Gabriel POV.

Sa pagpapatuloy, ilang oras lang ang lumipas pagkatapos kong mapunta sa mundong ito ay hindi ko inaasahan na haharap agad ako sa isang panganib na muntik ko ng ikamatay. Doon ko naranasan na hindi biro ang larong ito pero kahit na ganun ay naramdaman ko rin ang kakaibang excitement sa pagiging mandirigma.

Gayumpaman ay hindi mapagkakailang marami pa akong dapat matutunan at malaman upang mag survive sa larong ito lalo pa muntik na akong maging hapunan ng mga halimaw sa gubat, mabuti na nga lang ay may isang mahiwagang nilalang na tumulong saakin.

Ang nilalang na yun ay isa sa mga ginagamit ko sa paglalaro ng Mobile legend, ang support hero na si Nana.

Masyadong nakakabigla na makita sya pero kagaya ng sinabi ni Lulu ay hindi lang sya basta AI na naka program dahil sa mundong ito ay isa syang nilalang na may buhay at sailing pag iisip.

    " Mukhang hindi ka taga rito, Masyadong mapanganib ang gubat na ito para sa mga taong ligaw. Gusto mo bang sumama muna sa tiritirahan ko?" Tanong nito.

    Hindi ko alam ang mga sasabihin ko at wala rin akong ideya kung paano sya kakausapin at Ipaliwanag ang lahat ng dahilan kung bakit ako nandito sa gubat kaya naman pumayag na lang ako sa alok nito.

Kasalukuyan kaming umaalis sa lugar na iyon at binabagtas ang isang daan patungo sa sinasabi nyang kampo nya sa gubat.

Itinali nya ang mga kuneho at hinihila, balak nyang gawin itong hapunan mamayang gabi.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa kanyang tirahan ay hindi ko maiwasang magtanong sa kanya kung sa gubat na ito sya nakatira. Masyadong simple ang tanong ko kaya naman pinagtawanan nya lang ako sa sinabi ko.

  "Ano bang klaseng Tanong yan? Isa akong leonin at lahat ng uri namin ay nakatira sa enchanted forest. Hahaha."Sagot nito.

  Medyo werdo ngang itanong iyon pero ano nga bang pwede kong sabihin sa kanya maliban dun, hindi ko alam bakit naiilang akong maki pag usap sa kanya.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang buntot na tila kumakaway habang naglalakad sya. Hindi ko alam pero nahihiwagaan ako sa pagiging taong pusa nya, naaatempt akong hawakan ang buntot nya pero nag aalinlangan akong gawin yun dahil baka magalit sya.

Sa gitna ng paglalakad namin ay sya naman ang nagtanong saakin upang kilalain ako.

    " Pwede bang malaman kung anong pangalan mo at anong ginagawa mo dito sa bahaging ito ng enchanted forest?"

  "huh? Ako? Ako si Gabriel at alam mo hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo kung paano ako napunta dito kasi tiyak hindi ka maniniwala." Sambit ko rito.

  " Ohh... Depende yan kung gaano ka impossible ang sasabihin mo pero para saakin ay mas ok na ang may alam ka kesa sa wala. Hindi ba?"

  Hindi nya inintindi ang mga sinabi ko basta gusto lang nito na magsalita ako ng tungkol saakin at dahil tiwala naman ako sa kanya dahil iniligtas nya ako sa kapahamakan at wala naman akong nakikita ng mali sa gagawin ko kaya sinubukan kong maging tapat sa kanya.  

  " Masyadong komplikado pero sabihin na lang natin na hindi ako taga rito at nagmula ako sa malayo ng Lugar."  

" Oh.. Alam ko na ang tungkol doon, Isa kang tao at halos ilang milya ang layo ng lugar na ito mula sa bayan ng mga tao kaya malamang hindi ka taga rito. Hahaha at iyon mismo ang nakakapagtaka dahil hindi ka nababagay sa gubat na ito at alam yun ng lahat ng kagaya mong tao. . " Sabat nya saakin.

