Lumipas ang ilang minuto pagkatapos nyang ipakilala ang mundong ito at Ipaliwanag kung bakit kami nandoon ay binigyan nya kami ng mga emblem.

Isang badge na sisimbolo sa aming pagkakakilanlan bilang isang manlalaro.

" Ang emblem na yan ay napakahalaga para sa inyo habang nasa sa mundong ito dahil hindi lang yan basta mga simpleng badge na nagsisilbing pagkakakilalanin nyo bilang manlalaro kundi yan din ang magiging crest ng iyong familia."

Ang familia ay isang clan o samahan na binubuo ng mga tapat na tauhan sa kanilang sentro. Pagkatapos ng mga itong sumumpa ng katapatan sa pinuno ay misyon na ng mga myembro nito na pangalagaan at sundin ang utos ng kanilang sentro na tila isang ama sa kanilang angkan.

Ipinaliwanag nya saamin na sa mundong ito ay kinikilala ang mga tulad namin bilang mga kandidato bilang hari ng mundo kung saan nakasaad sa propesiya ang pag dating ng mga nilalang mula sa ibang mundo na maglalaban laban upang makamit ang katayuan bilang bagong hari ng mga hari sa mundong ito.

Tinukoy nya na ang mga nilalang sa mundong ito ay interesado sa kayang ibigay sa kanila ng sino man ang magtagumpay at marami sa kanila ang mag hahanap sa amin upang pumanig bilang kanilang magiging hari at tutulong para manalo sa larong ito.

Binanggit nya na ilan sa mga sinasabi nyang mga nilalang ay kilala namin bilang mga character sa larong Mobile legend ngunit hindi rin limitado lang doon ang pwede naming makuhang tagasunod. Tinukoy nya na Maaaring kumuha rin kami ng ang ibang mga tulisan, hunters, sundalo, mercenaries at iba pang mga nilalang sa mundong ito para maging tauhan.

" Naniniwala sila na ang pambihirang pangyayaring iyon ay nangyayari lang isang beses sa loob ng isang libong taon kaya naman hindi nila sasayangin ang pagkakataon na mapaglingkuran ang sino man sa inyo pero syempre sa realidad natin ay gawa gawa ko lang yung mga bagay na iyon ngunit sa mundong ito ay totoo at kayo ay mga espesyal sa paningin nila. " Sambit nya.

Muli syang humarap saamin at habang naka pamewang ay nag iwan sya ng babala sa aming lahat na hindi dahil mga espesyal kaming mga nilalang sa mundong ito ay may kakayahan na kaming utusan at makuha ang mga nilalang na iyon.

Binangit nya rin na walang alam ang mga nilalang dito tungkol sa laro at habang nasa mundo kami na ito at umiiral sila bilang mga nilalang na may utak, emosyon at hangarin kaya nakadepende parin sa diskarte nyo kung paano nyo sila mapapapayag na sumama saaming familia lalo pa may sari saring paniniwala at tradisyon ang mga nilalang.

" Oo nga pala, magagamit nyo rin ang mga cellphone nyo para sa ilang kapakinabangan lalo na sa paano tumatakbo ang mundong ito. Marami rin akong binago sa mga yan para magamit nyo dito sa mundong ito at wag kayong mag alala dahil hindi nalolowbat yan habang nandito kayo sa mundong ito. "

Isa isa naming kinuha ang sari sarili naming cellphone sa mga bulsa namin at sinuri ito, totoo nga maraming icon sa screen ang ngayon ko lang nakita sa phone ko isa na rito ang bag icon kung saan sinabi nya na pwede akong maglagay ng gamit doon kahit gaano kalaki o kabigat ito basta pag mamay ari ko.

Sa gitna ng aming pagkalikot sa aming mga hawak na phone ay bigla syang pumalakpak at tinawag ang aming atensyon upang simulan ang laro.

" Alam Kong marami pa kayong tanong pero kailangan ko ng simulan ang laro bago madilim kaya naman magsimula na akong mag paliwanag. ." Sambit nya habang pumitik ang kamay.

Sa isang pitik nya lang sa mga daliri nya ay naglitawan sa harap namin ang higanteng mga nilalang na halos limampung talampakan ang taas. Nakikilala ko ang mga itsura nila dahil madalas ko silang makita sa laro.

Balot ng itim na armor ang mga ito na tila mga kabalyero at may hawak na malaking palakol na may magkabilaang talim, Tinatawag itong Lord sa larong Mobile legend.

