undefined

Dr. Razzel Jane Salvador

Kasama ko ngayon sila Mr. And Mrs. Gracia... Parehas kami na nagdarasal sa kalagayan ni Miracle.

Matagal ko ng kilala si Miracle... Simula ng maging resident doctor ako at ma-assign sa pedia ward, ay naririnig ko na ang pangalan niya... MIRACLE ANDREAH GRACIA.

Napakagandang pangalan... Napakameaningful...
From her name na Miracle which biblical meaning is "Gift from God" and Andrea(h) which means "Courageous".

(OTOR: ngayon ko lang nasearch yung meaning ng pangalan ni Mira, and unexpected na tugma siya sa kwento na ginagawa ko #Lord? Sign po ba ito? Hahaha! Continue reading)

Every year na nagbibirthday siya, lagi siyang nagbibigay saya sa iba... At kahit di niya birthday napapasaya niya ang ibang tao rito sa hospital. Kahit na minsan eh pasaway at mahilig tumakas para lang pumuntang rooftop.
Mas gusto niya kasing tanawin ang siyudad... Kahit mausok at mukhang magulo eh masaya siyang makita ito.

Naalala ko minsan nakasama ko siya noon doon... Natanong ko din siya kung bakit lagi siyang may dalang camera at laging kinukuhaan ay mga ulap...
Hindi ko makakalimutan ang sagot niya sa akin...

"Kasi Doc Raz, yung mga ulap na yan, gusto kong makita at matandaan nila Mama... Diyan na kase ako titira, hindi ko lang alam kung kailan... Pero atleast alam nila Mama na maganda yung pupuntahan ko... " nakangiti siya ng sabihin iyon sa akin. Kinilabutan ako sa mga sinabi niya...

Kaya naman nang malaman ko ang nangyari kay Miracle, agad akong pumunta sa room niya... Nakita ko na nasa labas ang parents niya. Tulala ang Mama niya at balisa naman ang Papa niya... Wala kaming ibang magawa kundi ang magdasal.

I was shock ng may mapansin ako...

Isang lalaki... Nakatayo malapit sa pinto ng kwarto ni Miracle...

Hindi ko siya kilala, at alam kong hindi siya tulad namin...

Ang mas ikinagulat ko ang paglabas din ni Miracle mula sa kwarto niya at sumama sa lalaki... Sa kabilang kwarto.

Hindi ko alam kung totoo ba yung mga nakita ko.

"ZACHARY HERNANDEZ" tanging nasabi ko.... Nabasa ko sa pintuan ng kabilang kwarto... Ang pangalan ng pasyente.

"Zach? " sabi ni Mrs. Gracia. Nakita niya kaya ang mga nakita ko?

Hindi ako umimik... Baka guni guni ko lang ang mga nakita ko...

Nakatingin din si Mrs. Gracia sa katabing kwarto ng anak niya.

"Alam mo ba Doc Raz, ilang beses nabanggit ni Mira ang kaibigan niyang si Zach... Yung bantay daw sa kabilang kwarto." napatayo si Mrs. Gracia at pumunta sa kwarto kung saan pumasok si Mira at ang isang lalaki kanina.

Tulala ako... Anong nangyayari? Totoo ba lahat yun?


Humagulgol si Mrs. Gracia...

Naalala ko bigla ang kwento ni Doc Seb... Nabanggit niya sa akin nung ilang araw lang na nakakalipas, nang sunduin niya mula sa rooftop si Mira ay may nabanggit na bagong kaibigan si ito at "Zach" ang pangalan, kaibigan "daw" niya sa kabilang kwarto (yung araw na nagcollapse si Mira sa elevator). At naikwento naman sa akin ni Doc Nathan ang pasyente niya na involved sa isang car accident "ZACHARY HERNANDEZ" isa sa survivor pero in coma dahil sa malakas na impact ng aksidente.

Tumayo din ako para makita ang taong sinasabi ni Mrs. Gracia.. At hindi nga ako nagkamali... Siya yung lalaking kasama ni Miracle...

