"Encounter"

Gabriel PoV .

Ano nga bang magandang bagay pa ang inaasahan ko sa hinaharap sa isang mundo na napupuno ng kaguluhan, bulok na sistema at pare parehong problemang sumasalubong sa mga tao sa araw araw naming mga buhay. Napakaingay , napakagulo at sinabayan pa ng mga masasamang ka ugalian ng mga tao .

Minsan iniisip ko kung gaano ba talaga kaganda mabuhay sa mundong ito para tiisin natin? Dahil kung ibabase ko sa buhay ng ibang tao ay gigising sila sa umaga para pumasok , maiistress, uuwi at matutulog ganun kadalasan ang karaniwang gawain ng ilang tao sa buhay. Kung iisipin ginugol nila ang higit sampung taon nilang buhay sa pag aaral para guminhawa ang buhay pero sa huli ay nauwi sila sa boring na pamumuhay na paulit ulit nila ng tinitiis.

" hayss ... "

Mapapabuntong hininga ka na lang talaga pag naiisip mong nabubuhay ka sa ganitong klaseng mundo . Ang ibig kong sabihin ay napaka boring nito at walang kahulugan at kahit ayaw mo ay wala ka namang magagawa kundi magtiis at sumabay na lang sa agos ng buhay hanggang sa tumanda ka at malagutan ng hininga.

Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon ay mas gusto kong mabuhay sa mundo na punong puno ng exciting na bagay, yung tipong may pagpipilian ka kung sa paano tatakbo ang buhay mo na may halaga at maging espeyal na tao na tatatak sa kasaysayan.

Ako nga pala si Gabriel Muntingbato, 14 yrs old, simpleng Otaku at normal na estudyante sa normal na mundong ito na tinatawag na earth at dahil sa bakasyon at sa epidemya na kumakalat ngayon sa Pilipinas ay halos ilang buwan na akong tambay sa bahay namin at walang ginagawa sa buhay kundi maglaro ng mga games habang hinihintay ko matapos ang kalbaryo at bumalik sa ayos ang lahat.

Para bang tumigil ang takbo ng mundo sa isang iglap dahil sa kumakalat na sakit at talagang maraming naapektuhan nito magmula sa mga simpleng tao hanggang sa mga kilala at mayayaman. Wala itong pinili kahit na sino na para bang sinisimulan na ng diyos ang paghuhukom sa mundo.

Ewan pero ano nga ba ang pinagkaiba ng buhay ko dati sa kasalukuyan na nakakulong ako sa bahay habang naglilibang gamit ang paglalaro? Kahit sabihin na huminto ang buhay ko dahil sa hindi ko na magawang makapasok sa eskwelahan at makapunta sa dating pinupuntahan ko ay hindi naman yun malaking bagay para saakin.

Ang ibig kong sabihin ay kahit pa noon ay hindi ko na nakikita ang mundo bilang magandang lugar para saakin at hindi nagbago ang pananaw at pag tingin ko sa mundo kahit na huminto pa ito sa kasalukuyan.

Hindi sa masyado akong negatibo at komplikadong tao sadyang hindi lang ako kontento sa buhay ko ngayon sa mundong ito. Hindi ako katulad ng nakakaraming kabataan na kanyang enjoying ang buhay kabataan nila sa masiglang paraan. Sa totoo lang mas nag enjoy ako habang hawak ang gadget at naglalaro mag isa kesa gumala o hindi kaya ipagpag ang katawan ko sa pisikal na laro kagaya ng basketball o volleyball.

Ano nga ba ang hinahanap ko para makuntento ako sa boring na mundong ito? Ano nga ba ang gusto kong mangyari. Kaya ko bang makuha iyon gayong nasa isa akong normal na mundo?

--

Sa kasalukuyan, isang pangkaraniwang umaga habang nasa kwarto ako at naka higa hawak parin ang cellphone ko na halos hindi ko na mabitawan buong araw dahil sa pagkahumaling ko sa paglalaro ng mobile game na kung tawagin ay Mobile Legend.