Lahat kami na nandoon ay nagulat at namangha sa aming nakikita dahil kung tutuusin ay higit pa sa inaasahan kong takot na pwede kong maramdaman sa mundong ito ang pinakita nya agad at sinamplelan nya kami ng ipakita nya ang mga nilalang na yun sa harap namin

" Bago tayo magsimula ay ipapakita ko sa inyo ang sampung halimaw na ito at alam kong kilala nyo na ito bilang Lord na nilalabanan sa laro ngunit ngayon personal nyo na silang makakaharap sa laban dahil may malaking papel silang gagampanan para sa unang laro natin."

Ipinaalam nya saamin na kung dati ay pinupuntahan namin ang pwesto nito sa laro upang patayin ay kabaliktaran ito sa mundong ito dahil sila ang hahanap saamin para pagpirapirasuhin at durugin.

Ipapakalat nya ang mga ito sa ibat ibang lugar at misyon nito na patayin ang mga maalamat na nilalang na nasasaad sa propesiya ng mundong ito. Lubhang delikado ito kaya pinaalalahanan nya kami na mag ingat at kung maaari ay iwasan ang maka harap ito ng wala ang tulong ng aming mga alagad.

" Sa kabilang banda ay hindi naman masamang bagay ang paghahabol nito sa inyo dahil ang mga yan ay syang magiging susi para manalo kayo sa unang laro."

Masigla at nakangiti nitong sinabi na ang sino man saamin ang tumalo sa isa sa mga lord ay magkakaroon ng pagkakataon na maka sama sa susunod na laro.

Mabilis kong nakuha ang mga sinabi nya dahil nga napaka simple nito ngunit ang inaalala ko ay paano naman matatalo ang higanteng nilalang na ito na punong puno ng bakal sa katawan? Hindi ko tantyado kung ilang talampakan ang taas nya pero halos kasing taas sya ng 4th floor na gusali.

" Hindi biro kalaban ang mga yan dahil kaya nyang sumira ng isang bayan sa loob lang ng ilang minuto kaya nga bibigyan ko kayo ng tatlong buwan para magawa nyong makapaghanda habang tinatakasan sila at siguro naman sapat na iyon para makapagsanay at maka hanap kayo ng alagad na papanig sa inyo bilang hari nila."

Pagkatapos nya mag bigay babala saamin ay muli syang pumalpakpak at sa pag galaw lang ng kanyang kamay ay naglabasan na sa gubat sa ibaba ang mga lumilipad na dragon na papunta sa aming dereksyon.

Ang mga dragon na iyon ay may taas na pitong talampakan at may haba na sampung metro.

Ang mga ito ay dumeretso sa aming kinaroroonan at isa isang dinadakma kami sa mga balikat namin at inililipad paalis ng lugar na parang dinadagit kami.

Habang unti unti kami ng nababwasan sa Lugar ay kumakaway lang si Lulu sa mga ito habang ipinapaalam na ang mga ito ang magdadala saamin sa ibat ibang destinasyon sa loob ng bansa at upang ilayo kami sa mga Lord na gagalaw at mag sisimulang mag hanap saamin pagsapit ng dalawamput apat na oras simula ngayon.

" Goodluck at lagi nyong tandaan na palagi akong nakasubaybay sa lahat ng kilos nyo kaya paghusayan nyo mabuti ang laro."

Nakangiti ito saamin habang paalis kami at sa tingin ko mukha itong masiyahin dahil sa pagiging Masigla ngunit naiisip ko rin bigla na malayo ng malayo ang itsura nya sa imahe ng mga Angel na alam ng mga tao.

Nakakapagduda dahil kung tutuusin magagawa ba ng isang banal na nilalang na ilagay kami rito para paglaruan at ngayon gusto kami ng ipapapatay sa mga higanteng yun.

Ewan, hindi ko alam kong totoo bang anghel ito ngunit ang kailangan ko munang isipin ngayon ay kung paano makakaligtas at manalo sa larong ito.

Marami pa akong hindi alam sa mundong ito at hindi ko man alam kong ano ang mangyayari saakin sa pananatili dito ay malinaw sa akin na wala akong ibang hinahangad ngayon kundi ang manalo.

Ilang oras ang lumipas ay patuloy akong nasa himpapawid at inililipad ng kakaibang dragon na ito at kahit na kausapin ko ito at tanungin ay hindi ito sinasagot ang tanong ko pero siguro ginawa ang nilalang na yun para dalhin lang kami kung saan at wala akong ibang mapapala sa kanila.

