Chapter 2 part 2
Gab's POV.
Kinabukasan pag gising ko ay naka upo na ako sa isang bakal na silya at doon ay nakagapos ng mahigpit ng mga kadena sa loob ng torture room.
Tinotoo nya ang mga sinabi nito tungkol sa paglalagay saakin sa torture room para pahirapan.
Nakabusal ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw para humingi ng tulong pero sa tingin ko kahit makasigaw ako ay walang makakarinig na iba saakin dahil nga nasa gitna kami ng kagubatan.
"Hmmm... Hmmm!! . Hmm!!!"
Habang pinipilit kong kumawala sa kadena na gumagapos saakin ay biglang pumasok sa loob si Nana na kasalukuyang may dalang balde na may lamang tubig.
" oh.. Pambihirang gising ka na pala, sayang kumuha pa naman ako ng tubig para gisingin ka." Sambit nito.
Humakbang sya palapit saakin at kagaya ng dati ay magiliw syang maki pag usap habang binabati ako nang nakangiti.bi abati nya ako na parang wala lang sa kanya ang mga ginawa nyang pagtali saakin.
Sa paglapit nya ay hinawakan nya agad ang ulo ko at hinimas habang pinapahinahon ako upang patigilin ako sa pagpupumiglas ko sa upuan na kinauupuan ko. Sino ba naman hindi magpapanik gayong pag gising mo eh nakagapos ka na ng mga kadena?
" Wag kang matakot, hindi naman tayo magtatagal sa gagawin natin. Alam mo ito ang unang pagkakataon ko na gagawin ito pero sisiguruhin kong hindi mo makakalimutan ang bawat sandali na kasama mo ako sa kwartong ito." Sambit nya habang hinihimas nya ang ulo ko pababa sa pisngi ko.
Hindi sa ayaw ko sa ideyang maka sama sya sa kwarto para masolo sya pero kung ang tinutukoy nya ay ang kwartong ito na napupuno ng matutulis na bagay at nakakasukang amoy ng kemikal ay hindi bale na lang.
Nagpatuloy akong pumalag at pilit inaalis ang mga kamay ko sa mga kadena pero napakahigpit nito na halos masugatan na ang katawan ko, hindi ko parin makuha ang gusto nyang mangyari at hindi ko naman sya kayang tanungin kung sa anong kadahilan at iginapos nya ako dahil na rin sa naka busal parin ang mga bibig ko.
Bakit nga ba nya ako dinala dito? Balak nya ba talaga akong I torture? Pero bakit? Wala naman akong kasalanan sa kanya para gawin nya ito saakin.
"Saan kaya tayo pwedeng magsimula? Ano kaya ang magandang gamitin sa mga ito?"
Naglakad sya paikot ng kwarto at namimili ng gamit na pwedeng gamitin sa gagawin nyang pagpapahirap sa akin. Gusto nyang unti untiin ang sakit na mararamdaman ko kaya mas gusto nyang gumamit ng bagay na hindi kikitil ng mabilis sa buhay ko.
" Mas OK kung unti untiin ko ang pagpapahirap sayo kaya gagamit tayo ng medyo simpleng kagamitan para hindi ka kaagad mamatay."
Habang sinasabi nya ito ay kinuha nya ang isang latigo at binabanat ito sa harap ko. Mukhang balak nya akong latayan hanggang sa mawalan ng hiningga.
Lalo akong nagpanik habang lumalapit sya saakin , gusto kong umalma o pigilan sya pero wala akong magawa kundi umungol na lang at asahan na kaawaan nya ang tulad ko.
"Hahaha, mukhang kinakabahan ka na? Alam kong first time mo rin itong mararanasan kasama ang isang babae medyo masakit sa umpisa pero mamanhid ka rin sa katagalan."
Nagliliwanag ng pula ang mga mata nya habang nakangiti sa harap ko na tila isang demonyo.
Hindi sya talaga nagbibiro dahil tinotoo nya na hampasin ako ng latigo sa binti ko. Halos mapatalon ako sa silya habang humihiyaw dahil sa sakit ng pagkakahampas nya.
" Hhmm!!!!! Hmm!! Hhmmmm!!!!!"
" Uunahin kong pamanhirin ang mga binti mo, Tapos ang hita mo hanggang umaabot sa tyan pataas hanggang ulo. Hindi ba mas masarap kapag inu-unti unti natin ang ginagawa natin para mas ganahan tayo."