  Ikinikwento nya saakin na maraming kakaibang nilalang sa enchanted forest at bawat uri at lahi ng mga nilalang dito ay may mga teritoryo dito na kadalasan ay hindi tumatanggap ng ibang lahi lalo na ang kagaya kong tao.

Binanggit nya saakin habang itinuturo ang daan papunta sa batis na halos 1 kilometro lang mula saaming kinalalagyan ay teritoryo ng mga Night crawlers na kumakain ng mga laman at paborito nila ang laman ng mga tao dahil sa malinis ito at mitikoloso.

  " Maswerte ka pa rin dahil hindi ka dinala ng mga kunehong yun sa daan na iyon kundi ngayon binabalatan ka na ng mga nilalang doon."

  Medyo napalunok ako dahil sa kaba sa nasabi nya pero hindi ko rin naman masasabing maswerte ako dahil napahamak rin naman ako ng sundan ko ang mga kuneho na iyon. Ang tanging maganda lang naman na nangyari saakin ay ang makita ko sya doon.

  " Talagang natakot ako kanina dahil unang beses kong mapunta sa ganung sitwasyon pero maswerte parin ako dahil sa pag sunod ko sa mga kunehong yun ay nag kita tayo." Sambit ko ng pabiro sa kanya

  " Hahaha, sa tingin mo maswerte ka?" Pabiro nitong Sambit.

  Nag iba bigla ang tono nito na tila ba nagbabanta saakin pagkat sumama ako sa kanyang lugar na hindi man lang nag aalinlangan. Tinukoy nito na bilang isang taong walang kaalam alam sa enchanted forest ay hindi dapat ako magtiwala sa mga nakakasalamuha dito.

Ang tulad kong tao ay madaling mahuli at malinlang ng mga salita kaya nga paborito kaming linlangin ng mga masasamang diwata ng gubat sa simpleng pagpapakita lang ng magandang anyo bilang cute na babae.  

" Hindi kayo immune sa mga gayuma at pagpapasailalim sa mga sumpa kaya madali para sa kanila na makontrol ang mga iniisip nyo at sumama sa tirahan nila upang sa ganun ay maging hapunan nila."  

" Alam mo the best parin ang karne ng tao. " dagdag nito.  

  "Huh? Haha-haha mukhang dapat kong iwasan ang mga sinasabi mong itim na diwata." Sambit ko.

    Medyo napatahimik ako sa narinig ko dahil kung iisipin ay base sa ikinuwento nya ay maaari kong mailarawan ang nagaganap ngayon. Tama, hindi ko sya kilala ng lubos at may sarili syang pag iisip kaya paano ko nga ba masisigurong hindi sya katulad ng mga binanggit nyang mga itim na diwata?

Kung iisipin nga naman na nahumaling ako sa kagandahan nya kanina at mabilis na nagtiwala hanggang sa mapa oo na sumama sa kanya sa tirahan nya nang hindi nag aalinlangan.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na parang sa sinabi nyang yun ay binibigyan nya ako ng ideya na nahuhulog ako sa isang bitag kagaya ng mga taong napasama dahil sa mga pang aakit ng diwata pero ano nga bang dapat kong gawin sa mga sandaling ito?

Hindi isang Itim na diwata si Nana at ayon sa impormasyon nya sa mobile legend ay masiyahin sya at mapagkaibigan kaya imposibleng kumain sya ng taong tulad ko. Tama, yan ang dapat paniwalaan ko.

Hindi ako tumugon sa mga sinabi nya at patuloy na naglalakad sa likod nya upang sundan ito. Aaminin ko na nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko pero hindi kayang tumigil ang mga paa ko sa pag lalakad.

Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko dahil pumapasok saaking isip ngayon ang mga posibilidad na manganib ako kung hindi ako magiging matalino dahil sa pag bibigay nya ng mga babala na maaaring napapahamak na ako sa ginagawa kong pag sunod nito sa kuta nya pero hindi ko magawang umalis.