Habang naiinip sa ere ay muli kong kunuha ang cellphone ko at tinignan ang oras dito, nasa 3 pm na at halos limang oras na mula nung magsimula ang laro. Nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman panay kalam at tunog na ng sikmura ko.

" Nagugutom na ako, hanggang kailan kaya ako ililipad ng nilalang na ito." Reklamo ko.

Hindi ko alam kong narinig ba ako ng dragon na ito sa mga sinabi ko dahil bigla itong nag iba ng dereksyon at unti unting bumababa sa lupa. Nakakita ito ng isang burol sa gitna ng kagubatan kung saan nya ako binaba at muling lumipad paalis na parang wala lang.

" ay grabe, iiwan nya lang ako ng ganun? Hindi ka man lang ba magpapaalam saakin? Kahit goodluck man lang?" Pagbibiro ko.

Napainat ako at padyak sa lupa dahil sa wakas ay muling sumayad ang mga paa ko sa lupa, doon ko rin napansin na na wala na ang pumapalibot na itim na anino sa buong katawan ko na pinag iisipan ko parin kung para saan iyon.

Dahil doon ay hindi ko man lang na kita mga itsura ng mga kasamahan ko pero dapat nga ba kong mag alala sa bagay na iyon? Kasamahan? Pwede ko ba silang matawag na mga kasama gayung pare pareho kaming mga manlalaro na naghaharap harap para manalo?

Sa pag iinat ko ay muling kumalam ang sikmura ko at naka ramdam ng panghihina kaya naman naiisip kong kailangan kong mag hanap ng makakain sa lugar na iyon. Pinagmasdan ko ang kapaligiran ko at naalala na nasa gitna ako ng kagubatan kaya imposible na may restaurant dito na pwedeng kainan.

" Wala bang tindahan ng pagkain dito? Hm.. Pero kahit meron ay wala naman akong pera pambili."

Bigla kong iniisip ang sitwasyon ko dahil iniwan ako sa hindi pamilyar na lugar na walang kahit anong bagay na mapapakinabangan. Paano ako mabubuhay mag isa? Paano ako kakain sa araw araw? Mga katanungan na lalong nag papadown saakin.

" Teka may sinabi nga pala saakin tungkol sa cellphone ko" Bulong ko habang kinukuha ito.

Dahil sa mga dinadanas kong paghihirap ay muli kong sinuri ang cellphone ko na sinasabi ni Lulu na makakatulong saakin habang nasa mundong ito.

Pinili ko ang profile ko sa laro at agad kong sinuri ang mga nakalagay doon kung saan nalaman ko ang status ko.

Level : 10

Status :Mercenary

Title : none

Money : 1000

Achievement : 0

Medal : 0

Servant : 00

Wala akong ideya kung para saan ang ibang nakalagay doon ngunit agad kong napansin na may pera ako dito, yun nga lang ay paano ko naman ito magagamit kung nasa cellphone ko ito.

Nakita ko rin ang bag na icon at pinindot din ito para malaman kong may laman ito at nakita ang tatlong item na nasa loob. Isang icon ng kahoy na umaapoy, karpet at ang huling icon ay kutsilyo.

" Ano ba ito? Paano ko naman pakikinabangan ang mga ito kung nasa cellphone ko ito?"

Nadismaya agad ako sa nakita ko dahil wala na nga itong matutulong para sa problema ng kumakalam kong tyan ay hindi ko rin alam kong talagang may halaga ito dahil mga simpleng icon lang ito sa cellphone ko.

Ngunit nang iclick ko ang isa rito ay lumabas sa screen ang katanungan.

Gusto mo bang gamitin?

YES? OR NO?

Sa pag pindot ko ng Yes ay biglang may kung anong bagay ang unti unting lumilitaw mula sa wala. Para itong mga data sa computer na nagtitipon tipon hanggang sa mabuo bilang isang kutsilyo. Sa gulat ko ay napahakbang ako paatras at hinayaan na mahulog sa lupa ang kutsilyo.

" Wow! Totoo ba ito? Ang galing naman,, lumabas sya mula sa cellphone.."

Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa nakakabilib na nakita dito na parang katulad yun sa nakikita ko sa mga rpg game, dinampot ko ang kutsilyo at sinuri ito kung totoo ito pero mukha naman normal na kutsilyo lang ito.

Kung iisipin ko mabuti ay parang kagaya sa laro ay maaari akong maglabas at maglagay ng gamit ko sa bag sa cellphone ko. Malaking pakinabang nito dahil hindi ko na kailangan mag bitbit ng gamit pa.