Hindi ko alam kong ano ang pumapasok sa isip nya pero nababaliw na sya, para na syang sadistang sabik na makarinig ng sigaw ng pagdurusa ng iba habang pinapahirapan. Ano bang nangyari sa kanya at parang ibang nilalang na ang kaharap ko ngayon pero mas ang dapat siguro iniisip ko ay paano ako makakaalis sa ganitong sitwasyon.
"Pero sa tingin ko masyadong boring ang latigo para sa gagawin natin, paano kaya kung ito ang gamitin ko?"
Inilapag nya sa mesa ang latigo na pinanghampas nya saakin at kinuha ang isang maliit na bagay. Ang bagay na ito ay itsurang remote na may cristal sa gitna na nagsisilbing battery para sa enerhiya nito. Ipinaliwanag nya na ang bagay na ito ay nag lalabas ng maliit na boltahe ng kuryente na sapat lang para makaranas ng matinding sakit dulot ng kuryente ang taong gagamitan nito.
"hmm. Hmmmm.... Hmm!!!!" patuloy akong nagpupumiglas at ikinukumpas ang ulo para hilingin na itigil ang ginagawa nya.
" Oh... Teka, Teka, mukhang may sasabihin ka, Ok, hahayaan kita na magsalita pero dapat matuwa ako sa mga lalabas sa labi mo." Sambit nito.
Lumapit sya saakin at pansamantalang ibinaba ang telang nakabusal sa bibig ko upang makapagsalita ako. Halos hingal na hingal ako at mapaubo noong matanggal sa wakas ang tela sa bibig ko.
" Ano ba itong ginagawa mo? Paki usap itigil mo na ito."
"Hahaha, itigil? Pero nag-uumpisa pa lang tayo marami pa akong gamit na gustong subukan sayo."
Nakaramdam ako ng takot sa nilalang na kaharap ko dahil kahit napaka amo ng mga ngiti nya ngayon sa harap ko ay alam kong seryoso syang pahirapan at patayin ako ng unti unti sa kwartong ito.
" Hindi ko alam kung bakit mo ako gustong pahirapan pero ako na ang nagsasabi sayo na hindi mo ito dapat ginagawa sa katulad ko." Sambit ko rito.
"Alam mo hindi sa wala akong paki elam sa sinasabi mo pero hindi ba ganito rin naman ang ginagawa nyo sa katulad kong Leonin kapag may nahuhuli kayo?"
Nagtaka ako sa huling sinabi nito lalo na sa biglaang pagbabago ng tono ng pananalita nya na para bang galit saakin. Hindi ko makuha ang sinabi nya gayung wala akong kaalam alam sa gusto nyang tukuyin. Hindi ako sigurado pero mukhang may hindi pag kakaunawaan na nangyayari sa pagitan namin.
" Ano bang sinasabi mo? "
" Kahapon may nakita akong isang blood torn dragon habang may bitbit na itim na bagay na tila anino sa mga paa nito. Ang mga dragon na iyon ay Alaga ng mga blood demon at puro trahedya lang ang dulot nila sa enchanted forest kaya naman sinundan ko ito hanggang sa lumapag ito sa lupa.
Ipinaliwanag nya saakin na tanging mga blood demon lang ang sinusunod ng mga dragon na iyon at ikinagulat nya na magmula sa itim na anino ay lalabas ang isang normal na tao mula rito. Hindi nya inaasahan ito dahil sa amoy at presensya ko ay masasabi nyang wala akong negatibong enerhiya sa katawan ko na magsasabing kontrolado ako ng mga blood demon.
Ang mga blood demon ay isang lahi ng mga nilalang sa land of dawn na pinamumunuan ng reyna nila ng si Alice blood. Sa nakaraang digmaan ay maraming pinaslang ang mga blood demon para lang palakihin ang kanilang nasasakupan at pagharian ang lahat ng lahi sa buong land of dawn at kasamaan palad ay kasama ang enchanted forest sa lubos na naapektuhan sa nangyaring mga pagsalakay.
" Hindi ko alam ang kaugnayan mo sa mga blood demon pero kahit isa kang normal na tao ay hindi ako papayag na muling makapasok sa enchanted forest ang kampon ni Alice." Padabog nitong Sambit saakin.