Mula pa noon ay nahilig na ako sa mga online games at isa ang larong ito na kinabaliwan ko at masasabing kina-adikan ko talaga at halos maubos ang oras at panahon ko para lang mag pa rank kaya nga madalas ay pinagagalitan ako ng mga magulang ko lalo pa't naaapektuhan ang pag aaral ko.

Hindi naman ako tangang tao para hindi ibalanse ang mga priority ko at libangan, syempre nag aaral ako, hindi nga lang mabuti pero ang mahalaga ay pumapasa ako.

Napaka boring ng buhay ko sa loob at labas ng bahay lalo pa masyado ng istrikto ang pamilya ko. Ayaw nila akong pasamahin sa mga BI na barkada na umiinom at naninigarilyo o hindi kaya mga estudyante na walang ginawa kundi maglibang habang nag gagala.

Napaka hustle nun dahil sa environment na ginagalawan ko ay ganun ang mga tao kaya ano ang magagawa ko para maki bagay habang sinusunod ko ang magulang ko? Kaya nga simula nun ay nag laro na lang ako ng mga games bilang libangan para hindi ako gumala gala at tumambay kung saan saan.

Gayumpaman ay wala parin naman saysay ang ginawa ko para hindi ako pag initan ng magulong ko dahil pinapagalitan parin nila ako kahit saan ko ilugar ang sarili ko lalo na dahil sa pagka adik ko sa mga laro. Medyo napapagastos din kasi ako rito. Minsan nga napuna ng nanay ko ang pagkamagastos ko sa allowance ko na nauubos ko dahil sa binibili kong Skin.

Ayaw na ayaw nya na gumagastos ako ng malaking pera para lang sa laro at mas matatanggap nya raw kung nakipagdate na lang daw ako at sa jowa ko na lang daw gastusin ang pera ko para daw magkaroon ng kulay ang buhay ko.

Akala naman nya madaling gawin yun para sa tulad kong gusto ang payapang buhay, iniisip nya bang hahanap ako ng pabebeng taong manghihingi lang ng kung ano ano saakin para sa pansamantalang kasiyahan gayung nakukuha ko naman yun sa pagkakaroon ko ng masiyahing kaibigan sa eskwelahan at isa pa hindi ako interesadong makipaglandian dahil busy pa ako sa pag rarank. Pag nag ka jowa ka ay patutulugin ka lang ng maaga at mawawala ka nang oras sa paglalaro.

Mas gugustuhin ko pang gumastos sa skin dahil permanent itong akin kesa sa jowa na parang trial card lang na pag tapos na ang oras ay biglang mawawala. Isa pa sa mobile legend 50 pesos lang ay masaya ka nang tatlong araw pero sa jowa mo baka isang araw na date lang ang 500 pesos mo at kinabukasan ay magdedemand na naman sayo ng kung ano ano.

Hindi sa ayoko ng karelasyon at minsan naiisip ko rin na mapuno rin ng bulaklak ang paligid ko habang may kumikinang na bagay na lumulutang sa ere habang kasama ko ang someone ko kagaya ng paglalarawan ng mga tao na baliw sa pag ibig pero gaano nga ba kahalaga iyon para saakin? Masyado pa akong bata at kaya kong mabuhay at nabubuhay ako kahit wala ang kalandian na iyon ng mga katulad kong kabataan.

Tama, hindi sa negatibo at bitter ako para siraan ang ganda ng pag ibig at wala akong paki basta magpapakasaya muna ako sa paglalaro ng games dahil kuntento na ako sa ganitong kasiyahan dahil Ika nga nila ay Mobile legend is life kaya wala akong intensyon na sundin ang nanay ko sa suwesyon nya para saakin.