" Pero paano ko nga ba pakikinabangan ang bagay na ito?"

Habang hawak ko ito at pinagmamasdan ay may bigla akong napansin sa isa sa mga puno sa gubat. Nakita ko gilid ng mga puno ang ilang mga kakaibang kuneho na magkakasama.

" Tama, pwede nga pala akong makakuha ng pagkain kung mangangaso ako. "

Hindi na ako nag sayang ng oras at agad na akong nanghabol ng mga kakaibang kuneho na yun, Medyo weird sila sa paningin dahil sa itsura ng mga kunehong ito pero hindi na yun mahalaga dahil may masarap na karne parin sila sa katawan.

Hindi pa ako nakakapangaso kahit kailan kaya nga hindiĀ  ko alam kung paano ba ang tamang gagawin para isa gawa ito pero gaano nga ba kahirap manghuli ng mga kuneho gayung mas matalino ako?

Lumipas pa ang ilang minuto ay ipinagpatuloy ko ang manghuli ng mga ito at wala akong ginawa kundi makipaghabulan sa mga ito ngunit kahit isa ay hindi ako makahuli dahil napaka bilis ng mga ito at kadalasan ay nagtatago sa ilalim ng lupa.

" Pati ba naman mga kuneho ay kakaiba rin sa mundong ito. Nagugutom na ako, paki usap naman magpahuli na kayo!" pagmamaktol ko.

Hindi ako tumigil at gigil na gigil na hinuhuli sila dahil na rin sa pride ko na kanina pa natatapakan dahil hindi ko matanggap na natatakasan at pinapahabol lang ako ng mga kuneho na para bang pinaglalaruan ako.

Sa patuloy na paghabol ko sa mga ito ay nakarating ako sa gitna ng gubat at hindi ko namalayan na unti unti ng nagiging masukal ang paligid ko at hindi ko na maalala kung saan ako dumaan kanina.

Hindi ko pwedeng sabihin na naliligaw ako dahil wala naman talagang dereksyon ang pupuntahan ko pero iba sa presensyang nararamdaman ko sa mga sandali na yun na biglang nanlamig ang katawan ko sa kaba habang pinakikiramdaman ang paligid.

Pakiramdam ko may kung sino o anong nakatingin mula sa malayo at may balak na masama saakin. Pinagpapawisan ako sa kaba kaya nag madali akong umalis sa lugar na iyon.

Ilang habang lang pagtalikod ko ay biglang may kaluskos akong narinig sa paligid ko na nagpatayo ng balihibo ko sa katawan. Gusto ko itong lingunin sa likod ko pero pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang makikita ko.

Lalo akong nangamba dahil sa tunog ng napuputol na sanga sa lupa na sanhi nang pagtapak ng nilalang na unti unting lumalapit saakin.

" Diyos ko naman, ingatan nyo po ako."

Sa pagharap ko sa likod ko ay bumulaga ang mga higanteng kuneho na agad akong sinunggapan. Para syang mga lobo at talagang pinaramdam nila ang kalakasan ng pangangatawan nila saakin ng lundagan ako nito.

Hindi na ako nakapaghanda sa ginawa nito kaya naman madali nila akong napahiga sa lupa.

"Ahhh!!! Tulong!!!" Sigaw ko.

Hindi ko na nagawa pang manlaban dahil naihulog ko ang kutsilyo ko sa takot at inuna na hawakan ang leeg nito para mai-iwas ang ulo nito saakin na ngayon ay pinipilit akong kagatin.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yun at natataranta pagkat alam ko na sa oras na bitawan ko ang leeg nya ay tuluyan ako nitong makakagat at patayin.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang mga maliliit na kuneho na hinuhuli ko kanina.

Mukhang ang kaninang nanghuhuli ng pagkain ang sya Ngayong kakainin ng hinuhuli nya. Napakamalas talaga.

Napagtanto ko na maaaring magulang ng mga maliliit na yun ang kasalukuyang umaatake ngayon saakin. May kutob akong napasok ko ang teretoryo nila at nagagalit ito sa ginawa kong pag habol sa mga anak nya.

Pero hindi naman ako na inform na napaka lalaki pala ng magulang ng mga kunehong ito. Napakalayo ng laki nila sa kanyang anak, hindi ito patas

"Tulungan nyo ako!! Arhhh!! Tulong!!!"