Inakusahan nya ako na kampon ng mga blood demon kaya pala ganun na lang ang pagtrato nya saakin pero hindi ko naman kasalanan kung iyong dragon na yun ang nagbitbit saakin papunta rito. Malay ko ba sa nangyari alitan nila at wala rin naman akong pwedeng gawin sa dragon na yun pero kahit na malinis ang konsensya ko sa binibintang nito ay wala akong maisip na paraan para ipagtanggol ang sarili ko sa pagkakadala saakin ng dragon na iyon kundi sabihin sa kanya ang totoo.
" Sandali naman, Ano bang sinasabi mo? Hindi ko alam ang sinasabi mong blood demon. Wala akong kinalaman sa kanila kusa lang nila akong binitbit dito. "
Hindi nito inintindi ang mga sinabi ko at biglang isinaksak saaking kamay ang hawak nyang gadget para kuryentehin ako.
" Sa tingin mo paniniwalaan ko yan? "
Halos mangisay ang buong katawan ko sa ginawa nya at pakiramdam ko pinupunit ang laman ko sa braso habang dumadaloy ang boltahe na ito sa bawat parte ng katawan ko.
"Ahhhhhhh!!!"
Saglit nyang itinigil ang pagkuryente saakin at biglang ngumiti sa harap ko na parang maamong dalaga.
" Wag kang mag alala mahina lang ang kuryente nito kapag nasa unang level pero sa susunod na pagtarak ko sayo nito ay itotodo ko na ang boltaheng kaya nito."
Pinagbantaan nya ako na muling kuryentehin na syang luluto sa laman ko na parang inihaw pero sa pagkakataon na iyon ay may sinabi syang kondisyon upang itigil nya ang gagawin nya.
" Hindi ko nga alam sabi ang sinasabi mo pero sige, ano ba ang gusto mo saaking makuha? "
" Simple lang naman, Magsabi ka lang ng katotohanan tungkol sa mga itatanong ko."
Umupo sya sa armchair ng upuan na inuupuan ko habang nakaakbay saakin at binubulong ang mga pagbabanta na maaari nyang gawin saakin kapag nakaramdam sya ng panlilinlang mula saakin. Inamin nya saakin na hindi sya ang tipo na pumapatay ng normal na tao na walang kakayahan makipaglaban pero ibang usapan kung tauhan ito ni Alice na syang dahil an ng pagkaubos sa tribong kinabibilangan nya.
Masyado ng mapangahas ang mga blood demon at nag iingat lang sya para hindi maisahan ng mga ito at bilang pag protekta na rin sa katahimikan ng gubat na ginambala noong nakaraang digmaan kung saan umaagos ang mala ilog na dugo sa gubat na ito.
" Hindi ko alam ang tungkol sa mga dragon na iyon, nagkataon lang na dinala nya ako dito dahil sa mahiwagang nilalang na nagsali saakin sa isang laro at sa maniwala ka o hindi ay walang kinalaman si Alice na yun sa nilalang na nag dala saakin sa lugar na ito." Sambit ko.
" Oh... Sinasabi mo ba na may ibang nilalang maliban kay Alice na nag utos sayo na pumunta sa enchanted forest? "
" Ganun na nga at ibang iba ang pakay nito sa iniisip mong masamang plano laban sa enchanted forest. Wala syang kinalaman sa mga blood demon. "
Kahit na nasabi ko na walang kinalaman ang blood demon sa laro ni Lulu ay alam ko na hindi ito lubusan naniniwala.
Ipinagpatuloy nya ang pagtatanong saakin para mahuli ako at isa sa pinukol nya ay ang pag tawag ko sa pangalan nya nung makita ko sya sa gubat.
" Sabihin na natin na hindi ka tauhan ni Alice pero kahapon ay binanggit mo ang pangalan ko kahit na ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala. Masyadong kahinahinala yun maliban na lang kong isa ka sa mga tauhan ng kalaban ng darling ko."
Napatahimik ako bigla sa narinig ko sa kanya dahil napagtanto ko na ang weird nga na makilala ko sya bilang isa akong taong naninirahan malayo sa enchanted forest. Paano ko ba iyon lulusutan?
Teka, pwede ko bang sabihin na narinig ko lang kung saan ang pangalan nya o hindi kaya sabihin ko na lang ang totoo.