Pero bago pa mapunta sa kung ano anong bagay ang usapan ay mabuti pa ipakilala ko ang larong lubos kong kinaadikan. Ang larong nag bigay saakin ng tuwa at saya na syang nagbibigay libang sa boring na buhay ko at tagapagligtas ko tuwing lalamunin ako ng depesyon sa realidad ng mundo.

Ang Mobile legend Bang bang.

Isa itong sikat na laro kung saan kailangan nyong magkaisa para wasakin ang base ng kalaban nyo gamit ang pagsira sentrong tore nila, napaka simple ng laro kung tutuusin kaya mong laruin at matapos sa loob lang ng sampung minuto ngunit hindi mo ito magagawa nang ganun kadali kung hindi ka magiging madiskarte at maparaan.

Syempre katulad ng ibang laro ay ginagamitan ito ng isip at matinding paraan para manalo. Magmula sa pag iipon ng pera, pagbuo ng perpektong item at pagkikipag clash at dahil isa itong multiplayer game at ngangailangan ng pakikisama at chemistry sa iyong mga kasama.

Mayroon kang makakasamang apat pang manlalaro na kasama mong pababagsakin ang mga kalaban, hindi ba doon pa lang ay mukhang interesante na ang laro? Kailangan mong mag adjust at sumabay sa kanila para maging epektibong grupo at makabuo ng magandang team play.

Nakakahumaling ito sa totoo lang dahil na rin sa mga magandang features, graphics at kakaibang mga character nito na pwede mong magamit sa laban. Medyo mapapagastos ka nga lang kung gusto mong mas gumanda ang iyong character na ginagamit dahil maaari mong bilhan ito ng Skin.

Masarap maglaro nito lalo na kung nananalo ka nang sunod sunod at talagang maeenjoy mo ang oras mo nang paglilibang ngunit kabaliktaran naman kung sunod sunod naman ang pagkatalo mo lalo na kung ang dahilan nito ay ang mga bulok at kanser na kampi.

Isa kasi itong online games kaya magagawa mong makalaro ang ibat ibang tao sa ibat ibang parte ng bansa kahit na sa ibang parte pa ng mundo at hindi mo rin maiiwasan na makalaro ang mga bata na nagpapalipas din ng oras.

Biruin mo yun habang ikaw ay seryuso sa paglalaro na halos itaya mo na ang dangal mo at oras ng pagtae mo para lang sa kagustohang manalo para tumaas man lang ang winrate mo ay may posibilidad na ang mga makukuha mong kakampi ay isang pitong taong gulang na bata o hindi kaya gwardya na sumasalisi ng laro, vendor na tumitigil sa laro para pagbilhan ang costumer, isang babaeng streamer na busy sa pagpapacute lang bilang clumsy gamer kuno at ang masama isang toxic na natitrip lang. Hindi ba perpect team para mas tumaas ang dugo mo?

Pero normal lang naman ito para sa isang online game at kasama yun sa dapat tanggapin mo. Hindi naman lahat ganun ang sitwasyon dahil minsan may magandang kalaro kang makakasabay, yung tipong kahit hindi naman kayo nagkikita ay may chemistry agad kayo bilang team.

Marami rin naman na maayos maglaro at kailangan mo lang ay matyempuhan sila at subukan mo rin magdasal bago maglaro na magkaroon ng matinong kakampi lalo na kung solo player ka.

Ang mahalaga lang naman ay lagi kang kalmado at on game ang isip para makapaglaro ka ng maganda at masabing maenjoy mo ang laro dahil ganun naman talaga ang larong ito, minsan Victory at kadalasan Defeat, defeat, defeat. Bwisit diba?

Well, wag na natin gawin itong komplikado basta gawin mo na lang ang makakaya mo sa laro dahil isa parin itong libangan kaya dapat ang libangan at nakakalibang kaya naman para iwas stress sa mga kanser na kakampi ay nag hanap ako ng mga mahuhusay na kalaro at madalas ang iniimbitahan ko ay mga nakilala ko sa mismong laro na maganda at madaling pakisamahan, mas mataas kasi ang tyansang manalo sa laro kung may squad ka.