Wala akong ibang nagawa kundi sumigaw at humingi ng tulong kahit na batid ko na nasa gitna ako ng kagubatan. Malayo ito sa kabiyasnan at walang ibang tao ang makakarinig saakin upang mailigtas ako.

Alam ko yun pero gusto kong mabuhay, hindi ko gusto na mamatay agad at dito lang masawi sa gubat na ito.

" kailangan kong lumaban, kailangan kong mabuhay!" Bulong ko sa sarili ko.

Dala nang pagka desperado ko ay hindi ko na pinansin ang mga sugat ko sa braso dahil sa mga kalmot nito. Kahit na natatakot ay pinilit ko itong ibato para ilayo saakin at makagawa ako ng paraan.

" tumabi ka dyan!"

Sa pagtapon ko sa kanya ay nag madali akong umupo sa kinahihigaan ko at gumapang papunta sa kutsilyo ko. Masyadong maliksi ang halimaw na kunehong yun kaya nga agad syang lumusob pagkabalanse nya ng katawan nya pagkatapos kong itapon sya palayo saakin.

Sinungapan nya agad ako at hindi nya na ako binigyan ng pagkakataon pa makatayo pero mabuti na lang ay nagawa kong mahawakan ang kutsilyong nabitawan ko kanina at eksaktong na saksak ito pagkatapos nya akong lundagan.

" Yaahhh!!!"

Sapol ito sa dibdib at naramdaman ko na bumaon ang kutsilyo sa katawan nito. Sa takot ko sa nagawa ko ay na gawa ko pa itong mahawi para ilayo saakin at doon na humandusay sa lupa.

Hingal na Hingal ako at hanggang ngayon ay takot na takot parin kahit na nakikita kong hindi na ito gumagalaw, tulala akong nakatingin sa patay na katawan nito at halos mapaluhod dahil sa panghihina ng tuhod dahil sa nararamdaman kong pagkabigla.

Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ang manganib ang buhay at makasaksak ng buhay na nilalang para iligtas ang sarili .

Pinagmasdan ko ang mga kamay ko habang nababalutan ito ng dugo ng kuneho at iniisip na nagawa kong pumatay ng hayop, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero hindi ako naguguilty sa ginawa ko dahil pinagtangol ko lang ang sarili ko.

Ang mas kinagugulat ko ay ang pagiging agresibo ko noong mga huling minuto. Isa lang akong normal na bata na mahilig sa mga laro pero iba rin pala ang pakiramdam na nanganganib ka at desperado kang mabuhay.

Napapangiti ako dahil sa masayang pakiramdam ko na tila ba ang cool kong tao at yung adrenalin na binibigay ng kaba sa nangyaring iyon saakin ay talagang nakakabuhay ng dugo at iba sa pakiramdam.

" Hahaha, nagawa ko? Nagawa ko sya. Nagawa ko sya!"

Sambit ko habang nanginginig pa ang mga kamay ko.

Ngunit habang masaya ako sa nagawa kong pagtatanggol sa sarili ay hindi ko napansin na may mga nakapalibot na sa paligid ko. Narinig ko na lang ang mga yapak nila sa mga tuyong dahon sa lupa.

Halos mabitawan ko ang kutsilyo ko na hawak nang makita ang napakaraming halimaw na kuneho na nakapalibot saakin na ngayon ay galit na galit saakin.

" Bwisit, mukhang dito na ako mamamatay."

Wala talaga akong kakayahan na lumaban pero malaki talaga ang expectation ko sa pakikipagsapalaran sa mundong ito at gusto kong maranasan kahit minsan na maging mandirigma katulad sa mga laro na nilalaro ko pero mukhang hindi na yun mangyayari.

Inaasahan ko na mahaba haba pa ang pananatili ko sa mundong ito pero sa lagay na ito ay mukhang uuwi ako ng maaga sa boring na mundo na pinanggalingan ko.

"Bwisit talaga, sayang. " Bulong ko habang unti unting binabasa ang mga kamay ko at napayuko na lang sa pagkadismaya.

Tinanggap ko na mamamatay na ako sa lugar na iyon dahil walang kahit karapot na porsyento na mananalo ako kung lalaban pa ako sa mga ito.

Nakkadismaya at sa sobrang galit ko sa sarili ko dulot ng pagiging mahina ko ay napadabog ang mga kamao ko sa lupa.

" Bwisit!! Gusto ko pang mabuhay!! Pagsigaw ko.

Kasabay ng pagtingala ko sa langit para sumigaw ay syang paglundag ng higit sampung mga kuneho para atakehin ako.