Pero duda ako kung maniniwala sya kung banggitin ko ang totoo na isa syang character sa laro na nilalaro ko, baka patayin nya ako bigla. Kailangan kong maka isip ng paraan para maging makatotohanan ang sasabihin ko.
" Hindi ko alam kung maniniwala ka pero sa pinanggalingan kong lugar ay isa ka sa mga maalamat na nilalang sa land of dawn"
"Maalamat? Hahaha, interesante yang sinasabi mo ah. " Pagtugon nito.
Marahil sumugal na lang ako pero kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo na matagal ko ng kilala sya base sa mga kwento sa lugar na pinanggalingan ko. Hindi ko na binanggit ang tungkol sa laro bagkus naisip ko na gumawa ng kwento kung saan may kasama sya sa maalamat na mandirigma na tanyag sa land of dawn.
"Hahaha sinasabi mo ba na nakilala mo ako dahil sa kwento kwento sa lugar nyo tungkol sa mga maalamat na mandirigma. Wow! Alam mo hindi ko inaasahan na makakagawa ka ng ganung kwento para mailigtas ang sarili mo sa kamatayan."
"Hahahaha, lagpas yun sa inaasahan kong kasinungalingan na sasabihin mo. Hahaha, napakainteresante mo talaga." Dagdag nito.
Inikot nya ang isang button sa hawak nyang gadget at itinodo sa max habang inaamba nya na muling itarak saakin ito.
"Hoy! Sandali naman, wag mong itutuloy yan."
" Mukha ba akong uto utong bata para kwentuhan mo ng ganyan?"
Tulad ng inaasahan ay hindi sya naniwala sa mga sinasabi ko dahil para sa kanya ay wala pa syang ginagawang dakilang bagay para makilala bilang alamat at hindi rin sya nakatulong noong nakaraang digmaan sa sino man kaya paano ang isang tulad nyang simpleng manlalakbay lang sa gubat ay matatawag na maalamat na mandirigma sa ibang lugar.
" Hindi ako mahilig makipaglokohan sa mga sinungaling pero bibigyan pa kita ng isang pagkakataon na magsabi ng totoo bago ko buksan ang tyan mo at kunin ang lamang loob mo." Pagbabanta nito.
Hindi ko malaman kung anong dapat sabihin sa kanya dahil hindi naman nya ako pinaniniwalaan. Kung gagawa naman ako ng kasinungalingan para mas kapanipaniwala sa pandinig nya ay ibigsabihin lang nun ay nagsinungaling ako sa una kong nasabi.
" Alam mo hindi ito tama, kahit noong umpisa palang ay alam kong kahit anong sabihin kong paliwanag ay hindi ka maniniwala o pwede natin sabihin na wala ka talagang balak paniwalaan ang anomang sasabihin ko sayo dahil para sayo ay isa akong kalaban."
" Hinihingi mo saakin ang katotohanan pero iba ang gusto mong marinig saakin, Tama? Ano ba ang gusto mong marinig upang makuntento ka? "
Nanahimik ito sandali sa mga nasabi ko at itinarak ang hawak nya sa sandalan ng upuan upang manahimik ako sa pagsasalita ko. Base sa pananahimik nya matapos ang agresibong kilos ay nag init ang ulo nito saakin.
" Tama ka, Marahil nga ganun nga pero naalala mo pa ba ang sinabi ko sayo kahapon? Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga nilalang na nagbabalat anyong maamo at inosente."
"Ngayon kong masasabi mo ang eksaktong katotohanan kung sino at ano ang ginagawa mo sa lugar na ito ay baka magbago pa ang sitwasyon natin ngayon."Dagdag nito.
Naging mapilit sya sa mga pagtatanong nya at sa tono ng pagsasalita nya ay seryoso na itong gustong malaman ang lahat mula saakin.
Kung sa bagay nararapat lang na sabihin ko sa kanya gayung isa sya sa mga character ng Mobile legend.
" Kung gusto mong malaman talaga ay handa ka dapat maniwala saakin" Sambit ko rito.
"Hindi ko maipapangako pero susubukan ko." Sagot nito habang nangiti saakin hawak ang pisngi ko.
Sinimulan kong magsalita tungkol sa pinagdaanan ko kasama na roon ang pag papakilala kay Lulu bilang makapangyarihang nilalang pero syempre kailangan kong baguhin ang ilang detalye upang mas kapanipaniwala ito at dugtungan ang mga sinabi ko noong una dahil nakaka siguro akong hindi nya ako paniwalaan kung babalukturin ko at maiiba ang mga nasabi ko na.