  " Oh.. Tignan mo, ayun na ang labasan ng gubat at pag punta natin doon ay makikita na natin ang kota na tinitirahan ko. Excited na akong magamit ang mga natutunan ko sa pagluluto ng espesyal na karne." Sambit nito.

    Hindi ko alam kong bakit parang may mali sa bawat pagsasalita nya pero sa tingin ko lalo nya akong binibigyan ng ideya para matakot sa kanya at ngayon pa na malapit na kami sa kanyang tirahan.

" Teka wala ka naman sigurong sakit o mga problema sa kasulusugan, hindi ba?" Biglaang taong nya saakin.  

"Huh? W-wa-wala naman?" Tugon ko dito.  

  " Mabuti naman, Hindi na ako makapaghintay na gumabi at makakain ng karne. " Sambit nito habang masayang masaya hinihila ang mga hatak hatak na patay na kuneho.

  Hindi ako sigurado sa kung ano ang tumatakbo sa isip nya at hindi mo rin kasi sya paghihinalaan ng masama dahil sa masiyahing tono ng pananalita nya ay masasabi mong mabait sya at isa pa bakit nya ako ililigtas kanina sa kamatayan kung balak nya lang akong kainin?

Sa totoo lang kulang ang nalalaman ko tungkol kay Nana sa larong Mobile legend at talaga bang nakabase parin ang pag uugali nya at paniniwala sa sinasabi ng laro tungkol sa kanya? Hindi kaya dahil may sarili na syang pag iisip at paniniwala ay iba na rin ang pag paniniwala nya at kaugalian.

Dahil sa maraming pumapasok sa sip ko ay hindi ko maiwasang mangamba lalo pa't napagtanto ko na walang nakasaad sa kanyang info na mabait sya sa tao at kailan man hindi ko rin nabasa sa kwento nya sa laro na hindi sya kumakain ng laman ng tao.

Napatingin ako sa paligid ko at pinakikiramdaman ito dahil kung sakali mang may hindi inaasahan na mangyari sa pag punta namin sa kuta nito ay makakatakas ako.

Ilang hakbang na lang ay makakalabas na kami sa masukal na gubat at hindi parin ako makapagdesisyon sa ano ang gagawin ko ngunit may dapat ba talaga akong gawin? Kung huminto ako ngayon sa paglalakad ko at tumakbo ay makakatakas ba ako sa kanya?

Kung makatakas man ako at maka alis sa lugar na ito ay wala rin naman akong mapupuntahan dahil hindi ko alam kung saan magtatago at hindi ko rin alam kung may ligtas nga bang lugar para saakin sa gubat na ito.

Sa paglabas namin ng masukal na gubat ay nakita ko ang malaking puno sa gitna ng maliit na kapatagan, makikita sa itaas ng malaking puno na iyon ang bahay na gawa sa kahoy.

  " Ito ang tirahan ko sa gubat na ito, nagustuhan mo ba?"

  " Wow, ang galing naman."  

Agad nya akong pinaakyat sa hagdan nito habang dinadala nya ang mga nahuli nyang kuneho sa kusina.

Napahanga ako hindi lang sa itsura nito kundi kung paano ito ginawa dahil para itong kuta para sa isang tribo kaya nga natanong ko rito kung sino ang kasakasama nya sa napakalaking bahay na iyon.

  " teka ilan kayo nakatira dito?"

  " Ilan? Sa ngayon ako lang ang nakatira dito."

  Nagtaka ako sa nalaman ko mula sa kanya at hindi ako makapaniwala dahil paano nya nagawang maitayo ang napakalaking bahay na iyon kung mag isa lang sya. Nabanggit ko sa kanya ang mga nasa isip ko kasama na kung nasaan ang tribo na kinabibilangan nyang leonin.