Sa gitna ng delikadong sitwasyon kong yun ay nagawa ko pang masilip ang gubat at mabaling ang paningin sa malayo kung saan may isang nilalang ang naka amba sa harap ko, ilang metro lang mula saakin.

"Dumapa ka!" Sigaw nito saakin.

Hindi ako sigurado kung sino ang nilalang na ito dahil hindi ko na nagawa pang mapagmasdan ito ng matagal pero dahil na rin sa pag ka desperado kong mailigtas ay sumunod na lang ako sa boses na nag uutos saakin na dumapa sa lupa .

Para akong duwag na bata na dumapa sa lupa at Kasabay ng pag baba ko ng ulo sa lupa ay syang pagbato nya sa isang higanteng bumirang na tumama sa mga kuneho at nag palipad sa mga ito.

Nagulat ako sa nangyaring iyon dahil wala akong naramdaman na kahit isang kumagat saakin habang nakadapa ako sa lupa.

Kahit hindi ko nakikita dahil sa pagpikit ko habang nakadapa ay naririnig ko naman ang mga pagbagsak ng mga kuneho habang umiiyak ang mga ito at pagkabale ng mga sanga sa paligid ko dahil sa paghampas ng mga ito sa lapag.

Ilang sandali pa ay kumalma ang paligid at wala na akong marinig na kaguluhan kaya naman napanatag ako sandali sa pagpapanik.

Habang nakadapa ay unti unti akong nilapitan ng nilalang na nagligtas saakin para kausapin.

" Ayos na, Maaari ka ng tumayo dahil ligtas ka na taong ligaw." Sambit nito.

Napakaganda ng bosses nya at sa tono ng pananalita nito na parang natutuwa ay malalaman mo na isa itong masiyahing babae.

Dahil sa sinabi nya ay napanatag ang dibdib ko na halos mawasak dahil sa kaba kanina, unti unti kong idinilat ang mga mata ko habang sinusubukan kong umupo sa kinadadapaan ko.

Sa pag tindig ko upang makita ito at mapasalamatan ang babaeng nagligtas sa buhay ko ay bigla akong napanganga sa harap nito. Wala akong ibang nasambit nung makilala ko sya kundi ang pagkamangha.

"Wow!"

Wow, yan na lang ang nasabi ko nang makita at masilayan ko ang nilalang na nagligtas saakin laban sa mga halimaw na kuneho, hindi ko nagawang mag pasalamat agad sa kanya dahil sa pagkamangha ko dito.

Hindi mo ako masisisi na matulala na lang ng makita ko sya dahil malinaw kong nakikita ang isang Character sa larong nilalaro ko.

Isa syang babaeng may mga tenga at buntot ng pusa, mayroon itong kulay pink na maiikling buhok at sobrang kinis ng kanyang nagbibilugan mukha .

Napakaganda nya lalo na nung lumapit pa sya at mahalikan ng liwanag ng araw na pumapasok sa masukal na gubat ang mukha nya habang lumalapit saakin..

Ngumiti ito saakin habang inilagay ang higanteng bumirang nya sa balikat nya at tinatanong ang kalagayan ko.

" Ayos ka lang ba?"

Hindi ko nasagot ang tanong nya saakin dahil sa patuloy na pagkabigla ko sa biglaan nyang pagsulpot, marahil hindi ko na naiisip pa ang kalagayan ko dahil mas interesado na akong masagot ang tanong ko kaya aagad ko na lang syang nasabihan na.

" Teka, Ikaw ba si Nana?" Sambit ko.

" Huh? Tama ako nga iyon, Ako ang leonis na si Nana, meow " Sagot nito habang nakangiti.

Hindi ako makapaniwala, iba pala ang pakiramdam na ang dating ginagamit ko lang sa mga laro ko sa cellphone ay makikita ko sa personal. Para akong na starstruck at hindi malaman ang gagawin sa harap nito.

Napaka cute nya na para lang cosplayer sa japan at ang astig nya rin lalo na sa ginawa nyang pagliligtas saakin kanina.

Sya ang pinaka unang character sa ML na nakita ko sa mundong ito at hindi ako nagkakamaling tanggapin ang kapalaran na laruin ang laro ni Lulu dahil ngayon palang ay nararanasan ko na ang bagay na hinahanap ko bilang tao.

Nararamdaman ko na ang excitement na kailangan ko sa buhay.

End of Chapter .

Alabngapoy Creator