"Nagmula ako sa ibang mundo na malayong malayo sa mundong ito. Hindi lang sa kaugalian, paligid maging sa sistema ay ibang iba ang mundong pinanggalingan ko."
"Kagaya ng sinabi ko may isang makapangyarihang nilalang na pwersahang nagdala saamin dito para gampanan ang pagiging mandirigma at nakasaad yun sa isang propesiya sa mundong ito "
Nagpatuloy akong mag kwento dito kung saan sinabi ko na kasalukuyan akong humaharap sa unang pagsubok saamin at ang dragon na nagdala saamin ang naging tagahatid namin para ilayo kami sa isat isa.
" Kailangan naming makapagsanay at makakuha ng mga kasamang mandirigma upang magawa naming magapi ang mga higanteng kabalyero at pumasa sa pagsubok ni Lulu. "
" Hindi ko alam kung paano ka makukumbinsi sa sinasabi ko pero uulitin ko na wala akong kinalaman sa mga blood demon at sa mga kalaban mo. Kung hahayaan mo akong mabuhay ay aalis at lalayo ako dito sa lugar nyo at hindi na muli magpapakita sa enchanted forest kahit kailan. "Dagdag ko.
Sandaling nanahimik si Nana habang nakikinig sa mga sinasabi ko hindi ko alam kung ano ang iniisip nya sa mga oras na iyon pero bigla itong tumayo sa kinauupuan nya para lumapit sa gilid. Dito ay kinuha nya ang isang malaking palakol at binuhat.
" Hoy! Sandali naman, hindi mo kailangan maging marahas. Sinabi ko na kung pakakawalan mo ako ay aalis ako sa lugar na ito."
Hindi nya pinakinggan ang mga sinabi ko at imbes na pakawalan ako ay inambaan nya ako ng hawak nyang palakol. Kahit pa sumigaw ako ay wala itong paki elam sa paki usap ko sa kanya.
" Teka, Teka Teka!!! " Sigaw ko habang napapikit sa takot.
Hindi ito nag alinlangan na ihampas ang palakol na hawak papunta sa dereksyon ko pero iba sa kinatatakutan ko ay tumama ang talim nito sa kadenang nakatali sa upuan na syang nag pakalas sa pagkakagapos ko rito.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa nito na pagpapakawala saakin kaya hindi ko nagawang kumilos agad at umalis sa kinauupuan. Wala akong ideya sa kung ano ang tumatakbo sa isip nya pero mukhang sa ngayon ay ligtas na ako. Ibig sabihin ba nito ay malaya na ako?
"Huh?"
Binitiwan ni Nana ang palakol at nahulog sa lapag, hinila nito ang kadenang nakagapos sa mga kamay ko at sya mismo ang nangtanggal nito habang pinapatayo ako.
" Tumayo ka na dyan taong ligaw." Sambit ni Nana.
"Teka ibig sabihin naniniwala ka na saakin?" Tanong ko.
Ngumiti ito saakin habang nakapamewang na sinasabi na hindi ganun kadaling makuha ang tiwala ng mga katulad nya pero gayumpaman sinubukan nyang idaan na lang sa kutob ang lahat lalo pa wala syang nararamdaman masamang enerhiya sa akin na nagpapatunay na kontrolado ako ng Sino man.
May kinuha ito sa bulsa nya at inaabot saakin. Isang bagay na nagpakumbinsi sa kanya para paniwalaan ako.
" Ang cellphone ko,"
" Hindi ko alam kung ano yan pero nakakasiguro akong hindi yan nagmula sa mundong ito."
Pagkatapos nya iabot ang cellphone ko ay ibinigay nya rin ang crest ko na ayon sa kanya ay minsan nya ng nakita ang marka nito noon sa isang bato sa templo ng mga diyos. Ikinuwento nya saakin na kahit sa loob ng tribo nya ay usap usapan na ang tungkol sa propesiya na binanggit ko sa kanya.
" Hindi ko alam kung may kakatotohanan ang mga kwento ng matatanda sa tribo pero sigurado akong may koneksyon ang bagay na ito sa templo ng mga diyos."
"Hindi ko alam ang tungkol sa templo nyo dito pero sinabi ko na sayo na nandito kami para maganap ang nakasaad sa propesiya." Sagot ko rito.