" Hahaha paano mo naman naisip na ako ang gumawa nito? Hiniram ko lang ito sa may ari habang hindi pa ako nakaka hanap ng bagong mapupuntahan."

  " Tungkol naman sa Lahi ng Leonin na kinabibilangan ko ay marami sila at kalat sa enchanted forest pero kung ang tribo namin ang tinutukoy mo kung saan ako isinilang ay wala na sila sa mundong ito, namatay sila sa nakaraang digmaan. "

  " oh. Sorry " Sagot ko rito. Kahit na nagkamali ako ng pagtatanong ay hindi ko sya nakikitaan ng pagkalungkot at magiliw parin ang pakikipag usap, nalaman ko rin mula sa kanya na halos sampung taon na lumipas noong mangyari ang trahedya kaya hindi na sya masyado ng apektado.

Bago sya tuluyang pumunta sa ibaba para ihanda ang mga nahuling mga kuneho bilang hapunan namin ay pinapunta nya ako sa sala para magpahinga.

    " Doon ka muna sa sala para makapagpahinga ka at gamutin ang sugat mo sa katawan, ako na ang bahala sa hapunan natin." Sambit nito.

  Medyo mahapdi na nga ang mga sugat ko dahil sa kalmot ng kunehong umatake saakin kaya nakinig na lang ako at pumasok sa isang kwarto na nagsisilbing sala. Sa loob nito ay puno ng mga botelya na may halaman at ugat na mukhang ginagamit sa pang gagamot o ano pa man.

Hindi ko maunawaan ang mga nakasulat dito dahil nakasulat ito sa lengwahe nila kaya nga wala rin kwenta para saakin ang mga yun. Humanap na lang ako ng tela na magagamit ko pangtakip sa sugat bago ko ito hugasan ng tubig.

Sa pag hahanap ko ng tubig ay hindi ko naiwasang suyurin ang buong bahay habang nasa ibaba naman si Nana para kumuha pa ng sangkap sa iniluluto nya, alam ko na masama ang gagawin ko na libutin ito at pasukin ang mga kwarto ng walang pahintulot ng may ari pero kailangan kong maka hanap ng tubig.

Sa paglilibot ko ay inuna kong pasukin ang kwarto katabi lang ng sala at nakita ang isang kahoy na higaan na may carpet at mga unan. Malamang ay ito ang kwarto ni Nana sa bahay na ito pero medyo nakapagtataka lang dahil wala itong mga gamit kundi mga bunggo at balat ng hayop na naging palamuti sa dingding nito.

Dahil walang masyadong interesanteng bagay sa kwarto ay lumabas na ako at pumunta sa ibang pinto at pagpasok ko sa kabilang kwarto ay nakita ko ang ibat ibang mga sandata katulad ng mga palakol, kalasag at iba pa.

Hindi ko alam kong dapat ko itong ipangamba dahil may nakita rin akong mga gamit sa pang to-torture pero kung iisipin ko mabuti base sa nalalaman ko ay hindi naman gumagamit ng ganun si Nana dahil isa syang Mage na gumagamit ng mahika.

Siguro naman hindi nya iyon gagamitin saakin kung sakali man pero lalo akong nagdududa talaga sa katauhan nya sa mundong ito dahil bakit naman mag mamay-ari ng ganitong bagay ang mage sa bahay nya lalo na ang kagaya nyang masiyahin at mapagkaibigan?

Hindi na ako nag tagal sa kwarto ng iyon dahil masama na rin ang pakiramdam ko sa kwartong iyon at nagpatuloy na lang humanap ng tubig para linisin ang sugat ko tutal hindi naman masasagot ang mga tanong ko kung manghuhula lang ako.

Ang dapat kong gawin ay alamin mula sa kanya ang mga bagay na yun, isa sya sa mga maalamat na mandirigma na tinutukoy ni Lulu na kailangan kong makumbinsi at hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon na makuha ang katapatan nya bilang isa sa myembro ng Familia.

