undefined

"Good Morning Sis! Kamusta tulog mo?"

Si ate Jean... May kasama siya... Mukhang bagong Nurse dito sa Hospital, ngayon ko lang kase siya nakita...

"Gandang Buhay Nurse Jean!" abala si ate sa pag-aayos ng kwarto, ganun din ang isang nurse...

"Sino siya ate...? "

"Ayy Oo nga pala si Nurse RJ, intern namin yan dito."

"Hi Nurse RJ..." ngumiti lang ito sa bilang pagbati sa akin.

"Ang seryoso naman ni Nurse RJ... Hahaha ! wag kang mag-alala mabait itong si Mira. Miracle siya pala ang bagong Nurse na nakatoka sayo sa umaga at hapon...."

"Huh? Hindi na kita nurse ate?"

"Nurse mo pa din ako... Night shift lang ako Sis. For the mean time, Si Nurse Rj muna ang makakasama mo sa umaga at hapon. Tsaka nagtext pala si Mama, baka sa 20 na daw sila ulit makadalaw... Alam mo naman na walang ibang nag-aasikaso ng business natin sa labas..."

"Okay lang ate. Paalala mo na lang kila Mama yung mga gifts ahh..."

"O sya, maiwan na muna kita. Nurse Rj, ito yung details sa case ni Miracle. Please take good care." hinalikan ako ni ate sa noo saka inabot ang isang folder kay Nurse Rj.

"Yes Ma'am."

"Nurse Jean na lang... " nakangiting sabi pa ni ate bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Si Nurse Rj naman abala sa pagtingin ng mga aparato sa gilid ko...

"Nurse Rj... Ano pong buong pangalan mo? "

"Rico Jake Alcantara..."

"Hmmmmm.... Crush mo po so ate? " agad naman namula ang mukha niya at napaubo-ubo pa.

Hahaha! Huli!

"Paano mo naman nasabi? "

"Yung titig niyo po kasi kay ate iba. Hahaha! wag po kayo mag-alala secret po natin yan hahaha."

Namula lang siya...

"Ehem... Miracle, baba lang ako ahh, kukunin ko lang yung breakfast mo."

"Okay po Nurse Rj. Tsaka Mira na lang po."

"Sige Mira... Wag kang lalabas ahh. Balita ko kase mahilig ka daw tumakas at pumuntang rooftop."

Nginitian ko lang si Nurse Rj...
Tumango na lang din ako bilang pagsang-ayon na di ako lalabas.

Lumabas na siya ng room ko...

Kinuha ko naman ang Notebook ko at nagsimulang magsulat ulit...

Dear Diary,

May bago na naman akong kaibigan... Si Nurse Rj... Rico Jake Alcantara... Bagong nurse ko... Hmmmmmmm....

Nagpunta ako sa huling pahina ng notebook ko...

The Bakit List
1. Masaya mabuhay dahil sa pamilya.
2. Masaya mabuhay dahil sa mga kaibigan.

Ayan! Nadagdagan na ulit.
Masaya naman talaga ang maraming kaibigan. Naalala ko tuloy si Zach... Andyan kaya siya?

Hmmmmmmm.....

Lumabas ako ng kwarto ko... Hindi naman ako pupuntang rooftop... Sisilipin ko lang si Zach sa kabila...

"Miracle? Sinong sinisilip mo diyan? "

Si Doctor Nathan Dela Vega... Bagong Doctor dito, ngayong taon lang siya actually... Di katulad ni Doc Seb. Di ko na maalala kung kailan pa si Doc Seb dito basta nauna siya kesa kay Doc Nathan.

"Ahh.... Wala naman Doc hehehe..."

"Kaibigan mo ba yung bagong patient diyan?"

"Hindi po... Yung bantay po yung kaibigan ko diyan Doc."

"Ahh okay... Bumalik ka na sa room mo... Wala pa yung bantay diyan, kakagaling ko lang diyan." Then he smile... Killer smile.

"Doc... Pwede wag kang ngumiti... Nagkakasala ako kay Doc Seb eh." sabi ko habang siya naman inaalalayan ako pabalik sa kwarto ko.

"Aba.... Masama na pala ngumiti ngayon hahaha."

"Susumbong kita Doc kay Doc Razzel, inaakit mo ko hahahaha!"

"Naku ikaw talagang bata ka..." Si Doc Razzel naman naka-assign sa pedia ward.... Nakilala ko siya dahil tuwing birthday ko nakakasama namin siya.

"Salamat Doc..." nakabalik na ko sa kama ko... Sakto naman sa pagbalik ni Nurse Rj...

"Doc... May nangyari po ba?"
Nag-aalalang tanong ni Nurse Rj.