Nagpaliwanag ito saakin tungkol sa alam nya sa propesiya para mas maliwanagan ang mga hinala nya. Ayon sa mga matatanda ay may mga nilalang na manggagaling pa sa ibang mundo na lalapag sa ibat ibang lupain sa land of dawn, magbibigay ito ng kasaganahan, kaligtasan at ang iba ay pagkawasak sa oras na magkatagpo ang kanilang mga landas. Magsisimula ang mga ito ng mga digmaan sa isat isa kasama ang mga maalamat na mandirigma ng land of dawn upang makamit ang kapangyarihan bilang bagong diyos.
" Tama, iyon nga ang paliwanag saamin at kasalukuyan kami ngayon na humaharap sa unang pagsubok ni Lulu at nagkataon na dinala ako dito para iwasan ang mga bakal higanteng kabalyero na tinatawag na Lord."
Binanggit ko sa kanya na hinahabol kami ng mga nilalang na mas malaki pa sa punong kinalalagyan ng bahay na ito at nababalot sa bakal ang mga katawan na gusto kaming tapusin. Hindi ko rin nilihim sa kanya ang tungkol sa pag hahanap ko ng mga kasama upang tulungan ako.
" Kagaya nga ng nasabi ko sayo na isa ka sa mga maalamat na mandirigma na nakasaad sa propesiya kaya nga gusto kong alokin ka na sumama saakin bilang myembro ng familia ko."
" ah.. Nabanggit nga rin yan sa propesiya na susumpa ng katapatan ang mga mandirigma ng land of dawn sa mga ito bilang pakikibahagi sa kanilang paglalakbay patungo sa tagumpay. "
Marami rin palang alam si Nana tungkol sa propesiya kaya hindi na mahirap itong paliwanagan kaya naman hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na iyon para alokin sya na sumama saakin lalo pa kailangan ko ang tulong nya habang nasa enchanted forest ako. Hindi ko rin naman alam kung hanggang kailan ako makakapagtago sa mga Lord na humahabol saakin.
Nanahimik lang ito habang nakapamewang sa harap ko, hindi ko alam kung ano ang iniisip nya pero upang makumbinsi pa lalo ito ay inalok ko ito ng kahit anong gusto nya kung sakaling sumama sya saakin. Sinabi ni Lulu na maaari kong magawa ang kahit ano sa oras na mag tagumpay ako at kaya kong ibigay dito ang kahit na anong hilingin nya. Kayamanan, katanyagan, kapangyarihan lahat ng iyon ay iniaalok ko sa kanya para lamang pumayag sya.
" Hahaha, Masyadong maganda sa pandinig ang mga sinasabi mo pero hindi ko alam kung kakagatin ko ang alok na yan dahil unang una wala akong ibang engrandeng kahilingan at pagkaganid sa kapangyarihan para isugal ko ang buhay ko para maki isa sayo."
Tumalikod sya at naunang lumabas ng kwarto na dali-dali ko namang sinundan para kumbinsihin pa sya.
" Teka pakingan mo naman ako, Kung sasama ka saakin ay pwedeng mapasayo ang buong enchanted forest. "
Gayumpaman kahit na inalok ko ang enchanted forest sa kanya ay hindi ito pumayag gayung para sa kanya ay isa yung sakit sa ulo lalo pa napakaraming lahi at nilalang na may teretoryo sa kagubatan na ito at dahil nga sa pag aangkin ng mga lupain dito ng mga tribo at lahi ay palaging may gulo sa gubat na ito kaya hindi nya nakikita na magandang bagay ang pagmamay ari sa buong kagubatan na ito.
" at isa pa pinagbawalan ako ni darling na pumasok sa ano mang gulo at digmaan kaya kapag na laman nya na sumama ako sa labanan nyo ay tiyak magagalit yun saakin."
Napansin ko agad na hindi madaling makumbinsi ito kahit na alam nya ng hindi ako kalaban at naipaliwang ko na ang lahat ng tungkol sa laro.
Ibang iba ito sa inaasahan ko dahil akala ko ay katulad ng ibang napapanuod ko ay madali nila ng nakukumbinsi ang Sino man sa oras na alukin nila ito ng malaking bagay.
