"Doc... May improvement na po ba sa lagay ng anak namin? " tanong ni papa...
"Mr. Gracia, I'll go straight sa kondisyon ng anak niyo... Nasabi ko na rin toh kay Jean. She's not improving, in fact mas lalong lumalala ang kondisyon niya... Her cancer was level up to the last stage." naririnig kong umiiyak si Mama. Si Papa naman tahimik lang.
Napadilat na ako at hinawak ko ang kamay ni Mama. Nasa gilid ko lang pala siya.
"Ma... "
"Anak... Kamusta pakiramdam mo?"
"Okay naman Ma, mas malakas kesa kahapon" ngumiti ako bilang patunay na okay ako.
Si Papa naman napalingon sa gilid, halatang nagpipigil ng luha.
"Doc Seb? Ano pong balita?" kunwari hindi ko narinig ang sinabi niya kila Mama at Papa.
"Your health was improving Mira... Just always take your medecine on time and don't go to the rooftop again."
"Baby... We're so worried ng magcollapse ka sa rooftop kahapon." kahapon? Ibig sabihin ngayon lang ako nagising...
"Wag ka na ulit aakyat dun ng walang kasama ahh... "
"May kasama ako nun Ma... Si Zach." nagkatinginan si Mama at Papa. Pati si Doc tiningnan nila.
"Sino si Zach anak? " tanong ni papa.
"Yung bantay sa kabilang kwarto. Kaibigan ko Papa." Masaya kong sabi kila papa at mama.
"Ahmmm Mr. And Mrs. Gracia... I have to go to the other patient." paalam ni Doc Seb.
"Okay po Doc, Salamat."
"Baby... " hinaplos haplos ako ni Mama.
"Ma... Stop worrying, okay na ko... Nakita niyo po ba yung camera ko? "
"Eto nak... " inabot naman ni Mama sa akin... Si papa lumabas at may kausap sa phone.
"Picture tayo Ma... "
*click *click
"Yan ang ganda natin dito ohh hahaha"
Maya maya bumukas ang pinto.
"Hi Sis! Mas gaganda ka pa kapag suot mo toh."
Si ate Jean... May dala siyang box.
"Ano yan ate? Wieeeehh may maagang papasko ka sa akin? "
"Nuh ka ba di lang yan pamasko. Pabirthday na din yan hahaha"
"Hala! Isahan ang daya mo naman ate"
"Joke lang hahaha, sige bukasan mo na."
"Wow! Ate! Salamat salamat! Waaaaahhhh." isang wig... Wahahaha may buhok na ko.
Tinanggal ko yung sumbrero ko at inayos ko yung wig na bigay sa akin ni Ate... Tinulungan naman ako ni Mama na ayusin yun.
"Bagay sayo Sis hahaha ang ganda mo."
Ipinaharap naman ni ate sa akin ang isang salamin...
For the first time nakita ko ang sarili kong may buhok.
Naiiyak akong nagpasalamat kay ate. Niyakap ko din siya.
"Thank you ate.. I love you."
"Miracle... Malapit na birthday mo... Magdedebu ka na... Anong plano mo? Anong wish mo?"
"Hmmmmm... Tulad pa rin ng dati ate... Magbibigay pa rin tayo ng gifts sa mga batang patient dito." Tuwing nagsecelebrate ako ng birthday ko, lagi akong nagpeprepare ng panregalo sa mga batang pasyente tulad ko. Okay naman yun kila Mama at Papa. Masaya din sila na nakakatulong at nakakapagbigay saya sa ibang bata.
"Sigurado ka? Yun ulit?" tumango na lang ako.
November 15, 201* pala ngayon... Ilang araw na lang at birthday ko na... November 22, 199*...
"Nak, bukas babalik kami ng papa mo dito... Magpalakas ka." paalam ni Mama. Tapos na pala ang visiting hours.
"Ma, ako ng bahala dito kay Miracle... Mag-ingat kayo sa pag-uwi ni papa."
Halik at yakap bago tuluyang umalis sila Mama at Papa.
"Sis... Ano? Okay ka lang?"
"Yes ate. " nakangiti kong tugon.
"Bukas mo na lang ulit isuot yang wig mo... Hahaha matulog ka na."
"Maya maya ate... Maaga pa naman."
"Hmmmmm... Sige... Baba muna ako ahh... Duty muna si Ate. Kapag may kailangan ka, alam mo na... May intercom na malapit ha." turo niya sa maliit na pindutan na malapit sa kama ko.
"Yes po! " sumaludo pa ako.
"Sige na... Bye! " ginulo niya pa yung wig ko bago umalis.