Sinimulan ko na ang pag hahanap ko ng kalaro at dating gawi ay makikipaglaro sa mga kaibigan ko online at uubusin ang buong araw sa pag mo-mobile legend. Habang nag hahanap ako sa lobby ng laro ay may biglang nag message sa aking player, hindi sya pamilyar saakin at hindi ko sya natatandaan na nakalaro ko na ito ngunit base sa pagkakamusta nya saakin ay mukhang ka kilala nya ako at lalo akong nagduda nung mahulaan nya ang pangalan ko sa totong buhay gayung iba ang ginagamit kong code name dito.

"LULU : Hi Gabriel, kamusta ang araw natin? Nababagot ka ba ngayon, gusto mo bang maglaro tayo?"

"Aba, may gusto pa yatang mag pabuhat saakin, hahaha well iba na magaling talaga." bulong ko sa sarili ko habang nagyayabang kahit na wala naman akong kausap.

Well, hindi sa masyado akong mayabang at bilib sa sarili pero dagdag confidence lang para ganahan ako.

Wala akong ideya kung sino si Lulu at sa totoo lang ang weird ng pangalan nya, tunog palang mukhang kanser na sa laro pero nasa mythic naman na rank nito katulad ko at walang masama kung makikipaglaro ako sa random na tao kaya naman tinanggap ko ang pakiki duo sa kanya.

"Sige nga tignan natin ang galing mo"

Naging maganda ang ilang oras na paglalaro namin at halos maipanalo namin ang Limang laro bilang magkaduo. Masyado nga lang syang hambog na nakikipagtrashtalkan sa mga kalaban at kinatutuwa nya ito pero aaminin ko na pag dating sa laro ay talagang mahusay sya at madiskarte.

" Patayin nyo naman ako mga mahihinang nilalang"

" Kamusta Tower nyo? Yung amin pwede pang gamitin next game."

" sa ML may batas, kapag ako ang lumakas, bawal lumabas."

Naging mapang asar ito na halos out of the line na ang mga sinasabi kaya nga na iintrega ako kung anong klaseng tao sya sa personal at ganun na lang sya kabully sa mga nakakalaban namin pero minsan nakakatawa rin at nakakalibang sya.

Lumipas pa ang ilang oras ay naging sunod sunod ang panalo namin at naramdaman nyang nagiging boring na ang mga kalaban kaya naman minessage nya ako na maglaro ng ibang laro.

LULU : Nasiyahan ako sa paglalaro natin at kagaya ng inaasahan ay magaling ka sa mobile legend.

LULU : Hindi ako nabigong makipaglaro sayo Gabriel pero masyado pang maaga para tumigil tayo sa paglilibang kaya bakit hindi natin subukan maglaro ng ibang laro?

Hindi ko makuha ang gusto nitong sabihin kaya naman tinanong ko ito kung anong klaseng laro ba ang tinutukoy nito na laruin namin.

" Laro? Anong laro naman ang gusto mong laruin?"

LULU : Isang laro na mas nakakalibang at punong puno ng exciting na bagay. Isang laro na sa mga fantasy movie mo lang nakikita.

Medyo werdo ang sinasabi nya at pawang kalokohan pero pinatulan ko ito dahil akala ko ay nakikipagbiruan lang ito.

" Aba, mukhang interesante yan ah hahaha, mas maganda ba yan sa laro na virtual reality tipong makikita mo harap harapan ang mga 2d characters. "

LULU : Higit pa doon, Kung interesado ka talagang malaman ito ay makipaglaro ka saakin at ikaw mismo ang tumuklas nito.

Hindi ko inaasahan na itutuloy nya ang mga werdong sinasabi nya na para bang sineseryoso ito hanggang sa ayain nya na ako sa mismong laro.

Lumabas sa screen ng cellphone ko ang kakaibang imbitasyon kung saan pinapapili ako ng Yes or No. Medyo nag alangan akong pindutin ito dahil iba ang porma at itsura nito sa normal na nakikita sa lobby ng laro.