Tama, dapat ko nga syang makausap tungkol doon pero bago yun dapat ko muna malaman kung kapareho parin sya ng ugali katulad sa Mobile legend. Kahit cute at charming sya ay hindi naman ako pwedeng magpakain sa kanya ng ganun na lang.



Lumipas ang ilang oras habang kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan sa hapag kainan ng bahay. Kapansinpansin na kahit walang kuryente sa lugar na iyon at mga gamit na dekuryente ay maliwanag ang bahay na yun dahil na rin sa nagkalat na magic stone na nagbibigay ng liwanag sa paligid.

Inilapag nya ang mga putahe ng ulam na niluto nya gamit ang mga nahuling mga kuneho. Bibilib ka talaga dahil nagawa nyang makagawa ng Ibat ibang klase ng ulam at sa amoy nito ay mukha ng masasarap.  

" Kumain na tayo, masarap ang karne ng kajin kapag mainit mo ito kakainin." Sambit nya.  

Katulad kanina ay magiliw nya itong sinasabi saakin at sa nakikita ko ay bukal naman sa loob nyang ginagawa ito kaya wala akong dapat ipag alala na lasunin ako nito.

  " Sige na at kumuha ka na, ubusin mo yan para tumaba ka naman kahit papaano."

  Pagkatapos nya akong alukin ay sumandok na ako dahil kanina ko pa gustong kumain talaga, nang hihina na tuhod ko dahil sa gutom sinasabayan pa ng kirot ng mga sugat ko.

  " Ito pa! Wag kang mahiya at tikman mo lahat. "

  " Magpakabusog ka, ituring mo ito na parang huling hapunan mo. " Dagdag nito.

  Napatigil ako sa pagsubo ko sa kinakain ko nang marinig ko sa kanya iyon dahil kahit magiliw at nakangiti nya yung sinabi ay parang hindi yun naging maganda sa pandinig ko.

Nakangiti lang sya saakin at hindi na sinundan pa ang mga sinabi, hindi ko tuloy maiwasang paghinalaan ang pagmamagandang loob nya para pakainin ako.

"huh?"

  "P-pa-paki ulit nga ang sinabi mo" Pautal utal kong Sambit.

  " Ang alin? Ang wag mahiya at tikman lahat ng inihanda ko?"

  " Hindi, yung ituring ko ito bilang Huling hapunan. Medyo lang kasi weird pakinggan para saakin lalo na hindi ako pamilyar sa lugar na kung nasaan tayo, kasama ang hindi pamilyar na nilalang."

Hindi ko na naiwasan pa na masabi ang nasa isip ko dahil patuloy syang nagbibigay ng kahinahinalang kilos para katakutan ko ang sitwasyon ko na para bang may balak syang masama laban saakin.

Ganun pa man ay nag patuloy lang itong kumakain habang tinitignan ako na para bang walang paki sa sinabi ko kaya naman dineretso ko na ito sa hinala ko.

"Alam mo masaya akong tinutulungan mo ako at hindi sa pinag hihinalaan kita ng masama pero may gusto lang akong malaman sayo." Sambit ko dito.

  " Hm... Sige magsalita ka" Tugon nito habang sumusubo ng pagkain.

"May balak ka bang masama saakin?" Sambit ko rito.

  Ilang segundo rin itong hindi tumugon habang ngumunguya at kung titignan ko sya ay napakakalmado nya lang na nakatingin saakin na para bang wala sa kanya na paghinalaan ko sya.

" Iniisip mo ba na may gagawin akong masama sayo? "

  " Hahaha, bakit mo naman naisip yun? Hahaha" Dagdag nito habang tumatawa.

Medyo napanatag ang loob ko ng bigla itong tumawa at itinanggi ang mga paghihinala ko at sinabi na hindi nya ako papatayin. Binanggit nya rin na hindi ko dapat sineseryoso ang mga sinasabi nya dahil nasanay lang syang maki pag usap sa ganung paraan.