Wala akong masabi.... Halo halo ang nararamdaman ko...

Takot....

Kaba...

At pagtataka...

Nabalik lang ako ng nasisigaw si Mrs. Gracia...

"Doc?! Tulungan niyo siya! Diyos ko po! "

Nangingisay si Zach... Agad akong pumasok at pinindot ang intercom.

"Need assistance in Room *12" agad naman may mga dumating na nurse na tumulong sa akin kasama na din si Doc Nathan na galing sa kabilang kwarto.

Tiningnan ko ang paligid ng kwarto... Wala sila Miracle at Zach.

Parehas pang buhay ang mga katawan nila pero bakit ganun? Bakit nakita ko sila kanina?

Dr. Sebastian Lim

Stable na ang lagay ni Miracle pero wala pa rin siyang malay... Si Doc Nathan naman nagpunta sa kabila dahil nagseizure ang pasyente niya... Lumabas ako para kausapin ang mga magulang ni Miracle.

"Doc... Kamusta po?"

"Ma'am stable na po ang lagay ng anak niyo... Kailangan na po siyang isa ilalim sa chemotherapy." pagkatapos kong sabihin yun ay nagpasalamat at nagpaalam ang parents ni Miracle, pumasok na sila sa room ng anak nila...

Mostly kasi ng cases ni Miracle---Leukemia, ay na titreat kapag nagprogress na mismo yung cancer, mas doon namin nalalaman kung anong treatment strategy ang para sa pasyente, at babase sa history health din...
Sa kaso ni Miracle, kakaiba kung sa unang findings namin acute chronic lymphocytic leukemia lang, at rare yun, ngayon naging ganap ng lymphocytic leukemia ito kung saan kumbenasyon na ng acute myeloid leukemia and lung cancer and can be treated sana for cell transplantation, pero dahil kulang kami ng kagamitan para sa ganoong klaseng treatment tanging chemotherapy ang maari naming gawing treatment kay Miracle.

Nasabi ko na rin ito sa mga magulang ni Miracle. Naisuggest ko din na ilipat na lang ng Hospital si Miracle para sa cell transplantation.

Pailing iling na lumabas mula sa kabilang kwarto si Dr. Nathan at tulala naman Dr. Raz na kasunod lang niya...

"Kamusta? "

"Tsk... Isa pang seizure pwedeng mawala na ang pasyente... Si Miracle? Kamusta? " mahirap talaga kapag ang pasyente nasa in coma biglang nagseizure maaring maBraidDead.

Imbis na sagutin siya ay lumapit ako kay Dr. Raz... Sumama naman ang tingin ni Dr. Nathan sa akin.

"Are you okay? "

"Y-yes... I-m o-okay... "

Pati tuloy si Dr. Nathan nag-alala kay Dr. Raz... Namumutla kasi ito.

"Okay na si Miracle... Stable na siya... Gusto mo bang puntahan siya? " hindi naman kasi siya pupunta dito kung di dahil kay Miracle. Napalapit na din kasi sa kanya ang batang yun. Pero? Bakit siya galing sa pasyente ni Dr. Nathan?

Nilingon ko ang kwarto ng pasyente ni Nathan.

Zachary Hernandez...

"Zach? "

Hmmmmmmm....

Baka naman nagkataon lang?

Biglang nahimatay si Dr. Raz. Inalalayan naman siya agad ni Dr. Nathan.

"Okay... Just take care of her... " taas pa dalawang kamay ko bilang pagsuko na hindi ko hahawakan si Dr. Raz... Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ko pinaglalamayan.

Si Dr. Nathan ang nagbuhat kay Dr. Raz papuntang elevator. Hindi na ko tumulong pa dahil baka mamaya masuntok na ko Dr. Nathan.

--------------------
A/N:

Ang susunod na kabanata ay sa pagitan na po nila Miracle at Zach.


 

Lapis Creator

KABANATA VII