isinulat ni Miracle sa Diary nito.

"Ano na?! Na saan na?"

"Yung isa... Hawak ko." sabi nito habang inangat ang isang kamay at pinakita.

"Ito yung Diary pinagsulatan mo ng 'The BAKIT List'... Hindi ko pa toh nababasa, pero lahat ng binigay ng ate mo nabasa ko na."
Nanlaki ang mata ni Miracle.

"Akin na yan!" pilit na inaabot niya yung notebook pero mas tinaasan pa ni Zach para asarin si Miracle.

"Ayoko nga hahaha!"

"Akin na Please..." dinadaan sa pacharming ni Miracle si Zach.

"Kiss muna..." nakangusong sabi pa nito.

"Ayaw. Akin na." patalon talon na si Miracle pero di niya pa din maabot. Matangkad kasi si Zach.

"Miracle..." nahinto si Miracle ng sumeryoso ang mukha ni Zach...

"Will you marry me?"

"Ha?"

"I said... Will you marry me?"

"Ha?"

"Oo lang ang sagot Miracle bat ka 'Ha' ng 'Ha'?"

"Ang galing... Wala pala akong choice kundi 'OO' lang... Tinanong mo pa ko"

"Hahaha ang cute mo... Ano? Papakasal ka ba sa akin?"

"Para namang may ibang choice ako diba?"

"Hahaha!"

"Kakakita lang natin kasal agad. Tsss... Di mo pa nga ko nililigawan eh."

"Kasal na muna, tapos liligawan kita araw araw. Kahit habang buhay pa."

"Yan! Unang pangako na ba yan? Tara pakuin na natin Hahaha!"

"Seryoso ako Miracle."

"Oo... Sige na! I'll marry you." sabay hablot ni Miracle sa Notebook niya... At tiningnan ang huling pahina.

The Bakit List
1. Masaya mabuhay dahil sa pamilya.
2. Masaya mabuhay dahil sa mga kaibigan.
3. Pag-ibig.

Nagtaka siya...

"Sinulat mo yung pangatlo?" sa pagkakaalala kasi nito hanggang dalawa lang ang naisulat niya noon.

Umiling iling lang si Zach bilang sagot.

"Alam mo... Mas prefer kong dahilan yang pangatlo..."

Napatitig si Miracle kay Zach.

"Dahil yan ang pinaka rason kung bakit hanggang ngayon buhay pa ako at ikaw.... Dahil MAHAL niya tayo." sabay silang napatingala sa taas at nagpasalamat sa Diyos.

The End.

Lapis Creator

FINAL CHAPTER