Ngayon ko palang nakita ang feature na ito sa tagal ko nang naglalaro ng mobile legend pero ano nga bang mawawala kung piliin ko ang yes? Hindi naman ako mapapahamak dahil lang sa paglalaro ng mobile games at isa pa nahihiwagaan din ako sa Lulu na yun kaya naman tinanggap ko ito at pinindot ang Yes sa screen ko.

Kasabay ng pag pindot ko nito ay biglang nag Black out ang cellphone ko. Nagulat ako dahil hindi ko na mapindot ang screen para mag punta sa home ng cellphone ko habang nakabukas ito.

"Bwisit, anong nangyari sa cellphone ko? Lintik naman virus ata yung pinindot ko."

Nagpanic ako sa nangyari dahil mukhang nasira yata ang cellphone ko, wala akong nagawa kundi mapamura na lang dahil halos 15k ang halaga ng cellphone ko at patay ako sa tatay ko kapag nalaman nyang nasira ko ito dahil lang sa paglalaro.

Napatayo ako sa kinauupuan kong silya at nag paikot ikot para pakalmahin ang sarili habang nag iisip kong anong gagawin ko hanggang sa tignan ko ulit ang screen ng cellphone ko at makita ang isang Icon.

" Ano naman ito?"

Tinignan ko ito mabuti habang nag bi-blink ito sa screen at gumagawa ng werdong tunog. Sandali akong napakalma nito sa pagpapanik ko at ilang Sandali pa habang pinagmamasdan ko ito ay bigla itong naglabas ng mga werdong letra na parang nagloloko ang operating system ng cellphone ko.

Habang nangyayari ito ay bigla itong nagliwanag na halos maging flash light ang buong screen, palaki ng palaki ang sakop ng liwanag hanggang sa sumilaw na ito sa mata ko at hindi ko na naiwasang mapapikit at ilagay ang mga braso ko sa mata ko.

"ahhh, ang mata ko."

Ilang segundo lang ang lumipas pagkatapos ko mapapikit ay biglang may werdong pakiramdam akong naramdaman sa paligid ko. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko ang pagtama ng malamig na hangin sa balat ko at kakaibang tunog at eko ng hangin sa paligid ko. Hindi ko na rin maamoy ang mabangong amoy ng pabango sa kwarto ko at mas nakakapagtaka ay parang hindi ko maramdaman ang tinatapakan ko.

Sa pagkakataon na iyon ay unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nagulantang sa nasaksihan ko na halos wala akong nagawa kundi matulala at matakot dahil kasalukuyan akong nasa ere at lumulutan sa himpapawid.

"AAAAHHHHHHH!!!" Sigaw ko.

"Ah, teka, anong nangyayari? Nasa langit ako? Nasa langit ako!."

Sobrang takot ko ay napahiyaw na lang ako at pumapadyak habang lumulutang na para bang lumalangoy pataas dahil sa takot ko na bumagsak sa lupa at normal naman iyon kung makikita mo ang sarili mo sa taas na halos ilang libong talampakan mula sa lupa.

"Ahh, tulong!! Nasaan ba ako? Tulungan nyo ako!"

Napagod ako dahil sa pagka aligaga ko at pagpapanik hanggang sa napagtanto ko na hindi naman ako umuusad sa kinalalagyan ko sa ginawa kong pag papakapagod sa pag alpas. Literal ako nakalutang at naka hinto lang sa isang lugar pero kahit na hindi ako bumabagsak sa lupa ay naka ramdam parin ako ng takot dahil sa lula ko sa mataas na lugar.

" Lumulutang ako? Teka bakit ba ako napunta dito?"

Ilang saglit pa ay biglang may nagsalita at umeeko ang boses na yun sa buong paligid. Hindi ko ito makita kahit saan pa ako lumingon pero maayos ko naririnig ang mga sinasabi nya na para bang nasa tabi ko lang sya.