  " Kung ganun, pasensya na kung na pag hinalaan kita. Hahaha Medyo praning lang siguro ako."

  "Tama, napapraning ka lang. Hahaha, Bakit naman kita ililigtas kung papatayin din kita? Hahaha."

Kung sa bagay nga may punto sya sa sinabi nya. Iniligtas nga nya ako kanina at dinala pa rito tapos pinakain nya pa ng masarap na pag kain. Wala akong nakikita ng dahilan at pakinabang kung gawin nya yun saakin.

Napatawa na lang din ako sa pagkakamali ko at nagpatuloy na kumain na lang hanggang sa.

  " Hahaha, napaka interesanteng mo talaga. Iniisip mo na dadalhin pa kita rito para lang patayin?

  Baka iniisip mo rin na nilagyan ko ng pangpatulog ang pag kain na ito para magawa ko ang ano mang binabalak ko laban sayo." Napatigil ako sa pagnguya ko at pagsubo ng pagkain sa narinig ko sa kanya.

  " Hahaha, Tapos sa sobra mong pagkapraning ay naisip mo rin na kapag nakatulog ka na eh dadalhin kita sa torture room katabi ng kwarto ko para gamitin sayo ang mga matatalas na bagay na naroon upang pakinggan kang nagmamakaawa para itigil ko ang paghiwa sa mga laman mo. Hahaha" Pabiro nitong Sambit.

  Napabitaw ako sa pag hawak ko ng kutsara habang naririnig ito, Kinilabutan ang buong katawan ko at nagtaasan ang mga balahibo ko sa mga narinig ko sa kanya kahit na tila pabiro nya itong sinasabi saakin.

Hindi ko maunawaan ang tumatakbo sa isip nya kung bakit nya ito ginagawa at sinasabi, Tinatakot nya lang ba ako para biruin o sadyang may laman ang kanyang sinasabi para katakutan ko sya.

Pero kahit na ganun ay naging positibo ako at upang hindi nya mahalata na natatakot ako sa mga sinasabi nya ay sinubukan ko iyon na sakyan at magbiro sa kanya.

  " Hahaha, Syempre hindi ko yun naisip, alam kong hindi mo yun gagawin saakin. HA-HA-HAHA " Pabiro kong Sambit habang pinipilit kung ngumiti sa harap nya at tumawa.

  Kasabay ng pagbibiro kong iyon ay bigla ako nakaramdam ng pagkahilo at antok. Hindi ko alam kung bakit pero umiikot ang paningin ko at habang nangyayari yun ay napatingin ako kay Nana.

Tumigil ito sa pagkain at nakapangalumbaba sa mesa habang nakangiti saakin.

  "Sayang at hindi mo yun naisip pero at least alam mo na ngayon ang mangyayari." Sambit nito.

  Hindi ko na malaban ang antok na nararamdaman ko kahit gaano ko pa ito pigilan dahil sa napaka lakas ng pampa tulog na inihalo nya sa pagkain ko.

Unti unting sumasara ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya at iniisip ang dahilan ng ginawa nito.

"Anong ginawa mo saakin?"

" Sweet dreams sayo" Sambit nito bago ako tuluyang makatulog."Sige nga tignan natin ang galing mo"

  Sumariwa lahat ng mga sandali na kasama ko sya at ni hindi ko nagawang syang katakutan dahil sa pagiging magiliw at maamo. Bumase ako sa nalalaman ko ayon sa larong Mobile legend dahil yun lang naman talaga ang pwede kong gawin sa ngayon.

Hindi ko lubos na maisip na magagawa nya talaga ito sa taong tulad ko. Nagkamali nga ba ako na pagkatiwalaan sya. Totoo nga ba na sa likod ng maamo at magiliw nyang katauhan ay may natatago syang bangis at kasamaan kagaya ng mga sinasabi nyang mga itim na diwata ng enchanted forest?

Sino ka nga ba sa mundong ito Nana?

 
Alabngapoy Creator