"Wala naman... Ito kasing pasyente mo naglalakwatsa."

"Hala Doc! Di naman ahh... Sa kabilang kwarto lang ako sumilip eh... "

"Miracle naman... Kakasabi ko lang sayo kanina na wag kang lalabas eh..."

"Sorry na Nurse Rj... Di na po mauulit."

"Maiwan ko na kayo Rj... Bantayan mo maigi yang alaga mo... Hahaha wag kang padadala sa charming niyan."

Nagpout ako... "Charming ka diyan Doc! Naku! Ikaw nga yung pacharming diyan eh"

"Hahaha Bye Miracle."

Naiwan kami ni Kuya Rj...

"Sino ba kase yung pinuntahan mo sa kabila?"

"Si Zach kuya.. I mean Nurse Rj."

"Kuya Rj na lang..." nilatag naman niya sa harap ko yung breakfast ko.

Gulay... Durog na gulay... Basta color green siya.

"Gusto mo ba subuan kita?"

"Hindi na kuya... Hmmmm... Sarap." sabi ko kahit wala naman talaga akong malasahan...

"Sinong Zach pala yung pinuntahan mo?"

"Kaibigan ko po... Yung bantay diyan sa kabila kuya."

"Ahh... Okay..."

Tuloy lang ako sa pagkain. Habang si Kuya Rj naman inaayos yung gamot ko (syringe).

Nang matapos niyang isaksak sa hose na nakakabit sa akin tapos na din akong kumain.

"Kuya... Inaantok ako... "

"Pahinga ka na... Mamaya gisingin kita kapag andiyan yung kaibigan mo."

Tumango lang ako.

Unti-unting bumabagsak yung talukap ng mga mata ko.

ZzZzZzZ...

-----------------------------------
"Miracle... Gising... Mira."

Isang malumanay na boses ang gumising sa akin...

Teka?

Nasan ako?

"Sino ka? " imbis na magpakilala nakangiti lang siya at titig na titig sa akin.

"Tara..." pag-aaya niya...

Sumama naman ako kahit hindi ko siya kilala...

Mahaba ang buhok niya... Maganda ang mga mata niya... Green Eyes? Siguro foreigner siya. Pero marunong managalog?

Hawak niya yung kamay ko.

Teka?

Bakit hindi na maputla yung kutis ko? At may laman laman na ko? Paano nangyari yun?

Naramdaman niya ata ang pagtataka ko...

"Wag kang mag-alala... Akong bahala sayo anak."

Gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin niya yun...

"Sino ka po ba? At saan tayo pupunta? "

Huminto kami sa isang puno sa gitna ng malawak na palayan katabi ang isang balon...

Paano kami napunta dito?

Nakita ko ang repleksyon ko sa tubig...

Malagong buhok... Magandang pangangatawan... Kayumanging kulay ng balat. Magaling na ko?

"Napaka ganda diba? "

Napalingon ako...

"Zach?" nasan na yung lalaki kanina?

"Bakit di mo siya tanungin Miracle..."

"Huh? Anong itatanong ko? "

"Bakit di mo itanong sa kanya yung kalagayan mo... Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ikaw pa yung nabigyan ng malalang sakit. Bakit di na lang yung masasamang tao. Bakit di na lang iba."

"Alam mo Zach... Sa totoo lang natanong ko na minsan yan sa Diyos... And I realize na ano pang point ng pagtatanong ko?" nakatitig lang siya sa akin...

"I also think na I don't deserve this... I pity myself too... But in some point, I realize that, there are somethings that can't be explainable by our own thoughts. Only God can give explanation to my situation. I am hoping... I have faith in him... I decided to trust him. For what he has plan to me."

"Do you want to live long? "

"Yes... Prankly speaking I want to live.. For my family and friends."

"What if he don't want you to live long? "

"And that is His Plan to me."

"Ganun na lang yun?" napangiti ako.

"Yes..."

"Bakit ganun kadali sayo tanggapin yun? "

"I just learn to accept on what Gods Plan to me.."

-------------------------

"MIRACLE! WAKE UP!" I heard my sister crying...

Minulat ko ang mga mata ko...

"Ate... Bakit ka umiiyak?"

"Huhuhu! Tinakot mo ko Mira! Akala ko di ka na gigising!" nasa loob din pala ng kwarto sila Doc Seb at Doc Nathan, pati si Nurse Rj... Halata ang pag-aalala sa mga mukha nila... Ng mapalingon ako sa may pintuan... Nakita ko si Zach... Nakangiti siya sa akin...

Anong ibig sabihin ng panaginip na yun?


 

Lapis Creator

KABANATA III