" Huminahon ka, Gabriel wag kang matakot dahil hindi ka naman mahuhulog mula sa kinalalagyan mo." Sambit nito.

"huh? Teka Sino yung nagsasalita? Nasaan ka?"

Mahiwaga ang mga nangyayari saakin ngayon at parang hindi makatotohanan pero mukhang hindi naman ako nananaginip dahil kung bangungot ito ay kanina pa sana ako nagising dahil sa pagkabog ng dibdib ko.

Makikita mo sa paligid ko ang kabundukan na napupuno ng mga puno sa kagubatan at hindi kalayuan ay ang malawak na karagatan na kumikinang dahil sa sinag ng araw. Gayumpaman ay hindi ko maappreciate ang ganda ng kapaligiran dahil mas nangingibabaw saakin ngayon ang takot na nararamdaman ko.

Kinausap ako ng mahiwagang boses at ipinakilala ang sarili bilang isang Angel ng diyos na si Lulu at kagaya ng sinasabi nito kanina ay gusto nya akong makalaro sa isang kakaibang laro na inihanda nya.

" Ako si Lulu, isang angel ng Diyos at nandito ako para mag hanap ng makikipaglaro saakin sa isang exciting at mahiwagang laro."

"Angel ng Diyos?"

Nagtaka ako sa nabanggit nya na isa syang Angel ng diyos at wala akong ideya kung isa ba itong frank o isang pagsubok para saakin, teka namatay na ba ako dahil sa sobrang pagpupuyat kaka ML katulad ng nasa balita sa TV at ngayon ay dumadaan na sa pag huhukom ng isang Angel?

" Marahil nagtataka ka kung bakit ka nandito at kung nasaan ka ngayon pero hayaan mong ipaliliwanag ko sayo kasama ng ibang manlalaro ." Sambit nito saakin.

Sa isang iglap lang ay nagbago ang paligid na kinalalagyan ko o mas magandang sabihin na lumitaw ako sa isang lugar kung saan sa mundo. Isa itong napakataas na bundok kung saan nakikita mo sa malayo ang buong kapatagan at kagubatan. Ewan ko kung nasaan bansa ako naroroon ang mahalaga ay naitapak ko na ang paa ko sa lupa.

Naglitawan din isa isa ang mga kakaibang bagay, mga itim na bagay na animo'y anino na hugis tao. Maririnig sa mga ito ang mga boses na ngayon ay nagpapanik at naguguluhan.

Medyo natakot ako sa pagsulpot nila ngunit napansin ko rin sa mga sandali na may bumabalot din na itim na bagay sa mga braso ko at malamang sa buong katawan ko at dun ko naisip na ang mga kakaibang anino na nakabalot ng itim na bagay na ito ay mga kagaya kong tao na katulad ko ay inilagay sa lugar na ito ng isang mahiwagang nilalang na nagpakilalang Angel ng diyos. Mahirap masabi kung lalaki o babae ang mga ito lalo pa't wala itong wangis at sabay sabay din silang nagsasalita habang natatakot.

Kung bibilangin ko ay higit tatlumpu silang na nasa lugar ngayon at malaki ang posibilidad na katulad ko ay naimbitahan din sila gamit ang larong mobile legend. Maya Maya pa ay muling nagsalita ang mahiwagang boses at kinamusta ang lahat upang pakalmahin kami.

Kasabay nang pagsasalita ng nilalang na ito ay ang unti unti nyang paglitaw mula sa wala sa gitna ng lahat ng nandoon. Nagulat talaga ang lahat noong makita ang itsura ng nilalang na ito dahil hindi sya pangkaraniwang tao. Para syang maniquin na may gray na kulay at walang saplot kundi ang asul at mahabang scarf sa leeg nito at kung may hindi normal sa kanya ay ang pagkakaroon nya ng mga bilog na cristal sa ibat ibang parte ng katawan na umiilaw na tila bumbilya.