Pero hindi ako pwedeng sumuko basta dahil kung hindi ko sya maisasama ay baka matagalan pa akong humanap ng ibang mandirigma at naisip ko rin na masyadong delikado sa gubat na ito para sa katulad kong tao kaya hindi ako pwedeng maglakbay mag isa.
" Teka darling? Kung ganun may asawa ka na sa panahon na ito, seryoso ka?"
Medyo nanghinayang ako sa narinig ko pero sa cute at ganda ni Nana lalo pa't ganap na syang dalaga ay hindi naman malayo na may magkagusto sa kanya pero hindi ko dapat iniisip ang mainggit sa sinong maswerteng nilalang na nakatuluyan nya dahil mas important saakin na magkaroon ng makakasama.
" Teka paano kaya kung samahan mo ako sa kanya para paki usapan sya? Malay mo naman baka pumayag sya."
Pero bigla akong napaisip dahil ayon sa info nya sa mobile legend ay isa lang naman ang naging love interest nya at iyon ang kapwa leonin na si harith.
" Impossible yun, nasa moniyan empire sya at halos limang araw bago tayo makarating doon, swerte na tayo kung makaabot ka ng buhay doon ." Sambit nya.
"Sandali lang? Ang tinutukoy mo bang darling kanina ay si Harrith na kapwa mo leonin?" Tanong ko rito.
Napahinto ito sa paglalakad at agad na nag taka kung paano ko ito nakikilala. Dahil mukhang nagdududa sya ulit saakin bilang isang kampon ng mga kalaban ng moniyan ay sinegundahan ko na lang ang nasabi ko kanina tungkol sa nalalaman namin sa mga maalamat na mandirigma.
" Sinabi ko na alam namin ang ibang impormasyon sa mga maalamat na mandirigma sa Land of dawn at isa lang si harrith sa mga kilala ko."
" Hmm.. Nakakapagduda pero sinasabi ko na sayo kung may balak kang masama sa darling ko ay ako ang unang makakalaban mo." Pagbabanta nito habang tinititigan ako gamit ang matatalim na mga mata nito na tila ba kakainin ako ng buhay.
Nag iba ang pag kilos nito at mood habang pinag uusapan namin ang tungkol kay harith. Ayon sa kwento si Harith ay isa sa mga myembro ng Knight of order ng moniyan empire, sa bata nitong edad ay naging lieutenant sya at opisyal ng army dahil sa talino at kakaibang abilidad kaya naman maraming matang nakatutok sa kanya at gusto syang pabagsakin.
Muling nagkatagpo ang landas nila ni Nana dahil sa pag sama ni Nana kay Miya at dahil nga sa parehong Leonin ay naging panatag ang loob nila sa isat isa. Alam ko na may love interest sya kay harith kahit na iniiwasan sya nito at nillayuan dahil ayaw nito na madamay si Nana at gawing panlaban sa kanya para mapabagsak lang ang wizard of seal na isa sa nangangalaga sa libo librong mamamayan ng moniyan empire pero hindi ko alam na dahil sa lumipas na panahon ay nakatuluyan sila.
" Pero hindi ba matagal ka na nya iniiwasan at nilalayuan kaya paano mo sya naging darling? Buti naman pinansin nya na ang nararamdaman mo sa kanya. " Sambit ko rito.
Biglang may sumalubong na tadyak sa tyan ko na nag payuko saakin at halos magpamalipit saakin sa sobrang sakit.
"Aray ko, bakit mo yun ginawa."
" Mag ingat ka sa mga sinasabi mo, minamahal ako ni Darling at maikakasal din kami sa darating na panahon."
Sa reaksyon nya ay para syang yandere na patay na patay at overprotective sa love interest nya, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa lumipas na taon pero mukhang katulad parin noon ay hindi parin sya pinapansin ni harith sa nararamdaman nya. Gayumpaman ay hindi naman mag kaiba ang nararamdaman nila sa isat isa sadyang komplikado lang talaga ang trabaho ni harith.
Nakakaramdam ako ng awa sakanya dahil hindi nya alam kung kailan sya liligaya sa pag mamahal nya sa isang opisyal ng moniyan. Pero kung iisipin ko mabuti pwede kong gamitin ang komplikado nilang sitwasyon para mapapayag sya na pumanig saakin.
" Teka paano kung isama ko rin si Harrith sa familia ko, alam mo buong land of dawn ang nag hahanap sa katulad namin at sigurado interesado rin ang moniyan empire sa pwede namin maibigay sa bansa nila." Sambit ko.