*Knock *Knock
Hmmmmmm? May bisita pa ko? Eh tapos na ang visiting hours ahh...
"Bukas yan. Pasok! "
"Hi! "
"Zach! Kamusta? Anong ginagawa mo dito? "
"Binibisita ka."
Isinara naman niya ang pinto.
"Wow... Ganyan pala itsura mo kapag may buhok ka... You look beautiful. "
*Dug *Dug *Dug
"Thank you... Hehehe bigay toh ni ate."
"Wala ka palang bantay sa gabi.. Okay lang sayo? "
"Sanay na ko... Ikaw? Allowed pala na may bisita ng ganitong oras... " mag 10pm na pala.
"Ano... Ano kase... Oo allowed yun, diba kahit isang bantay lang sa gabi.... Lalo na kung bata yung pasyente... " Huh?
"Diba sa baba yung pedia... Bata ba yung pasyente dun sa kabila?" tukoy ko sa katabi kong kwarto.
"Ahh OO..." natahimik na siya...
"Zach... Mahilig ka ba sa Diary? Or nagsusulat ka ba ng Diary? "
"Hmmm... Hindi eh... Wala naman kasi akong isusulat. Tsaka ano bang isusulat doon?"
"Kapag may Diary ka kasi pwede mong isulat yung mga bagay na nangyari sayo, masaya man o malungkot pa."
"Bakit isusulat mo pa yung malungkot na nangyari sayo? Eh di maalala mo yun kapag nabasa mo."
"Parte kase yun ng memories mo eh... Kahit pa malungkot yung nangyari atleast naranasan mo. Kahit papano dagdag sa experience mo yun."
"Alam mo, malalim ka din minsan."
"Teka..." kinuha ko yung Diary ko.
"Magsusulat ka ngayon? "
"Yes...."
Dear Diary,
Ito ang pangalawang araw na nakasama ko si Zachary... Ayy! Di ko pala nasulat kahapon kung paano kami nagkakilala. Nagcollapse kasi ako kahapon at ngayong araw lang nagising.
Zachary Hernandez, 19 years old... College student... Bantay sa kabilang kwarto... At mabait siya.. Kasama ko siya ngayon. Ako ang binabantayan niya ngayon.
"Talagang isinama mo pa ko sa Diary mo ahh... Hahahaha! "
Nahinto ako sa pagsusulat... Binabasa niya pala yung sinusulat ko...
"Wag mo ngang basahin! nakakainis toh." kunyari galit ako sa kanya hahaha.
"Alam mo para maiba... Gawa ka ng Bucket list" Bakit list?
"Bakit list? " (Otor: Hayan na!!!)
"Oo... Bucket list... Yung mga bagay na gusto mong gawin bago ka mawala... Bago ka mamatay."
Titig na titig na naman siya sa akin...
"Hala! Grabi ka naman! Parang sinasabi mo naman na mamatay na ko."
"Hindi naman sa tinatanggalan kita ng pag-asa... At di ko rin intensyon na sabihin sayo ng direkta yun... Lahat naman kasi tayo, mamatay."
Napaisip ako sa sinabi ni Zach... Tama naman siya.
"Eh kung baguhin natin yun... Yung Bakit list na sinasabi mo gawin natin sa ibang paraan. "
"Huh? Paanong ibang paraan?? "
"The Bakit list.... Listahan. Hindi listahan ng mga bagay na gusto nating gawin.. Kundi listhan ng mga Rason kung bakit masaya mabuhay." binaliktad ko ang notebook ko... Sa huling pahina ako nag-sulat.
" The Bakit list... " sulat ko...
"Di naman ganyan ang spelling ng Bucketlist eh... Hahaha! "
Tinawanan pa ko nitong mokong na toh...
"Eh! Yan gusto ko.. Tutal Reasons naman ang ililista ko, kung gusto mo ikaw din gumawa ka ng iyo."
"Hayy bahala ka nga... "
*Knock *Knock
"Sis... 11pm na di ka pa rin natutulog... Tama na yang pagsusulat mo." nakasilip lang si Ate sa may pintuan ng pagsabihan ako... Agad naman siyang umalis pagtapos niya akong paalalahanan.
"Time to rest na... Kaya ikaw. Bumalik ka na dun sa kabila, baka hinahanap ka na nila. "
"Okay... Bye Mira... " lumabas na si Zach.
"The Bakit list...
1. Masaya mabuhay dahil sa pamilya. (May mga taong nagmamahal at nag-aalaga sayo. Si ate, si mama at si papa. I love them.
KABANATA II