" Magandang araw sa inyo mga magigiting na nilalang, para simulan ang ating paglalaro ay gusto kong kumalma muna kayo upang maunawaan nyo ng lubos ang ating patakaran at sistema."

Pinakalma nya kami lalo na ang iba na patuloy na nagugulantang sa nangyayari at nagsimulang magsalita tungkol sa kanyang pinagmulan. Ang Lugar na iyon ay walang iba kundi ang tahanan ng dakilang lumikha.

" Muli kong ipakikilala ang aking sarili. Ako si Lulu, isa sa mga espesyal na Angel ng diyos na nag hahanap ng isang nilalang na maaaring magtaglay ng karapatan na magamit ang banal na libro ng buhay."

"Isang bagay na kanyang mag bigay sa inyo ng kahit anong kahilingan na hanggarin nyo sa mundong ito maging impossible man ito sa mundong ginagalawan nyo."

Sambit ni Lulu habang lumilitaw ang isang gintong libro mula sa langit at bumababa papunta sa harap namin. Doon nya tinukoy ito at ipinaliwanag ang libro bilang espesyal at banal na kagamitan ng diyos kung saan nakatala ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng isang tao.

" Hindi na mahalaga ang ibang detalye tungkol saakin basta ang importante ay kung ano ang kaya gawin ng librong ito para sa taong magtataglay nito at malalaman nyo ito sa oras na ito kaya makinig kayong mabuti ." Sambit nito na tila nagbibiro.

" Kaya ng bagay na ito baguhin ang nakaraan ng isang tao, palitan ang kasalukuyan at itakda ang hinaharap ng sino man magtataglay nito at ang pinagpala na taong iyon ay isa sa inyo na narito ngayon."

Medyo nakakapagduda ang mga sinasabi nito at talagang nakakagulat, wala akong ideya kung bakit ang isang Angel ng diyos ay gagawa ng ganitong bagay para ibigay ang isang banal na bagay? Ewan pero ano bang magagawa ko sa bagay na yun dahil mukhang wala naman akong karapatan dito na tumanggi na sumali sa sinasabi nyang laro dahil desidido syang gawin ito.

" Hindi nyo alam kung gaano kayo kapalad kaya wag nyo akong bibiguin sa paglalaro na gagawin natin, umaasa talaga akong gagawin nyo ang lahat ng makakaya nyo. " Nakangiting sambit nito.

" Una sa lahat gusto kung malaman nyo na nasa isa kayong mahiwagang mundo na mula sa aking kapangyarihan at sa totoo lang ay hindi ito nag eexist sa galaxy na kinabibilangan nyo dahil nasa isa kayong kakaibang demensyon."

Ipinakilala nya ang mundo bilang Agata at ito ang magiging battlefield sa larong magaganap, ang mundo na ito ay hindi pangkaraniwang mundo dahil hinango ko ito sa larong Mobile legend ay napupuno ito ng mahihiwagang bagay at nilalang

Nabanggit nya ang larong Mobile legend dahil hinango nya ang mundong ito dito kung saan puno ng labanan at pakikipagsapalaran. Kasama na rito ang mga character at mga bagay na meron dito.

" Magkakaroon tayo ng tatlong klase ng laro habang nasa mundong ito kung saan kailangan nyong makapasa sa bawat pagsubok hanggang makarating tayo sa final showdown. "

"Makikita at makakasalamuha nyo rito ang mga character ng laro na dati ay sa screen ng cellphone nyo lang nakikita. Maaari nyo silang maging kasama, kaibigan at kaaway depende sa Inyong aksyon at diskarte."

Pinaliwanag nito magiging mapanganib ang laro para sa amin at maaaaring masaktan kami ngunit kahit ganun ay hindi kami dapat matakot dahil sa oras na may mangyari saamin masama at matalo sa mga pag subok ay isasauli nya kami sa dating mundo namin ng buo at walang galos na tila walang nangyari.