Napaisip ito ng sandali sa mga nasambit ko at nagtaas ng kilay habang kinokonsedera ito at sa tingin ko ay unti unti ko nang nakukuha ang isang ito at upang lalo pa syang makumbinsi ay binanggit ko dito na kung makikipag kasundo sya sa akin ay mabibigyan sya ng pagkakataon na magkaroon ng dahilan para magkita ulit at maka sama si harith kung sakaling pumayag sya.
" Hindi ka makapunta sa moniyan empire ng walang sapat na rason hindi ba? Ito na ang pagkakataon mo na maka sama ulit sya at malay mo habang nasa paglalakbay tayo ay mas mahalin ka nya."
Habang sinasabi ko ito ay sya namang kawag ng mga buntot nito at pag galaw ng mga tenga nito habang hawak ang mga pisngi at nagpapantasya. Sa reaksyon nito ay mukhang kilig na kilig ito sa kung ano man ang iniisip nito.
" Makasama ko sa paglalakbay si darling?" Bulong nito sa sarili habang iniisip ang mga pagpapantasya nya na mag kasama sila ni harith sa paglalakbay. Kasama na rito ang mga sweet moments na ilang taon nya nang gustong mangyari sa pagitan nila ni harith.
"May pagkakataon ka ng mas ipakita pa ang pag mamahal mo sa kanya at baka sya pa ang magpumilit na wag ka nang lumayo sa piling nya."
Lumapit ako sa kanya para bulungan ito at lalong ginatungan ang mga positibong bagay na pwedeng maiambag nito sa love life nya. Hindi naman kasinungalingan ito dahil totoo naman na kung sakali na mag tagumpay ako ay magkakaroon na ng kapayapaan sa land of dawn at hindi na kailangan na matakot si harith sa kaligtasan nila dalawa at pwede na silang maging maligaya at gumawa ng pamilya.
Lalong namula ang pisngi nito at pinag lalaruan ang bangs nito habang nahihiya dahil sa kilig.
" Sariling pamilya namin ni harith."
Kahit na hindi nya sabihin ay alam ko na nagpapantasya sya tungkol sa masayang pamilya kasama ni harith na Matagal na nyang gusto, medyo nakakapanghinayang na may natitipuhan na ang cute at charming na babaeng ito na halos baliw na baliw sa nararamdaman nya kahit pa nasa Long distance relationship sila.
" Ano? Papayag ka na ba? " Sambit ko.
Nararamdaman ko na malapit ko na syang mapapayag at hindi ako naguguilty na gamitin ang pagkabaliw nya sa pag ibig para makuha ang nais ko dahil makikinabang din naman sya. Kailangan kong maging mautak at madiskarte sa mundong ito lalo na ganun din ang ginagawa ng ibang manlalaro na kagaya ko.
Pero ang hindi namin alam ay habang nag uusap kami ay may kung sino na pala ang umaakyat sa bahay na hindi naman nalalaman.
" Yaaahhhh!!"
Hindi na ito kumatok at basta na lang tindyakan ang pinto para pumasok. Nagulat na lang kami sa pagbulaga ng babaeng ito sa pinto sa gitna ng pag uusap namin. May mahabang asul na buhok ito at sa tingin ko kasi ng edad ko lang ito base sa kanyang itsura at taas.
Puno ito ng sugat sa katawan at puro putik ang damit na para bang gumulong ito sa lupa. Mahahalata agad sa kanya ang galit habang itinuturo si Nana.
" Bwisit ka talaga, hindi ka na makakatakas saakin Nana! ." Galit na Sambit nito.
Medyo weird dahil kakasabi lang saakin na walang ibang tao ng nakakarating sa bahagi na ito ng gubat pero heto ang isa sa harap ko na tila nag aamok.
Hindi ko ito kilala bilang mga maalamat na mandirigma pero sa tingin ko may ginawang malaking kalokohan si Nana sa kanya upang magalit ito sa kanya ng ganun. Makikita mo rin kay Nana na nagpapanik ito habang pinipilit na ngumiti at binabati ito.
" ohh.. Alice, he he he mabuti at buhay ka pa. Kamusta ang bakasyon?" Sambit ni Nana habang pinipilit ngumiti.
" Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" Sambit nito habang nag aalab ang mga mata sa galit.
End of Chapter.