"Teka sinasabi mo ba na kahit mamatay kami rito ay babalik kami sa mundo namin ng buhay?" Tanong ng iba saamin.

"Oo, hiniram ko lang naman kayo sa personal na dahilan kaya ibabalik ko kayo ng buo at walang kulang maliban sa mga alaala nyo tungkol sa lugar at mga nangyari sa laro kaya magpakasaya na kayo habang nandito kayo dahil hindi nyo na ito mararanasan pang muli sa buhay nyo. " Masiglang tugon saamin ni Lulu.

" Tama, alam ko Medyo nakakatakot nga ang larong ito at nakakapagod pero isipin nyo minsan nyo lang ito mararanasan sa buhay nyo at isa pa ang pagkakataon na makatanggap ng biyaya ng banal na libro na tutupad sa mga kahilingan nyo ay isang pambihirang bagay na hindi nangyayari sa kahit na sino man."

" Matagal na akong gustong makakita ng karapatdapat sa librong ito at kayong mga manlalarong nandito ang napili ko dahil sa iisang espesyal na katangian na taglay nyo "

Humarap sya saamin ng puno ng pagkagigil at sabik habang sinasabi na.

" Dahil lahat kayo ay interesanteng nilalang at alam kong hindi kayo nababagay sa normal na mundong kinalalagyan nyo kaya naman dinala ko kayo rito sa mundo kung saan mararanasan nyo ang hinahanap nyong exciting na buhay!"

Humakbang ito habang nagsasalita hanggang sa makapunta ito malaking arko kung saan makikita ang kabuoan ng ibaba ng bundok. Dito ay itinaas nya ang mga braso nya masiglang ipinakikita saamin ang buong tanawin na tila pinagmamalaki ito. Sa gitna ng mala paraiso ganda ng tanawin mula sa kinatatayuan namin ay biglang naglabasan sa mga puno ang mga higanteng ibon na halos sampung pulgada ang taas at nagliparan sa kalangitan.

Kasabay ng pagdaan ng grupo ng mga kakaibang ibon na iyon sa itaas namin ay ang paghampas ng malakas na hangin saamin na medyo nagpakapit at nagpapikit saamin. Sa muli naming pagdilat ay bumungad ang pag tayo ng mga higanteng halimaw na kasalukuyan natutulog sa gubat.

Lahat kami ay lumapit sa dulo ng bangin para makita ang kabuan ng lugar at nagulat na lang kami dahil sa pagkamangha lalo na nung naglabasan na sa gubat ang ibat ibang nilalang na naninirahan doon. Para itong panaginipan na mahirap paniwalaan dahil harap harapan na naming nasisilayan ang mga nilalang na dati ay kathang isip lang at sa mga fantasy movie lang namin nakikita.

" Pagmasdan nyo ang kakaibang mundong ito kung saan kayo dapat naroroon at nababagay! "

" Welcome sa mundo ng mga maalamat na mandirigma! "

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang binabanggit nya ang mga bagay na iyon. May kaba akong nararamdaman noong umpisa lalo na hindi pangkaraniwan ang nangyayari saamin, natatakot, nagtataka at puno ng pagtatanong pero hindi ko na maipagkakaila ang nararamdaman ko ngayong pagkasabik sa dibdib dahil parang biglang may kung anong nagpapabuhay sa dugo ko lalo na nung ipakilala nya ang mundong ito.

Hindi ko batid kung dala lang ito ng pagiging Immatured ko at pag kahilig sa mga games o dahil alam ko sa sarili ko na ito na ang katuparan sa mga hinahangad kong takasan ang realidad ng mundo. Tama, ito na iyon sa wakas ay ibinigay na saakin ng Diyos ang bagay kung saan makuntento na ako sa buhay.

Isang mundo na puno ng exciting na bagay, mundo na malayong malayo sa boring na mundong kinalakihan ko at higit sa lahat ang mundo kung saan ako nababagay.

"Ang land of the dawn"

Alabngapoy Creator